Hindi na nakatiis si Erland nang makita siyang tulala habang hawak ang katawan ng batang nakatulog na sa loob ng kotse at nakaunan sa mga hita ng dalaga.
Kanina pa kasi siya ganun, pagkatapos lang nilang magsayaw ni Vendrick.
Inihinto ng binata ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka siya nilingon.
"The first time i saw you with that face was five years ago, when you were outside of my salon and holding that prematured baby." pukaw nito sa naglalakbay niyang isip.
Wala sa sariling napasulyap siya sa binata pagkuwa'y sa anak na masarap ang tulog saka napabuntunghininga at sumulyap sa labas ng bintana.
"Pwede bang dalhin mo ako sa sementeryo?" pakiusap niya.
Matagal siya nitong tinitigan, maya-maya'y humugot ng isa ring buntunghininga. He could feel the pain in her eyes, but he has no guts to ask her about anything. Even if he asks, hindi nito alam kung sasagot nga siya. Knowing her, she used to keep secrets, she's good at it.
"Marble--" usal nito.
Hindi siya sumagot, nanatili lang nakatingin sa kawalan.
"For the past five years, i never cared about your past. I didn't even ask about the baby you were holding on that very night when in fact you were just this little kid---" napabuntunhininga ito, di tinapos ang sasabihin.
"I will only ask you this. Who are you visiting in the cemetery? Are you that close to him na kahit ganto kagabi ay gusto mong bumisita run? Was he that important to you?" curious nitong usisa.
Katahimikan...
Hindi na ito nangulit pa at humarap na sa manibela ng sasakyan.
"Yes. She was that important." she uttered coldly, emotionless.
"She--" pag-uulit ni Erland, nakakunot-noo.
Maya-maya'y muli nitong pinatakbo ang sasakyan papunta sa sinasabi nitong cemetery.
----------@@@@@-------------
Andito na uli siya sa sementeryo sa gantong dis-oras ng gabi, pa-squat na nakaupo sa harap ng puntod, tulala habang nakatitig sa pangalang nakasulat sa lapida--
Bigla ang pagbulusok ng kanyang mga luha palabas na tila ba rumaragasang ulan, walang pasabing nagsipatak habang binabalikan sa alaala ang nakaraan.
NAGISING SIYA NANG MARAMDAMAN ANG MALAMIG NA HANGING NANGGAGALING SA AIRCON.
Napabalikwas siya ng bangon upang mauntog lang sa bubong ng sasakyang kanyang kinalululanan.
"Gani?!" bulalas niya nang makita ang guard na nakamasid lang sa kanya, awa ang makikita sa mga mata.
"Wag kang mag-alala. Inutusan ako ni Senyor Leo na sundan ka." anito sa kanya nang bigla niyang yakapin ang sarili sa pag-aakalang suot pa niya ang nighties na yun.
Agad niyang sinuri ang buong katawan. Wala na ang kanyang nighties, sa halip ay ang kanyang damit na ang suot niya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa lalaki.
Humarap ang guard sa manibela.
"Wag kang mag-alala. May kapatid din akong babaeng kasing edad mo. Hindi ako bastos na tao kahit na ako ang nagpalit sayo ng damit. Wala akong ibang pagpipilian kesa ilabas kita sa bahay na yun na ganun ang ayos." paliwanag nito.
Pero hindi yun ang laman ng kanyang isip.
"Nakita mo akong pumasok sa silid na yun? Walang masamang nangyari sakin di ba? Hindi ako ginahasa di ba?" tila naghehestirya niyang sunud-sunod na tanong rito.
Ilang beses itong tumango.
Bigla na namang tumulo ang kanyang mga luha.
"Si Vendrick? Dapat sinabi mo sa kanya na walang nangyari samin ni Gab, na kapapasok ko lang din nang pumasok siya. Dapat sinundan mo siya, ipinaliwanag mo sana sa kanya ang lahat. Sinundan mo ba Gani? Ipinaliwanag mo ba, ha?"
Balewala sa kanya ang nangyari. Ang mahalaga sa kanya maniwala si Vendrick na walang nangyari sa kanila ni Gab.
Pero nakita niya ang paglungkot ng mukha ng guard, saka siya napahagulhol at lalabas na sana ng sasakyan nang magsalita ito.
"Lalabas ka?"
"Susundan ko si Vendrick. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat." mabilis niyang sagot.
"Dalawang oras na ang lumipas pagkatapos umalis ng eroplanong sinakyan niya." malungkot na uli ang boses nito.
Bigla siyang natigilan. Dalawang oras na ang lumipas pagkatapos nitong makaalis ng Pinas? Ilang oras na pala siyang walang malay?
Muli siyang napahagulhol sa realidad na bumulaga sa kanya. Hindi man lang siya nakapagpaliwanag. Hindi man lang niya naipagtanggol ang sarili dito?
Tila lantang gulay na napasandal siya sa upuan ng sasakyan, patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata kahit na wala nang ingay ang kanyang pag-iyak.
"Vendrick..." usal niya. "Bakit ayaw mong maniwala sakin... Huhuhu!"
Hinayaan siya ng guard na ilabas lahat ng kanyang nararamdaman nang mga sandaling yun. Matyaga itong naghintay kung kelan siya magsasalita.
Hanggang sa nanatili siyang tulala sa loob ng maraming minuto.
Hindi! Kailangan niyang lumaban. Hindi siya ang klase ng taong basta na lang susuko. Matapang siya. Alam niyang matapang siya. Niyurakan ng ama ni Vendrick ang kanyang pagkatao, dapat lang na mamuhi siya sa walanghiyang Senyor na yun.
Si Vendrick! Nakita naman nitong nahihirapan siyang bumangon at tumayo, sa halip na tulungan siya'y hinusgahan siya nito agad. Ang alam niya, mahal siya nito. Bakit ganun ang ginawa nito sa kanya? Bakit!!!
Tumigas ang kanyang mukha, nagtagis ang kanyang bagang. Wala nang puwang ang pagluha at hignapis sa kanyang puso, parang napalitan na iyon ng galit. Galit para sa amo niya at galit para sa anak nito.
"Sabihin mo sakin kung saan mo gustong pumunta, ihahatid kita." pagkatapos ng halos isang oras na katahimikan, sa wakas ay nagsalita din si Gani.
Hindi siya agad nakapagsalita.
Ayaw na niyang bumalik sa bahay na yun. Ayaw din niyang umuwi sa Cebu. Bahala na, hahanapin niya ang kanyang kapalaran.
Pinahid niya ang luha sa mga mata at inayos ang sarili.
"Dalhin mo ako sa isang tindahan, may bibilhin lang ako." pakiusap niya sa guard.
Sumunod naman ito at dinala siya sa isang grocery store.
Kunwari ay pumasok siya pero nakiusap siya sa isang trabahador duon na kung pwede siyang dumaan sa backdoor dahil may sumusunod sa kanya. Naawa naman ito at pinalabas nga siya sa backdoor.
Takbo dito takbo duon ang kanyang ginawa, walang pakundangang pagtakbo hanggang sa mapagod siya. Ni hindi niya alam kung saang lupalop siya napadpad. Napahinto siya sa harap ng isang mataas na gusali. Duon lang siya nakaramdam ng gutom pagkakita sa isang fast food na puno ng tao.
Awtomatiko niyang kinapa ang bulsa ng suot na jogging pants. Nanlaki ang kanyang mata. Naruon pa rin ang ID card na ibinigay ng kanyang alaga. Liban dun wala na, kahit piso wala siya.
Saan siya manghihingi ng pagkain? Nanlulumong naglakad siya paunahan. Mamalimos kaya siya tulad ng ginagawa nila ng matanda sa Luneta? Pero nakakahiya.
Naglakad siya, naglakad lang hanggang sa makita niya yung mga babaeng pumipila sa labas ng isang beauty salon.
Ano kayang merun?
Lumapit siya sa pinakahuling nakapila.
"Miss bakit po kayo nakapila?
"Mag-aapply kami bilang model. Bakit?" pasupladang sagot ng babae.
Napangiwi siya agad. Ang taray naman, para nagtatanong lang. Pero nagliwanag din bigla ang kanyang mukha.
Model ba kamo ng beauty salon? Anong requirement dun? Pwede na ba ang kanyang mukha bilang modelo? Ah bahala na, pipila din siya, baka may magandang kahahantungan ang gagawin niya. Mas maganda na yun kesa maglakad siya nang di naman niya alam kung saan siya pupunta. Pag nakapasok na siya, saka siya mag-a-apply bilang tagalinis ng salon. Pwede na yun sa kanya. Basta magkatrabaho lang siya.
Nagpalinga-linga siya. Eksakto namang may papalapit na binatang di nalalayo ang edad sa kanya. Naka-jogging pants lang din ito pero sa salon din ang punta.
Bago ito makapasok sa salon, tinawag na agad niya at patakbong lumapit dito saka niya hinila sa isang tabi.
"Nagtatrabaho ka rin jan? Pwede rin ba akong magtrabaho jan? Pakisabi naman sa amo mo tanggapin niya ako kahit bilang katulong niya. Di pa kasi ako kumakain, nagugutom na ako. Basta pakainin lang niya ako, okay na yun sakin." pakiusap niya ritong ilang minuto siyang tinitigan nang mariin saka sinulyapan ang kanina'y kinaruruonan niya.
"Di ba nag-aapply ka bilang model ng salon? Bakit ka magpapakatulong?" usisa sa kanya ng binata.
Ngumisi siya sabay kamot sa batok.
"Di naman ako maganda eh, pano akong tatanggaping modelo?"
Ngumisi din yung binata.
"Sige, pila ka lang dun." anito. "Sumunod ka na lang dun sa pinakahuling nakapila. Malay mo, matanggap ka."
Napangiwi siya pero no choice, kailangan talaga niyang pumila.
Ilang oras din ang kanyang hinintay, sa dami ng nag-apply, hapon na siya nakapasok sa loob, talagang kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom.
Pagkapasok niya, marami pa rin ang mga naggagandahang babaeng nakaupo sa nakahilira ding mga silya sa loob.
"Psst ikaw!" tawag sa kanya ng isang lalaki, mas matanda lang marahil sa kanya ng tatlong taon.
Nagpalinga-linga pa siya kung may kasama siyang iba sa likuran, baka ito ang tinatawag, pero wala.
"Halika na!" tawag uli sa kanya kaya napangisi na siyang lumapit.
"Pasok ka sa loob." utos sa kanya ng lalaki, sumunod naman siya.
Magkahalong gulat at tuwa ang biglang rumihestro sa kanyang mukha pagkakita sa binatang nakausap kanina.
"Oy, ikaw pala yan?" bumungisngis siya sabay lapit sa binatang bahagya lang ngumiti sa kanya.
Siga pa siyang dumikit rito at hinampas ito sa balikat na tila ba magkabuddy lang sila.
"Bakit di mo sinabing dito ka pala nagtatrabaho sa silid na to? Ano, kinausap mo na ang amo mo? Tinanong mo na ba kung pwede akong maging katulong rito?" tanong niya agad sabay upo sa gilid ng mesa paharap dito.
Matamis na ngumiti ang binata, saka nagkamot ng batok.
"Oo ang sabi wala raw bakanteng trabaho para sa katulong. Pero tanggap ka raw bilang model niya." anang binata.
Natigilan siya, di makapaniwala.
"Ows? Weh! Di nga? Niloloko mo lang ako eh. Asan ba ang amo mo pala?" ayaw pa niyang maniwala.
Lalong lumapad ang ngiti ng binatang di nalalayo ang gulang sa kanya, matangkad lang ito at maganda manamit kaya hindi halatang bata pa.
Sasagot na sana ito nang may kumatok sa pinto.
"Pasok!" anito sa kumakatok.
Pumasok naman ang lalaking tumawag sa kanya. Nagtaka pa nang makita siyang nakatuntong sa ibabaw ng mesa sa halip na sa silya.
"Sir, pinauwi ko na po silang lahat. Sabi ko may napili ka nang model."
Napanganga siya! Pinaglipat-lipat ang tingin sa kumatok at sa binatang nakaupo sa swivel chair.
"I-ikaw yung may-ari ng salon?!" bulalas niya sabay lundag at harap dito.
Tumawa na ang binata saka sinenyasan si Melvin na lumabas na. Sumunod naman ang inutusan.
"Di nga? Ikaw talaga?" di pa rin siya makapaniwala.
"Ngumisi ito." ako nga.
"Ikaw talaga? Seguro bakla ka kaya salon ang negosyo mo." biglang lumabas sa kanyang bibig.
Ang lakas ng tawa nito, saka lang tumayo at sinipat siya mula ulo hanggang paa.
"Okay naman ang kutis mo, may kunting blemishes pero makukuha sa make-up yan. Ang mahalaga ay ang proportion mong mukha, everything's in the right place pati ang hugis ng iyong ilong, maliit na matangos, ang mga labi mo, katamtaman lang ang kapal. Tatanggapin kita bilang model ko and i'll use your beauty para makilala ang salon ko. Give and take tayo."
Hindi talaga siya makapaniwala, ganun lang tanggap siya agad bilang model nito samantalang andaming nakapila kanina tapos siya ang pinakahuli, siya pa natanggap? At ang binatang ito pala ang may-ari ng salon? Ang bata naman nitong may-ari? Nakakahanga.
"Pero wala po akong matutuluyan Sir. Bagong salta lang po kasi ako dito. Baka po pwedeng makitira na din sa inyo? O di kaya dito po sa salon niyo." pagsusumamo niya.
"Kahit wala pong sahod basta po pakainin niyo lang ako at gusto ko po mag-aral ng secretarial. Hindi po ako hihingi ng sahod sa inyo."
Matagal na uli siya nitong tinitigan, pagkuwa'y pumayag ito agad.
"O sige, bibigyan kita ng matutuluyan, maliit na apartment nga lang. Tapos papag-aralin din kita ng secretarial, two-year course nga lang. Basta kailangan mong alagaan ang katawan mo para sakin, mula ulo hanggang paa, kailangan ko yan." pagbibigay nito ng kondisyon.
"Opo Sir. Opo. Promise po." pangako niya.
"MARBLE! Umuulan na naman. Baka mapano ka na niyan." pukaw ni Erland sa tila malalim niyang pagkakatulog, itinapat na ang payong sa kanya.
Nakita nito ang umaagos niyang mga luhang tila walang katapusan sa pagpatak.
Niyakap na siya nang binata sa sobrang pag-aalala.
"Nalampasan ko na yun Erland. Natanggap ko na yun lahat. Bakit kailangan ko pang balikan uli?" nanghihingi ng simpatya niyang usal sa binata sa pagitan ng pag-iyak.
"Sa loob ng limang taon, ngayon lang kita nakitang umiyak. Ganto ka ba pag nasa harap ng puntod na to?" nababahala na nitong wika sa kanya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay bahagya niya itong itinulak, saka siya tumayong mag-isa at inayos ang sarili.
"Umuwi na tayo. Baka magising na si Kaelo sa loob ng kotse." anya sa binatang naguguluhan pa rin sa nangyayari sa kanya.