Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 165 - KAELO'S CONDITION (1)

Chapter 165 - KAELO'S CONDITION (1)

Sa VRP Medical Center sila nagpunta dahil iyon ang pinakamalapit sa salon ni Erland ngunit nagtaka ang tatlo nang magsalita si Kaelo.

"Mom, are we going to see my pediatric oncologist?" usisa ng bata pagkakita sa pamilyar na lugar.

Nagsalubong agad ang kilay ni Vendrick saka sumulyap sa kanya sa rearview mirror.

"Pediatric oncologist?" halos magkasabay pang bulalas nito at ng inang si Cielo.

"Marble, what do you mean by this? Bakit kayo nakikipagkita sa pediatric oncologist?" Rumihestro agad sa mukha ng ginang ang pagkagimbal saka awang ang mga labing napatitig sa batang pasimple nang nakaupo sa kanyang tabi habang hinihimas ang nasaktang siko pagkuwa'y hinipan.

Napalingon na rin si Karl sa kanila habang nagtatanong ang mga mata sa lahat, tila di naunawaan ang salitang binanggit ng bata.

Samantalang siya'y di magawang makapagsalita, pilit na pinapakalma ang sarili at paulit-ulit na sinsabing galos lang ang natamo ng kanyang anak, wala 'yong epekto sa katawan nito. Hindi ito magmamana sa kahit kanino maliban sa kanya.

Ngunit kahit kagatin niya ang ibabang labi ay di pa rin nagpapigil ang pagkawala ng butil ng luha sa kanyang mata sabay akbay sa anak at pinisil ang balikat nito dahilan upang mapatingala ito sa kanya.

"Mom, don't worry. Doctor Reyes said I'm a strong boy. I'm just okay, Mom. Look! It doesn't hurt anymore," sambit ng anak sabay ngiti sa kanya habang ipinapakita ang nasaktang siko.

Hindi siya sumagot pero hinalikan ito sa tuktok ng ulo saka kinarga na nang maiparada ni Vendrick ang sasakyan sa parking lot ng hospital.

Mabilis na bumaba ng sasakyan ang asawa at pinagbuksan sila ng pinto at ito na ang nagkarga kay Kaelo.

Tahimik ang lahat habang naglalakad papasok ng ospital.

"Daddy Vendrick, go there! The elevator is over there," utos ng bata sabay turo sa elevator sa gawing kaliwa malapit sa counter, halatang kabisado nito ang ospital na 'yun. Sumunod naman si Vendrick.

Siya'y nakahawak lang sa braso ng asawa habang ang kanyang byenan nama'y humawak na sa kanyang kamay at sumabay sa kanilang maglakad.

Samantalang si Karl ay tila wala pa ring nauunawaan sa nangyayari ngunit kinakabahan na habang naririnig ang mga sinasabi ng bata.

"Daddy Vendrick, we've been here a month ago for a monthly check-up," kwento ng bata habang nasa elevator sila.

"Oh? Why are you having a monthly check-up?" pakaswal lang na tanong ng lalaki, parang bata ring nagsalita.

"Doctor Reyes said, I have an MDS, but I don't believe her. See, I'm a strong boy. I'm not sick. It's just that mom is always worrying about me so I have to follow her," paliwanag ng bata.

Nagtagis ang bagang ni Vendrick sa narinig na tila nagkaruon bigla ng kaaway. Nanlalaki naman ang mga mata ni Cielo na napaharap sa kanya.

"Marble, is this true? He has an MDS?"

Hindi siya sumagot, wala siyang lakas na sumagot. Kanina pa nanginginig ang kanyang katawan sa takot, baka pag sumagot siya ay tuluyan na siyang panghinaan ng loob.

Ang mismong bata ang nag-giya sa kanila kung saan pupunta hanggang sa makapasok sila sa clinic ng sinasabi nitong pediatric oncologist, tamang tama namang palabas ang isang naka-uniform na matabang babae mula sa clinic.

"Hello, Doc. Reyes! How are you?" bati ng bata, tila walang nararamdaman sa katawan.

Sandaling nagulat ang binata pagkakita sa bata ngunit nang mapatingin sa kanya ay agad itong ngumiti saka kumaway na kay Kaelo. "Hi, cutie!"

Nagmamadali itong sumalubong sa kanila at ginulo ang buhok ng bata pero makahulugang tumingin sa kanya.

"Marble, ano'ng nangyari?" nag-aalalang usisa nito.

"Naaksidente kasi kami, nagkaruon siya ng galos sa siko. Can you please check him immediately," si Cielo na ang sumagot at lumapit sa doktor.

Kunut-noong napabaling ang doktor sa kanyang hindi pa rin magawang makapagsalita, pagkuwa'y agad silang iginiya sa loob ng clinic.

"He has to undergo an X-ray and a blood test," wika ng oncologist pagkatapos silang paupuin sa isang bench at hinawakan sa kamay si Kaelo saka bumaling sa kanya.

"Marble," tawag nito.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa doktor.

"I just want to talk to her," maagap na wika nito pagkakita kay Vendrick na tumayo na rin.

Hinawakan siya sa kamay ni Doc. Reyes saka iginiya sa may sulok habang pasimple lang nakaupo sa isang silya ang bata malapit sa kanila.

"Marble, I already told you about his condition, right? So whatever happens now, you have to be strong. Pero kung mahahanap natin ang mga magulang niya, madali nating masosolosyunan ang lahat, maagapan pa natin ang kanyang karamdaman kung sakaling maging acute myeloid leukemia na ang kanyang sakit," paliwanag ng doktor.

Napayuko siya, pumatak na naman ang luha sa mga mata. Hinawakan nito ang kanyang balikat saka pinisil.

"He has to undergo a blood test right now," pagtatapos nito saka tinawag si Kaelo para dalhin sa nakapinid na silid, kanugnog ng clinic nito.

Tahimik siyang bumalik sa bench kung saan nakaupo ang tatlong agad na nagsipagtayo para usisain siya.

"Kaelo has a leukemia, right? He has a leukemia!" kumpirma ng kanyang byenan.

Napayuko na uli siya ngunit hindi pa rin sumagot, pilit nilalabanan ang nararamdaman.

Bigla siyang kinabig ni Vendrick at mahigpit na niyakap.

"This must be hard on you, Marble," usal nito, pilit siyang kino-comfort.

Habang si Karl naman ay nailamukos ang kamay sa mukha, ngayon lang naunawaan kung bakit siya naghehestirya kanina pagkuwa'y naisuntok ang kamao sa pader ngunit di man lang ito nasugatan.

Pakiramdam niya, lalong namanhid ang buo niyang katawan, para bang di na siya umaapak sa sahig at parang lumalaki ang kanyang ulo, punung-puno iyon ng takot, takot na baka pati ang anak niya'y mawala sa kanya. Gusto niyang humagulhol ng iyak, iiyak ang lahat ng kanyang takot subalit kung kelan gusto na niyang gawin iyon ay saka naman natuyo ang kanyang mga mata, wala nang pumatak na luha mula ruon hanggang sa iangat niya ang mukha at tumingin sa kawalan.

"Pupunta lang akong sementeryo," mahina niyang sambit sa asawa pagkuwa'y kumawala sa pagkakayakap nito.

"Marble, you're not ok--" pigil nito ngunit humakbang na siya palayo at di ito pinatapos magsalita.