Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 98 - AT THE BIRTHDAY PARTY

Chapter 98 - AT THE BIRTHDAY PARTY

8pm sharp nang makarating sila sa venue ng party. Sa labas pa lang ng malaking bahay, andami nang mga nakaparadang sasakyan, halos lahat mamahalin.

Binuhat na ni Erland ang bata papasok sa nakabukas na gate. Duon pa lang sinalubong na sila ng kaibigan nitong si Dave.

Nagbatian muna ang dalawa bago natuon ang pansin ng celebrant sa kanya at sa bata.

"Are they your wife and son?" di makapaniwalang bulong nito sa binata.

"Bakit di mo sinabing nag-asawa ka na pala?"

Napakamot sa batok si Erland sabay sulyap sa kanyang nakahawak sa braso nito bitbit ang kanyang hand bag na kasing kulay ng kanyang damit, olive green.

"Daddy Lan, is he your friend?" usisa ng batang karga nito.

"Wohhh! This is great. You know how to speak English?" natuwa agad ang kaibigan ng binata dito.

"Yup. He's my friend cutie, the celebrant." pakilala ni Erland sa kaibigan.

"By the way Dude, this is Marble, my--" bumaling muna ito sa kanya.

"Fiancee." dugtong niya sabay ngiti.

"Happy birthday Dave." bati niya sa lalaki.

"Happy birthday po Tito Dave. We've brought a gift for you. Mommy chose that." sabad ng bata sabay abot sa hawak na maliit na kahon.

"Oh, thank you. Thank you so much." natatawang sagot ni Dave saka sila pinapasok sa loob ng bahay.

Sa sala palang, nakakalula na ang lawak nun, tila yun isang basketball court sa luwang.

"Ang yaman ng kaibigan mo ha?" bulong niya sa kasama.

"May mas mayaman pa sa kanya. We were Eight bachelors in the past. After five years, ngayon lang kami magkikita-kita uli." tila naexcite ding bulong nito.

Ewan niya kung bakit biglang kumabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito pero di niya yun pinansin.

Naghanap sila ng mauupuang mesa. Sa dami niyon ay mas pinili niyang umupo sa pinakasulok na mesang naruon.

Nagustuhan naman din yun ng bata.

"Erland! Dude!" biglang tawag ng isang boses lalaki.

Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib. Bakit ganun? Sa dinami-dami ng party na sinamahan niya, ngayon lang siya di mapakali.

Sanay na siyang makipaghalubilo sa mga mayayamang tulad ni Erland bilang model nito sa di hamak na isa sa pinakakilalang beauty salon ng LUZON. Pero bakit siya kinakabahan? Di naman siya ganto dati.

Tulad nang nauna'y ipinakilala na uli siya ni Erland bilang fiancee nito at si Kaelo na anak nito.

"Wow Dude, kelan ang kasal. I can't wait for that to happen. Nakakainggit ang beauty ng fiancee mo." nanunudyong bulong ni Paul sa kaibigang tumawa lang nang malakas.

"Very soon, Dude." tila nahihiya pang sagot ng binata.

"Erland, excuse me. Pupunta lang akong CR." pagdadahilan niya saka nagmamadali nang lumayo sa maliwanag na bulwagang yun.

Tila siya sinasakal sa sobrang liwanag kaya lumabas siya sa lawn ng bahay, duon medyo madilim, katamtaman lang ang liwanag na inilalabas ng mga bulb na nakalagay sa tatlong poste malapit sa kinaruruonan niya.

Andaming tao sa palibot. Halos mapuno na din ang lawn ng bahay na yun sa tao. Grabe kayaman ang kaibigang to ni Erland. Seguro, milyones ang ginastos sa party lang na to.

"Love, dito muna tayo. Wag muna tayong pumasok. Ang daming tao sa loob eh." narinig niyang maarteng sambit ng babaeng kapapasok lang sa gate habang nakaabrasete sa lalaking kasingtangkad yata ni Erland. Pero di niya makita masyado ang mga mukha ng dalawa dahil medyo madilim sa lugar na yun.

Tumalikod siya sa mga ito, siya namang pagsulyap ng lalaki sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kanyang likuran.

Niyakap niya ang sarili. Pakiramdam niya, biglang naging tila tambol ang tunog ng kanyang dibdib. Ano ba to? Lalo na nang maamoy ang tila pamilyar na pabangong yun.

Kunut-noong napalingon siya sa dalawang nagsimula nang maglakad papasok sa loob ng bahay.

Bakit ilang beses na niyang naaamoy ang pabangong yun? Pamilyar talaga sa kanya, parang dinadala siya sa nakaraan. Curious tuloy siya kung kaninong pabango yun at anong pangalan niyon. Parang kay sarap amuyin, di nakakasawang langhapin.

Ilang minuto din siyang nanatili duon nang mapansin ang isang babaeng papasok sa loob ng bahay.

"Cathy?" tawag niya.

Napahinto agad ito at napatingin sa kanya saka ito lumapit.

"Oh my darling Marble! How are you! It's nice to see you here!" tuwang bulalas ng dalaga.

Ang tinis ng kanyang hagikhik sabay yakap dito. Ito lang naman ang isa sa mga model na kaibigan ni Erland at naging kaibigan na rin niya.

"Fine! Nice seeing you too." ganti niyang bati, bahagyang inilayo ang katawan dito pagkuwan.

"I'm sure Erland is also here." kumpirma nito.

"Oo. Nasa loob na. Lumabas lang ako sandali. " sagot niya.

"Come, sabay na tayong pumasok." yaya nito.

Napilitan siyang sumunod.

Buti na lang binawasan na ang ilaw sa loob ng bulwagan, di na masyadong maliwanag.

"Marble, segurado ka bang hindi talaga bakla si Erland?" tila nagdududang tanong ng kasama habang papalapit sila sa kinaruruonan ng binata.

Mahina siyang tumawa.

"Sira, ba't mo naman nasabi yun? Ayaw ka nga lang ligawan nun eh. Kita mo nga't ako pa ang ipinakilalang fiancee niya." natatawa niyang sagot.

Liban kay Erland, ito lang ang nakakaalam sa tunay nilang estado ng binata.

"Hmp! Torpe talaga ang lalaking yun. Gusto pa yata ako ang lumandi sa kanya." humahagikhik na ring biro ni Cathy.

"Pikutin mo kasi. Ang tagal niyo nang magkaibigan, wala man lang siyang sinasabi sayo?" sulsol na niya sabay hagikhik.

Di na napansing ilang dipa na lang ang layo nila sa binata kasama ang mga barkada nito.

"Daddy Lan, Mommy is here. Mommy!" tawag na sa kanya ni Kaelo at nagpababa na sa binata saka patakbong lumapit sa kanya.

"Hey, careful cutie. Baka madapa ka." saway niya, agad itong kinarga nang makalapit.

"Tita Cathy, you're also here? You really look gorgeous." pambubula pa nito sa dalagang napahagikhik din sa narinig.

Natatawa na lang siyang sumulyap kay Erland sa tabi ng isang----

Bigla siyang nahilo sa nakita.