Chapter 113 - CONFUSED

"Drick!"

Kapapasok lang ni Vendrick sa loob ng bahay, umalingawngaw na agad sa sala ang tawag ni Chelsea.

Sandali lang niya itong sinulyapan, pagkuwa'y dire-diretso na siya sa kanyang kwarto.

"Drick! You can't marry that slut. Gagawin ka lang niyang panakip-butas kay Gab. Drick!" habol ng dalaga sa kanya, halos takbuhin ang hagdanan maabutan lang siya.

Hindi niya ito pinansin, nagtuluy-tuloy lang sa loob ng kwarto. Humabol pa rin ang dalaga at nang malapitan siya'y agad nitong ipinulupot ang mga braso sa kanyang beywang at niyakap siya patalikod.

"Drick, you can't marry anyone but me. Di pa ba sapat ang pera ng pamilya ko para ipantapat sa yamang namana ng manlolokong yun? Drick wake up. He'd chosen Gab over you a long time ago. Mukhang pera ang babaeng yun. Hindi niya ibibigay sayo ang yaman ni Lolo kahit pakasalan mo siya." sulsol nito sa kanya, halata sa boses ang pagkadisgusto kay Marble.

Hindi siya sumagot, subalit di siya pumalag sa ginagawa nito. Kahit papano, sa loob ng limang taong magkasama sila ni Chelsea sa Canada, ito ang naging karamay niya sa hirap at ginhawa. Ito ang nagbigay sa kanya ng lakas at tumulong para makalimutan niya ang ginawa ni Marble.

Marble...her face kept flashing on his mind. Kahit saan niya ibaling ang paningin, mukha nito ang kanyang nakikita, those fierce looks towards him na tila ba malaki din ang galit sa kanya. He could even feel that anger.

"Ito ang gusto ni Papa." tipid niyang sagot.

Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at pilit siyang iniharap dito.

"No! Kakausapin ko si Tito, Drick. Lahat ng assets namin, iinvest namin sa kompanya niya, bawiin niya lang ang sinabi niya." giit nito, maluha-luha na habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Chelsea---" mahina niyang usal.

"I love you Vendrick. Hindi ko kayang mawala ka sakin." tuluyan na itong napaiyak at naisubsob ang mukha sa kanyang dibdib.

"Did you really see Marble eloping with Gab on that day?" mahina niyang tanong, sapat lang para marinig nito ang kanyang sinabi.

Natigil ito sa pag-iyak. Nanlalaki ang mga matang tumingala sa kanya.

"Why? Nagdududa ka na sakin? Di ba nakita naman mismo ng yong mga mata ang nangyari? Kahit si Tito Keven, inisend pa sayo ang picture na magkasama silang dalawa sa kotse di ba?" todo paliwanag nito.

Umiwas siya ng tingin. Lahat ng katibayan na nagpapatunay sa mga sinabi nito'y nakita niya. But--- that girl's attitude towards him pag magkasama sila ay iba ang ipinahihiwatig sa kanya.

Huminga siya nang malalim at dahan-dahang itinulak ang katawan ng dalaga mula sa kanya.

"Drick, maawa ka sakin. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka." muli na naman itong umiyak.

Hindi siya manhid para hindi makaramdam ng awa dito. Pero hindi rin niya kayang baliwalain ang nararamdaman para sa babaeng yun. Mula nang makita niya ito, mabibilang sa daliri ang oras na nakakatulog siya.

What more nang makita niyang suot pa rin nito ang kwintas na ibinigay niya. Naniniwala siyang isa itong malanding babaeng ang habol lang sa lalaki ay pera.

Fuck! But why is she willing to give him back his grandfather's wealth kung habol nito ay pera?

Naguguluhan na siya.

"Chelsea-- I'm sorry." he muttered indifferently.

Ayaw niya itong saktan pero mas lalo lang itong masasaktan kung ipagpapatuloy pa niya ang ginagawa.

"No! I won't accept that Drick!" ilang beses itong umiling bago siya muling nilapitan ngunit itinaas niya ang isang kamay.

"You can go now. Gusto ko nang matulog." aniya't biglang tumalikod rito saka mabilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng banyo, eksakto namang pagpasok ng ama sa kanyang kwarto at nakita ang umiiyak na si Chelsea.

"Tito, i'm begging you. Hindi sila pwedeng makasal ng malanding yun. Huhuhu!" pagsusumamo nito sa ginoo.

"Hey, relax Chelsea. Akala mo ba papayag din akong mapasali sa pamilya namin ang hampaslupang yun?" saad ni Keven pagkuwa'y tila nang-uumay na ngumiti.

Kumunot ang noo ng dalaga.

"What do you mean, Tito?" maang nitong tanong.

"Pakakasalan lang ni Vendrick ang babaeng yun para maibalik na samin ang yaman ni Papa. And after that, pwede nang ipa-annul ni Vendrick ang kasal. Ganun lang kasimple. Hahaha!" ang lakas ng tawa nito pagkatapos magpaliwanag.

Agad namang nagliwanag ang mukha ng kausap.

"So, that's it! Babawiin niyo lang pala ang yaman ni Lolo sa kanya pagkatapos ay ipapa-annul ni Vendrick ang kasal." pag-uulit nito, pagkuwa'y humagikhik.

"Bakit di ipinaliwanag yun sakin ni Vendrick? Hahaha!" malakas na rin ang tawang pinakawalan nito.

Tinapik ng lalaki ang balikat ng dalaga.

"Kaya don't worry, Chelsea. After ng annulment, ako pa mismo ang magsi-set ng kasala niyo."

Muling humagikhik ang dalaga.

"Ang galing mo talaga, Tito." papuri nito sa ama ni Vendrick.

Isa na uling malutong na halakhak ang pinakawalan nito.

-----------@@@@@----------

Hindi alam ni Vendrick kung anong nagtulak sa kanya nang hatinggabing yun para pumasok sa silid ng kanyang lolo.

He sighed pagkuwa'y tumiim ang bagang.

Ayaw na niyang maalala ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan. Subalit hindi niya mapigilan ang sarili. Aminin man niya o hindi, there's something in his heart that aches for those memories. At di niya mapigilan ang ganung damdamin.

Kaya sa isang iglap lang, here he is, trying to find something memorable. Damn! Everything in this fuckin' place is memorable na tila nananariwa pa sa kanyang alaala. Parang kaylan lang yun, parang kahapon lang.

He smiled bitterly and touched the surface of the sofa. Dun sila madalas umupo at magkulitan.

He glanced at the bed, ewan kung bakit tila hinihila siya papunta dun. Tulad ng ginawa niya sa sofa, hinagod niya ng kamay ang ibabaw niyon at dinampot ang unan na noo'y gamit ng babaeng yun. He just wanted to touch it pero di niya alam kung bakit niya hinalikan as if he could still smell her shampoo on it, the natural smell of her body, tila amoy pinipig na bigas, mabango kahit pinagpapawisan, and the----

Nangunot bigla ang kanyang noo nang may makapa sa loob ng unan.

Tinanggalan niya ito ng punda saka binuksan ang zipper ng mismong unan at kinapa ang umuumbok at matigas na bagay sa loob

niyon.

"Her phone?" gulat niyang sambit.

Magkatabi iyon ng palstik na singsing na ibinigay niya noon.

Naguguluhang inilabas niya ang lahat ng laman ng unan at ibinulsa ang singsing saka mabilis na dinampot ang phone.

Sinubukan niyang iopen ang phone nito.

"It opened?" nagulat na naman siya. Bakit may power pa din ang phone na yun kung wala nang gumagamit.

Sinimulan niya iyong kalikutin, mula sa pictures nito, sa videos, maging sa fb pero wala itong account.

Nacurious siyang tignan ang ang messages nito. Mga texts lang ng mga parents ng babae ang andun.

At sa calls na nakaregister duon.

Nagsalubong bigla ang kanyang mga kilay. Naruon pa rin sa call history ang mga number na tinawagan at tumawag rito. pati missed calls. Last na nagmissed call ay ang number ng tatay nito.

Nagscroll siya pababa hanggang mahagip ng paningin ang number ng kanyang ama.

Bakit ito tumawag kay Marble? Ang araw na nakasaad duon ay ang araw din ng kanyang alis. Ibig sabihin bago siya nagpunta sa bahay na yun, tinawagan muna ng kanyang Papa si Marble? Bakit???

Naguguluhang napatingin siya sa malaking kabinet, binuksan ang bawat pinto duon. Lahat ng gamit nito ay naruon maliban sa suot nito ng araw na yun at sa kwintas.

"Whhy?"

What really happened that day? Hindi ba naglayas ito at sumama kay Gab? For sure, si Gab ang ama ng anak ng babaeng yun, ipinaako lang kay Erland.

Related Books

Popular novel hashtag