Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 92 - THE CRUEL FATHER

Chapter 92 - THE CRUEL FATHER

"Anak-- aww, Lolo. Bakit ayaw niyo po malaman nilang magaling na kayo?" Maaga pa lang kinabukasan ay iyon ang unang ibinungad niya sa matanda habang kumakain sila ng almusal, sinusubuan niya ito.

Nakaupo siya sa sofa, sa wheelchair naman ito nakaupo.

"Sa mundong ibabaw, bihira ka na lang makakakita ng mga taong magiging tapat sa'yo at hindi maghahangad ng kahit anumang kapalit sa ginagawa nilang kabutihan sa kapwa. Pera lang ang hahabulin nila. Ano'ng silbi malaman man nila o hindi ang kalagayan ko?" mahaba nitong sagot.

"Bakit po? Mga anak niyo naman sila. 'Di po ba dapat ang mga anak ang nag-aalaga sa kanilang mga magulang?" pasimple niyang tanong.

Tumitig ang matanda sa kanya habang nakabuka ang bibig nang isubo niya ang pagkain rito.

Sandali nitong nginuya ang kinakain saka humingi ng tubig. Iniabot naman niya ang isang basong tubig.

"Hindi gano'n ang mga anak ko," malungkot nitong saad nang makainom na ng tubig.

Takang napatingin siya rito.

"Bakit po? Masama ka bang tatay noong bata ka pa?" curious niyang tanong.

"Ayaw nila sa amang pilantropo. Gusto lang nilang humingi ng pera sa'kin nang 'di sila nagbabanat ng buto," paliwanag nito.

"Ayy ganun po ba? Pero si tatay po sabi niya nahihiya daw siya sa'kin kasi hindi raw ako humihingi ng pera sa kanya," kwento na rin niya.

"Tapos na akong kumain. Kumain ka nang magkalaman 'yang utak mo at mag-aaral ka pa mamaya," utos sa kanya pero mariin siyang tinitigan.

Sumunod naman siya. Nagsimula na ngang kumain.

"Bakit 'di ka humihingi ng pera sa tatay mo?" curious din nitong usisa.

"Waldasera kasi si nanay, one day millionaire eh pinaghirapan 'yon ni Tatay. Kunti lang ang kinikita niya, kung hihingi pa ako, wala na kaming kakainin. Kaya nagsasariling sikap na lang ako," kwento niya uli.

Hindi na uli ito nagsalita, hinayaan siyang kumain hanggang sa matapos siya.

"Teka po, ibababa ko 'tong pinagkainan natin," paalam niya sa matanda saka binuhat na ang malaking tray.

Hinabol lang siya nito ng tingin.

"A responsible daughter," nakangiti nitong saad.

Pababa na siya sa ikalawang palapag nang makita niyang bumukas ang pinto ng kwarto ng kanilang mga amo, iniluwa do'n ang ama ni Vendrick. Kumabog agad ang kanyang dibdib sa takot. Pakiwara niya malalaglag ang puso niya kung 'di siya tatakbo para lumayo rito kaya binilasan niya ang paghakbang pababa.

"Marble! Come here!" tawag sa kanya.

Gusto na niyang mapaiyak at pinagbabalakan nang tumakbo. Pero baka lalo itong magalit 'pag ginawa niya ang nasa isip.

Hindi! Kailangan niyang lakasan ang loob. Hindi siya dapat magpatalo sa kaba. Sakaling sinaktan siya nito, lalaban siya. 'Tsaka bakit siya matatakot, and'yan naman ang kanyang alaga. Ipinagtanggol nga siya ng huli noong nag-uulyanin ito. Ngayon pa kayang wala na itong sakit?

Huminga siya nang malalim, pilit kinampante ang sarili saka lakas-loob na pumihit at umakyat pabalik at dumiretso sa kinaroroonan ng tumatawag.

"Come here." Malamig ang boses nito pero tila yata hindi na galit.

Buti naman kung gano'n. Pumasok ito sa loob ng kwarto. Pumasok rin siya pero biglang nangatog ang kanyang mga tuhod nang hindi mahagip ng paningin ang kanyang among babae. Bale sila lang duon ng ama ni Vendrick.

Napahinto tuloy siya sa paglalakad at nilingon ang nakabukas pang pinto.

"Close the door," utos nito saka umupo sa sofa ng sala sa loob ng kwarto.

Takot ma'y sumunod pa rin siya. Gamit ang paa, isinara niya ang pinto at lumapit sa among lalaki, hawak pa rin ang tray.

May sobre itong inilapag sa center table.

"Para sa'yo 'yan," anito.

"A-ano po 'yan?" lakas-loob niyang usisa.

"50 million pesos. Kapalit ng pag-alis mo sa bahay ko. 'Wag ka nang magpapakita sa amin kahit kelan!" Nagsimulang tumigas ang boses nito.

Namula agad siya. Gano'n ba ang ginawa nito sa kanyang Ate Lorie pero hindi 'yon tinanggap ng kanyang kababayan kaya gano'n na lang ang galit nito sa dalaga? Tapos ngayon, ganito uli ang gagawin sa kanya? Nakakawala ng respeto!

"Patawad po pero hindi ko po kilala ang 50 million niyo. Hindi ko 'yon kayang bilangin," pasarkastiko niyang sagot.

Bigla ang pagsalubong ng mga kilay nito.

"Are you mocking me?" bigla rin ang pagtaas ng boses nito.

Napapitlag siya sa kinatatayuan sa pagkagulat.

Pero sa isang iglap ay kumalma ito.

"I know you're difficult to handle. Sa ganyang kapal ng pagmumukha mo, no wonder kung ayaw mong tanggapin ang inaalok ko," anito, bumaba na ang boses saka nagkibit-balikat at isinandig ang likod sa kinaupuang sofa.

"How about bigyan kita ng bahay at lupa para duon kayo tumira ng mga magulang mo, pero sa isang kondisyon, hindi ka na magpapakita sa anak ko. Habambuhay ko kayong susustentuhan kapalit ng paglayo mo kay Vendrick." Nanunuya itong ngumisi.

"See, I'm a very generous father. Lalo na sa mga taong nangangailangan ng tulong tulad mo," puno ng sarkasmo na uling wika nito.

"Sensya na po pero may sarili na po kaming bahay," matapang niyang sagot, ipinahalatang wala siyang pakialam sa mga gusto nitong ibigay sa kanya.

"You damn slut!" sigaw nito kasabay ng pagbagsak ng palad sa center table.

Napapikit siya sa takot. Baka sa sunod saktan na siya. Pero sa kanyang puso at isip, naruon ang matinding pagsalungat sa mga gusto nitong mangyari.

Katahimikan...

Maya-maya'y bigla itong tumawa nang malakas.

"Do you love my son that much?" tanong nito.

"Opo," sagot niya agad, pilit inideretso ang tingin dito.

"Oh, really? How about this?" sabi sa kanya.

Nangunot bigla ang kanyang noo nang kunin nito sa bulsa ng suot nitong pantalon ang phone at may tinawagan.

"Sensya na po pero kahit ano'ng gawin niyo sa'kin, hindi po ako papayag sa gusto niyo," aniya't sinamantala ang pagkakataong busy ito sa phone.

Patakbo na siyang lumayo dito at bubuksan na sana ang pinto ng kwarto nang marinig ang boses ng ina.

"Marble! Anak! Ikaw ba 'yan? Ikaw talagang bata ka! Bakit ngayon ka lang tumawag, ha? Kumusta ka na d'yan?"

Biglang ang panginginig ng kanyang kalamnan. Pa'no nitong nalaman ang number ng kanyang ina? Ibig sabihin, alam din nito ang kanilang bahay sa Cebu?

"Marble? Dinig mo ba ako? May problema kami ngayon. May nagpunta ritong abugado, pinapaalis kami sa bahay natin kasi private property daw to ng--- ano nga bang pangalan na sinabi niya? Basta gagamitin daw ang lupang 'to kaya kailangan na naming umalis dito. Marble! Makikinig ka ba?"

Kagat-labi siyang pumihit paharap sa among lalaki at ang bigat ng mga paang lumapit dito.

Seninyasan siya nitong ilapag ang hawak na tray at kausapin ang kanyang ina.

Humihikbi siyang sumunod, nanginginig ang mga kamay na kinuha dito ang phone.

"H-hello po, Nay." Halos 'di 'yon lumabas sa kanyang bibig, mas nahalata ang pag-garalgal ng kanyang boses.

"Nadinig mo ba ang sinabi ko?" anang ina, gano'n pa rin ang boses nitong mas matinis pa sa ibon, kahit nagsasalita lang ay parang sumisigaw at nanghahamon ng away.

"Opo." Pilit niyang pinigilan ang mga luhang gustong magsipatak nang mga sandaling 'yon at ilang beses na lumunok para matanggal ang nakabara sa kanyang lalamunan nang 'di nito mahalata ang panginginig ng kanyang boses.

"Tulungan mo kami, Anak. Ano'ng gagawin namin? Pinaaalis kami sa lalong madaling panahon," dugtong ng ina.

Sumenyas na uli ang amo. Ibig sabihin, ito ang nagpapunta sa sinasabi ng inang abugado?

"W-wag po kayong mag-alala, Nanay. Kilala ko ang sinasabi niyo. Kakausapin ko po siya. 'Wag niyo na pong isipin 'yon. Mabait naman ang may-ari ng lupa. Kakausapin ko siya ngayon. Sige na ba-bye na." Pinatay niya agad ang tawag.

Pigil ang pagpatak ng luhang tumitig siya nang matalim sa amo.

"Ano'ng kailangan niyong gawin ko tantanan niyo lang ang mga magulang ko?"

"Ows? Segurado ba 'yan? Baka naman naglolokohan lang tayo dito," nananadya nitong pasaring, parang walang balak siyang pagbigyan.

Umiiyak na siyang napaluhod sa harapan nito.

"Ako na lang po. Kahit ano'ng iutos niyo, gagawin ko po basta 'wag niyo lang idamay ang pamilya ko," pagmamakaawa na niya habang panay tulo ang luha nang mapansing hindi pa rin ito naniniwala sa kanya.

"Segurado ka?" nakangisi na nitong sambit.

"Opo! Segurado po!" mabilis niyang sagot.

"Okay. You will know tomorrow," wika nito at sinabayan na ng tayo.

"Makakaalis ka na!" utos sa kanya.