Chereads / Falling for my Gay Housemate! / Chapter 28 - Hong Kong

Chapter 28 - Hong Kong

HINDI makapaniwala si Julius na ganito lagi karami ang binibili ni Michelle tuwing umaalis ng bansa.

"Kasya ba iyan sa dalawang bag mo?" paniniyak ng binata.

"Oo. Tantiyado ko na. Lagi ko naman isinasama sa bayad itong baggages kapag pabalik ng Manila. Basta huwag lang ako lalampas sa weight limit," sagot niya.

Three days at two nights sila sa Hong Kong. Mula nang dumating sila, isinasabay nila sa pamamasyal ang pamimili niya ng paninda. Kagabi ay namili na siya sa night market, at ngayon naman ay kagagaling lang nila sa Cheung Sha Wan Road na wholesaler. Doon din siya nakakabili ng mgagandang oversized garments.

Mamaya ay huling gabi na nila rito sa Hong Kong at bukas ng hapon ay uuwi na sila sa Manila. Julius was very patient with her. Hindi ito nagrereklamo na maging taga-bitbit ng kanyang mga pinamili, at hindi rin ito nagmamaktol kung wala man sila talagang "date" na matatawag sa nakalipas na panahon nila dito sa Hong Kong.

Kaya minabuti na niyang tapusin ang pamimili ng kanyang paninda para itong gabi at bukas ng umaga ay ma-ituon muna niya ang atensyon sa binata. Ayaw naman niya masayang ang effort ng lalaki na samahan siya sa Hong Kong, tapos ginawa lang niyang alalay. Baka sabunutan siya ni Kristine.

Mama niya ang nagbabantay ngayon sa boutique. Hindi sumasama si Papa Ramon kasi nag-aalala ito na baka ang bahay naman ng mga ito ang matiktikan na walang tao.

"Saka bilib ako sa'yo ha, may mga basic Chinese words ka na nasasabi at naiintindihan," sabi ni Julius habang hawak nito ang isa sa malaking bag na pinaglalagyan niya ng mga paninda. Pinapanatili nitong bukas ang bag para lagay na lang siya ng lagay ng mga itinitiklop niyang garments.

"Mas madali kasi makatawad at makapamili kapag ganoon. Tiyaga-tiyaga lang talaga sa pag-aaral," aniya.

Napatingin siya sa lalaki at nakita niyang titig na titig ito habang nakangiti sa kanya. "Bakit?" tanong niya. Parang gusto niyang mag-blush. Ang lagkit nitong tumingin, ha.

"You just don't know how amazing you are, don't you?" haos pabulong na tanong nito.

Ay, gustong mangatog ng tuhod niya sa sinabi nito. Gusto din niya tumawa pero magiging obvious ang kilig. Ay, ang landi lang!

Sinalubong niya ang tingin nito at sinabi, "Alam mo, gutom ka na. Tatapusin ko lang ang pag-e-empake ng mga ito, tapos maghanda na tayo para sa paglabas mamaya."

Kumibot-kibot lang ang labi ng lalaki pero wala na itong sinabi pa. Ngumiti naman ito at ipinagpatuloy lang ang pagtulong sa kanya.

Pagkatapos niyang ma-empake ang lahat ng paninda at malagyan ng tags at ribbon ang mga bag, ay nagpaalam sa kanya si Julius na babalik muna sa kuwarto nito. May dalawang oras pa siya bago ang pinag-usapan nilang pag-alis.

Nag set siya ng alarm sa kanyang cellphone, matutulog muna siya ng isang oras bago muling maliligo at mag-aayos. Buti na lang at hindi siya nahirapan makatulog, paghiga ay tulog na siya agad.

Refreshed ang pakiramdam niya pagkagising. Nag shower muna siya, toothbrush, at nag blower ng buhok. Pinili niyang isuot ang binili niya sa Vietnam noong huling punta niya roon na round-neck, long A-line, gray swing dress para sa sarili.

Hindi niya kasi alam kung saan siya dadalhin ni Julius kaya ito ang naisipan niyang isuot. Puwede siyang casual kung sa park lang sila pupunta, at papasa rin ang dress kung sa restaurant ng isang hotel sila mag di-dinner.

Simple lang ang kanyang make-up. May cloth head band lang siya para hindi kung saan-saan napupunta ang kanyang buhok.

Eksakto sa oras ay nag doorbell na si Julius. Pinigilan niya ang mapangiti nang makita ang lalaki. Ang kisig nito sa suot na white long sleeves na naka tuck sa silver na pants. Parang pinag-usapan nila ang isusuot para sa date nila.

"Wow, sobrang ganda naman ng ka-date ko," bati nito sa kanya.

Nakangiting inirapan niya ang lalaki. "Nambola ka pa diyan. Sige push mo pa, baka maniwala na ako," sabi niya sa may katarayang tono para itago ang kilig na nararamdaman.

Pagkababa nila ng hotel ay nakapara agad sila ng taxi. May sinabing lugar si Julius at nagulat pa siya nang ihatid sila sa isang beach.

"Bakit hindi mo sinabing sa beach tayo pupunta? Ganito pa naman ang suot natin," tanong niya sa lalaki pagkababa nila ng taxi.

Ngumisi ang lalaki. "Hindi naman tayo maliligo sa beach eh."

"Eh ano?"

"Let's see. Maglalakad tayo sa shore, maghihintay ng sunset, at manonood ng sunset. Saka mag-se-selfie," nakangiting sabi ni Julius.

Gusto niya mapamaang sa mga sinabi nito, buti na lang at napanatili niyang nakasara ng kanyang bibig. Anovahyan! Kinikilig na naman siya. May mga tao na din sa beach na katulad nila, mukhang hihintayin din ng mga ito ang sunset.

Sabay nilang tinanggal ang suot nilang sapatos at binitbit ang mga iyon habang naglalakad sila sa dalampasigan. Mabining umiihip ang hangin, mabuti na lang at naka headband siya kaya kahit paano ay hindi naman siya magiging mukhang bruha.

"This is very nice," sabi niya habang pinagmamasdan ang kapaligiran. "Ang ganda."

"Napakaganda nga," sabi ni Julius sa kanya nang bumaling siya at napatingin dito.

Talaga naman! Kilig much na ha. Gusto sana niyang i-ipit ang buhok niya sa likod ng tainga kaso naka headband nga pala siya.

"Nakapunta ka na ba dito? Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong niya imbes na mag komento sa sinabi nito.

Napakamot sa ulo ang lalaki. "First time ko dito sa Hong Kong. Japan, Singapore, at Australia ang mga napuntahan ko na dahil sa mga conventions. Iyon naman ang use ni Google eh, madaling makapag research tungkol sa mga bagay-bagay."

Uy, pogi points ah! Ibig sabihin ay pinag-isipan talaga nito ang tungkol sa date nila ngayon. Pa-fall talaga ang lalaking ito. At mukhang hindi na niya mapipigilan pa ang puso niya. Pero bakit ba kilangan niya pigilan ang sarili?

Matagal na nakalipas ang nangyari sa kanila ni Diego. Ni hindi nga niya alam kung naiisip pa siya ng lalaki eh. Kailangan na makalaya ng puso niya sa alaala ng dati niyang housemate.

Bago pa mas dumami ang tao, pumili na sila ni Julius ng lugar kung saan nila makikita ng maganda ang sunset. Mukhang sikat ang beach na iyon na ang pangalan pala ay Ha Pak Nai.

Napahawak siya sa kamay ni Julius nang makita ang napakagandang pagtatakip-silim. The sun was about to kiss the distant horizon, spreading the colors of yellow, orange, purple, and blue in the sky and ocean's floor. It was indeed a sight to behold.

Iba-iba ang emosyon na nararamdaman niya sa sandaling iyon. The view felt surreal and captivating, making her feel loved and in-love.

Napatingin siya kay Julius. Naramdaman niya ang pagpitlag ng kanyang puso nang makita ang side profile ng lalaki at ang kulay ng kalangitan na makikita rin sa mukha nito.

Naramdaman nito ang titig niya kaya mabagal itong bumaling sa kanya at unti-unting ngumiti. Her heart's beat quicken as she realized how beautiful this man is. She lovingly smiled at him.

Pinisil ni Julius ang kamay niyang nakapaloob sa malapad nitong palad. Sabay silang bumaling sa pinapanood na sunset hanggang sa natapos iyon. Saka lang niya napansin na hawak pala ni Julius sa isang kamay nito ang cellphone at na-video-han ang magandang paghiga ng araw sa kanlungan nito.

"May picture din tayo, selfie," sabi nito habang sumasabay sila ng paglakad sa ibang tao na nanood din ng sunset.

"Hindi ko napansin," sabi niya.

"You were so absorbed with the scenery."

Tumango siya. "Ang ganda kasi. Biro mo, pangatlong balik ko na dito sa Hong Kong pero ngayon ko lang narating ang lugar na ito. Kung hindi mo pa ako dinala rito eh hindi ko pa makikita ang napakagandang sunset na iyon."

Lumawak ang ngiti ni Julius. "Gusto ko kasi maging memorable para sa atin itong pagpunta natin sa Hong Kong. 'Di ba, business with pleasure."

Napabungisngis siya. Hindi pa rin niya binabawi ang kamay na hawak pa rin ng lalaki. Ano ba ang ibig sabihin noon? Muli silang sumakay ng taxi at nagpahatid si Julius sa isang mall na medyo malapit sa hotel na tinutuluyan nila.

Kung kagabi ay nabusog sila sa mga kinaing street food sa night market, ngayon ay sa sosyalin na bar restaurant siya dinala nito. Classy at chic ang ambiance ng lugar. Ang palibot na dingding ng restaurant ay halos puro salamin. Napakaganda ng view mula doon, makikita ang tila ay nagsasayaw na ilaw ng siyudad.

Dinala sila sa pandalawahang lamesa ng receptionist. Magkatapat ang upuan nila. Katabi lang nila ang dingding na salamin kaya napakaganda ng view. Napangiti siya na may nakasinding kandila sa gitna ng lamesa na ang base ay pabilog na fresh flower arrangement. Mukhang very thorough ang research ni Julius ah. May pogi points ulit.

Bukod sa iba't ibang dimsum bilang appetizer, nag order din si Julius ng roasted goose, at brisket noodles. Kung hindi pa niya pinigilan ang lalaki ay ipagpapatuloy pa nito ang pag order. Pumayag naman siya nang humirit ito ng buchi bilang dessert nila.

Hindi niya alam kung napakasaya niya, gutom talaga siya, o talagang napakasarap ng pagkain kaya mas marami siyang nakain ngayon. Ang topic ng usapan nila ay ang panahon na inilagi nila doon, lalo na iyong nakita nila ang napaka romantic na sunset sa beach.

"Thank you, Julius," sabi niya na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"For what?" tanong nito kasabay ang isang mabilis na sulyap.

"For making me realize how fun it is to travel with someone. And that I'm not alone," she sincerely said.

Inabot ni Julius ang kanyang kamay at marahan na hinaplos. "You don't have to be alone anymore, Michelle. I'm here. I promise to be always here for you. Hindi ko maipapangako na magiging perfect boyfriend ako sa'yo, pero isa lang ang masasabi ko, matagal na kitang gusto."

Sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang hindi siya niloloko ni Julius. Kita niya sa mga mata nito ang katotohanan at dinig niya sa tinig nito na nagsasabi ito ng totoo.

"Kailan mo pa ako gusto?" naisipan niyang itanong.

Napangiti ang lalaki. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong love at first sight?" Hindi nito inaalis ang tingin niya sa akin.

Muli na naman pumitlag ang puso niya. "Weh!? 'Di nga?" tanong niya kahit naniniwala naman siya sa sinabi nito.

Natawa si Julius. "Hindi lang kita maligawan noon dahil alam kong magagalit si Mike. Mga bata pa tayo noon. Saka akala ko crush lang, pero nung madalas na tayong nagkakasama dahil sa nangyari kay Diego, bumalik lahat eh."

Kumagat siya ng isang buchi para itago na kinikilig siya. Binitiwan ng lalaki ang kamay niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Iniba na nito ang usapan. Malamang ay ayaw nitong ma-pressure siya. Dumadami na ang pogi point nito, mukhang aapaw na ang banga.

Pagbalik nila sa hotel ay inihatid siya ng lalaki sa kanyang hotel room. Hinayaan niyang buksan nito ang pintuan pagkaabot niya ng keycard. Pagpasok niya ay nagpaalam na ang lalaki sa kanya.

"Julius!" tawag niya rito nang akmang lalakad na ito palayo.

Bumaling ang lalaki sa kanya. Tumango siya. "Sinasagot ko na ang panliligaw mo. Pumapayag na ako maging girlfriend mo."

Napamaang at namilog ang mga mata nito. Hanggang sa ngumiti ito ng napakatamis at inisang hakbang lang ang distansya nila. He hugged her tight and she hugged him back.

"I love you, Michie. Thank you," bulong nito sa kanyang tainga.

Napangiti siya sa narinig. Bumulong din siya dito, "I think I'm falling in-love with you, too."

Kumalas ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya at nakangiti ang mga mata nitong tinignan siya. At sa isang iglap ay napapikit siya nang halikan ni Julius.

Hindi ito ang kanyang first kiss, but she must be really falling for him because it's a very sweet kiss. Napamulat siya nang itigil nito ang halik at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg at buhok.

Humigpit ang yakap nito sa kanya bago siya pinakawalan. He softly brushed away the hair on her face. "I have to let you go, Michie. Baka hindi na ako makabalik sa kuwarto ko."

Nag init ang pisngi niya sa sinabi nito. "Sige na," sabi niya habang ibinubugaw na ito paalis. "Baka lasing ka na sa wine na ininom mo kanina," natatawang sabi niya.

Muling nagpaalam sa kanya ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Pagka-lock niya ng pintuan ay napasandal siya roon. May boyfriend na siya! At kilig na kilig siya!