Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 174 - CHELSEA'S NIGHTMARE

Chapter 174 - CHELSEA'S NIGHTMARE

"Binbin...Kaelo..." mga salitang unang namutawi sa bibig ni Marble nang magising.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at unang nasilayan ang mukha ni Vendrick na nakaupo sa silya paharap sa kanya habang hawak nang mahigpit ang isang niyang kamay.

Biglang namula ang mga mata nito nang makita siyang ngumiti lalo nang marinig ang hagikhik ni Kaelo habang nakikipaglaro na sa mga kapatid niya sa may pinto ng silid na iyon.

"Hon, napuntahan mo ba ang papa mo? Napigilan mo ba siya sa gusto niyang gawin?" usisa niya agad.

"Ssshhh, let's not talk about it anymore. Andu'n na si mama, inaayos ang lahat tungkol kay papa," sagot ng asawa saka hinalikan ang harap ng kanyang palad.

"Hon, nasaan tayo?" usisa niya uli nang mapansing ibang kwarto ang kanilang kinaruruonan at hindi rin mukhang silid sa ospital, hindi rin sa condo nito.

Muling napangiti ang asawa sabay lingon sa palibot, natuon sandali ang tingin sa kanyang mga kapatid na naglalaro ng goma sa may pinto at kay Kaelo na panay ang bungisngis, halatang nag-eenjoy sa ginagawa. Maya-maya'y bumaling na uli ito sa kanya.

"That cunning old man gave this house to us. Ito na ang bago nating bahay mula ngayon, hon."

Dahan-dahan siyang bumangon, inalalayan siya nito hanggang sa maiapak niya ang paa sa semento at maiayos ang upo sa gilid ng kama habang nakamasid sa tatlong pinupuno ng hagikhikan at bungisngisan ang buong silid.

"Nasa baba kasi sina nanang at tatang," anang lalaki, tumabi na sa kanya sa pagkakaupo sa kama.

"Binbin...nasaan si lolo?" usisa niya.

"Nasa baba din, nakikipag-usap kay mama," nakangiti nitong sagot.

Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto ng silid, aalalayan sana siya nito pero hindi siya pumayag.

"Don't worry. Kaya ko ang sarili ko," aniya saka lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ay agad na iniikot ang tingin sa palibot.

Tatlong palapag din ang bahay na 'yun. Nasa ikatlong palapag ang kwartong nilabasan niya, pangatlong kwarto sa mga nagpakahilira ruon at kanugnog iyon ng veranda.

Naglakad siya sa hallway papunta sa veranda at napaawang ang bibig pagkakita sa labas.

"Woww!" bulalas niya nang masilayan ang bughaw na langit at mapadako ang tingin sa bughaw ding dagat habang nagsasalpukan ang alon niyon sa dalampasigan.

Napahagikhik siya, biglang lumakas ang katawan lalo na nang mahagip ng tingin sa tabi ang isang round table at mga silyang magpakapalibot duon saka sa may gilid ng mahaba at maluwang na veranda ay naroon ang outdoor sala set.

"Woww! Ang ganda naman!" muli niyang bulalas.

"You like it?"

Napalingon siya agad sa nagsalitang si Vendrick sa kanyang likuran.

"Yes!" sagot niya sabay hagikhik at hinawakang ang kamay nito para sabay silang mamangha sa ganda ng buong paligid.

Kinabig siya ng asawa saka niyakap sa likuran.

"Dito tayo bubuo ng isang masayang pamilya, hon," usal nito.

Humagikhik na uli siya at inihaplos ang isang palad sa pisngi nito saka binigyan ng smack kiss sa mga labi.

"Ano pala ang nangyari sa'kin? Bakit napunta tayo rito?" usisa niya pagkuwan.

Humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Buntis ka lang naman with our triplets kaya ka nawalan ng malay kahapon. Sabi ng doktor ingatan daw kitang 'wag ma-stress," pakaswal nitong sagot.

Natigilan siya, pumihit bigla paharap dito sabay titig nang mariin. Buntis siya? Kaya pala madalas siyang mahilo nitong nakaraang mga araw tsaka matakaw siyang kumain. Hindi lang isa ang kanyang ipinagbubuntis, kundi tatlo! Natawa siya sabay halik na uli sa mga lahi nito.

"This is great!" sambulat niya, niyakap ito nang mahigpit.

"Drick! Marble!" malakas na sigaw ng kanyang byenan sa may dalampasigan.

Humiwalay siya agad sa pagkakayakap sa asawa't humarap na sa tumatawag na ginang, kumaway dito at hinawakan na sa kamay ang lalaki para sumabay sa kanyang bumaba ng hagdanan papunta sa ina nito pero hindi ito kumilos, hinawakan bigla ang kanyang kamay.

"Hon, I need to see Chelsea," alanganin nitong sambit saka siya tinitigan nang bumaling rito, inaalam kung ano'ng magiging reaksyon niya.

Ngumiti lang siya, pinisil ang kamay nito.

"Okay, puntahan natin siya. Gusto ko rin siyang makausap tungkol sa ginawa niya sa anak ko," aniya.

"Hon, nasa ospital uli siya ngayon. Balak na siyang arestuhin ng mga pulis nang mahuli kahapon pero bigla siyang nag-internal bleeding kaya dinala na uli siya sa ospital," malungkot na wika nito.

Natahimik siya agad. Kung tutuusin, bagay lang 'yun dito dahil sa ginawa nito kay Kaelo. Pero nakaramdam siya ng awa sa dalaga lalo na nang malaman ang kalagayan nito ngayon.

"Kanina pa tawag nang tawag ang mga magulang niya sakin, nagmamakaawang puntahan ko siya sa ospital dahil panay daw ang sigaw, ako ang hinahanap. Kaya lang ay di ka pa nagigising. Ayukong magpunta ruon hangga't di ka kasama," patuloy nito.

Sandali siyang yumuko, tinimbang ang lahat. Nang makapag-isip ay saka uli nag-angat ng mukha at ngumiti sa asawa.

"I actually pity her, hon. Halika, kausapin natin siya nang masinsinan," sagot niya't hinila uli ang kamay nito.

----------@@@@-----------

Tahimik ang silid ng kwarto kung saan naka-confine si Chelsea pero nang makapasok sila sa loob ay saka lang niya nakita ang nagulat na ina nito't napatayo na pagkakita sa kanila habang naka-abrasete siya sa braso ni Vendrick.

Pinagmasdan muna siya ng ginang bago lumapit sa kanila at hinawakan sa braso ang asawa niya.

"Drick, ako na ang nagmamakaawa sa'yo. Wag mong ipapakulong ang anak ko. Alam mo ang kalagayan niya ngayon. Hindi mo rin siya masisisi kung bakit ganuon ang ginawa niya sa anak mo," pakiusap ng ginang, bakas sa mukha ang pag-aalala para sa anak.

Nakaramdam siya ng awa para rito, naalala ang sarili habang walang tulog na nakabantay kay Kaelo. Iyon din ang napansin niya sa babae.

Sinulyapan siya ni Vendrick, napangiti naman siya rito.

"Iuurong namin ang demanda sa kanya, pero ipangako niyo pong 'di na siya manggugulo sa amin lalo po sa anak namin," sabad niya.

Napatitig sa kanya ang ina ni Chelsea, pagkuwa'y napalingon sa tulog na dalaga.

"Balak na naming dalhin siya sa Canada. Duon na lang din kami maninirahan," malungkot nitong sambit at magsasalita na sana uli nang biglang bumalikwas nang bangon si Chelsea, sumisigaw.

"Drick!!! Drick!!! Tulungan mo ako! Tulungan mo ako! Papatayin niya ako!"

Nagkatinginan silang tatlo. Humulagpos si Vendrick sa pagkakahawak niya at tinakbo na ang babae habang ang ina nito'y patakbo na ring sumaklolo sa anak, hinagod agad ang likod nito.

"Drick! Drick! 'Wag ko akong iiwan! Natatakot ako!" bulyahaw nito ng iyak.

Siya nama'y nanatili lang sa kinatatayuan, ramdam ang awa sa dalaga ngunit di niya mapigilang masaktan habang nakayakap dito si Vendrick.

"I'm already looking for him. Ipapakulong natin siya, Chelsea. Hindi ako papayag na 'di siya makulong," pagbibigay ng assurance nito habang mahigpit na nakahawak sa walang tigil sa pag-iyak na babae.

Gulat na napatingin ang ginang kay Vendrick. Siya man ay natigilan din sa narinig mula rito, saka lang siya curious na lumapit sa tatlo.

"What do you mean?" takang tanong ng ginang.

Hindi sumagot si Vendrick, nanatili lang nakayakap sa anak nito habang panay ang iyak.

"He drugged me, Drick. He drugged me several times," sumbong na ni Chelsea dito.

Napahagulhol na naman ng iyak ang ginang saka napatayo pagkarinig sa sinabi ng anak.

"What do you mean by this, Drick? Bakit ganyan ang sinasabi ni Chelsea? Drick?!" hiyaw na ng ginang.

Nagmamadali niya itong niyakap at hinagod din ang likod.

"Tahan na po, baka kayo naman ang magkasakit. Narito na si Vendrick, aayusin niya ang lahat," pag-aalo niya sa ginang kahit walang halos maunawaan sa sinasabi ng dalawa.

"Ssshhhhh, calm down, Chelsea. The police is already chasing him," ani Vendrick sa dalagang tila bata namang sumunod at tumigil nga sa pag-iyak, para bang noon lang nagising nang tuluyan at bumitaw sa pagkakayakap ng lalaki.

"Y-you knew about us? You--you already knew what happened that night?" gulat din nitong tanong sa kanya.

Tumango ang kausap. "We'll let him pay for what he'd done to you," matigas na sagot ng lalaki.

Muli na namang humagulhol ng iyak si Chelsea at yumakap uli dito.

"I hate him, I really hate him, Drick. Ayuko sa anak niya! Ayuko sa anak niya!" paulit-ulit nitong sambit sa pagitan ng pag-iyak.

Kumawala ang ginang sa pagkakayakap niya saka muling lumapit sa anak.

"Don't worry, iha. Nalaglag na ang ipinagbubuntis mo. Wala nang dahilan para magkaganyan ka," sabad nito, pigil ang mapaiyak na uli, halatang nilalakasan lang ang loob para sa anak nito.

Natahimik na naman siya habang nahuhulaan sa isip ang nangyari kay Chelsea. Na-rape ito ngunit walang lakas ng loob na isambulat ang lahat kaya ang ginawa nito'y binalak na ipaangkin kay Vendrick ang bata nang malamang nabuntis ito sa nangyaring kahayupan ng rapist.

Napakagat-labi siya. Kawawa din naman pala si Chelsea. Ang tindi rin ng pinagdaanan nito pero ngayon lang isinambulat ang lahat. Subalit paano iyon nalaman ni Vendrick? Iyon ang bagay na ikinapagtataka niya.