Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 166 - KAELO'S CONDITION (2)

Chapter 166 - KAELO'S CONDITION (2)

Subalit bago pa mahawakan ni Marble ang door knob ng clinic ay bigla na lang lumabas sa silid si Kaelo, humabol at agad nagpakarga sa kanya.

"Mommy, come with me," anang bata, yumakap nang mahigpit sa kanya.

Duon lang siya tila natauhan at unti-unting bumalik sa huwesyo, duon lang naalalang takot pala itong magpakuha ng dugo 'pag 'di siya kasama.

Ang kanina'y namamanhid na katawan ay tila ba nagkaruon ng panibagong lakas nang maramdaman ang mahigpit na yakap nito. Hindi, hindi siya pwedeng magpadala sa takot. Kailangan niyang lumaban para kay Kaelo. Higit siya nitong kailangan ngayon. Anim na buwan na ang nakararaan nang malaman niyang merun itong Myelodysplastic Syndrome, isang premalignant disease na apektado ang myeloid cells at kapag lumala'y nagiging Acute Myeloid Leukemia.

Subalit dahil masiglang bata si Kaelo at maliksi ang katawan ay hindi halata ditong may ganun itong karamdaman, idagdag pang ang sabi ng doktor ay hindi naman daw dumadami ang cancer cells sa katawan nito dahil lagi itong masaya, kaya hinahayaan niya lang ito kung anong gawin basta 'wag lang masusugatan sa kahit saang parte ng katawan dahil magiging active ang sakit nito't mabilis na kakalat sa buo nitong katawan.

Mula nang isilang ang anak, ilang sakit na ang napagtagumpayan nitong labanan hanggang sa tuluyang gumaling. Ang pinakahuli ay ang MDS na sa una'y di naman niya ikinabahala dahil nakikita naman niyang hindi ito apektado sa sakit na 'yun, ibig sabihin, may potential itong gumaling mula duon.

Subalit ano't pinaghinaan siya bigla ng loob nang malamang nasugatan ito?

"Yes, cutie. We'll go together," sagot niya rito't pumihit paharap sa tatlong kinakabahan na sa nangyayari.

Lumapit agad si Vendrick sa kanila at hinawakan siya sa kamay.

"Marble--"tawag nito subalit diretso lang siya sa silid na nilabasan ni Kaelo habang naghihintay ang doktor sa kanila.

Naiwan ang tatlo sa loob ng clinic na walang magawa kundi ang maghintay duon.

Umupo siya sa silyang nakaharap sa inuupuan ng doktor saka iniayos ang pagkakaupo ng anak sa kanyang mga hita pagkuwa'y kusa nang inilahad ng bata ang braso sa manggagamot ngunit kumapit nang mahigpit ang isang kamay sa kanyang batok habang nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib pero habang itinutusok ng doktor ang karayum sa braso nito'y pumikit lang ito ngunit 'di umiyak hanggang sa mapuno ng dugo ang maliit na syringe.

"It's done, Kaelo. Yes, you did it again!" papuri ng doktor sa batang bumaling na rito saka napabungisngis nang makitang tapos na itong kuhanan ng dugo.

"See, I'm a strong boy, mom. I never cried," pagyayabang nito, taas-noo pang nagthumbs up sa doktor saka inihilig ang ulo sa kanyang balikat tila nakaramdam ng biglang pagod at pumikit.

Tumayo ang huli at bumaling sa kanya.

"Marble, we have to find his parents. Baka sakali may magmatch sa kanila sa dugo ni Kaelo, hindi na lalala pa ang kanyang sakit, gagaling agad siya."

Nanlambot na naman ang kanyang mga tuhod sa sinabi nito, pakiramdam niya, nagsisimula na naman iyong mangatog.

Nagpakawala ng isang buntunghininga ang doktor saka siya inalalayang tumayo habang karga ang inaantok nang anak.

Pagkalabas ng silid ay agad na sumalubong si Vendrick, sa likod nito ay ang ina at kapatid na nakarehistro na ang pag-aalala para kay Kaelo.

"Marble," nag-aalalang tawag ng asawa pagkakita sa kanyang namumutla ang mga pisngi saka kinuha sa kanya si Kaelo at ito na ang kusang nagdala sa bata sa X-ray room, nakabuntot lang siya rito at ang doktor kasama sina Cielo at Karl.

Ngunit pagdating sa X-ray room ay sina Vendrick lang at ang bata ang pinapasok kasama ang doktor, naiwan sila sa labas ng silid.

"Marble, tell us everything. Apo ko si Kaelo. Karapatan namin ni Vendrick na malaman kung ano'ng totoo niyang kalagayan," pangungulit na ng byenan sa garalgal na boses.

Tahimik lang siyang nakatungo, hindi niya alam kung anong sasabihin sa mga ito. Ni hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa sa pagpapaliwanag. Ang alam lang niya,gusto niyang magpuntang sementeryo at duon ilabas ang lahat ng takot sa dibdib.

Pero nang himasin ng byenan ang kanyang likod at mapasulyap siya kay Karl na nagpaparuo't parito sa labas ng X-ray room, nag-aalala para sa bata ay bigla na siyang napahagulhol ng iyak sabay yakap sa byenan.

"Maaa!!! Ma!!! Hindi ko kayang mawala ang anak ko! Ayukong mawala siya sa'kin!" bulyahaw niya ng iyak, agad nag-unahang maglandas ang mga luha sa kanyang pisngi.

Napaiyak na rin ang ginang lalo nang lumapit si Karl at pisilin ang mga balikat nito.

"Relax, both of you. He'll be okay. Baka naman hindi malala ang lagay niya. Leukemia is a fatal disease na ilang buwan lang ay nanghihina na ang patient but look at Kaelo, he's a healthy boy, walang palatandaan na maysakit siya," anang binata, halatang pilit lang silang pinapakalma ngunit sa nga mata ay naruon din ang takot na baka nga kritikal bigla ang lagay ni Kaelo.

"Baka naman nagkakamali lang ang doktor sa findings sa kanya," dugtong nito.

Walang sumagot sa kanilang magbyenan, patuloy lang sa pag-iyak hanggang sa lumabas ng X-ray room sina Vendrick karga ang nakatulog na ngang si Kaelo, nakasunod dito ang doktor.

"You have to come tomorrow for the results. Kailangan nating pag-usapan ang lagay ng bata. But for now, you all have to take a rest kasi parang pagod na pagod na kayo," anang doktor.

"No! We'll have to confine him now! We demand for all the results today, kahit magbayad kami ng malaking halaga!" sabad ni Vendrick, may tigas sa tono ng salita nito.

Natahimik ang doktor saka humarap sa lalaki.

Siya nama'y lumapit agad sa anak at niyugyog ito habang tila lupaypay na nakahilig ang ulo sa balikat ng asawa.

"Cutie, wake up! It's not time to sleep yet, cutie," mahina niyang tawag ngunit tila mahimbing na ang tulog nito.

Nang mapansin 'yun ng doktor ay ito na ang kusang nagsabing kailangang i-confine ang bata kaya pagkatapos ng isang oras ay nagpakapalibot na silang lahat sa hospital bed ng natutulog na si Kaelo.

Lahat ay tahimik, nag-iisip, walang halos magsalita sa loob ng halos kalahating oras hanggang sa 'di na siya nakatiis at gusto nang magpuntang sementeryo.

Tumayo siya't nagpaalam sa asawang lalabas muna at pupuntang sementeryo pero sumunod ito sa kanya, naiwan ang dalawang tahimik pa rin habang nakabantay sa bata.