Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 100 - DANCING WITH THE ENEMY

Chapter 100 - DANCING WITH THE ENEMY

Hindi nakuntento ang magbabarkada na hindi magsama-sama sa isang mesa lalo na nang lahat ng mga bisita ay magsidatingan. Pagkatapos ng kainan, inuman naman at sayawan na para bang nasa isang club sila, sinasamantala ang pagkakataong naruon ang lahat. Kaya walang nagawa si Marble nang dalhin siya ni Erland sa mahabang mesa kasama ang mga barkada nito.

Napapulupot siya sa braso nito lalo pagkakita kay Chelsea na papalapit sa kinaruruonan nila.

Tinudyo agad ito ng mga barkada ng kasama lalo na nang tumabi sa pagkakaupo kay Vendrick sabay hilig sa balikat nito at pulupot sa braso ng lalaki.

"Kahit bukas din, pakasal na kayo. Ang tagal niyo nang engaged di ba?" kantyaw na naman ni Paul.

Tawanan ang lahat. Si Cathy na katabi ni Livy ay tahimik nang nakikinig lang sa kanila ngunit kapansin-pansin ang panay na sulyap nito sa kanya at kay Vendrick.

Humagikhik naman si Chelsea.

"Iyon nga ang gusto ni Vendrick eh. Pero gusto ko sa birthday niya kami magpakasal." malumanay na sagot ng dalagang tila di siya nakikilala kahit ilang beses na itong sumulyap sa kanya.

Hindi umimik si Vendrick, tinungga lang nito ang laman ng hawak na wine glass saka siya sinulyapan. Magkaharap kasi sila sa lamesa.

Umiwas agad siya ng tingin, kunwari'y kumuha ng cake sa isang plato at kumain.

"Bakuran mo na yan, Chelsea. Mamaya manakaw pa siya ng iba, baka magsisi ka sa huli." pabirong sambit ni Dave.

Isang matamis lang na ngiti ang itinugon ng babae.

"Loyal sakin ang boyfriend ko. Hindi niya ako kayang lokohin, di ba love?"

Pero hindi sumagot ang tinanong subalit palihim na namang sumulyap sa kanya nang tanggalin ni Erland ang coat nito at ibigay sa kanya pagkakita nitong niyayakap na niya ang sarili sa lamig.

"Here, use this." bulong sa kanya, nagpatianod siya agad. Ngayon siya nagsisisi kung bakit gantong damit ang kanyang isinuot, pakiramdam tuloy niya, hinuhubaran siya ng ilang kalalakihang napapatingin sa kanya, kasama na duon si Livy na pansin niyang panay ang sulyap sa gawi niya at si--yung tarantandong kaharap nila sa lamesa.

"Salamat." anya kay Erland at ipinatong na ang coat sa kanyang balikat, tinakpan din ang kanyang umuumbok na dibdib. Bakit kasi payatot naman siya'y malaki pa rin ang kanyang dibdib?

"Baka gusto mo nang umuwi, ihahatid na kita." bulong na uli sa kanya.

Ngumiti siya. "Okay lang ako." sagot niya.

Nang biglang umalingawngaw sa ere ang isang malamyos na tugtugin na tila sinadyang ipatugtog para sa mga magjowang naruon.

"Wew! What a dance!" bulalas ni Livy sabay kalabit kay Cathy.

"Wanna dance with me?" yaya sa dalaga.

Bigla itong tumayo. "I won't! Sa iba na lang. Si Erland ang gusto kong isayaw." nakangisi nitong sagot saka lumapit kay Erland at hinawakan ang kamay nito pero kumindat sa kanya. Nagthumbs-up naman siya.

Napakamot sa batok si Livy. Ngayon lang kasi ito inayawan ng babae.

Nagkantyawan tuloy ang mga kaibigan.

"That girl isn't an easy type for sure." komento nito na kay Cathy nakatingin habang hila nito ang kamay ni Erland papunta sa gitna ng bulwagan.

Napapangiti lang siyang hinabol ng tingin ang dalawa. Sa totoo lang, bagay naman ang dalawang yun, kaso nga lang, di niya alam kung bakit di pansin ng binata ang kaibigan nito.

"Miss beautiful, you wanna dance with me?" yaya na uli ni Livy, this time sa kanya naman.

Tumawa siya habang umiiling.

"Hindi ako marunong sumayaw." nahihiya niyang sagot.

Lumapit sa kanya si Livy ngunit bago pa nito nahawakan ang kanyang kamay, nahila na siya agad ni---

"She'll dance with me." malamig ang boses na saad ni Vendrick na bigla na lang tumambad sa kanyang likuran, ni hindi inalam kung papayag siya o hindi, basta na lang tinanggal ang kanyang coat at hinila ang kamay niya. Di na siya nakapalag.

Kantyawan na naman ang lahat kay Livy.

Naiwang nakasimangot si Chelsea. Tuloy ay natudyo ng mga kaibigan ng binata.

"Let me go." mahina niyang utos sa gagong binata nang makarating sila sa gitna ng bulwagan at hawak pa rin ang kanyang kamay.

Subalit sa halip na bitawan ay pagalit siya nitong kinabig palapit dito at mahigpit na hinawakan ang kanyang beywang.

Napaigtad siya at pasimple itong itinulak ngunit malakas ito, balewala ang kanyang lakas.

"Why? Are you afraid of me?" nagsimula na naman nitong mang-insulto.

"Of course not. I just don't like you." ganti niyang patutsada.

Ngumisi ito saka dahan-dahan inilapit ang mukha sa kanyang mukha at nagsimulang ihakbang ang mga paa para sumayaw at ibagay ang kanilang galaw sa malamyos na tugtuging yun. Sinundan naman niya ang galaw nito.

"Akala ko ba gusto mo ng malaking bayad. I can give you 50 billion for a one night stand." anas nito sa kanyang tenga.

Bigla ang pamumula ng kanyang pisngi sa narinig. Gusto niya itong sampalin ng ilang beses. Pakiramdam niya, buong pagkatao niya niyuyurakan ng walanghiyang lalaking to. Hindi man lang siya tinirhan ng kunting kahihiyan.

"Parang kulang yun. It isn't worth it. I'm priceless you know." ganti niya, full of sarcasm in her voice, dahilan upang mapahigpit lalo ang hawak nito sa kanyang beywang.

Itinulak niya ito ngunit di man lang ito natinag.

"Oh, c'mon honey. You want like this, right?" ito naman ang gumanti, saka hiningahan ang kanyang batok.

Nanindig agad ang kanyang balahibo, napapitlag bigla at inilayo ang mukha rito.

"Bastard! Do that again and i'll make sure you'll pay for it." hindi na niya napigilan ang galit at nanggigigil na niyang babala rito.

Pero pinagsisihan rin niya agad ang sinabi nang mapansing tila ito natuwa sa naging reaksyon niya lalo nang makita ang paniningkit ng kanyang mga mata.

"Don't you like it, honey? Di ba sanay ka na sa ganto? Kissing, licking, fu--"

"Shut up, you asshole!" mahina ngunit matigas niyang saad.

Subalit mas lalo pa ata nitong hinigpitan ang kapit sa kanyang beywang.

"Stop it! Or else i'll scream!" banta niya uli.

"Do it!" hamon nitong itinaas na ang kamay sa nakalantad niyang likuran na tila humihimas duon.

"Pervert! Damn you!" pigil ang galit na saad niya, kung pwede nga lang niyang isigaw yun, ginawa na niya subalit siya lang din ang mapapahiya pag ginawa yun.

Bigla na nitong kinabig ang likod upang maidikit ang kanyang dibdib dito.

Bilang ganti kinagat niya ang balikat nito, yung gigil na gigil na halos bumaon na ang kanyang mga ngipin sa laman niyon.

Pero di man lang ito napangiwi, ni hindi umaray. Hinayaan lang siya sa ginagawa hanggang sa ilayo niya ang mukha sa balikat nito.

"Damn you!" matigas pa rin niyang usal.

"Bi--" hindi nito itinuloy ang sasabihin, halatang nagpigil nang matindi ngunit di nakaligtas ang kanyang dibdib at tuluyan nang dumikit sa katawan ng binata nang muli siya nitong kabigin habang magkasabay pa ring humahakbang ang kanilang mga paa sa saliw ng tugtuging di niya alam kung kelan matatapos. Isinusumpa talaga niya ang nagpatugtog nun!

"Tell me, how many damn boys have touched it?" nagtatagis na rin ang bagang na sambit nito.

"Stop it Vendrick." sumusuko na niyang usal na lalo lang nitong ikinagalit.

"How many fuckin' men have fucked you, huh?"

Pakiramdam niya, lalong bumabaon ang mga kamay nito sa kanyang likuran, mahapdi, masakit.

"Let me go, you bastard!" sinuntok na niya ang dibdib nito, isang beses, dalawang beses, tatlo, subalit tila balewala yun sa lalaki hanggang sa sumuko na siya at inihilig ang ulo sa balikat nito.

"Stop it Vendrick. I can't breath, you damn pervert!" gusto na niyang maiyak nang mga sandaling yun.

Bakit ba kasi nagkita pa sila nang lalaking ito? Kung kelan tahimik na ang kanyang buhay. Kung kelan masaya na siya uli kasama ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Napahikbi siya habang nakasubsob ang mukha sa balikat nito hanggang sa maramdaman niyang lumuwang ang hawak nito sa kanyang katawan saka lang siya nag-angat ng mukha.

"Klap! Klap! Klap!" palakpakan ang mga tao sa nakikita.

Naguguluhang napatingin siya sa paligid. Anong nangyayari?

Duon lang niya nalamang sila na lang pala ni Vendrick ang sumasayaw, halos magkalapt na ang mga katawan, dancing in a sedutive way like what lovers do.

Napagkamalan pa silang magjowa sa lagay na yun?

Mabilis niya itong itinulak na himala't hindi na nagresist.

Nagmamadali siyang bumalik sa kinaruruonan ni Erland at nahagip ng tingin ang jowa ni Vendrick na pigil ang selos na nararamdaman.

Sumunod naman ang binatang nang makaupo ay agad nagsalin ng alak sa wine glass at tinungga iyon saka pabagsak na inilapag sa mesa.

Nagtatakang nagtinginan ang magbabarkada dito, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Isinubsob niya bigla ang mukha sa balikat ni Erland at tahimik na pinakalma ang sarili.

"What happened out there, really?"paanas na usisa ni Erland sabay akbay sa kanya.

Hindi siya sumagot, nanatili lang nakasubsob ang mukha sa balikat nito.

Si Vendrick nama'y nakatatlong tungga na ng alak habang ang mga barkada nito'y nagsimulan na naman sa pagkantyaw rito at sa jowa nito.

Nang mag-angat siya nang mukha, nakangiti na siya sa lahat.

"How does it feel to dance with a playboy?" panunudyo ni Paul sa kanya.

"Great!" bigla niyang sagot.

"He really knows how to handle girls. No wonder--" dugtong niya nang pabagsak na uli nitong inilapag ang basang hawak, buti hindi iyon nabasag.

Napapitlag pa nga sila ni Cathy sa pagkagulat. Pagkuwa'y bigla itong tumayo.

"I'm sorry guys, i have to go now." anito't nagmamadaling umalis sa lugar na yun.

Sa halip na magtaka, nagtawanan pa ang mga barkada nito. Nakitawa na lang din si Chelsea at mabilis na hinabol ang lalaki.

"Hey Marble, what happened to him?" di nakatiis si Dave at nag-usisa na.

Nagkibit lang siya ng balikat saka tinungga din ang nahawakang wine glass.