Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 124 - CONTRACT MARRIAGE

Chapter 124 - CONTRACT MARRIAGE

Pumiglas siya agad at pumihit paharap sa binata.

"Anong kasal ang sinasabi mo?" salubong ang kilay na tanong niya.

Natigilan ito, tila nagtaka sa kanya.

"Di ba ikaw rin ang nagsabi nun kagabi? Hindi mo ako tinantanan hanggat di ko sinasabing magpapakasal tayo ngayong araw." sagot nito.

"Ano?!" bulalas niya uli sa pagkadismaya.

"You gotta be kidding me! Hindi pa ako nasisiraan ng bait ngayon!" tumaas na ang kanyang boses.

Nagkibit-balikat ito.

"Ask Erland about it. I'm sure, natatandaan pa niya kung paano mo akong pinilit kagabi para pumayag na pakasalan ka ngayong araw." anito't tumalikod sa kanya, kinuha ang phone nito at ibinigay sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na hinablot niya iyon, nanginginig din ang mga daliring pinindot ang number ni Erland.

"Hello." paos ang boses ng binata nang sumagot, halatang nagising lang nang tumawag siya.

"Erland, anong nangyari kagabi? Bakit pumayag kang dalhin ako ni Vendrick sa kung saan?" pagalit niyang singhal sa binata.

"Hey barbie doll. It was you who clung to him. You even forced him to marry you today." tila tinatamad na sagot ng binata.

"Ano?! Sinabi ko yun?" dismayado niyang tanong, nagtataasan ang dalawang kilay na tumitingin sa binatang nakaharap na sa tokador.

"Yup! You can ask Cathy about it. Ipinagdidiinan mo pa ngang ikaw talaga ang girlfriend niya. Inaya mo pa ang mga kasama natin na dumalo sa wedding niyo. Anong oras pala yun?" dugtong nito.

Mangiyak-ngiyak na nakagat niya ang ibabang labi. Talagang sinabi niya yun? Bakit wala siyang matandaan?

Nanlulumong pinatay niya ang phone. Anong gagawin niya? Si Erland na ang nagkumpirmang totoo nga ang sinasabi ng hinayupak na to.

"It wasn't valid. Lasing ako kagabi kaya ko yun nasabi." pakli niya agad.

"Nalasing ka agad with just a sip of that vodka? Do you think may maniniwala sayo kung yan ang idadahilan mo?" pambabara nito.

"Whatever! Hindi ako magpapakasal sayo!" hiyaw niya at agad nang pumihit patalikod sa binata.

"I'll be responsible for everything specially for what we've shared last night. I assure you, hindi malabong mabuntis ka dahil sa nangyari." habol nito.

Nanggigigil siyang napahinto sa paglalakad. Grrrrr!!!!! Lahat ba yun naganap sa loob lang ng isang gabi? Walanghiya talaga! Panong nangyari yun?

Anong gagawin niya ngayon?Seguradong magdurusa lang siya sa piling ng lalaking to. Pero kung totoo ang sinasabi nito at ni Erland, hindi na nga siya pwedeng pumalag. Mas nakakahiya kung mabuntis siya ng walang asawa lalo at nariyan na si Kaelo.

"By the way, ipinahanda ko na ang gown mo. Mamayang hapon ang kasal. Tayo-tayo lang naman yun pati ang mga kaibigan ko, yung kasama natin kagabi. If it wasn't you who invited them to come, hindi ko seguro sila papayag dumalo sa kasal." patuloy ng binata, lumayo na sa tokador at muling lumapit sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay saka siya bahagyang hinila palapit dito, hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Baka nagugutom---"

"Magpapakasal lang ako sayo sa tatlong kondisyon." mariin niyang sabit, pinutol ang gusto nitong sabihin.

Tumiim ang bagang nito, maya-maya'y nagawa nang ngumiti.

"Okay, tell me." pakaswal na sagot.

"Give me pen and paper." utos niya.

Itnuro nito ang center table. Agad naman nyang nakita ang hinihingi, tinapik niya ang mga kamay nito't lumapit sa center table.

Lihim itong napangiti, tila inaasahan na ang kanyang gagawin.

Matapos ang tatlong minuto'y ibinigay niya ang papel sa binata.

"Three months contract marriage?" salubong ang kilay na wika nito.

"Yes!" humalukipkip siya, puno pa rin ng kumpyensa sa sarili kahit dehadong dehado na siya.

"Pangalawa, tatanggapin mo akong executive secretary ng LSO BANK hanggang ako ang kusang magresign sa kumpanya. Pangatlo, hindi na mauulit ang nangyari satin kagabi. No intimate relationship between us." maangas niyang dugtong.

"Okay." sagot nito, pakaswal lang, natural na natural, parang bang walang pakialam sa nakasaad sa papel, basta makasal lang sila.

Lihim niyang iniiwas ang tingin. Bakit? Ano bang ini-expect niya? Na tatanggi ito sa pangatlo niyang kondisyon samantalang pinagsawaan na agad siya kagabi?

For sure, ilang babae na ba ang pinaikot nito sa mga palad? Hindi rin siya ang panghuli nitong paiikutin.

"Fine, let's get married then." pakaswal din niyang sagot maya-maya'y dumiretso sa banyo.

Hindi niya napansin ang pag-igting ng panga nito at biglang pagsasalubong ng mga kilay.

Sandali niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng yumuko sa harap ng lalaking ito, siya lang ang talo. Kailangang ipakita niya ritong hindi siya apektado sa nangyari kagabi.

Tatlong buwan siyang magiging asawa nito? Kaya niya yun! Siya pa! Basta wag lang nitong ihihiwalay sa kanya ang kanyang anak.

Natigilan siya. Kailangan na pala niyang kunin kina Cathy ang bata. Baka hinahanap na siya nito.

Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng banyo.

Naruon na agad sa loob ng kwarto si Marie.

"Senyorito, maglilinis na po ako." paalam ng katulong, nakayuko habang nagsasalita.

"Okay." tipid lang na sagot ng binata.

"Ako na ate." pigil niya sa dalaga sabay baling sa lalaking napatingin agad sa kanya.

"Ako na'ng maglilinis dito. Wag mo na siyang pagurin pa." anya sa binata.

"No! May pupuntahan tayo ngayon." salungat nito't itinuro ang damit na inihanda nito para sa kanya sa ibabaw ng kama.

"Wear it." utos sa kanya.

"Mamaya ka na maglinis pag nakaalis na kami." baling nito kay Marie.

Tumango naman ang kausap.

"Ate Marie, kumusta ka na? Pinahihirapan ka ba ng hambog na to?" usisa niya sa dalaga.

"Naku, hindi po! Mabait nga po samin si Senyorito eh." pagtatanggol nito sa lalaki.

Napangisi lang si Vendrick. Irap naman ang ipinukol niya saka lumapit na sa katulong.

"Halika te, usap muna tayo. Kumusta na kayo rito? May balak pa ba kayong mag-asawa? Hehehe." usisa niya ritong naasiwa bigla lalo nang hawakan niya ang balikat nito.

"Sensya na po Senyorita pero katulong lang po ako rito at kayo ang magiging asawa ni Senyorito." anang dalaga.

Hinampas niya ito sa braso.

"Ano ka ba, ako to si Marble! Di mo ba ako natatandaan?" pakilala niya.

Gulat itong napatitig sa kanya.

Ngumisi siya.

"Ako to, yung mahahaba ang pangil, si Marble." pakilala niya uli.

Pero nanatili itong natigagal kaya nilapitan na niya si Vendrick na nakayuko sa ipinasusuot sa kanyang damit, tinitignan kung maayos ang pagkakaplantsa niyon.

Hinampas niya ito sa braso.

"Hoy, sabihin mo nga sa kanyang ako to, si Marble." siga niyang utos dito.

"Uhm!" sagot lang nito sabay tango.

Hinawakan na niya ang braso nito, saka pinukpok ng kamay.

"Vendrick sabihin mo sa kanyang ako to si Marble!" hiyaw na niya.

"Hey!" saway ng binata.

Gigil na kinagat niya ang balikat nito.

Natawa lang ito.

"Stop it!" muli nitong saway saka siya hinila palapit dito't walang anumang niyakap.

"Sabihin mo kasing ako si Marble, nakakainis ka talaga!" nagtatampong sambit niya, iniharang agad ang mg siko sa dibdib nito.

"Oo na nga. Ikaw na nga si Marble! Hahaha!" panunudyo sa kanya.

"Bwisit ka!" singhal niya saka ito itinulak at pumihit na uli paharap sa katulong.

"Kita mo, si Vendrick na ang nagsabing ako nga ito, si Marble." nakangiti niyang wika ditong tigagal na at nanlalaki ang mga matang titig na titig sa kanya.

"Marble! Ikaw ba talaga yan? Bakit ang ganda mo na?" bulalas nito bigla pagkuwan saka tumili.

Ang lakas ng kanyang tawa lalo nang yumakap ito agad.

"Naku, ang ganda-ganda mo na! Di talaga ako makapaniwala! Teka sasabihin ko sa kanilang ikaw nga ito!"

Sa sobrang tuwa nito'y biglang humagibis ng takbo palabas ng kwarto, nagsisigaw sa may hagdanan.

"Bing! Eva! Manang! Si Marble, andito na! Andito si Marble!"

Dinig na dinig niya ang sigaw nito sa labas.

Di niya mapigiling mapahagikhik nang malakas saka nawala sandali sa sarili't nilapitan si Vendrick sabay hinampas sa braso.

"Dapat sinabi mo kanina pang ako ang andito." aniya't pumulupot sa braso ng lalaki, nginitian niya.

Isang smack kiss ang iginanti nito. Natigilan siya, agad inilayo ang katawan sa binata at namumula ang pisnging tumalikod dito't pinuntahan ang nagtitilihang mga katulong paakyat ng hagdanan.

Nakakalokong ngumisi si Vendrick.

"You'll surely surrender to me willingly sooner or later." bulong nito sa hangin.