Ilang minuto lang ay naiwan sila ni Keven sa loob ng kwarto. Dahan-dahan siyang tumayo at inalalayan ang asawang makatayo na bakas pa rin sa mukha ang takot sa ama pagkuwa'y tila nahismasan at tumitig sa kanya.
"Cielo, darling. Umalis tayo sa lugar na ito. Pumunta tayo sa Canada at ibenta mo ang bahay na pamana sa'yo ni papa para may pera tayo kahit papaano," aburidong utos sa kanya.
Nagsalubong agad ang kanyang mga kilay saka ito mabagsik na binitawan at pinakawalan ang isang malakas na sampal sa pisngi nito.
"Hindi ka nga magtatanda hangga't di ka nakakatikim matulog sa kulungan," malamig niyang sambit saka tumalikod dito, nagtaas-baba ang dibdib upang pigilin ang sakit ng dibdib sa nangyayari.
"For all these years, naging masunurin akong asawa sa'yo. Minahal kita nang higit pa sa sarili ko," garalgal niyang sambit, pagkuwa'y pumihit na uli paharap dito.
"Kahit sinasaktan mo ang mga anak natin, inunawa kita dahil akala ko ganuon ka lang magdisiplina sa kanila!" hiyaw niya rito, puno ng sama ng loob sa boses.
"Cielo--" sambit nito.
"Pero ano'ng ginawa mo kay Karl? Hindi ka pa nakuntento't pinalayas ang mag-ina niya, ipina-ban mo pa si Lorie sa mga ospital sa manila!" bulalas niya.
Natigilan ito, namutla na naman. "W-wala akong kinalaman d'yan," maagap nitong sambit.
"Sinungaling!" sigaw niya uli sabay bayo sa dibdib nito nang isang beses.
"Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Lorie! Ang sabi mo sa amin hinanap mo siya, pero iba ang ginawa mo! Alam mong may sakit siya kaya mo siya ipina-ban sa mga ospital!" pag-uusig niya rito.
Napaatras ito, hindi akalaing alam na niya ang lahat.
Pinahid niya ang luha sa mga matang kusang naglandas nang maalala ang sinapit ng dalaga at ang anak nito.
"Hindi lang 'yan. Ginamit mo pa sina Marble at Gab para siraan ang ama ni Gab at maangkin ang negosyong dapat sana'y pag-aari niyong dalawa," patuloy niya sa pang-uusig dito ngunit pigil na ang galit na nararamdaman.
"It was his fault. Siniraan niya ako sa isa kong kliyente," pagtatanggol nito sa sarili saka hahawakan na uli siya para paamuin pero umatras siya palayo.
"At si Marble, ano'ng kasalanan ng bata sa'yo? Ano'ng kasalanan ni Vendrick sa'yo para magsinungaling ka sa kanilang dalawa, ha? Di mo ba naisip na muntik mo nang masira ang relasyon nila kung hindi umuwi dito ang anak natin?"
"She's a gold digger bitch, Cielo. Huwag kang magpapaniwala sa ganyang klaseng mga tao. Para silang linta kung makapulupot sa mga mayayaman. At kapag nakuha na nila ang gusto nila, saka sila mang-iiwan!"malakas na rin nitong sagot, nagtatagis na ang bagang pagkarinig sa pangalan ni Marble.
Naniningkit ang mga matang napatitig siya rito. Hindi niya akalaing ang lalaking minahal niya nang sobra noon ay ganito pala kasama ang ugali.
Muli siyang nagpahid ng mga luha saka patuyang ngumiti sabay tango.
"Alright, fine. You don't like simple people, huh? Okay," panatag na niyang sambit pagkuwa'y ipinameywang ang mga kamay.
"Let's wait for my divorce paper here," nakangiti pa rin niyang saad.
"What?!" bulalas nito pagkuwa'y humalakhak. "Nagpapatawa ka ba? Walang divorce sa pinas, Cielo."
Gigil siyang napatitig na uli rito pagkuwa'y humalakhak na rin.
"Ikaw yata ang nagpapatawa. Nakalimutan mo bang sa Canada tayo ikinasal? Of course galing duon ang divorce paper na ibibigay ko sa'yo," patuya na naman niyang sagot.
Saka lang ito natigilan lalo nang mapansing di siya nagbibiro.
"C-Cielo, we don't have to end up like this. Alam mong ikaw na lang ang inaasahan ko ngayon," lumambot bigla ang boses nito.
Muli siyang tumawa nang nang-uuyam.
"Ako ang inaasaham mo, samantalang andami mong inilihim sa'kin? Buo na ang desisyon ko, hihiwalayan na kita," mariin niyang wika saka tumalikod dito't lumapit sa malambot na couch upang umupo duon.
Sumunod ito sa kanya at magsasalita na uli nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto, pumasok duon si Attorney Del Monte.
"I'm here, Mrs. Ortega. I brought the divorce paper," bungad agad ng abugado at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kanyang napatayo na pagkakita rito saka agad na kinuha ang inilahad nitong documento at iniabot kay Keven.
"Pirmahan mo," utos niya, nakataas ang isabg kilay.
"No! Hindi ako makikipag-divorce sa'yo!" matigas ang boses na tutol nito.
Lalo lang naningkit ang kanyang mga mata sa narinig, muli na namang nagtaas-baba ang dibdib sa galit dito pagkuwa'y hinablot sa tahimik na attorney ang hawak nitong ballpen saka iniabot sa asawa.
"You choose! Pipirma ka sa divorce paper o papayag ako sa gusto ni papa na ipakulong ka. At least sa divorce natin, may makukuha ka sa conjugal properties natin. Kung makukulong ka, wala ka na ngang makukuha, habambuhay ka pang mabubulok sa kulungan," pananakot niya rito.
Natigilan na uli ito, sandaling nag-isip pagkuwa'y alanganing kinuha ang ballpen sa kanyang kamay at tila lantang-gulay na pumirma sa mga dokumento saka ito ibinalik.
"Cielo, hindi naman natin kailangang maghiwalay eh. Just give me another chance. Magbabago na ako para sa'yo," tila maamong tutang pahayag nito, nakayuko.
Ibinalik niya ang dokumento sa abugado saka sandaling natahimik pagkuwa'y napabuntunghininga na rin.
"I'm already fed up with you. Paulit-ulit mo na lang sinasabi sa'kin 'yan pero look at what happened now. May apo na tayo't lahat pero hindi ka pa rin nagbabago. I'm already done with you," aniya saka binirahan na nang alis ngunit bago siya tuluyang lumabas sa silid na iyo'y muli siyang humarap sa asawa.
"You heard what papa told me, right? Itinatakwil ka na niyang anak at ayaw ka na niyang makita pa. Bibigyan kitang ticket para makalabas ka ng bansa. Baka sakali mauto mo ang mga kaibigan mo sa Canada para bigyan ka nila ng chance na makapagtrabaho duon. Pero di ka na pwedeng magpakita sa amin kahit kelan," pagtatapos niya sa usapan at tuluyan nang umalis.
Pero ramdam niya ang sakit ng kanyang dibdib. Mahal niya si Keven. Ito lang ang lalaking pinangarap niya noon. Ito ang lalaking sinamba niya at ginawang batas ang bawat sabihin at iutos sa kanya. Subalit sawa na siyang paulit-ulit na lang na umunawa rito. Sawa na siya sa kanilang set-up na siya lang ang nagmamahal pero pera lang ang mahal nito. Tama ang kanyang naging desisyon. Palalayain niya ang sarili mula rito kahit na masakit sa kanya. Itutuon na lang niya ang atensyon sa kanyang apong si Kaelo at sa magiging mga apo niya kay Marble.