Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 99 - THE UNEXPECTED ENCOUNTER

Chapter 99 - THE UNEXPECTED ENCOUNTER

Nawala bigla ang ngiti sa kanyang mga labi pagkakita sa lalaking katabi ni Erland. Napaawang ang bibig niya sa pagkagulat at nanlalaki ang mga matang napatitig dito.

Samantalang ito rin ay halatang nagulat nang makita siya. Nagtama ang kanilang mga mata.

No! It can't be him! Hindi siya isa sa mga kaibigan ni Erland. Baka nagkakamali lang siya. Baka kamukha lang nito yung lalaking yun. Baka-- baka--.

Nagulat siya nang biglang tumalim ang titig nito sa kanya, tila galit, halatang nakilala siya agad.

Duon lang siya biglang natauhan at umiwas ng tingin as if hindi niya ito nakita at pilit ngumiti sa binatang katabi nito.

"Daddy, Mommy is here." sabi na uli ni Kaelo, kumakaway pa sa binata habang papalapit sila rito.

Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod kaya pasimple niyang ibinaba ang anak at pilit ang ngiting tumingin na uli kay Erland na nang mga sandaling yun ay nakikipagbeso-beso na kay Cathy. Kilala din pala ang dalaga ng mga barkada ni Erland kaya kunting beso-beso at kumustahan muna ang nangyari bago natuon ang pansin ng lahat sa kanyang di inaalis ang plastik na ngiti sa mga labi. Hanggat maari ayaw niyang magpaapekto sa nakikita ng kanyang mga mata.

"Dude ipakilala mo naman kami sa girlfriend mo." tudyo ni Livy sa kaibigan.

Natatawa itong lumapit sa kanya saka siya inakbayan.

"This is Marble, my fiancee." pakilala nito sa lahat.

Lalong lumapad ang kanyang ngiti. Di sinasadyang mapasulyap siya sa lalaking nakita kanina, tumigas ang mukha nito, nagtagis ba ang mga ngipin? Ewan, di niya alam. Ayaw niyang alamin.

'Relax Marble! Siya lang yan! He's just a nobody.' saway niya sa sarili.

"Kelan ang kasal Dude, tudyo din ni Dave." kantyawan ang mga barkada nito.

Bumaling siya sa binata, napahawak sa dibdib nito sabay alanganing ngumiti.

"Baka next month." sagot ni Erland.

Napahigpit ang kapit niya sa dibdib nito nang magkantyawan na uli ang mga kaibigan. Napapatingin tuloy sa kanila ang ibang mga bisita.

Pumulupot na rin dito si Cathy.

"Hindi yun mangyayari, pipikutin ko siya next month." pabirong sabad ng dalaga.

Tawanan ang lahat. Pati siya'y napatawa na rin, hindi na napansin ang matatalim na titig ng isang lalaki sa malapit.

"Tito Dave, you told me you have a kid. Can I play with him? Mommy told me it's okay po kahit makatulog ako dito." kinalabit na ni Kaelo ang celebrant nang tila mabagot na sa pagkakatayo ngunit wala namang makitang kalaro.

"Oh Dude wait, ihahatid ko lang si Kaelo sa anak ko at sa ibang mga bata." paalam ni Dave saka binuhat ang bata paakyat sa hagdanan kung saan naruon ang iba pang mga batang bisita nito.

"Don't be so naughty there cutie!" habol niya sa anak.

"I won't Mommy!" sagot naman nito.

Nakahinga siya nang maluwang. Knowing the kid, talagang pasaway ito. Gusto ay laging may binubully na bata. Pero pag nainis na ang kalaro saka naman nito nilalambing.

"O ikaw Dude? Kelan ang kasal niyo ni Chelsea?" baling ni Paul sa tahimik na barkada.

Bigla na namang kumabog ang kanyang dibdib. Bakit ba ganto, ang alam niya, wala nang epekto ang lalaking to sa kanya kahit magkita pa sila. Balewala na ito. Sa katunayan, galit ang gusto niyang maramdaman ngayon para rito. Pero bakit ganto, ang bigat ng kanyang dibdib?

Kumuha ng may lamang wine glass ang lalaki sa kaharap na mesa saka sumimsim muna ng alak bago sumagot.

"Next week, or maybe tomorrow." anitong tila patuyang tumingin sa kanya, eksakto namang napatingin din siya rito, nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya sa mensaheng ipinapahiwatig ng mga mata nito na tila sinasabing, "what do you want? Next week or tomorrow?"

Iniiwas niya bigla ang tingin saka bumaling kay Erland na nakaakbay pa rin sa kanya.

"Nagugutom na ata ako. Kukuha lang akong pagkain ha?"

"O sure, sure. Sensya ka na, ngayon lang kasi kami nagkita-kita uli. Actually. Hindi pa nga dumarating yung isa naming barkada eh, si Gab. Sige take your time muna." anito saka siya binitawan.

Pagkatapos magpaalam sa lahat ay inaya na niya si Cathy na kumuha silang pagkain.

"Do you know Vendrick?" curious na usisa ng kaibigan habang naglalagay sila ng pagkain sa paper plate.

Mabilis ang ginawa niyang pag-iling.

"Nope, ngayon ko lang yun nakita. Parang ang sama ng ugali. Ni ayaw tumawa." sagot niya.

Biglang tumahimik ang dalaga saka nagpaalam na may pupuntahan lang.

Siya nama'y itinuon ang pansin sa pagkuha ng nagpakahilirang ulam, halos lahat yata ng mga putahe ay naruon sa lamesa, halos lahat ng panghimagas ay naruon din pati sweets. Seguradong mabubusog siya nito.

"You really have a great taste in men."

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na plato sa gulat nang marinig ang boses na yun sa kanyang tabi.

'Vendrick!' sigaw ng kanyang isip. Nagsimula na namang mangatog ang kanyang mga tuhod, kung bakit ay hindi niya alam.

"Well yes. Gusto ko talaga sa mga mayayaman." nagulat siya sa biglang lumabas sa sariling bibig, pero hindi niya yun binawi, nagkunwari lang na hindi siya apektado sa sinabi nito kahit ramdam niya ang pang-uuyam sa tono nito.

"Who's your next target huh? I'll give you hint. Livy is a better catch. Mas mayaman siya kesa kay Erland." lantaran na nitong pang-iinsulto subalit patuloy sa pagkuha rin ng pagkain as if magkatabi lang sila habang namimili ng putahe.

"Ow really? Wow! Ang gwapo din nun ha! Okay thanks, pwede ko namang pagsabayin yung dalawa eh. What do you think?" pinatulan na rin niya ang sinabi nito.

"Well, hindi yun nakakapagtaka sa tulad mo." anito.

"Thank you." sagot niya.

"Tell me, nakailang lalaki ka na? O baka yang anak mo hindi rin kay Erland?" matigas na ang boses nito, halatang nanggigigil sa kanya na lalo namang nagpainit ng kanyang dugo.

Kung wala lang mga tao, baka sinapak na niya ito pero nagpigil siya, sa halip na ipakita dito ang galit ay mahina pa siyang tumawa.

"Actually you're right. Hindi talaga si Erland ang ama ng anak ko. Before him, marami na sila. About 20 i think pero si Erland lang ang masarap sa kama. You know what i mean, right?" sinabayan pa niya ng hagikhik ang sinabi.

Napalakas ang pagtusok nito sa litson sa lamesa.

Natuwa naman siya sa naging reaksyon nito saka nananadyang inilapit nang bahagya ang kanyang mukha sa mukha nito.

"O baka gusto mo akong tikman. Make sure marami kang dalang pambayad." patuya niyang bulong bago pumihit patalikod at nagmamadaling lumayo sa lugar na yun.

'That bastard! Anong akala niya sakin, pukpok!' Hayup! Walanghiya! Tarantado! Gago! Asshole!' paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip hindi niya pansing nakarehistro na sa kanyang mukha ang galit na agad namang nahalata ni Erland pagbalik niya sa kanilang upuan.

"What's wrong? May kaaway ka ba?" usisa nito.

Hindi siya sumagot.

Tinabihan siya nito ng upo.

"Hey, tell me. I know something's bothering you." pangungulit nito.

"Maniniwala ka ba kung may magsasabi sayong pukpok ako?" tanong niya.

Humagalpak ito ng tawa. Hinampas niya ito sa braso upang tumigil sa ginagawa, pagkuwa'y bigla siyang inakbayan.

"Ni hindi nga ako makahalik man lang sayo."

sagot nito.

Napangisi na siya, nawala bigla ang pagkalukot ng mukha saka humilig sa balikat nito.

"Erland. Sa lahat ng lalaki, ikaw na ang pinakagentleman." saad niya.

Totoo naman yun.

"It's beacause respect begets respect. Alam kong sakin ka lang ganyan." anito't hinalikan siya sa ulo.

Biglang pumanatag ang kanyang dibdib. Kahit papano'y nakatagpo siya ng totoong taong uunawa sa kanya at tatanggapin kung sino talaga siya, hindi siya huhusgahan.