Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 115 - INNOCENTLY SEDUCTIVE

Chapter 115 - INNOCENTLY SEDUCTIVE

"Nooooo!!!" ang lakas ng sigaw niya kasabay ng pagharap ni Vendrick sa kanya habang inilaladlad sa harapan nito ang kagagamit niya lang na undies.

Ang laki din ng buka ng bibig nito, di makapaniwala sa nakikita.

Halos liparin niya ang pagitan nilang dalawa mabawi lang ang hawak nito sa kamay.

"What the---!!" dismayado nitong sambit, anlaki ng mga matang napatingin sa kanya.

Sa wakas nabawi niya rin dito ang nilaladlad na panty.

"Bastos ka talaga! Pati panty ko pinakikialaman mo!" mangiyak-ngiyak niyang singhal sa binata.

My gosh! Nakakahiya! Pakiramdam niya, bumubukaka siya sa mismong harapan ng walanghiyang to habang nilaladlad nito ang kanyang undies. Mas nakakahiya pa ata yun sa ginawa niya kanina. Patunay ang pamumula ng kanyang pisngi sa sobrang hiya.

"Damn! You don't even know how to clean your room, you untidy girl!" sermon bigla sa kanya saka pinagtatanggal ang lahat ng makita sa ibabaw ng kama pati yung kalalagay lang niyang bed sheet kahapon saka itinapon sa kanyang harapan.

"Aba! Ikaw pa'ng may ganang magwala samantalang kwarto ko to! Malay ko bang dito ka pala pupuntang hinayupak ka!" ganti niyang hiyaw para pagtakpan ang sobrang pagkapahiya saka pinagdadampot ang mga itinapon sa kanya pati ang mabango pa niyang kumot, kahapon lang din niya yun ginamit.

"Give me another bedsheet!" utos sa kanya.

"Ano!? Aba't ang kapal naman talaga ng pagmumukha mo!" gigil na itinapon niya pabalik dito ang mga inihagis sa kanya at naniningkit ang mga matang lumapit dito saka ito dinuro.

"Hoy!!! FYI, akin lang naman ang kwartong to at wala kang pakialam kung anong gawin ko dito! kung makasigaw ka sakin, parang ako ang alila mo ah!" binanatan na niya ng salita habang taas noong ipinameywang ang mga kamay para ipakitang siya ang reyna sa sarili niyang tirahan.

"How many men have seen this room na nagkalat ang damit mo sa paligid, ha?" singhal na uli sa kanya, ayaw magpatalo.

Sa sobrang talim ng tingin niya rito'y kulang na lang maglaho itong parang bula sa kinatatayuan.

Syempre teritoryo niya yun, magpapatalo ba siya samantalang sampid lang ang walanghiyang to dun?

"Kung maka-men ka naman kala mo lahat ng lalaki dinadala ko rito! Hoy! Para sa kaalaman mong letse ka, kahit si Erland di pa nakakapasok sa kwarto kong hinayupak ka! Ikaw lang tong makapal ang pagmumukha na walang modong lalaking di man lang marunong magpaalam na papasok sa mismong silid ko!"

mahaba niyang litanya at nangigigil na iniamba niya ang kamao sa pagmumukha nito.

Ggggrrrr!!! Makakapatay siya ng tao ngayon pag di siya nakapagpigil.

Mula sa pagsasalubong ng mga kilay ay bigla itong natahimik, maya-maya'y nanunuring tumitig sa kanya saka hinimas ang baba.

"Ano, ha! Bakit bigla kang natameme jan, ha?" singhal na uli niya saka mabilis na hinila ang braso nito't itinulak palabas ng kwarto subalit humawak ito sa dahon ng pinto, itinukod ang mga kamay sa pader.

"Walanghiya ka talaga! Umalis ka sa pamamahay ko!" hiyaw niya, gigil na binayo ang likuran nito.

Subalit malakas ang binata, halatang ayaw umalis. Sa halip ay bigla itong pumihit paharap sa kanya saka siya bahagyang itinulak palayo at tumakbo na papunta sa kama, biglang tumihaya duon.

"Bwisit ka! Vendrick!!" halos umusok na ang kanyang dalawang ilong sa panggagalaiti dito na tila nananadya pang dumapa sa hubad niyang kama.

Nagdadabog siyang lumapit sa lalaki, hinawakan na uli ang braso nito at pilit na hinila palayo sana duon pero nakakapit din ito sa kabilang gilid ng bed.

"Ayaw mong bumangon, giatay ka! Vendrick! Lumayas ka na rito! Ano ba!" para siyang matatae na hindi naman habang itinutukod na ang isang paa sa gilid ng kama mahila lang pababa ang katawan ng binata.

"Letse ka talaga!! Vendrickkk!!!" lalo lang siyang nanggigil sa galit nang di man lang ito natinag sa pagkakahiga.

Siya lang din ang napagod sa ginawa. Nagtatagis ang bagang na sumampa na siya sa kama at inupuan ang likuran nito sabay sabunot sa buhok nito.

"Siraulo ka talaga! Sobrang kapal ng pagmumukha mo! Bed ko tong hinayupak ka! Umalis ka rito!" di pa nakuntento't pinagsusuntok na niya ang likod nito hanggang sa wakas ay gumalaw ito't mabilis na hinuli ang kanyang mga kamay saka siya itinumba patihaya sa kama hanggang sa madaganan siya.

"Ayyy!" gulat niyang hiyaw.

In just a glance, heto na siya patihayang nakahiga sa kama, nakadagan ang binata sa kanya at hawak sa uluhan ang kanyang mga kamay habang nakaangat ang ulo nito hanggang dibdib upang matitigan nang maigi ang kanyang mukha.

Nagtataas-baba pa rin ang dibdib niya sa panggigigil sa binata, di mapigilang tumalim ang mga titig niya.

"Let me go, you pervert!" paasik niyang utos.

Isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot nito subalit agad ding naglaho habang nakatitig sa kanya.

"Bitiwan mo ako sabi eh!" pagpupumiglas niya.

"Marble---"

Ngunit natigilan nang sambitin nito ang kanyang pangalan, the way he used to call her way back then.

Natigilan din siya, nawala ang galit sa mga mata, di maiwasang gumanti ng titig ditong bigla na lang umamo ang mukha.

Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya, unti-unitng inilapat ang dibdib sa nakaumbok niyang dibdib.

At ewan niya kung bakit biglang umiba ang tibok ng kanyang puso, pakiwari niya'y may mga kabayong nagtatakbuhan duon, dinig na dinig niya ang tunog niyon.

Ilang beses siyang kumurap, isa--dalawa--tatlo.

"V--vendrick--" wala sa sariling usal niya nang halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

"Honey---" paanas nitong sambit.

Bigla siyang naliyo sa paraan ng pagtawag nito, agad nag-alarm ang buo niyang katawan, biglang nanindig ang kanyang mga balahibo, parang ibinabalik siya sa nakaraan, yung panahong ninakawan siya nito ng--

Namula na uli ang kanyang pisngi lalo na nang ilapit nito ang bibig sa kanyang tenga.

"Don't you know that you're innocently seductive?" paanas na uling sambit sa kanya.

Napapitlag siya, hindi inaasahan ang tila maliliit na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan sa simpleng anas lang na yun.

Napalunok siya na tila ba bigla siyang nakaramdam ng pagkauhaw, sabay pikit.

Gosh! Ano tong nararamdaman niya? Di naman siya ganto kay Erland.

"V-vendrick, gusto ko nang matulog, umalis ka na." she still managed to utter those words sa kabila ng pagkalito sa nararamdaman.

"Marble..."

Gosh! Bakit ba parang may hipnotismo ang boses ng lalaking to sa kanya na di niya maiwasang maidilat ang mga mata at mapatitig na muli dito habang mariin itong nakatitig sa kanya, sinadya man nito o hindi ang pagkilos habang nakadagan sa kanya ay di niya alam pero gosh, that simple action and gesture just took her breath away giving her that strange feeling, as if there's something inside her aches for something she doesn't even want to know.

Napasinghap siya, why?

Hindi! Hindi siya pwedeng magpatalo sa nararamdaman.

Sinubukan niyang pumiglas mula rito but she failed.

"Vendrick, let me go please." pagsusumamo na niya at tila nagmamakaawa ang mga matang tumitig rito.

Subalit iba ang mga titig na iginanti nito sa kanya.

Dumiin ang hawak nito sa kanyang magkabilang kamay, bumigat din ang katawan nitong nakadagan sa kanya saka dahan-dahan lumapit ang mukha sa kanyang mukha.

"Damn, you're irresistibly alluring." tila nahihirapan nitong usal saka siya ginawaran ng padamping halik sa mga labi.

Padampi lang yun, padampi lang--pero gosh bakit kusang umawang ang kanyang mga labi upang tanggapin ang padamping halik na yun?

"Honey..."

"Uhmm..." she moaned.

'Whatt?! Gosh! Why???!'

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa binatang naningkit ang mga mata, hindi sa galit kundi sa tuwa, nakangiti ang mga mga mata nito sa kanya.

Narinig ba nito yun? Nakakahiya!

'Gosh Marble anong ginawa mo?' saway niya sa sarili.

"Inaantok na ako." bigla niyang bawi at mariing pumikit habang pulang pula ang pisngi sa pagkapahiya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata, pagkuwa'y hinalikan siya sa leeg at isinubsob ang mukha duon.

" Let me cuddle you like this, honey." usal nito, muling dinampian ng halik ang kanyang leeg.

Katahimikan---matagal...

Pero nakatitig pa rin siya sa kawalan. Anong nangyari? Bakit ganto na ang naging ending ng lahat?

Nakadagan sa kanya si Vendrick, normal ang paghinga na tila mahimbing na nakatulog sa ganun nilang ayos hanggang maramdaman niyang lumuwang ang hawak nito sa kanyang mga kamay.

Kumunut ang kanyang noo. Ganun ba talaga ito matulog, nakadagan sa katawan ng isang babae? Naningkit bigla ang kanyang mata.

No! No! Wala siyang pakialam dun! Pakialam ba niya kung ganto ito matulog sa piling ng mga nakalandian nito.

Pero nag-init pa rin ang kanyang tenga sa isiping yun at pilit na itinulak ang katawan nito nang makabangon sya subalit natigilan din nang umungol ang binata.

"Marble...Marble..."

Huh? Nananaginip na agad ng gunggong na to? Sa ganun lang kabilis na minuto?

Muli niya itong itinulak at agad siyang bumangon, inis na hinampas ang braso nito subalit napatitig din sa mukha nitong tila isang inosenteng bata habang mahimbing na natutulog.

Ang balak na pagbangon ay nauwi sa pagdapa at nakapangalumbabang pinagmasdan ang mukha ng binatang mula nang muli silang magkita ay ngayon lang niya natitigan.

Hindi ito sobrang gwapo tulad ni Erland o ni Gab. Pero ang gwapo at maskulado nitong mukha ay tila may kakayahang manggayuma sa sinumang makakatitig niyon. Ang lakas ng appeal ng binata na habang tinititigan mo ay lalong gumugwapo.

Di niya sinasadyang mapangiti ngunit bigla ding binawi nang marealize kung anong ginagawa, sabay sabunot sa sarili.

"Marble, gaga ka talaga! Galit ka sa kanya di ba?" sermon niya sa sarili at nagmamadaling bumaba ng kama.

"Ang bwisit na to! Sa laki ng bahay ng mga magulang niya ay bakit dito pa naisipang mambulabog, kaasar!" gigil niyang sambit habang dinadampot isa-isa ang mga itinapon nito kanina at inilagay sa laundry room para malabhan niya uli.

Pagbalik niya sa kwarto, ganun pa rin ang ayos ng binata. Duon lang din niya napansing nakasapatos pa pala ito. Lumapit siya't tinanggal ang sapatos nito't medyas saka itinabi sa may pinto.

Kumuha na rin siya ng panibagong kumot para magamit nito. Duon na lang siya matutulog sa sala. Hindi na niya pipiliting paalisin kung ganun kasarap ang tulog nito.