Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 172 - THE RICH OLD MAN'S CUNNING PLANS

Chapter 172 - THE RICH OLD MAN'S CUNNING PLANS

Pagkatapos maseguro ni Cielo na okay na ang lagay nina Marble at Kaelo'y nagpaalam siya sa anak na si Vendrick para sandaling umalis at bumalik sa kanilang bahay, baka sakali nanduon na si Keven. Pero sa daan pa lang habang nasa loob ng kotse at nagbibiyahe pauwi ay tumawag si Chloe sa kanya.

"Ma, nakita na namin si papa! Nasa Eurotel North Edsa siya at hinihintay ang pagdating ng philanthropist na si Mr. Barclay," pagbabalita ng anak na dalaga.

Kinabahan siya bigla. Alam na niyang pineke ng asawa ang dokumento nitong hawak para maibenta ang LSO bank na siyang pinakamalaking asset ng kanyang byenang lalaki. Hindi siya makapapayag sa gustong gawin ni Keven.

"Tawagan mo si Attoney Del Monte. Papuntahin mo duon ngayon din!" mariin niyang utos sa anak saka pinatay na ang tawag at bumaling sa kanyang personal driver.

"Dalhin mo ako sa Eurotel NorthEdsa," utos niya rito.

Agad namang sumunod ang driver saka nag-U-turn pakanan at umiba ng direksyong tinahak papunta sa North Edsa.

Halos kalahating oras din ang kanilang iginugol sa daan makarating lang sa patutunguhan at nang mai-park ng driver ang sasakyan sa parking lot ay nagmamadali siyang lumabas at pumasok sa hotel, diretso sa counter at tinanong kung ano'ng room naroroon si Keven.

"Room 390 po ma'am," anang receptionist nang makita ang inilahad niyang ID card dito na nagpapatunay na asawa siya ni Keven Sy Ortega, isa sa mga VIPs' ng hotel.

Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang elevator, hinintay na bumukas iyon saka pumasok na agad sa loob kasama ng iba pang nag-aabang at pinindot ang number 3 button.

Ilang minuto lang ay naglalakad na siya sa hallway papunta sa silid na binanggit ng receptionist hanggang sa mapatapat sa duon.

Huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang door knob ng pinto ngunit naka-lock iyon kaya kumatok na lang siya.

Bumukas agad ang pinto ng silid at nagtama ang paningin nila ng isang pamilyar na mukha.

Nakita na niya ito na kausap ni Vendrick sa may swimming pool tatlong beses noon. Ano'ng ginagawa nito dito?

Isinenyas ng lalaki ang kamay para sabihing pumasok siya.

"Di ba kaibigan ka ni Vendrick?" kumpirma niya sa lalaking tipid lang na ngumiti saka agad na isinara ang pinto nang tuluyan siyang makapasok.

Nagpatiuna itong maglakad papunta sa sala ng kwarto kung saan nakaupo sa malambot na couch si Keven habang ang isang foreigner ay patapos nang pirmahan ang mga papeles.

"No!" sigaw niya at patakbong lumapit sa kausap ng asawa sabay hablot ng nga dokumento sa amerikanong nagulat sa kanyang ginawa.

"We're not selling our bank to you!" paasik niyang wika sa estrangherong foreigner na kumunot bigla ang noo saka bumaling kay Keven na tumawa bigla nang malakas.

"Who is she?" curious na tanong nito sa lalaking tumayo na at nilapitan siya saka binawi ang hinablot niyang dokumento.

"Tapos na ang pirmahan, Cielo. Wala ka nang magagawa para bawiin sa akin ang lahat," bulong nito sa kanya nang akbayan siya.

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata at itinulak ito nang malakas.

"Walanghiya ka! Bakit mo nagawa 'yun sa mga anak mo?! Sa LSO bank nagtatrabaho si Chloe at Vendrick! Hindi mo ba naisip na masasaktan sila sa ginawa mo? Anong klase kang ama?!" hiyaw niya rito, pigil ang mapahagulhol.

Isang malakas na halakhak lang ang isinagot ng asawa saka bumaling sa kausap na philanthropist.

"She's my beautiful wife, Mr. Barclay. So, this is a goodbye. Thank you for your cooperation," ani Keven sa ginoo.

Tumayo ang amerikano pilantropo saka nakipagkamay dito sabay bawi ng mga dokumento.

"No, Mr. Ortega. It's me who should say thank you for your cooperation," nakangiti nitong sambit saka itinaas ang isang kamay sabay pilantik habang tinitignan ang mga dokumento pagkuwa'y humarap sa bumukas na pinto ng bedroom.

"Good day Mr. Ortega, sir. How's your day?" tanong ng foreigner sa isang matandang naka-wheelchair habang papalapit sa kanila.

Napamulagat siya sa nakita, naitakip ang mga palad sa bibig habang maluwang ang pagkakabuka niyon, pagkuwa'y biglang naglandas ang mga luha sa mga mata, tinanggal din sa bibig ang nakatakip.

"Papa?!" sambulat niya.

Tila tinuka ng ahas si Keven pagkakita sa amang nakangisi sa kanila.

Nagmamadaling lumapit ang lalaking nagbukas sa kanya ng pinto at ito ang nagtulak ng wheelchair ng kanyang byenang lalaki palapit sa kanila.

"P-papa?" Hindi halos lumabas ang salitang iyon sa bibig ng asawa saka bahagyang napaatras sa takot nang naniningkit ang mga matang tumigin ang ama rito.

Lumapit na rin si Mr. Barclay sa matanda.

"I already have the documents, sir," anang foreigner.

"See, you even witnessed how greedy this damn child of mine is, Armand," wika ng matanda habang nakatingin sa anak, nagtatagis ang mga bagang.

"This is enough to sue him and put him in jail, sir," anang tinawag na Armand saka napaharap sa kanila ni Keven na walang magawang makapagsalita pagkatapos makita ang matanda.

Hinayaan niya lang maglandas ang mga luha sa mga mata habang titig na titig sa kanyang byenang heto't malibang galit at naka-wheelchair ay nakatambad sa kanyang harapan, buhay na buhay, hindi patay habang ang lalaking alam niyang kaibigan ni Vendrick ay nakahawak sa wheelchair nito.

"P-papa--" sambit niya, naglakas-loob na ihakbang ang mga paa palapit dito.

"P-papa? B-buhay ka?! Na-nakakapagsalita ka na?!" bulalas ni Keven nang makabawi sa pagkagimbal saka litong napatingin kay Mr. Barclay, pagkuwa'y sa alam nitong loyal na detective dito.

"Rico, ano'ng ibig sabihin nito, ha?! Ako ang amo mo! Bakit mo ako trinaydor?" galit na sigaw nito sa detective.

"I didn't betray you. You aren't my boss, either. I only have one commander," walang emosyong sambit ng detective, sinulyapan lang ang kanyang asawa.

Siya nama'y naguluhan din sa mga pangyayari pero isa lang ang pumapasok sa utak niya ngayon, na alam ng kanyang byenang lalaki ang mga pinaggagawa ng kanyang asawa kaya marahil ito nagkunwaring patay at pinagplanuhan kung paanong pipigilan ang anak nito sa mga balak gawing kasamaan. Kaya ba nito ibinigay ang kayamanan kay Marble at hindi sa isa sa mga anak nito lalo na kay Keven?

Idinuro ng matanda ang kamay sa katabi niyang asawa.

"Hinintay mo pa talagang umabot sa ganito ang lahat, damuhong ka," malamig nitong sambit ngunit sa mga mata ay naroon ang nagpupuyos na galit.

"Rico, take him out. Ideretso mo sa kulungan at hayaang makulong duon habambuhay," mariing utos ng matanda sa detective.

Napatingin siya sa asawang nagsimulang umiling sa narinig. Ewan ba kung bakit sa kabila ng lahat ay nakaramdam pa rin siya ng awa para rito. He's his husband after all, the father of her children.

"Papa--" iyak niya sa byenang lalaki't lumapit na rito sabay luhod sa harapan nito.

"'Wag papa. Maawa ka sa asawa ko. Kahihiyan ng pamilya kung ipapakulong mo ang sarili mong anak. Makakaapekto 'yun sa negosyo niyo," pagmamakaawa niya.

"The hell I care! Let him wrath in jail!" hiyaw nito sa galit.

Humagulhol bigla si Keven sa takot at lumapit na rin sa ama, nakiluhod sa kanyang tabi sabay hawak sa mga tuhod nito.

"P-papa, maawa ka sa'kin. Hindi ko sinasadya, papa. Magbabagong buhay na ako papa, hindi ko na uulitin 'to," pagmamakaawa na rin nito, duon lang pumatak ang mga luha sa mga mata.

Noon niya lang nakita ang asawang humahagulhol ng iyak. Ni di niya ito narinig na lumuluha nang malamang patay na ang ama noon.

Pero isang mag-asawang sampal ang isinagot rito ng ama saka itinulak palayo.

Napatihaya ang lalaki sa carpeted na sahig.

"Papa, ako na ang nagmamakaawa sa'yo. Alang-alang na lang sa mga apo mo. Ama nila si Keven. 'Wag mo siyang ipapakulong," patuloy niya sa pagmamakaawa.

"Hah! Hindi 'yan magtatanda kapag hindi nakaranas humiga sa kulungan!" mariin nitong sambit, inilayo ang tingin sa kanya.

"Papa, alang-alang na lang kay Vendrick at sa magiging mga anak niya. Papa maawa ka sa asawa ko," pangungulit niya habang patuloy sa pag-iyak, pinagsaklop na ang mga palad sa takot na tutuhanin nga ng byenan ang sinabing ipakukulong si Keven.

Napatitig ito sa kanya, halatang curious sa sinabi niya. Sinamantala naman niya ang pagkakataong iyon para magbago ang desisyon nito.

"Marble is pregnant with triplets, papa. Magkakaapo na kayo sa tuhod. Tsaka...tsaka nakita na namin ang anak ni Lorie, andun siya sa ospital. Binabantayan ni Karl," sunud-sunod niyang pagbabalita. Lalo itong mariin na tumitig sa kanya, kunot ang noo.

"What happened to Kaelo?" usisa nito.

Napaawang ang kanyang labi. Paano nitong nalaman ang pangalan ng bata?

Tumingala ito sa tinawag na Rico. "Bring me to the hospital. I need to see Marble and Kaelo!" utos nito sa detective saka sandaling bumaling sa kanya, tiim-bagang siyang tinitigan na tila ba galit din sa kanya.

Napalunok siya sabay yuko.

"Okay, fine. Pagbibigyan kita ngayon. But make sure, hindi ko na makikita ang pagmumukhang 'yan sa harapan ko! Itinatakwil ko nang anak ang walanghiyang 'yan!" matigas nitong sambit habang ang isang daliri ay nakaduro sa kanyang asawang mababakas ang takot sa mukha.

Duon lang siya uli nag-angat ng mukha saka muling umiyak.

"Salamat po, papa. Maraming salamat," pulit-ulit niyang sambit hanggang sa itulak na ng detective ang wheelchair nito at nagmamadaling umalis duon, sumunod si Armand na di niya alam kung totoo ngang pilantropo.