"Pare!"
"Huh?" Napatingin siya agad sa tumawag.
"Pare!" ganting tawag ng bata, bumungisngis agad at nagpababa sa kanya.
Bigla na namang naging parang tambol ang tunog ng kanyang dibdib. Pare ang tawagan ng dalawa? Kelan lang naman nagkakilala ang mga to, naging close na agad sa isa't isa?
Tumakbo na si Kaelo palapit sa kalalabas lang na lalaki mula sa kotse nito.
Nag-appear ang dalawa at sabay pang gumawa ng sign language saka muling nag-high five.
"Pare, how are you related to Mommy's groom-to-be?" tanong agad ng bata sa nakayukod na lalaki.
"Groom-to-be?" maang nitong balik-tanong sabay sulyap sa kanyang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa mga ito.
"Yes, his name is Vendrick. Granny told me he is my Daddy but i already have Daddy Lan." kaswal na sagot ng bata.
"Kuya Karl!" matinis na tawag ni Chelsea habang nakapulupot pa rin sa braso ni Vendrick.
"Are you his brother?" muling usisa ni Kaelo.
"Yes-" mabilis na tugon ng lalaki, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa dalawang papalapit.
"So, you are this Marble?" baling sa kanya.
Tipid lang siyang tumango.
"Nahanap ka pala agad ng kapatid ko." anito, sa kanya pa rin nakatingin.
Hindi siya sumagot.
"Mommy, will it be okay if i go with my friend? Gusto ko pong makipalaro sa kanya eh." paalam ng bata.
"Busy siya an--." katwiran niya.
"No, I'm not!" putol agad ni Karl sa sasabihin niya.
Hindi na lang siya namilit pa.
"Sige, basta behave ka lagi ha? Wag makulit. Wag tatakbo ha? Baka madulas ka sa loob." bilin niya rito, pagkuwa'y bumaling sa lalaki.
"Bawal siyang madapa, bawal masugatan, bawal siyang mapagod. Bawal ang fatty foods sa kanya. Lahat ng chichirya bawal. Sasabihin niya sayo kung anong kakainin niya, alam niya lahat ng bawal sa kanya basta wag mo lang siyang hahayaang mapagod." binirahan na niya ng mga bilin ang kaharap na pigil ang matawa sa kanyang mga sinabi.
"I'm serious! Yun ang bilin ng doktor sakin." malamig niyang saad.
Sumeryoso na ang mukha nito.
"Sakitin ba siya?" usisa nito.
Sumulyap siya sa bata bago sumagot.
"Six months lang siya nang ipanganak ko. Himala na nabuhay siya. Sana naman ingatan mo rin siya at tandaan ang mga bilin ko." malamig pa rin niyang sagot.
"Mommy, don't worry about me. I'll be okay." pagbibigay ng assurance ng bata na walang mangyayaring masama rito.
Huminga na lang siya nang malalim at di na nagsalita.
"Kuya Karl, don't forget to attend the wedding." paalala ni Chelsea sa lalaki nang makalapit.
"Hey, that guy would be my Mommy's groom soon. You are not allowed to flirt with him anymore!" biglang sambulat ng bata pagkakita sa dalagang nakapulupot kay Vendrick.
Pigil ang tawang naitakip ni Karl ang kamay sa bibig saka sumeryoso bigla kay Chelsea na agad tumaas ang kilay sa sinabi ni Kaelo.
Bago pa manggalaiti sa galit si Chelsea ay kinarga na ni Kaelo ang bata at ipinasok sa loob ng bahay.
Ang dalaga nama'y nagdadabog na pumasok sa loob ng sasakyan ni Vendrick, naupo sa tabi ng driver's seat.
Siya nama'y habol pa rin ng tingin si Kaelo sa bisig ng kapatid ni Vendrick, puno ng kaba ang dibdib.
"Hey, are you coming with us or you'll go alone?" sigaw sa kanya ni Chelsea nang ilang minuto na ang dumaan ay nanatili pa rin siya sa kinatatayuan.
Hindi niya ito pinansin at pumasok na rin sa kotse ni Vendrick.
"Love, okay lang naman sakin kahit magpakasal ka kay Marble, alam ko naman kasing malandi siya, kita mo nga ang ginawa niya kagabi. Basta ako lang ang love mo, ha?"
lambing ni Chelsea sa binata, inihilig pa ang ulo sa balikat ng huli.
Hindi sumagot ang kausap.
Siya nama'y lumabi lang, ni hindi tiningnan ang nagsalita.
"Love, pinagalitan kaya ako ni Mommy kasi bakit daw ako pumayag na makasal ka sa iba. Sabi ko naman, talagang mahal lang kita at napikot ka lang ng isang ubod ng kating babae." patuloy nito sa pagpaparinig.
Wala pa ring umimik sa kanilang dalawa ni Vendrick subalit nahuli niya rearview mirror ang pagsasalubong ng mga kilay nito, hindi niya lang yun pinansin.
Sa wakas ay huminto ang sasakyan sa harap ng salon ni Erland.
Nagmamadaling lumabas si Vendrick, mabilis din siyang lumabas at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng salon, ni di niya tinapunan ng tingin ang binatang balak sanang pagbuksan siya ng pinto.
"Love!" tawag ni Chelsea mula sa loob.
Napilitan itong pagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Don't make me lose my temper, Chelsea." matigas ang boses na babala nito sa babae, halatang nagtitimpi lang ng galit.
Natigilan ang huli, di makapaniwalang sinabi yun ni Vendrick dahil lamang sa kanya.
Di agad ito nakaimik ngunit nang makabawi'y nasa loob na si Vendrick. Lalo itong nanggigil sa kanya subalit nagawa pa ring pigilan ang galit na nararamdaman nang pumasok na ito sa loob.
Wala si Erland sa Salon pero agad siyang inasikaso ni Melvin at ang isang empleyado ay lumapit agad kay Chelsea, inistima ito nang maayos.
"Magpapagupit ako." ani Chelsea, agad nang umupo sa bakanteng salon chair na katabi ng kinauupuan niya habang si Vendrick naman ay dumiretso sa lounge, nagbasa ng magazine na nakalapag sa center table.
" Ano pong gupit ang gusto niyo maam?" tanong ng barber sa dalaga, sinulyapan muna siya nito pagkuwa'y bumulong sa nagtanong.
" Kung anong gupit niya, yun din ang sakin." sagot sa barbero.
Kinalabit niya si Melvin.
" Tawagin mo si Audrey, papuntahin mo sa CR." Pabulong niyang utos dito saka tumayo.
" Teka lang naiihi ako." aniya't nagmamadaling nagtungo sa CR.
Maya-maya'y sumunod ang baklang si Audrey sa CR.
" Madam, bakit po?" usisa sa kanya.
" Anong sinabi sayo ni Chelsea? Ano ba daw ang gupit niya?" usisa niya rito.
"Kung ano po ang gupit niyo, yun daw po ang sa kanya." pasimpleng sagot nito.
" Ganun ba?"
Tumango ang tinanong.
Biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
Gaya-gaya pala ha? Sa wakas makakaganti na rin siya sa mga sinabi nito kanina. Lintik lang ang walang ganti. Hekhekhek!
" Bumalik ka na dun." utos niya rito, pigil ang mapahalakhak sa naisip.