Chapter 93 - THE BETRAYAL

Pakiramdam ni Marble, tinanggalan siya ng among lalaki ng mga pakpak para makalipad at makita kung gaano kaganda ang himpapawid sa dako pa ruon. Nawala lahat ng kanyang tapang, ang pagpupursige niya, lahat ng pagsusumikap niya para maka-survive sa mundo.

Bakit kay pait ng kanyang kapalaran? Hindi ba talaga siya pwedeng maging masaya kahit sa maikling panahon lang?

Gusto niyang humagulhol ng iyak at ilabas lahat ng sama ng loob. Pero kahit 'yon, tinanggalan din siya ng karapatang ipakita ang totoong laman ng kanyang puso.

Para siyang zombie habang naglalakad pabalik sa kwarto ng matanda hanggang sa makapasok at makaupo sa malambot na sofa.

Pero nakapagtatakang 'di man lang ito nag-usisa kung napaano siya. Sa halip ay binigyan siya ng isang card. Nakalagay duon ang kanyang picture at pangalan.

Ilang beses nito iyong idinuldol sa kanyang harapan bago niya napansin at kinuha sa kamay nito.

"Ano po ito?" usisa niya, walang buhay ang boses.

"Bobo ka talaga. 'Di mo ba nakikita, ID card mo 'yan," pakaswal nitong sagot.

"Saan niyo nakuha ang picture ko?" usisa na uli niya.

"'Wag mo nang itanong. Ang mahalaga ay may ID ka. Regalo ko 'yan sa'yo." Iritado kunwari, ngunit bahagya nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

"'Wag mong iwawala 'yan ha? Mahalaga 'yan sa'kin," bilin sa kanya.

Nakigaya rin siya ng ngiti, wala nga lang buhay. Ni hindi pumapasok sa utak niya ang mga sinasabi nito.

"Marble--" tawag sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay.

"Bakit po?" malungkot niyang sagot.

"This world is designed to make you cry. That's the reality of life," makahulugan nitong sambit.

Tumitig siya rito, titig na titig na tila ba ramdam niya ang mga katagang lumabas sa bibig nito dahilan upang mag-unahang pumatak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.

Napahikbi siya, napahikbi uli hanggang sa yumugyog na ang kanyang mga balikat at nagsimula nang humagulhol.

"That's the right thing to do, kid. Just cry. You don't have to resist. Just cry," saad sa kanya habang marahang pinipisil ang kanyang kamay na tila ba ipinadarama sa kanyang nariyan lang ito, handang umalalay sa lahat ng oras.

"Lolo..." Tumayo na siya at mahigpit itong niyakap, humagulhol sa mga bisig nito.

"It's okay," anito sabay hagod sa kanyang likuran.

"Lolo!" napalakas lalo ang kanyang hagulhol.

Wala siyang ginawa sa loob ng isang oras kundi ang umiyak sa bisig ng matandang walang ginawa kundi ang aluin siya na tila ba alam kung anong pinagdadaanan niya samantalang wala naman itong itinatanong kung anong nangyari nung lumabas siya.

Hanggang sa 'di na niya namalayang gumaan ang kanyang pakiramdam at siya na mismo ang bumitaw rito.

"Are you alright now?"

Ngumiti siya saka sinipat ang kanyang picture na nakalagay sa ID card. Maganda siya sa picture na 'yon, 'di lang niya alam kung sinong kumuha nun o kung kelan siya kinunan. Pero sa gawing taas ng ID ay may logong nakalagay.

"L.S.O." ang mga letrang nakaukit sa logo.

"Ano po ito, Lolo?" usisa niya uli.

Pumalatak na ang matanda.

"Tsk! Tsk! Ang hirap mo talagang kausap. ID mo nga," tila sumusukong sagot nito saka may pinindot sa wheelchair nito at kusa na iyong umatras saka nag-pivot patalikod sa kanya.

Napahagikhik siya. ID nga niya 'yon. Para saan? Pero wala atang balak sumagot ng seryosohan ang matanda kaya ito tumalikod sa kanya.

"Mag-aral ka na. Hindi ka pwedeng tatamad-tamad sa pag-aaral. Wala kang mapapala sa gano'ng klaseng pag-uugali!" utos sa kanya.

*************

Hindi niya nakita buong araw si Vendrick kahit nang mag-umaga na.

Ang pagkakaalam niya, ngayon ang araw ng alis nito.

Nasaan na kaya ito? Bakit 'di man lang siya puntahan at magpaalam sa kanya?

Tulog pa ang matanda. Alas syete pa lang nang umaga. Napasarap na naman ang tulog nito.

Pero siya, hindi siya halos nakatulog. Iniisip niya si Vendrick at kung ano ang ipapagawa ng ama nito sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may tumawag sa kanyang phone. Number lang ang nakarehistro duon.

"Hello?" bati niya.

"Lumabas ka ng bahay. May naghihintay na sasakyan sa labas," boses ng kanyang among lalaki.

"Agad niyang pinatay ang tawag at kumakabog ang dibdib na inilapag sa center table ang phone saka nagparuo't parito sa buong silid, hindi alam ang gagawin, nang mapansin ang ID card na ibinigay ng kanyang Lolo. Dinampot niya iyOn at lakas-loob na lumabas ng kwarto para sundin ang sinasabi ng among lalaki.

Saka lang nagdilat ng mata ang matanda at may pinindot sa gilid ng bed. Nagmamadaling pumasok si Gani sa silid.

"Senyor," bati sa matanda.

"Sundan mo ang batang 'yon 'Wag mong iiwan hangga't 'di nakakauwi," utos sa guard na tumalima agad.

Naiwang napabuntunghininga ang matanda saka napatingin sa larawan ng asawa.

"Sometimes, we need to experience pain in order to be strong. It's just that hers is worse than others," sambit nito at muling bumuntunghininga saka kinuha sa ilalim ng bed ang plastik na singsing na ibinigay ni Vendrick sa kanya bilang engagement ring.

************

Lahat ata ng nakikita niya sa paligid ay mga bago kahit ang driver na nagmamaneho ng sasakyan ay estranghero sa kanya. Nagsimula tuloy mangatog ng kanyang mga tuhod lalo na nang huminto sila sa isang malaking bahay.

Paglabas niya ng sasakyan, nakita niya agad ang among lalaki sa may pinto niyon, nakangiting naghihintay sa paglapit niya.

Kinawayan siya nitong lumapit agad bago ito nagsimulang maglakad papasok sa loob ng bahay, dere-deretso sa harap ng nakapinid na pinto ng isang silid, saka lang ito huminto at humarap sa kanya.

"Simple lang ang gagawin mo, isuot mo yung damit sa ibabaw ng kama saka ka humiga sa kanang bahagi ng bed. 'Wag sa kaliwa, sa kanan. Tapos duon ka matulog. 'Yon lang." nakangiti pa it habang ipinapaliwanag ang gagawin niya.

"Wala na akong ibang gagawin?" paniniyak pa niya, nakakunot ang noo.

Tumango ito, hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

'Yon lang ang gagawin niya pero bakit biglang bumigat ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya, para siyang hinahatulan ng kamatayan ng mga sandaling yun.

Ilang beses siyang lumunok at huminga nang malalim, baka kasi 'pag 'di niya ginawa 'yon, tuluyan na siyang hindi makahinga.

Binuksan ng amo ang pinto ng kwarto at pinapasok na siya. Pagkapasok lang ay isinara nito agad ang pinto.

Bigla siyang nakaramdam ng takot nang malamang ikinandado nito ang pinto. Kahit anong pilit niyang bukas duon, nanatili iyong nakapinid.

Nagsimula na namang mangatog ang kanyang mga tuhod nang kapain ang switch ng kwarto ngunit wala siyang nakapa. Ang tangi lang nagsisilbing ilaw sa malawak na silid na 'yon ay ang lampshade sa may sala, madilim pa ang inilalabas nitong liwanag sapat lang para makita niya ang isang family size na kama at ang malapad at makapal na kumot sa ibabaw niyon. Saka niya napansin ang isang nighties na sa sobrang nipis, tiyak kita ang kahit anong panloob ng magsusuot niyon.

Napaatras siya. Hindi niya yun kayang isuot. Subalit biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang mga magulang. Kung 'di niya 'yon gagawin, baka mapahamak ang mga ito dahil sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na damit at dinampot ang nighties saka nagmamadaling isinuot.

Kailangan niyang tapusin to. Andito na siya, wala nang urungan to.

Kung kelan pahiga na siya sa kama, saka naman niya naamoy ang kakaibang amoy ng insenso, nakakahilo, parang bigla siyang nakaramdam ng antok kaya agad siyang humiga sa kanang bahagi ng kama tulad ng utos ng Senyor.

Sa sobrang tapang ng amoy na 'yon, napapikit siya. 'Di niya kayang labanan ang pamimigat ng kanyang mga talukap hanggang mapansin niyang wala na siyang mababanaag na kahit anong liwanag.

Ano'ng nangyayari sa kanya? Seguradong isa itong patibong. Pa'no kung may kasama pala siya sa bed? Pa'no kung gahasain siya?

"Vendrick..." usal niya.

"Uhmmm... Marble..."

Nagulat siya. May tao! May kasama siya sa bed! Kilala siya? Alam ang pangalan niya?!

Impit siyang napaluha. Pero hindi! Kailangan niyang lumaban. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Subalit 'di niya kayang labanan ang epekto ng naamoy niya.

"Marble..."

Napasigaw siya nang mahawakan ng lalaki ang kanyang braso saka niya naramdaman ang malapot na likido sa kanyang pwetan. Ano yun?

"Marble..."

Pamilyar ang boses sa kanya. Boses ni Gab! Ano'ng ginagawa nito ruon? Nakipagsabwatan ba ito sa kanyang among lalaki? Pero bakit tulad niya'y tila nanghihina rin ito?

Napatili siya nang bigla na lang siyang daganan nito, nagpumiglas siya at pilit itong itinulak nang biglang magliwanag ang buong paligid, duon lang din nawala ang nakakahilong amoy na 'yon.

Inipon niya ang lahat ng lakas para maitulak ang nakadagan sa kanyang di na magawang gumalaw.

Subalit kung kelan niya nagawa yun, saka naman bumalaga sa kanyang harapan si Vendrick.

Awang ang mga labi panay iling, hindi makapaniwala sa nakikita, halos mapaiyak ito sa pagkagimbal.

"Vendrick...tulungan mo ako," tawag niya rito ngunit umiiling itong napaatras, tumutulo ang luha sa mga mata.

"Marble, I love you. I love you."

Gulat na naman siyang napatingin sa lalaking nagdilat na ng mga mata saka nagtataka ring tumingin sa kanya, namumungay ang mga mata halatang lasing.

"Sir Gab?" hindi halos lumabas 'yon sa kanyang bibig, biglang napatingin pabalik kay Vendrick na kagat na ang labi at pigil ang galit na nararamdaman lalo na nang makita siyang dahan-dahang tumayo sa kama at umaagos ang pulang likido sa kanyang binti.

"Marble...Pinagkatiwalaan kita," garalgal ang boses na sambit nito habang nakatitig sa umaagos na dugo.

Habang si Gab naman ay nagpilit ring makatayo, walang saplot sa katawan.

"Dude, what are you doing here?" taka pang tanong sa binatang nakakuyom na ang mga kamao sa galit, nagpipigil lang na ilabas.

"Vendrick...tulungan mo ako. Nahihilo ako," tawag niya sa binata nang magpilit na tumayo pero parang lasing ding napakapit sa gilid ng kama. Gusto niyang abutin ang mga kamay ng binata upang kumuha ng lakas duon pero umaatras ito habang paulit-ulit na umiiling, 'di makapaniwala sa nakikita sa kanilang dalawa ni Gab.

"Vendrick..." umiyak na siya.

"Nagkakamali ka, Vendrick--"

"You fuck!!!" sigaw nito sa galit sabay duro sa kanya.

"I love you! Why did you betray me!!!"

Bigla siyang napahagulhol sa nakikitang galit sa mukha nito.

"Maniwala ka, Vendrick. Wala akong ginawang masama. Maniwala ka. Nahihilo ako. 'Di ko kayang tumayo," pagmamakaawa niya rito.

"It's because you get fucked! Ang landi mo Marble! Malandi ka!" sigaw nito sa kanya.

"Dude, listen." Si Gab na gusto na ring bumangon pero 'di maikilos ang katawan.

Yumugyog ang mga balikat ng binata, diring-diri sa kanila lalo na sa kanya.

"Vendrick! Makinig ka sa'kin! Wala kaming ginawang masama," pagtatanggol niya sa sarili sa pagitan ng pag-iyak.

Nanggagalaiti sa galit na nilapitan siya ni Vendrick at itinuro ang dugo sa kanyang pwetan.

"And what do you call this, you b--!!! Huh!!! Naglaro kayo ng dugo sa mismong kama?" sigaw nito sabay tulak sa kanya dahilan upang mapasubsob siya sa sahig.

Wala siyang nagawa kundi umiyak. Ano bang gagawin niya para maniwala itong wala siyang alam na ganun ang mangyayari?

"Dude, let me explain," pilit na sabad ni Gab, nagpipilit ring makatayo sa kama nang ito naman ang sunggaban ng binata at bigyan ng mag-asawang suntok.

Muli itong sumigaw nang pagkalakas-lakas at parang batang humagulhol, nang 'di matiis ay patakbo itong lumabas ng silid na 'yon.

Naiwan siyang umiiyak habang pinipilit makatayo subalit 'di niya talaga kayang labanan ang pagkahilo. Nang sa wakas ay makatayo na siya saka naman biglang nagdilim ang kanyang paningin, pero naramdam niyang may matigas na mga kamay ang sumalo sa kanya bago siya tuluyang nawalan ng malay.