PUPUNGAS-pungas si Diego nang lumabas siya ng kuwarto. Naghikab pa siya at nag-unat bago nagpunta sa banyo.
Pagkatapos ay tinignan niya kung ano ang nasa ilalim ng foodcover. Napangiti siya nang makita ang inihandang breakfast ni Michelle, French toast. Mukhang ginawa iyon. Kung binili ng dalaga, naka paper bag pa sana. Pero nakahain na iyon sa platito.
Inilagay niya sa microwave ang mug ng kape para ipa-init iyon, kasama na ang tinapay. He nodded after his first bite. Pinanood siguro ni Michie sa YouTube kung paano gumawa ng French toast. Masarap ang timpla ng kanyang roommate. Natututo na ito magluto kahit paano.
Patapos na siyang kumain nang mapansin niyang may sticky note pala sa food cover. Nakasulat doon: Jamie, thanks for taking care of me. Mabuti na lang at ikaw ang napili kong roommate. ^^
Paulit-ulit itong nagpapasalamat mula noong inasikaso niya ito nang malasing. Dalawa iyon sa katangian ni Michelle na nagustuhan niya, appreciative at thoughtful. Hindi katulad ng iba na feeling entitled.
Napangiti siya. Pero napabuntunghininga rin. As corny as it sound, itinatago niya ang mga sulat ni Michie na sticky note kahit pa ang nakapangalan doon ay Jamie.
Bigla siyang nakadama ng guilt. At sakit. Kung minsan ay sumasagi sa isip niya na magtapat sa dalaga tungkol sa kanyang totoong pangalan at sitwasyon. But it's too soon.
Ganoon na ba kalalim ang pagkakaibigan nila at pagsasama, para tanggapin nito ang paghingi niya ng tawad kapag sinabi na niya ang totoo?
Hindi pa sapat ang ipon niya para kumuha ng sariling apartment. At pag-iisipan pa niya kung saang probinsya siya magtatago kung sakali. Dapat sa lugar na may magandang internet connection din dahil hindi puwedeng matigil ang kanyang trabaho.
Isinilid niya ang sticky note sa bulsa ng shorts niya. Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan muna niya ang pinagkainan. Ibinukas niya ang freezer at nag-iisip kung ano doon ang iluluto niya para sa tanghalian.
Napatingin siya sa main door nang bumukas iyon. Lumabas pala si Michie, akala niya ay tulog ito.
"Good morning. Thank you sa breakfast," bati niya sa dalaga pagpasok nito. Nakita niyang may bitbit ito na green bags kaya agad niyang nilapitan para kunin dito ang mga dala.
"You're always welcome," nakangiting tugon sa kanya ng dalaga. Hinayaan nito na siya na ang magdala ng mga green bags.
"Maaga ka yata namili ngayon," puna ni Diego pagkalagay niya ng green bags sa lamesa. "Akala ko tulog ka pa."
Sabado iyon ng umaga. Kadalasan, sa ganitong panahon ay tulog pa ang dalaga na galing sa trabaho. Gigising ito ng lunch time o kaya ay after lunch, at saka maghahanda para sa pag-uwi nito sa pamilya.
"Naka-idlip naman ako. Pero nung hindi na ako makatulog, lumabas na lang ako."
Sinimulan ni Michie ilabas mula sa isang green bag ang mga binili nitong pagkain. "Bumili ako ng sangkap pang sinigang. Magluto tayo mamaya," she said casually. It was a statement, not a question.
Ngumiti siya. Ito na ang nagsasabi na magluluto silang dalawa. Ibig sabihin ay komportable na ang dalaga sa kanya kaya okay na rito na magluluto silang dalawa.
"Ay, paborito! Sige ba. Pagkaligpit, magpahinga o matulog ka muna. Kahit eleven na tayo magluto," aniya. Isa sa paborito niyang Pinoy na ulam ang sinigang.
Tinulungan niya ang roommate sa pagtabi ng mga pagkain. Pero iyong isang green bag ay dinala na nito sa kuwarto. Malamang ay personal na mga gamit na nito iyon.
Inilabas niya sa salas ang kanyang laptop para doon na lang magtrabaho. Bago pa mag alas-onse ay lumabas na si Michie sa kuwarto nito. "Luto na tayo?" tanong niya at iniwan na ang trabaho sa center table.
Nag set siya ng alarm na tutunog kapag may kailangan na siyang i-check sa trabaho. Basta ang kailangan lang eh naka-konekta siya sa internet at server.
"Game na," sabi ni Michie na nakasuot na ng pambahay. Nagtungo sila sa kusina at magkasunod na naghugas ng kamay.
Hinayaan niya si Michie asikasuhin ang buto-buto habang inilalabas niya sa ref ang mga gulay na kangkong, talong, sili, at sitaw.
"Tinuruan ako ni Lizzie kung paano magluto ng sinigang at nanood din ako sa YouTube. Iba rin kasi kapag nakikita mo kung paano talaga kaysa iyong susunod lang sa recipe, o turo lang," anito habang isinasalang na ang kaldero na may tubig, at buto-buto sa kalan.
Nabanggit na sa kanya noon ng dalaga na si Lizzie ang "bff" nito sa trabaho.
"Totoo. Pero kapag nanood ka sa YouTube, dapat gamitan din ng common sense," tugon niya. Naghihiwa na siya ng kamatis at sibuyas.
Kinuha naman ni Michelle ang mga gulay upang hugasan ang mga iyon. "Common sense?"
Tumango siya. "Siyempre edited na ang napapanood mo sa Youtube. At hindi nila ituturo ang lahat ng sikreto nila sa pagluluto kaya dapat ay nag-iisip ka rin. Iyong iba, akala nila ay laging walang takip kapag nagpapakulo, kasi sa video ay hindi nilalagyan ng takip para makunan ng maayos."
Tumango-tango ang dalaga. Hinihimay na nito ang kangkong at inilalagay ang mga dahon sa isang bowl. Pagkatapos ay hinugasan nito at nilagyan ng tubig ang bowl at kaunting suka.
"Sabi ni Lizzie, mas maganda na ibinababad ang mga dahon na gulay sa tubig na may suka para kung may insecticide o ano, nalalabanan nung suka. Lalo na raw sa mga repolyo," kuwento nito.
Hindi napigilan ni Diego ang mapangiti. Mukhang seryoso na nga ang dalaga sa pag-aaral magluto.
Aabutin na niya ang sitaw dahil tapos na ang hinihiwa niya. Iyon din ang ginawa ni Michie kaya kamay nito ang nahawakan niya. Sabay silang napatingin sa mga mata ng isa't isa. Her hand feels so warm, pakiramdam niya ay kaya niyang hawakan iyon ng magdamag.
Binawi ni Michie ang kamay nito. Hindi niya ma-alis ang tingin sa namumulang mukha ng babae. She's just so cute.
"Sorry," aniya. "Ako na lang magpuputol ng mga gulay, kahit mag saing ka na lang."
"Okay. Tres ba?" tanong ng dalaga sa kanya.
Tumugon siya ng "Oo." Kabisado na nito ang lakas niya sa pagkain.
MAS madali pala ang magluto kapag may katuwang ka, naisip ni Michelle. Naghihintay na lang sila ni Jamie na maluto ang mga gulay ng sinigang at matapos ang pag-inin ng kanin. Nakahain na rin ang dalawang plato sa lamesa.
Kung anu-ano ang pinag-uusapan nila habang nagluluto. Nung una ay tungkol sa pagluluto hanggang sa napunta iyon sa mga paborito nilang pelikula, at ngayon naman ay tv series.
"Para sa akin, hindi ikaw iyong tipo ng babae na nanonood ng Supir Girl, Flash, at Walking Dead," sabi ng paminta.
"At bakit naman? Ilang taon ko na sinusubaybayan ang mga iyon."
"Sa nakikita ko kasing mga post sa FB, parang puro korea nobela ang pinapanood ng mga kababaihan. So that makes you different from others," dahilan nito.
"Is that a good or a bad thing?" tanong niya.
"It just makes you, you," sabi ni Jamie bago ngumiti ng matamis. "You're unique in a good way."
Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya sa sinabi nito. Ngumiti rin siya.
"Pero hindi ako makapaniwala na puro sa internet ka nanonood," aniya. "Mas gusto ko pa rin ang t.v."
"Sa pag-ta-travel ko rin kasi ay hindi naman ako bibili lagi ng t.v. o kaya magbibitbit nun, kaya sa laptop o cellphone lang din ako nanonood ng mga palabas. Pati mga movies ay ni-re-rent ko na lang din sa internet."
Well, that makes sense. Oo nga naman. "Eh paano ang balita? Kung naka-apartment ka before at mag-isa, hindi mo napapanood sa t.v. ang news. Mahirap din kung hindi ka updated."
"Maraming mababasa sa internet, at puwede rin manood dun, siyempre mas late lang at hindi sa time ng broadcast. Saka kailangan mag-ingat sa mga fake news."
Tumango-tango siya sa isinagot ng paminta. Kung minsan naman ay sumasabay ito manood ng evening news sa kanya, lalo na kung magkasalo sila sa dinner.
Nakita niya ang piling ng saging na binili niya kanina. Inalok niya ang paminta pero umiling ito. Kumuha siya ng saging, binalatan iyon at kumagat. "Ano ang trip mo sa travels mo?" she curiously asked.
Tumikhim muna si Jamie bago sumagot. "Siyempre iyong pamamasyal ko sa mga tourist spots ng mga bansang pinupuntahan ko, at bar."
Tumaas ang isang kilay ni Michie. Hmmm… Mukhang mahilig ito sa night life ah. Pero in fairness, mula nang maging housemate niya ito, lumalabas lang ito kapag namimili o may kailangan asikasuhin.
"Bakit hindi ka yata nag-ba-bar ngayon?" Kumagat siya ulit sa saging. Napansin niya na nakatingin sa bibig niya si Jamie. Pinapanood yata nito ang pagkagat at pag nguya niya sa saging. Paminta ba talaga 'to? Tumikhim siya at tumaas ang tingin nito sa kanyang mga mata.
"Wala akong ka-date eh," simpleng tugon nito bago tumayo para silipin ang niluluto nila.
Ipinatong niya ang saging sa placemat at sinundan ang roommate sa pagtingin ng kanilang niluluto. Tinignan niya ang kanin at hinugot na sa saksakan ang kurdon ng rice cooker. Kadalasan ay ten to fifteen minutes lang ang kanyang pag-inin ng kanin.
Ano ba ang dapat niyang isipin sa isinagot sa kanya ni Jamie? Lalaki ba ang gusto nitong ka-date? Sana siya na lang.
Tinignan naman niya ang kalderong itinaas na ng paminta ang takip. "Luto na ang kangkong. Puwede na tayo kumain," aniya.
"Very good. Alam mo na ang pagkakasunod-sunod sa paghulog ng gulay at tumingin kung kailan luto na ang mga iyon," anito.
Kinilig siya. Ang sarap kaya mapuri, 'no! Mukha na naman silang engot na nakangiti sa isa't isa.
"Kapag may long weekend ka, gusto mo ba mag bar at maging ka-date ko?" tanong ni Jamie.
Parang gusto niyang tumili ng OO sa tanong nito. Dream come true? We'll see. Puso, huwag umasa ha, baka companion lang ang hanap ng paminta, at doon sa bar maghanap ng boylet.