Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 111 - WHAT'S HIS REAL MOTIVE?

Chapter 111 - WHAT'S HIS REAL MOTIVE?

"Sir, there's something that I want to report." pahayag ng lalaking nakatayo sa harap ng mesa ni Vendrick habang ang binata nama'y tahimik lang na nakamasid sa screen ng computer at nakataas ang mga paa sa ibabaw ng work table.

"Say it." malamig niyang wika.

"Hanggang ngayon, nakasunod pa rin si Mr. Saavedra kay Miss Sanchez." simula ng lalaking naka office suit.

Hindi siya kumibo, nanatili lang nakamasid sa screen ng computer, ni walang makikitang pagkagulat sa kanyang mukha sa ibinalita ng kausap.

"She is in the cemetery." dugtong ng lalaki.

Tahimik pa rin siya.

"Ang balita ko, alam na ni Mr. Saavedra na si Miss Sanchez ang tagapagmana ng LSO Bank at lahat ng ari-arian ng inyong lolo. I just guess he's making his move to get close to her as soon as possible."

Bahagyang kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang nagsasalita.

"Base sa info na nakalap ko, tagilid din ang negosyo nila ngayon simula nang mawala ang partnership ng inyong mga magulang 5 years ago. Kaya kailangan nila ang tulong ngayon ni Miss Sanchez." patuloy ng lalaki.

Tinanggal niya ang pagkakalapat ng mga paa sa ibabaw ng mesa at umayos ng upo saka kinalikot ang kanina pa hindi nagagalaw na computer.

"Ilang araw na siyang nakabantay kay Marble?" usisa niya.

"Mula nang bumalik siya galing Canada." sagot ng lalaki.

Nagsalubong bigla ang kanyang mga kilay. So, naruon din ito sa birthday ni Dave, hindi lang nagpakita sa kanila.

"Sir, pasusundan ko pa ba si Miss Sanchez?" usisa ng kausap.

Tumayo siya, dinampot ang phone sa ibabaw ng mesa at sandaling sumulyap sa kausap.

"No need. I'll do it myself." anya at nagmamadali nang lumabas ng opisina.

-----------@@@@@-----------

Mula nang pumasok ang buwang iyon, madalas na si Marble sa puntod na yun, paupong naka- squat habang nakatitig sa lapida pero wala naman duon ang isip, naglalakbay sa kung saan.

Matapos ang matagal ding pagkatulala'y naihilig niya ang ulo, tila nagbalik na sa kasalukuyan, pagkuwa'y ngumiti at pinitas ang isang bulaklak ng orchid sa kanyang harapan.

"Buti hindi ka nagsasawang makinig sakin. Puro na lang kasi problema ang ikinukwento ko sayo." anyang sa lapida nakatingin.

Biglang bumalik sa kanyang alaala ang minsan nilang napag-usapan nito noon habang nakaratay ito sa hospital bed, siya nama'y nakahiga sa tabi nito nakatagilid habang nakamasid sa maputlang mukha ng kausap.

"Ate, pano mo masasabing mahal ka ng isang lalaki?" painosente niyang usisa.

Matamis itong ngumiti kahit na tuyo ang mga labing tila wala nang dugo, maputla.

Ginulo muna nito ang kanyang buhok bago sumagot.

"Pag nagbago siya dahil sayo." sagot nito.

Nalito siya.

"Paanong nagbago?" taka niyang tanong.

Mapakla itong ngumiti saka dumiretso ang tingin sa kisame ng kwartong yun.

"Iba-iba ang mukha ng pag-ibig Marble. Iba ang mukha ng pag-ibig sakin. Iba din sayo. Dati di niya ako pinapansin, nag-aaway kami madalas kasi maarte siyang lalaki, ayaw niya sa maalikabok pero di naman siya marunong maglinis ng kwarto. Ngunit pagbalik niya galing sa abroad. Kinausap niya ako. Ang sabi niya, marami daw nagbago sa kanya dahil sakin. Saka niya sinabing mahal niya ako." kwento nito, halata ang saya sa mukha, mababanaag din sa nakangiti nitong mga mata.

Subalit napalitan yun ng mga luha, tumutulo na naman ang mg luha ng babae.

Hinawakan niya ito sa kamay.

"Ate--" nag-aalala niyang tawag dito.

Bumaling ito sa kanya.

"Marble, pag nawala na ako, ayukong malalaman niyang wala na ako. Itago mo ako. Parusa ko yun sa kanya kasi di niya ako hinanap." garalgal nang sambit nito.

Napapiyok na rin siya.

"Ate wag ka nang magsalita. Baka sumakit na naman ang ulo mo. Bakit kasi mas pinili mo ang ganto kesa magpatherapy?" garalgal na rin niyang saad, nasa boses ang pagtatampo sa babae dahil di ito pumayag na magpatherapy gayung posible pang magamot ang sakit nito sa ganung proseso.

"Pagdating ng araw mauunawaan mo rin ako." nakangiti na uli ito.

NAPAHAGULHOL na siya nang maalala ang sandaling yun.

"Bakit kasi mas pinili mo pa siya kesa sakin? Huhuhu!"

Nanariwa na naman sa kanya ang sakit habang binabalikan sa isip ang tagpong yun.

Sino ba ang nakakaalam kung anong pinagdaanan niya sa loob ng limang taon, kung ganu kapait yun na hanggang ngayon ay napapahagulhol siya pag naaalala yun?

Wala--- walang may nakakaalam. Siya lang mag-isa. Kaya nga ayaw na niyang balikan ang lahat.

Ayaw niyang pagdaanan ang pinagdaanan nito.

"Marble--?"

Isang baritonong boses ang biglang bumulaga sa kanya sa lugar na yun.

Bigla siyang natigilan at gulat na napalingon sa pinagmulan ng boses.

"Sir Gab?!" bulalas niya pagkakita sa lalaking nakakunot ang noo, nagtataka kung bakit siya andun sa lugar na yun.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha at inayos ang sarili saka tumayo at humarap dito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" sabay pa nilang tanong sa isa't isa.

"Dinalaw ko ang puntod ni Lolo Leo. Dito kasi siya inilibing." sagot ni Gab sabay turo sa kinaruruonan ng tinutukoy nitong puntod.

"How about you? Sino'ng dinadalaw mo rito?" usisa sa kanya, nakakunot pa rin ang noo.

"Ah-- si At---pinsan ko, kapatid ng tyahin ko. Magclose kasi kami nung nabubuhay pa siya." pautal niyang sagot, itinuro agad ang lapida.

"Margaret De Jesus." basa ni Gab. "Matagal na pala siyang nakalibing rito." anang binata.

"O--oo." tipid niyang sagot.

"Pauwi ka na ba? Ihatid na kita." Hindi ko pa pala nababayaran yung nasira ko sa motor mo." anito.

"Okay lang yun. Wag mo nang isipin yun. Naayos na naman yun eh, nagamit ko na nga oh." anyang nakangiti na sabay turo sa kanyang Mio sa di kalayuan. Pag-uwi niya kanina, naruon na iyon sa harap ng salon ni Erland.

Tinanaw ng binata ang itinuro niya pero natuon sa palapit na kotse ang atensyon nito.

"Hindi pa ako uuwi. Mauna na lang po kayo." pakli niya.

"Ahm, no. Sasamahan muna kita rito." maagap nitong sagot matapos sulyapan ang lalaking bumaba sa pumaradang sasakyan sa di kalayuan sa kanyang Mio.

"Sensya na po Sir Gab pero baka po mabagot ka sakin. Mamaya pa po ako uuwi. Gusto ko po munang manatili rito hanggang sa gumabi." paliwanag niya saka muling humarap sa puntod.

"Ganun ba? Pwede ko bang makuha ang number mo?"

"Sure! Teka lan---" sagot niya.

Subalit di pa man siya natatapos magsalita'y merun na agad umakbay sa kanyang balikat.

Gulat siyang napabaling sa pangahas na gumawa nun.

"Vendrick!" bulalas niya.

Taliwas sa nakita niyang mukha nito kanina sa conference room, ang tamis ng ngiti nito sa kanya ngayon, ngunit kapansin-pansin ang higpit ng hawak nito sa kanyang balikat habang nakangiti rin kay Gab.

"Hi! Nice to meet you! Long time no see! Kasama mo pala ang fiancee ko." bati nito kay Gab.

"What?!" bulalas na naman niya, agad na naningkit ang mga mata rito, pero di ito apektado sa ginawa niya, inilapit pa nga ang mukha sa kanyang tenga.

"You'll come with me." paanas nitong saad. He's not asking her, he's giving a command in that low voice, saka bumaling sa dating kaibigang salubong na ang mga kilay ng mga sandaling yun.

"You wanna come with us? May date kasi kami." anito sa binata.

"No, i still have an appointment today. Mauuna na ako." alanganin nitong sagot, tila napipilitan lang saka bumaling sa kanyang pigil ang panggigigil sa nakaakbay sa kanya.

"Marble, di ka ba busy tomorrow? Can i treat you to dinner." baling sa kanya.

"We'll go to a party tomorrow." Si Vendrick ang sumagot.

Lalo lang nagtagis ang kanyang bagang sa nakikitang kahambugan ng lalaki.

"We'll go to a party tomorrow honey, right?" bulong na uli sa kanya habang humigpit pa lalo ang hawak nito sa kanyang braso naman.

Di na siya nakaangal at pilit ang ngiting pinakawalan kay Gab.

"Sensya na, busy ako ngayon." sagot na lang niya.

Walang nagawa ang lalaki kundi umalis na lang.

Nang masegurong wala na si Gab, saka naman niya itinulak ang hambog na binata.

"Let me go!" hiyaw niya.

Humalakhak lang ito, ibang iba sa nakita niya kanina.

Pero alam niyang kaplastikan lang ang ginawang yun ng binata dahil nga naruon si Gab.

"Umalis ka na, hindi ka pwede rito." malamig niyang utos sa lalaki.

Hindi siya nito pinansin, tinitigan ang pangalang nakalagay sa lapida.

"Margaret De Jesus." basa din nito.

"Who is she?" curious nitong tanong.

"Wala kang pakialam sa kanya." tipid niyang sagot saka yumukod at dinampot ang kanyang sling bag, pagkuwa'y agad na humarap ditong biglang natigilan pagkakita sa kwintas niyang suot na nalantad sa paningin nito, lumabas mula sa pagkakatago sa loob ng kanyang suot na damit.

Tumiim bigla ang bibig nito, kumulimlim agad ang mukha at kunut-noong tumitig sa kanya.

"Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." malamig niyang sambit, hindi pansin ang ekspresyon ng mukha nito, hindi niya ito magawang tingnan nang matagal kaya panay iwas ng tingin ang kanyang ginagawa habang kausap ito.

Tatalikod na sana siya nang bigla nitong hablutin ang kanyang kamay saka siya kinabig palapit rito.

"Ayyy!" sigaw niya sa pagkagulat.