Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 112 - UNSPOKEN FEELINGS

Chapter 112 - UNSPOKEN FEELINGS

"Bitiwan mo ako!" matigas niyang utos sa binata at iniharang na ang dalawang siko sa dibdib nito nang humigpit lalo ang hawak nito sa kanyang beywang.

"Why?" paanas nitong sambit.

Huh? Maang siyang napabaling rito, nagtama ang kanilang mga paningin, bigla siyang natuliro.

Anong nakikita niya sa mga mata nito?

It was surely anger! And pain. Pain! Bakit? Saan ito nasaktan?

"Marble..." usal nito sa kanyang pangalan, tulad ng paraan ng pagtawag nito sa kanya noon.

No! Hindi siya pwedeng magpaapekto dito. Hindi pwede! Galit siya rito!

Iniiwas niya agad ang tingin saka ito pilit na itinulak.

"Why?" muli nitong sambit.

"Ano ba, di ako makahinga sa ginagawa mo!" hiyaw niya uli at muling sumulyap rito.

She just wanted to glance at him, just a glance pero di niya maiwasang maipako ang mga mata sa binata. Mariin itong nakatitig sa kanya, giving her a confused look, staring at her as if he's staring with his heart, there's anger, there's pain, there's longing---longing for what---longing for who? Longing for her?

Impossible! He hated her as much as she hated him for five long years.

Nakagat niya ang ibabang labi at biglang binawi ang tingin, kunwa'y tumingala sa langit.

"Vendrick, uulan na naman, hindi ako nakapagdala ng payong. Kaya uuwi na ako. Bitiwan mo na ako." saad niya ritong tila ang layo na ng nilakbay ng isip sa ganun lang kabilis na sandali.

"Why are you doing this to me?" tila nahihirapan nitong sambit, saka lang siya pinakawalan ngunit hawak pa rin ang kanyang kamay, hinila siya papunta sa kinaruruonan ng kotse nito.

Hindi siya nakapalag, ni hindi siya nakapagsalita, naguguluhan pa rin kung anong nakita niyang emosyon sa mga titig nito kanina.

Binuksan nito ang pinto sa tabi ng driver's seat at duon siya pinapasok. Parang bata siyang sumunod lang, di nagreklamo.

Bago ito pumasok ay pumilantik muna.

Maya-maya'y nakita na niya ang isang lalaking papunta sa dako nila at ginamit ang kanyang motor.

Takang napasulyap siya rito.

"Pinasusundan mo ako?" salubong ang kilay na wika niya, puno ng kumpirmasyon ang boses.

Hindi ito nagsalita, diretso lang ang tingin sa harap ng sasakyan, saka lang yun pinaandar nang mawala na sa paningin nila ang lalaking gumamit sa kanyang Mio. Sa tanda niya, yun din ang kumuha niyon sa gilid ng kalsada. Ibig sabihin, sinusundan siya ng binata o pinasusundan siya, alin sa dalawa.

Bakit? Para di siya makatakas rito?

Humalukipkip siya at salubong ang kilay na dumiretso din ng tingin sa labas ng sasakyan, saka lang ito muling sumulyap sa kanya, diretso sa kanyang dibdib, pagkuwa'y makulimlim na uli ang mukhang pinaharurot ang sasakyan at mabilis na pinatakbo.

"Kung iniisip mong magpapakasal ako sayo, nagkakamali ka. Hindi mangyayari yun. Bukas din sasabihin ko sa abugado na ilipat sa pangalan mo ang mana sakin ng lolo mo. At yung utang ko sayo, babayaran ko sayo sa loob ng isang linggo. Maghintay ka lang, babayaran kita!" hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at isinambulat na ang kanina'y laman ng isip.

Hindi ito sumagot. Ni hindi sumulyap man lang sa kanya, sa halip ay lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nakaramdam na siya ng kaba't mahigpit na humawak sa handle ng pinto.

"Vendrick! Bagalan mo! Bagalan mo!" paulit-ulit niyang sigaw ngunit isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot nito.

Pakiramdam niya, di na umaapak sa lupa ang gulong ng sasakyan sa sobrang bilis niyon at tila nananadyang halos dikitan muna nito ang mga nakakasabay na sasakyan bago mag-overtake.

Napapatili na siya sa sobrang takot.

"Magpapakamatay ka ba! Vendrick!" sigaw niya uli, napapahikbi na sa sobrang takot ngunit tila wala itong naririnig, nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Binbin tama na! Tama na!" napahagulhol na siya.

For the past five years, ngayon lang uli niya nasambit ang pangalang yun.

It was as if the magic word para bumalik sa katinuan ang binatang naguguluhan na namang napatingin sa kanya.

"Ihinto mo ang sasakyan! Ihinto mo!" sigaw niya sa pagitan ng pag-iyak. Sa tanang buhay niya, ngayon lang nangyaring makaramdam siya ng takot sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan. Kahit si Erland hindi nito kayang magpatakbo nang ganun kabilis kahit gustuhin nito.

Pero ang walanghiyang lalaking to, wala talagang pakialam sa nararamdaman niya.

Sa wakas binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan at biglang inihinto sa gilid ng kalsada.

Sa sobrang galit niya, pagkatapos lang tanggalin ang pagkakakabit ng seatbelt ay pinagbabayo na niya ang dibdib nitong bahagyang nakaharap sa kanya.

"Hayup ka talaga! Walanghiya! Ang sama ng ugali mo! Tarantado! Siraulo!" Paulit-ulit niyang hiyaw subalit wala man lang itong naging rekasyon, nanatili lang sa posisyon nito, ni hindi siya pinipigilan sa ginagawa hanggang sa mapagod siya at kusang huminto.

Subalit kung kelan siya huminto duon naman nito hinawakan ang kanyang kamay sabay kabig na uli sa kanya palapit. Buti na lang naiharang niya agad ang isa pang siko sa dibdib nito.

"What will you do, you psycho, huh?!" paasik niyang wika, nanlilisik ang mga matang tumitig sa binata, but to her surprise, there's no anger in his eyes, only sadness and great pain na tila ba binibiak ang puso nito sa sakit.

Kasing sakit nang mawala sa kanya ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay maliban sa mga magulang niya.

"V--vendrick---" lito niyang sambit.

At ewan niya kung bakit biglang lumambot ang kanyang puso sa nakikitang lungkot sa mga mata nito. Bakit? Anong nangyari dito?

Subalit katulad ng isang kurap ay ganun din ito magpalit ng emosyon.

" Have sex with me." marahan nitong usal.

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

"You maniac!"

Biglang bumalandra ang kamao niya sa pisngi nitong tila papel na nayupi sa lakas ng tama niyon.

Bago pa makabawi ang lalaki'y nabuksan na niya ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling lumabas duon, patakbong lumayo sa lugar na yun.

Kahit maglakad siya mula sa kinaruruonan hanggang sa kanyang condo, wala siyang pakialam kesa makasama ang tarantadong yun na di niya alam kung anong tinatakbo ng utak, bakit pabago-bago ng pag-uugali. Walanghiya talaga! Nakakaasar! Sukat ba namang yayain siya ng sex.

"Ano siya, sinuswerte! Gagong yun! Andami-daming babae sa Canada idagdag pa ang fiancee niya, hindi pa ba siya nakuntento sa mga yun at gusto pa akong tikman. Hah! Nagkakamali siya ng niyaya, tarantado siya!" gigil niyang sambit habang mabilis ang mga hakbang sa paglalakad palayo.

Naiwan ang binatang sandaling nawala sa huwisyo o sadyang nawala sa sarili pagkakita lang ng kwintas na ibinigay nito sa kanya.

"Why are you still wearing that necklace, dammmit!!" pagalit nitong nasuntok ang manibela.

"She didn't love me. She didn't love me at all. But why is she still wearing that necklace?" naguguluhan pa ring tanong nito sa sarili.

It was five long years that he hated her so much for betraying him and believing that she didn't love him at all. But when he saw the necklace, it was as if all his efforts to forget her for that five long years became in vain.

No! He musn't fall for her trap anymore.

Related Books

Popular novel hashtag