Umaga pa lang, nasa opisina na si Vendrick. Kausap ang detective na kinuha niya para sundan si Marble.
Tulad ng nakasanayan, nakasampay ang kanyang mga paa sa ibabaw ng mesa habang ang likod ay nakasandig sa headboard ng swivel chair at nakatitig sa screen ng kanyang computer.
"Pinagplanuhan na nilang mabuti ang lahat. Pati ang bartender sinuhulan nila." balita ng lalaki habang nakatayo paharap sa amo.
"What about Erland?" walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha habang nakikinig sa sinasabi ng kausap pero ang mga mata'y iisa lang ang tinititigan.
"Pinuntahan siya ni Mr. Saavedra kanina lang. Baka pumayag na rin si Mr. Oliver sa paanyaya ng una." sagot nito, seryoso pa rin ang mukha.
"And Marble?" muli niyang usisa.
Sandali itong natahimik.
Napasulyap siya rito.
"Naghahanap na uli siyang trabaho." alanganin nitong sagot.
Siya naman ang natahimik. Matindi talaga ang babaeng yun. Inaayawan nito ang kayamanang ipinamana ng kanyang lolo pero di naman tumitigil sa paghahanap ng trabaho.
"Tungkol po pala sa pinaiimbestigahan niyo sakin. Walang pangalang Marble Sanchez ang nakarecord sa kahit saang opsital sa listahan ng mga nanganak limang taon na ang nakakaraan." pag-iiba nito ng usapan.
Bahagyang umawang ang kanyang mga labi sabay tingin sa lalaki.
"Walang record?" paniniyak niya kung tama ang kanyang narinig.
"Yes po sir. Pero may record po ng Live Birth certificate ng anak niyang si Kaelo Sanchez sa NSO. Wala nga lang nakalagay na ama sa live birth." patuloy nito.
Kumunot na ang kanyang noo.
"You mean, posibleng hindi si Gab ang ama ng bata?" curious niyang tanong rito.
Tumango ang lalaki.
"Posible din pong hindi niya anak ang bata." dugtong nito.
"What?" agad niyang naibaba ang dalawang paa sa mesa at napatayo.
"Paanong hindi niya anak ang bata?" di siya kuntento sa sinabi nito.
"Nagtanong ako sa isa sa mga empleyado ng salon. Naruon na ito bago dumating si Marble. Wala daw palatandaan na nagbuntis siya. Pero bigla na lang siyang nagkaruon ng anak. At si Erland ang kilalang ama ng bata." kwento ng lalaki.
Lalong nangulubot ang kanyang noo sa narinig. Walang palatandaang nagbuntis siya?
But he saw her in front of him, puno ng dugo ang palda nito, umaagos pa yun sa binti nito noon habang si Gab ay hubot hubad din sa ibabaw ng kama.
No! No! Totoong nagbuntis si Marble. Hindi nga lang nahalata dahil sa loose ang mga damit na hilig nito suot. Malay niya, prematured yung bata, pilit inilabas kahit di pa nito kabuwanan.
Nagtagis ang kanyang bagang. Malalaman dib niya ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Gusto niyang matiyak kung si Gab nga ba ang ama ng batang yun.
Muli siyang naupo sa swivel at sinenyasan ang kausap na umalis na.
"Pasusundan ko pa po ba si Miss Sanchez mamaya?" tanong nito.
"No! I'll take care of her myself. Just make sure hindi makakilos ang bartender na yun." utos niya bago ito umalis ng opisina.
Malalim siyang nag-isip. Why is Gab so adamant to get her back in a harsh way kung may malalim namang unawaan ang dalawang yun noon pa at alam nitong anak nito ang anak ni Marble?
Naihilig niya ang ulo sabay tingin na uli sa screen ng computer.
"What are you hiding Marble?" bulong niya sa hangin.
----------@@@@@------------
Halos lumundag sa tuwa si Marble nang sa wakas ay may tumanggap na sa kanya bilang secretary ng isang manager sa isang kilalang Filipino Overseas Recruitment Agency. Sa wakas magkakatrabaho na rin siya.
Di pa rin siya makapaniwala kahit palabas na ng establishment, pinarireport na siya agad kinabukasan for orientation and training pero ang sahod daw niya ay tulad na ng mga regular employees duon kahit trainee pa lang siya.
Wala sa sariling napahalakhak siya sabay napa-"Yes!". Napatingin tuloy sa kanya ang mga taong nagdaraan sa gawi niya, iba-ibang ekspresyon ang makikita sa mukha sa pagtataka.
Natigil lang siya sa pagtawa nang tumunog ang kanyang phone.
"May work na ako, Erland. Natanggap na ako sa trabaho!" balita niya agad sa binata, sinabayan ng hagikhik ang sinabi.
"Wow congrats. Tamang tama may pupuntahan akong party mamaya, sa isang bar. Sama ka? Si Gab ang taya. Icelebrate natin dun ang pagkakatanggap sayo sa trabaho." yaya ng binata.
"Para namang wala akong anak na maiiwan sa bahay." pabara niyang sagot dito.
"I already talked to Cathy. Kukunin niya si Kaelo mamayang 4pm." maagap na sagot ng binata.
"Woah! You won't really take 'no' for an answer, huh?" pabiro niyang sagot.
Mahina itong tumawa.
"Nahihiya kasi akong tumanggi kay Gab. Eh wala naman akong mahihilang partner liban sayo kaya pagbigyan mo na ako." lambing nito sa kanya.
"Asus, ayaw mo lang amining gusto mo na naman akong ibalandra sa mga kaibigan mo." panghuhuli niya, nagsimula na uling maglakad palapit sa naghihintay niyang Mio sa parking lot.
Napalakas ang tawa nito.
"O sige na. Bye na. Susunduin ko pa si Kaelo. Alam mo namang mahigpit sa oras yun." pagtatapos niya sa usapan nila.
"Susunduin kita sa condo mo." habol ni Erland bago pinatay ang tawag.
Napapangiti na lang siyang sumakay sa kanyang motor papunta sa eskwelahan ng anak.
Hindi na niya ito idadaan sa salon ni Erland para makapagpahinga naman ang bata. Isang buwan din kasi itong tumambay dun at nakipagkulitan sa mga customer nito. Mamaya baka masobrahan na ito sa pagod, mahirap na.
Eksaktong alas onse nang umaga ang oras sa kanyang relo nang iparada niya ang motor sa harap ng eskwelahan at pumasok na sa loob ng gate.
Nakita siya agad ni Kaelo na naghihintay na pala sa labas ng room nito, may kausap na matangkad na lalaki.
"Mommy!" tawag sa kanya ng bata.
Kumaway rin siya at binilisan na ang mga hakbang para makauwi na sila ngunit napatitig sa lalaking kausap nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya di niya makita ang itsura ng huli.
"My mom is already here. Thank you po, sir." anang bata sa lalaki.
"Mommy, meet my new friend." pakilala ng bata.
Pumihit paharap sa kanya ang lalaki saka tipid na ngumiti.
'What!? No!' hiyaw ng kanyang isip. Agad namutla sa nakitang mukha ng lalaki.
Ito yung nakita niya noong birthday ng kanyang alaga. Ito yung kapatid ni Vendrick!
Paanong napunta dito ang lalaking to?
Sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha nito'y halatang di siya nito nakikilala kaya pakaswal na rin siyang lumapit sa bata at tipid ding ngumiti.
"Hi, i'm Kaelo's mother. What can i do for you? How did you meet my son?" pasimple niyang pakilala sabay usisa rito.
"I'm Karl Ortega. Nice meeting you." malapad na ang ngiti nito saka inilahad ang kamay para makipag shake hands.
Tinanggap niya yun pero agad din niyang binawi ang kamay mula rito.
"My girlfriend is working here. We just met by accident." anito sa kanya pero sa bata nakatingin.
"Mommy, he's kind. Hindi niya ako pinagalitan kahit natamaan siya ng bulang nilalaro ko kanina." kwento ng anak.
"Ouch! Sensya na po sir ha? Masakita ba?" baling niya sa lalaki.
Itinaas nito ang kamay.
"No, no. That was nothing." ang sagot nito.
"Ang cute ng anak mo. Mana ba siya sa Daddy niya?" usisa nito.
"Ah oo." biglang namula ang kanyang pisngi sa di mawaring dahilan at agad na hinawakan sa kamay ang bata.
"Sige po, sir. Aalis na kami." paalam niya't mabilis na inilayo ang bata sa lugar na yun.
Naiwang nakakunot-noo ang lalaki, titig na titig sa bata saka hinimas ang dibdib na kanina pa mabilis ang pagpintig pagkakita lang sa mukha ng batang malaki ang pagkakahawig sa isang taong nakilala nito noon.