Halos maglulundag sa tuwa ang mga katulong nang makita si Marble. Si Manang Viola na di na makaakyat sa hagdanan ay nakiusap na pagamitin siya ng elevator para lang makapunta sa ikatlong palapag kung saan nag-uumpukan ang mga kasama nito.
Kahit si Shena na lantaran ang pagkainis sa kanya'y biglang bumait nang malamang siya ang magiging asawa ni Vendrick.
"Anong ginawa mo sa mukha mo nang magaya ko? Ang ganda-ganda mo na Marble." papuri ng mayordoma sa kanya.
Isang malutong na tawa lang ang kanyang isinagot. Hagikhikan din ang iba pa.
"Marble, ang swerte mo naman, ikaw pala ang mapapangasawa ni Senyorito." pabirong sabad ni Shena.
Umiba agad ang timpla ng kanyang mukha.
"Hay naku ate Shena, anong swerte dun eh pagkamalas ko nga't siya ang mapapangasawa ko." sagot niya sabay simangot.
"Kesa naman kay Senyorita Chelsea. Ayuko talaga sa ugali nun lalo na ngayong kagagaling lang sa Canada. Sumubra ang sama ng ugali." di na napigil ni Eva ang paglabas ng opinyon tungkol kay Chelsea.
Subalit natigilan din ang mga ito nang matanaw sa may sala ang dalaga, paakyat sa hagdanan.
"Speaking of the devil." pabulong na sambit ni Manang Viola at una nang lumayo sa karamihan para bumalik sa elevator nang makababa na. Nagsunuran ang lahat, naiwan si Marble na napatikhim din at nagmamadaling pumasok sa kwarto ni Vendrick.
Naabutan niya itong may kausap sa phone ngunit nagpaalam din nang makita siyang pumasok.
"Come. Malamig na ang inihandang almusal para sayo." tawag nito sa kanya habang nauna itong lumapit sa bago nang sofa at bagong center table kung saan nakalapag ang tray ng pagkain na ibinigay ni Eva kanina.
"Ayukong kumain. Wala akong gana." humaba agad ang kanyang nguso, sa halip na lumapit dito'y pinasadahan ng tingin ang puting gown na isusuot niya mamaya sa kasal maliban pa sa isang gown na hindi niya alam kung para saan, magkatabing nakalapag yun sa ibabaw ng kama.
Hmm, kahit papano'y magandang pumili itong hambog na to.
"Ipinakuha ko si Kaelo kay Mama." maya-maya'y saad nito.
Nagulat siya sa narinig mula sa lalaki, biglang kinabahan.
"Hinintay mo na lang sanang akong kumuha sa kanya." inis niyang sagot.
"Tawagan mo si Erland, ipadala mo rito ang Mio ko nang makuha ang anak ko." utos niya pagkuwan.
Sa halip na sumunod, pa-de-kwatro lang itong umupo sa sofa.
"Love, good morning!" matinis na bati ni Chelsea na kapapasok lang sa loob ng kwarto, ni hindi kumatok.
Palihim na sumulyap sa kanya si Vendrick, palihim ding napangiti nang mapansing lalong humaba ang kanyang nguso sabay irap sa pumasok.
Para itong isang modelong rumarampa sa stage kung maglakad palapit sa kinaruruonan ng binata at walang anumang umupo sa mga hita nito, sabay halik sa mga labi ng huling di nakapalag sa ginawa nito, wala rin segurong balak na pumalag.
Kumulo agad ang kanyang dugo pero di nagpahalata sa dalawa. Anong karapatan niyang magalit, di naman siya ang jowa ng hinyupak na lalaking to? Ikakasal nga sila, pero alam naman niya kung ano ang status nila sa isa't isa.
Bigla siyang tumalikod.
"Aalis ako, pupuntahan ko si Kaelo. Tsaka dadaan ako sa Salon ni Erland, magpapagupit ako ng buhok." paalam niya habang nakatalikod sa dalawa.
"Sasamahan kita." presenta ng binata't hinawakan sa magkabilang balikat si Chelsea para itayo, tumayo na rin ito.
"Pero Love, di ba may pupuntahan din tayo ngayon? Magpapagupit din ako sa salon." sabad ni Chelsea, mahigpit na pumulupot sa braso ng lalaki.
"Okay, sumama ka na lang samin." anang binata.
Gigil na pinaikot niya ang mga bilog sa mata. Mangani-nganing batukan ang mga to, sarap pagpupukpukin ng sapatos ang mga ulo. Gggrrrr!!!!
'Aminin, nagseselos.' hiyaw ng kanyang isip.
'Hindi ah! Pakialam ko ba sa mga yan.' bigla niyang bawi sabay labas na ng kwarto.
Pababa pa lang siya ng hagdanan pero nakita na niyang patakbong pumasok si Kaelo sa loob ng bahay.
"Mommy, I'm here!" sigaw nito, nakadipa ang dalawang kamay.
"Hey, wag kang tumakbo anak baka madulas ka sa sahig!" saway niya agad at nagmamadling bumaba ng hagdanan. Bawal kasing madisgrasya ang bata, yun ang pinakamahigpit na bilin sa kanya ng doktor.
Ngunit napahinto rin ito nang makalapit na sa sala, manghang-mangha sa nakikitang ganda at luwang ng bahay.
Nakasunod lang sa likod ang kanyang Madam, aliw na aliw habang pinagmamasdan ang bata.
"Granny, is this your house? Are we going to live here too?" curious na tanong nito sa ginang.
"It depends on your mother's decision. But one thing is for sure. Wherever you are, i'll be there too. Mas gusto kong tumira kasama si Daddy Vendrick mo." sagot ng ginang.
Pumihit na paharap dito ang bata.
"Granny, is he really my Daddy?" usisa nito.
"No, Daddy Lan is your Daddy." mabilis niyang sabad at nagmamadaling nilapitan ang bata saka binuhat.
"Madam, matalino po ang anak ko. mabilis po siyang makaintindi sa sinasabi sa kanya. Pero wag niyo naman po sana siyang bigyan ng maling impormasyon lalo pagdating sa kanyang pagkatao. Wala pong kinalaman ang anak ko sa anak niyo." malamig ang boses na wika niya sa ginang na agad namang natigilan ngunit maya-maya'y lumapit sa kanya, hinawakan siya sa braso habang nagtataka naman ang bata sa naging asal niya.
"I'm sorry Marble. Hindi ko lang mapigilan ang tuwa pagkakita sa anak mo. Kamukhang kamukha talaga niya si Vendrick noong bata pa." anito.
Hinawakan niya ang batok ng anak at inihilig ang mukha nito padikit sa kanyang leeg.
"Narinig niyo po ako, wala po siyang kinalaman kay Vendrick." matigas na niyang saad, iniiwas agad ang tingin sa kausap.
Naiyuko ni Cielo ang ulo. Ramdam nito sa boses pa lang niya ang sama ng loob. Kung bakit ganun ang pinapakita niyang ugali ay di nito alam. O baka galit siya dahil napipilitan lang siyang pakasal sa anak nito, ayaw talaga niyang ibalik ang yaman ng byenan nito sa mga Ortega.
"Marble, patawarin mo sana kami kung ano man ang nagawa namin noon." sambit na lang nito, nakayuko pa rin ang ulo ngunit nakahawak ang kamay sa kanyang braso, marahan iyong pinisil.
"Hindi ko po ugaling magtanim ng galit sa mga tao kahit ganu sila kasama. Pero hindi ko rin po ugaling makipagplastikan sa mga tao lalo na pag ayaw ko po ang pag-uugali." prangka niyang sagot saka dahan-dahang tinanggal ang kamay nito sa kanyang braso.
Namumula ang pisnging napabuntunghininga na lang ang ginang sa kanyang sinabi.
Siya nama'y bitbit pa rin ang anak na lumayo sa ginang, dumiretso sa labas ng bahay. Isasama niya ang bata sa pagpunta nila sa salon.
"Tita, it's good you're here. Sasama ka ba samin ni Vendrick magpasalon? Yung malanding Marble, kasama rin. Why don't you come with us Tita. Wag nating ipahalata sa babaeng yun na apektado tayo sa kasalan nila mamaya. Just cheer up. Di ba, Love?" ani Chelsea sa ginang na naasulyap muna sa binatang tahimik lang habang nakapako ang tingin sa pintong kanyang nilabasan.
Isang alanganing ngiti ang isinagot ng ginang.
"May gagawin pa kasi ako. Kayo na lang." anito't nagmamadali nang tumalikod sa dalawa.
Nagkibit-balikat si Chelsea at lalong kumapit sa braso ni Vendrick nang magpatuloy maglakad ang mga ito palabas ng bahay.
" Love, mamaya baka ipahiya ako ni Marble sa kasal niyo pag nakita niyang nalamangan ko siya sa kagandahan lalo na't siya ang ikakasal. Di hamak naman kasing mas maganda ako sa kanya. Nadala lang sa surgery ang mukha niya kaya siya gumanda." may himig ng kaba sa boses ng dalaga, tila nanghihingi na ng saklolo sa binata, wala pa mang nangyayaring di maganda.
Nagkibit-balikat lang din ang kausap.
"Wag mo na lang pansinin." tipid nitong sagot.
Siya nama'y karga pa rin ang bata habang naghihintay sa may garage nang pumasok ang isang kotse, huminto sa tapat nila at bigang bumukas ang pinto sa gawing driver's seat.
"Pare!" tawag ng isang lalaki.
"Huh?"