Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 97 - WHO IS SHE VISITING IN THE CEMETERY?

Chapter 97 - WHO IS SHE VISITING IN THE CEMETERY?

Isang linggo nang naghahanap ng trabaho si Marble pero lahat ng mga yun, kung hindi tatawagan na lang siya, walang bakante. Okay naman ang kanyang mga qualifications. Kaya heto, nasa harap na naman siya ng puntod, nagsasalitang mag-isa.

"Wala pa rin akong trabaho hanggang ngayon. Nakakapagod din ang ganto. Kumusta ka na? Namimiss kita lagi. Kung pwede lang araw-araw akong andito, ginawa ko na. Pero alam mo namang may anak akong kailangang buhayin. Kailangan kong kumayod lalo ngayon. Marami nang demands si Kaelo. Gusto na nga niya ng sports car eh." kwento niya sa nakalibing dun.

Mapakla siyang ngumiti.

"Nakakatuwa ang batang yun. Madalas akong masermunan dahil late lagi ang pagsundo ko sa kanya." napangiti na uli siya, mapakla pa rin sabay kagat ng labi.

"Ikaw kasi---" bigla nang gumaralgal ang kanyang boses pagkuwa'y marahang tumawa.

"Nagdadrama na naman ako. Pasensya ka na. Di ko lang mapigilan. Alam mo namang sayo lang ako nagsasabi ng problema." pag-amin niya.

Bigla na namang kumulimlim ang kalangitan. Nagbabadya na uli ang pagbuhos ng mas malakas na ulan kesa kahapon. May bagyo yata ngayon, lagi kasing masama ang panahon isang linggo na yata.

"Sige na aalis na ako. Pag di pa rin ako nakahanap ng trabaho bukas, dadalawin uli kita. Antayin mo ako ha?" paalam niya at dahan-dahan nang tumayo para umalis.

Nagsimulang umambon. Buti na lang di niya nakakaligtaang magdala ng raincoat at payong.

Binuklat niya ang payong at nagmamadali nang tumungo sa kinaruruonan ng kanyang Motor nang bigla niyang maamoy ang tila pamilyar na pabango.

Saan nagmumula yun? Bakit parang kilalang kilala niya ang amoy na yun.

Nagpalinga-linga siya. Maliban sa nakikita niyang lalaking nakasunglass na naglalakad palapit sa kinaruruonan niya'y wala na siyang nakikita pang ibang naruon.

Kung kelan malapit na ito'y saka naman bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang hawakan niya nang mahigpit ang payong at ibaba nang kunti sa may ulo niya, baka liparin ng malakas na hanging biglang umihip.

Muntik na nga niyang mabunggo ang lalaki kung hindi ito lumayo nang kunti sa nilalakaran niya, saka kunut-noong lumingon at tiningnan ang kanyang likod nang malampasan siya nito.

Siya nama'y patakbo nang tinungo ang kanyang motor.

------------@@@@@------------

"Ano bang klaseng party kasi yan? Bakit ko pa kailangang magpaganda? Okay naman ang itsura ko." reklamo niya sa harap ng tokador habang inaayusan ni Erland.

"Hey, stop arguing with me. Basta tumahimik ka na lang jan. Kita mo nga yung anak mo oh, nagsusuklay mag-isa. Mas excited pa kesa sayo." saway ng binata habang nilalagyan siya ng blush-on.

"Asus, gusto mo lang akong ibalandra sa mga kaibigan mo eh. Umamin ka." panghuhuli niya.

Tumawa ito nang malakas, ibig sabihin totoo ang hula niya

"Birthday ni Dave, yung barkada ko. Gusto niya, lahat kami andun kasama ang mga jowa namin. Kaya dapat lang maganda ang dalhin kong girlfriend. Ayukong mapahiya sa kanila." paliwanag nito. Pagkatapos ayusan ang kanyang mukha ay ang kanyang buhok naman ang kinalikot nito.

"Wag na hayaan mo yang nakaladlad. Mas maganda ako pag nakaladlad ang buhok ko." confident niyang sambit, agad nang tumayo at ito naman ang umupo paharap sa tokador. Ito naman ang inayusan niya.

Ganun sila, give and take. Ito ang kanyang taga make-up dahil tamad siyang gumawa nun, sa totoo lang mas gusto niyang walang pulbos man lang ang kanyang mukha kesa sa maraming inilalagay dun.

"Mommy, are we not gonna stay there for long?" malakas na tanong ni Kaelo na ilang beses nang nagpapalit ng damit, para na itong matanda, gusto eh laging bagay dito ang isusuot, maging sa sapatos o medyas. Para itong mayaman, may sariling closet at tila nangungulekta ng mga sapatos sa dami ng mga yun.

"Yes we are! Don't worry cutie. Magdadala na lang tayo ng kumot, just in case makatulog ka dun." sagot niya sa anak.

"Daddy, are there kids like me at the party?" tanong na uli nito, sa wakas nakahanap na ng tamang outfit para dito.

"Yes cutie, there are. I'm sure mag-eenjoy ka dun." sagot ng lalaki.

"Done." wika niya pagkatapos malagyan ng cream ang mukha nito at kunting powder.

Crew cut ang gupit ng binata kaya kunting suklay lang patayo sa buhok nito bilang style, okay na.

"Ang gwapo mo talaga. Para kang bakla aii." komento niya rito nang matitigan itong mabuti.

Lumapad ang ngiti nito.

"Sinong gwapo? Ayaw mo ngang magkagusto sakin eh." pabiro nitong saad.

"Tse!" bigla siyang tumalikod at hinanap sa closet ang bagay na sandals sa kanyang suot na spaghetti strap party dress.

V-neck yun at lantad ang kanyang cleavage, backless din kaya kita ang kanyang maputi at makinis na likod. Di rin patatalo ang flawless niyang legs na nalantad sa lampas tuhod na damit.

Seductress ang tawag ng binata sa kanya pag ganung damit na ang kanyang suot. Sabagay, wala naman siyang itatagong piklat sa buong katawan. Flawless naman ang kanyang balat, makinis pa. Tsaka never pa siyang tumaba kahit madami siyang kainin. Kung yung iba'y nangangarap magpapayat, siya'y nangangarap magpataba pero hanggang pangarap na lang ata yun.

Sa wakas nakahanap na siya ng sandals na bagay sa suot, kulay crystal na pointed heels, tatlong pulgada ang taas niyon. Sanay naman siya sa ganung klaseng sandals kahit buhat pa ang anak, di siya natatapilok.

"Come, cutie. Let's choose your shoes." tawag niya sa batang nasa harap pa rin ng whole body size mirror, tinitingnan ang suot kung bagay na ba talaga. Pero nang tawagin niya'y tumakbo agad ito palapit.