Chereads / Falling for my Gay Housemate! / Chapter 6 - NBSB and girlfriends

Chapter 6 - NBSB and girlfriends

NANIBAGO pa si Michelle nang makakita ng ibang gamit sa banyo. Safeguard ang sabon ni Jamie at for men ang shampoo nito ng isang kilalang brand.

May shaving cream din, after shave, at razor. Well, ano ba ang ine-expect niya? Heno de pravia ang sabon, at for women na shampoo?

Kahit naman magladlad ito, hindi naman ito magiging babae. Iyon pa rin ang katawan nito. Pake ba niya sa mga personal nitong mga gamit? Basta hindi ginagamit ang mga sabon at shampoo niya.

Iyong hangeran ni Michelle ng underwear sa banyo ay inalis niya. Nakasabit na lang iyon sa kanyang kuwarto.

Kahit na sabihing paminta si Jamie, hindi maiwasan na lalaki pa rin ang tingin niya rito lalo na at ayaw talagang tanggapin ng utak niya na isa itong pusong babae.

Nakakapanghinayang kasi. Kapag nagladlad na ito, luluha ang mga anak ni Eba, promise! Paglabas ni Michelle ng banyo ay humahalimuyak ang amoy ng adobo. Ni-re-retoke na ni Jamie ang palpak niyang niluto kagabi.

Hindi napigilan ni Michelle ang mapangiti nang makita ang lalaki na nasa kusina niya at nakasuot ng apron. Oh my, he's just so sexy looking like that.

Red alert! Red alert! Warning! Huwag kalimutang paminta nga ito. Then, he looked her way and gave her a very charming smile.

Naramdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Gustong kumawala ng kanyang imahinasyon na lalapit ito sa kanya at walang paalam na hahalikan siya, na magdadala sa kanya sa lugar ng kaligayahan. Hahayaan nilang gumapang ang kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa at-

"Mga ten minutes na lang kakain na tayo. Dapat nagpapahinga ka muna bago maligo, kararating mo lang mula sa trabaho," sabi ni Jamie.

Napukaw ang napapalayo niyang isip. Nagiging delikado ang kanyang imahinasyon, nagiging pasaway at nawawala sa tamang huwisyo. Kumukuha na ito ng mga plato para ilapag sa lamesang may placemat na.

Ahahay, kinikilig si Michelle sa concern ng lalaki. Gaga, `wag umasa. Ang puso ay dapat ingatan, kapag nahulog ay baka matapakan.

"Thank you, ha. Babawi na lang ako next time sa pag retoke mo ng adobo. Sa weekend ay magpapaturo ako kay mama sa pagluluto," sabi ni Michelle nang kumakain na sila. "In fairness, masarap itong retoke mo."

Natawa si Jamie. "Kung kasing tagal mo na `kong namumuhay mag-isa, matututo ka rin magluto."

"Gaano katagal ka na bang namumuhay mag-isa?"

"Six years na. After nung graduation, two years muna ako nagtrabaho sa isang kompanya sa California. Noon pa lang ay umalis na ako sa poder ng parents ko. Then, nung makakuha ako ng sariling mga kliyente, nag resign na ako at saka nag travel.

"Ganyang-ganyan din ako nung umpisa, puro palpak ang mga niluluto na pinipilit ko rin ubusin. Magastos din kasi kapag lagi kang bibili o kakain sa labas. Kaya in time ay matututo ka rin. Minsan siguro, we can cook together," tugon ni Jamie sa baritonong tinig.

Gustong mataranta ni Michie. "Nay! `Di makikita mo pa kung gaano ako kapalpak sa kusina? Huwag na."

Pagkakita niyang sumasandok na ang lalaki ng ulam ay sumandok na rin siya ng kanin. Magkasabay nila iyon inilapag sa lamesa.

Natatawang napa-iling si Jamie. "Masyado ka naman takot. Mas matututo ka magluto kapag may nagtuturo sa`yo kung paano, o kaya napapanood mo mismo.

"Hindi naman ako chef o ano, kinailangan ko lang kasi matuto magluto. But enough na with cooking, tell me something about yourself." Magkatapat sila ng upo sa hapag-kainan.

Sa pagitan ng pagkain ay ikinuwento ni Michelle ang tungkol sa pamilya niya at trabaho. "Wala naman exciting sa buhay ko eh. Kaya siguro ginusto ko rin mamuhay independently, para may adventure.

"Kaso medyo boring din kapag wala kang kasabay kumain o ano. Mabuti na lang nga at naging housemate kita. Sa lahat ng ininterview ko ay ikaw ang pinakamatino... Sana," aniya bago natawa. Natawa rin ito sa huling sinabi niya.

At saka niya ikinuwento ang karanasan sa mga in-interview para maging housemate bago ito. Aliw na aliw naman si Jamie. Natutuwa siya na mukhang interesting para rito ang mga kuwento niya.

"Madami ka nang ikinuwento, pero wala ka namang nababanggit tungkol sa lovelife mo," sabi ng lalaki pagkatapos nilang matawa sa kanyang mga kuwento.

Lumabi si Michelle. "Naku, non-existent kaya ang lovelife ko. NBSB ako, `no."

"Ha? What's that? NBSB?"

Tinignan niya ng mabuti si Jamie, mukhang hindi talaga nito naiintindihan kung ano ang NBSB. Baka hindi ito nanonood ng romcom o nagbabasa ng pocketbooks.

"No boyfriend since birth. Virgin ang puso, nguso at pati dulo ng daliri," tugon ni Michelle bago bumungisngis. Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin na tila ay nasiyahan si Jamie sa kanyang sagot.

O? Bakit naman? O masyado lang siyang presuming. Baka naman naaaliw lang talaga ito sa kanya.

"Eh ikaw, ilan na ang naging fafa mo?" ganting tanong ni Michelle.

"Fafa as in sa lalaki? Ahm, let's say na NBSB din ako," sabi ni Jamie na sinubukan magpaka demure ang pagsagot. Inipit pa ang sideburn sa likod ng tainga na para bang dalagang Pilipina.

Ang sagwa! Hindi talaga ito bagay maging bakla. Nagmumukhang bakulaw. Wait! Teka! NBSB? Oo nga pala hindi pa naglaladlad kaya wala pa nagiging boylet.

"Eh girlfriend?" gora pa rin ang pagtanong ni Michelle.

Kumislap ang mga mata ni Jamie. "Hindi ko mabilang."

"Yabang!" tukso ni Michelle. "Talagang hindi mabilang, ha? So, ano ka ba talaga, lalaki o paminta?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Biglang umiwas ng tingin si Jamie. Baka nag overboard na siya sa pagtatanong. Kambyo ulit.... "Pero alam mo, may mga kakilala naman ako na iba talaga ang sexual preference eh. Iyong isang friend ko nung college, kaliwa't kanan ang nanliligaw sa kanya. May mga naging boyfriend din siya.

"Tapos, a few months ago, nakita ko na lang sa FB na nasa states na siya at ikinasal sila nung girlfriend niyang amerikana. Pareho ngang mahaba ang hair nila kaya hindi mo malaman kung sino ang tomboy. Kaya keri lang ang confusion," aniya.

Baka hindi pa komportable si Jamie pag-usapan ang pagiging paminta nito, sabi nga nito na nasa crossroad pa eh.

He just smiled at her. "Kanina nga pala na-intriga ako doon sa custard cake. Namili kasi ako ng mga gamit at nag grocery din ng konti kaya nakita ko iyong cake. Dessert na tayo?" tanong ni Jamie.

She agreed. Mukhang hindi naman siya magsisisi na ito ang pinili niya maging housemate, paminta man o lalaki. Pero gusto na talaga niyang i-wish na sana ay lalaki na lang.

Hay, puso, huwag kang umasa.

"This is nice, may kasalo sa pagkain. Pero kapag weekdays na, baka hindi na tayo magkakasabay," sabi ni Michelle.

"Bakit naman?"

"Eh kasi, madalas ako pang gabi. Sa araw ay tulog ako at pagkagising ko ay saka pa lang ako magluluto na pang dinner na. O kaya kapag tinatamad, bumibili sa labas, o kaya nag-de-delata na lang, o kung anomang microwavable, o mga ipiniprito lang kagaya ng itlog o hotdog.

"Nagagalit nga mama ko eh. Kaya kapag umuuwi ako ng weekend, minsan ang daming padalang pagkain. Para namang hindi ko kailangan mag diyeta," sabi ni Michie sa pagitan ng pag nguya.

Kinuha niya ang pitsel ng tubig at sinalinan ang kanilang mga baso. Nagpasalamat si Jamie nang i-abot niya ang baso na may tubig para rito.

Muli, naramdaman niya ang init ng kamay nito. Ang sarap siguro maramdaman ang init ng kamay nito sa iba pang parte ng kanyang katawan. Gusto niyang manggilalas sa naiisip, nagiging manyakis na ba siya?

"Diyeta? Ano'ng pinagsasabi mo? `Di mo kailangan mag diyeta. Tama lang ang hugis ng katawan mo. At saka alam mo, well, I speak for myself, I don't like women na masyadong payat.

"Mas gusto ko iyong may laman at malambot kapag hinawakan. Lalo na kung maganda ang hubog ng dibdib, balakang at pwet," natatawang sabi ni Jamie.

Tumikhim si Michelle nang mahuli ang lalaking nakatingin sa kanyang dibdib. Naka t-shirt siya pero halata ang yaman ng kanyang dibdib. Biglang uminit ang kanyang pakiramdam, hindi naman naka-off ang electric fan.

Agad ibinalik ni Jamie ang tingin sa kanyang mukha bago siya nginitian at kinindatan. Kapagkuwan ay tuloy-tuloy na ang lalaki sa pagsubo.

Napamaang si Michelle. Talaga bang paminta ito? O may pag-asa pa kayang masagip ang pagkalalaki nito para hindi naman magluksa ang lahi ni Eba? At bakit hindi siya naasiwa nang mahuli niya itong nakatingin sa kanyang dibdib? Kung ibang lalaki ito ay baka hindi lang niya nasampal, sinuntok pa niya! Baka kasi alam niyang paminta si Jamie.

"You know what, puwedeng magbigay ka na lang ng budget para sa meals. Isasama ko na lang ang share mo kapag nagluto ako for lunch na hanggang hapunan na.

"That way, makakatipid pa tayo sa kuryente. Puwede naman iinit sa microwave ang rice at ulam para sa dinner," suhestyon ng lalaki.

Hmmm… Magaling mag iba ng usapan. Sige na nga, pagbibigyan niya tutal ay inaalok siya nito ng tulong.

"Gagawin mo `yon?" manghang tanong ni Michie.

"Bakit naman hindi? At saka iyong ibang groceries ay hiwalay pa rin tayo. Bumawi ka na lang sa pagluluto kapag may time ka.

"I-te-text na lang kita kapag hindi ako nakapagluto, para depende na sa`yo kung kakain ka sa labas o kung anoman. Hindi ko lang nga sigurado kung lahat ng lulutuin ko ay gusto mo," anito.

"Naku, hindi ako maselan sa pagkain. Hindi ko lang gusto iyong mga maanghang o exotic. Pero kung alam ko lang na ganito ka kasuper-nice na housemate, sana one week pa lang akong mag-isa ay hinanap na kita," natatawang sabi ni Michelle.

Nangingiting nakalabi si Jamie na tila ay sinasabing binobola lang niya ito. Kung ganito naman ang magiging housemate niya, maiiwasan pa kaya niyang mahulog ang loob niya rito?

Kung may diwata lang sana siya na puwedeng lapitan para mapatanggal ang pagiging paminta nito…. Mental buntunghininga.