Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 33 - They Want Wonhi Dead

Chapter 33 - They Want Wonhi Dead

Sabado.

Nagpapahinga si Jei sa kanyang kwarto ng makarinig ng kalabog. Agad niyang tinanggal ang kanyang headset para mapakinggang mabuti ang pinagmumulan ng malakas na tunog.

Tumingin siya sa kanyang relo. Mag- aalas diyes pa lang ng gabi. Wala pa ang kanyang kuya dahil nagpaalam itong gagabihin dahil may date sila ni Martina.

Napangiti siya sa isiping sa wakas ay nakikipagdate ang kanyang pihikang kuya. Sa wakas ay naging official ang relasyon nila ni Martina. "At least sila may happy ending," nangingiti niyang sabi saka ibinalik ang atensiyon sa pinapanood na pelikula.

Pilit binabalewala ni Jei ang ingay ngunit naging sunod- sunod ito. "Tsk. Si Wonhi kaya yun?" tanong niya sa kanyang sarili saka wala sa isip na lumabas sa kanyang kwarto at dumiretso sa apartment ni Wonhi.

"Wonhi! Kuya Wonhi!" sigaw ni Jei habang kumakatok sa maindoor ng binata.

Walang sagot.

Linakasan niya ang pagkatok ngunit wala pa ring sagot mula sa loob at tumigil na rin ang kalabog kaya bumalik siya sa kanilang apartment.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Maya- maya ay narinig nanaman niya ang malalakas na kalabog at ngayon ay sigurado siyang mula ang ingay sa apartment ng binata kaya bigla siyang kinabahan.

"God, please. Don't let any harm come to him," taimtim niyang dasal habang hawak ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kuya.

Ewan ni Jei ngunit malakas ang kutob niyang may masamang nangyayari sa loob ng apartment. Dahan- dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto.

"Kuya... sagutin mo ang cellphone mo," pinagpapawisang bulong ni Jei habang mabilis ngunit maingat na binubuksan ang pinto ng kanilang apartment.

Naglakad siya papalapit sa apartment ni Wonhi ng biglang bumukas ang pintuan nito at lumabas ang isang bulto ng tao na nakaitim na overall at nakasuot ng itim ding diver mask. Walang lingong likod itong kumaripas ng takbo na animo'y ninja sa bilis ng kilos at lumabas gamit ang hagdanan.

"Wonhi," sambit niya bago mabilis na pumasok sa loob ng apartment ni Wonhi habang malalakas ang kabog ng kanyang dibdib.

"Oh my god! What happened here?" bulong ni Jei na halos maduwal sa metallic na amoy ng dugo. Madilim ang buong paligid. Sinubukan niyang i- on ang ilaw ngunit hindi gumana. Hindi niya alam kung saan ang main switch kaya gamit ang ilaw mula sa flashlight ng kanyang cellphone ay hinanap niya si Wonhi.

Animo'y dinaanan ng bagyo ang buong sala sa mga nagkalat at basag na gamit. Naghalong tubig mula sa basag na fishbowl at dugo ang nagkalat sa silid. Makikitang may nag- away dahil sa mga drag marks at duguang footprints at shoe prints. Lalong kinabahan ang dalaga.

"Wonhi! Where are you?" sigaw ni Jei habang maingat na ginagalugad ang buong sala upang hindi makaapak ng basak na bote at ceramic. Kung bakit kasi nakapaa siya.

Pinagpapawisan na ang dalaga habang panay ang tawag sa pangalan ng binata. Laking pasalamat niya ng makitang tumatawag ang kanyang kuya na agad niyang sinagot habang patuloy pa rin sa paghahanap kay Wonhi.

"Kuya... come here quickly! Kuya! Someone tried to kill kuya Wonhi! Come here! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" nakakabinging tili ni Jei ng maramdaman ang malamig at malagkit na kamay na humila sa paa niya.

"Jei! Jei!" malakas na sabi ng kanyang kuya pero puro tili ang isinagot ni Jei. "Martina, let's go. Jei is in danger," saad ni Rain saka pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Halos liparin ni Rain ang kalsada, wala siyang pakialam kahit magkaroon siya ng traffic violations. Ang nasa isip nito ay ang kalagayan ng kanyang kapatid.

"Slow down, Rain!" saad ni Martina ngunit parang walang narinig si Rain.

"Call your brother," saad ng binata sa kanyang nobya.

"Oh my gosh! Is this serious?" nakamaang na tanong ni Martina habang dinadial ang number ng kapatid na detective. "He's on his way."

"Jei! Answer the phone!" saad ni Rain habang sakay sila ng elevator patungo sa 50th floor ng kanilang apartment.

Sa apartment ni Wonhi...

"H-help me~," mahinang ungol ni Wonhi kay Jei na panay pa rin ang tili dahil sa pagkabigla.

"P-please... h-help me, J-jei," halos pabulong na saad ng binata. Nang mapagtanto ni Jei na duguang kamay ni Wonhi ang nakakapit sa paa niya ay agad siyang lumuhod upang suriin ang kalagayan ng binata.

"Oh my gosh! You're bleeding, Wonhi!" bulalas ni Jei ng makitang may sugat ito sa may tagiliran. Sa bawat galaw ng binata ay bumubugso ang dugo nito sa kanyang sugat.

Kahit nanginging ang mga kamay ay hinablot ni Jei ang unang telang nakita niya--- ang table cloth at agad itinapal sa sugat ng binata.

"Please! Please! Don't sleep. Stay with me," saad ng dalaga ng makitang hindi umiimik ang binata. "Wonhi, please. Don't give up!"

Nabuhayan siya ng loob ng marinig ang sigaw ng kanyang kuya kasabay ng papalapit na yabag ng mga paa.

"Kuya... faster! Wonhi is... dying!" hysterical na saad ni Jei.

Agad tinulungan ni Rain ang kaibigan ng marestore niya ang kuryente at nagka-ilaw ang buong kabahayan.

"Hey, bro! Hang in there. Help is on their way," saad ni Rain sa kaibigan. Di nagtagal ay dumating ang paramedic na tinawagan ni Martina. Agad binigyan ng medical care si Wonhi at dinala sa ospital kasama sina Jei at Martina.

Naiwan si Rain. Hinintay nitong dumating ang kuya ni Martina. Matapos ngang makaalis ang EMS team ay dumating ito kasama ang dalawang tauhan.

"Good evening, Det. Smith. Thanks for coming, " bati ni Rain matapos makipagkamay sa kuya ni Martina.

"You have to remember that I am doing this because Martina asked me to," mariing saad ng detektib. Tumango si Rain.

"Yeah. And I am grateful for that. I don't want to stir a commotion about this so I am asking your help," sagot naman ni Rain. "I want this investigation to be off the radar as much as possible, detective."

Agad nilang sinuri ang buong apartment.

Click. Click. Click.

Kinunan nila ng litrato ang bawat anggulong nag- uugnay sa crime scene. Napansin ni Rain na parang may iniisip ang detective kaya nagtanong siya dito.

"Is there a problem?" tanong ni Rain.

"Was he expecting a visitor tonight?" tanong ni Det. Smith sa binata. Bumaling si Rain sa direksiyon ng mga mata ng detektib.

Kumunot ang noo niya ng makitang may nakahaing pagkain sa mesa na hindi pa nagagalaw. Pinilit niyang alalahanin kung merong nabanggit si Wonhi sa kanya na baka nakaligtaan lamang niya.

"I was here the whole morning for our daily workout. Then, we ate lunch. Martina came by," tumikhim ang detektib ng marinig ang pangalan ng kapatid, "Around 4 pm, I went out with my girlfriend. And then..."

"And then what?" tanong ni Det. Smith ng biglang tumigil sa pagrerecall si Rain saka dali- daling kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa.

Lumunok ito bago hinanap ang chat ni Wonhi sa kanya mga bandang alas nuwebe ng gabi.

"Then... he sent me a message," nanginginig ang kamay na ipinakita ang message sa detektib na agad nanlaki ang mga mata.

"Fuck! She's waiting for him at the hospital!" saad ni Det. Smith saka sila kumaripas ng takbo ni Rain patungo sa ospital.

Walang humpay sa pagdadasal si Jei habang mahigpit na hawak ang kamay ni Wonhi.

"Lord, please let him live. He doesn't deserve this to happen. Pakiusap mahabaging Diyos naming nasa langit, tulungan mo po siya," piping dasal ng dalaga.

Nahigit niya ang kanyang paghinga ng huminto ang ambulansiya saka mabilis ngunit maingat na ibinaba ang collapsible ambulance stretcher. Bumaba ang dalawang dalaga. Hawak pa rin ni Jei ang kamay ng binata.

"He'll be fine, Jei. He's a strong person," masuyong saad ni Martina sa dalaga na halatang pinapatay ng pag- aalala.

"I know," sagot ni Jei na ngumiti ng tipid sa nobya ng kapatid. "He tried to fight back despite his condition. I am just wondering who wanted him dead."

"I'm saying this not because he's my brother, but because it's true. My brother is highly respected in his field because of his thorough approach to investigation. He never leaves a stone unturned," nakangiting saad ni Martina kay Jei. "He will try his best to know his assailant. And I know that he will find out before you know it."

Bumuntong- hininga si Jei sa sinabi ni Martina dahil kahit papaano ay naging kampante siya.

Maya- maya ay pumasok sila sa isang secret passage na kalimitang ginagamit para sa mga high profile na pasyente. Agad dinala si Wonhi sa isang pribadong ER.

"I'm sorry, miss but you're not allowed to come inside," saad ng nurse kay Jei bago isara ang pintuan.

"Please do everything you can to save him," mangiyak- ngiyak na bulong ni Jei. Walang lakas na nagpatangay si Jei ng akayin siya ni Martina at ng isang nurse sa waiting room.

"The doctor is the best we have in this hospital. Don't worry," pampalubag loob ng matandang nurse na umasiste sa mga dalaga. "No patient has ever died in his hands."