Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 39 - She's All I've Got

Chapter 39 - She's All I've Got

Umarteng nasusuka si Rain ng halikan ni Jei si Wonhi sa labi. Agad namang inirapan ng dalaga habang si Wonhi ay deadma lang ngunit sa kaloob-looban ay nagdiriwang ang kanyang puso sa saya.

"Jealous? Don't worry, kuya. Ate Martina is on her way," pabirong saad ni Jei bago sila iwan.

Nagkibit- balikat lang si Rain dahil tanggap na ni Rain na mahal lang talaga ng kapatid ang kaibigan kaya't kahit anong pigil niya sa dalawa ay hindi sila paaawat.

"Hi!"

Dumako ang tingin ng dalawang binata sa may pintuan kung saan ay papasok si Martina at ang kapatid nito kasama si attorney Kim. Tumayo si Rain upang salubungin ang kasintahan ngunit bago pa niya ibeso at yakapin si Martina ay dumaan sa pagitan nila ang kuya nito.

"Excuse me," kaswal na saad ni det. Smith.

"Damn!" bulong ni Wonhi na sobra ang pagpipigil sa pagtawa dahil sa nasaksihan. Lumuwag naman ang ngiti ni Rain ng si Martina na mismo ang yumakap at humalik sa kanya.

"Are we too early?" tanong ni atty. Kim ng mapansing kumakain ang dalawa ng agahan.

"Nope. We're done. Anyway, do you want something?" sagot ni Rain. Umiling ang tatlo. Matapos magligpit ang dalawa kasama si Martina na siyang naghugas ng pinggan ay naupo ang lahat sa may sala.

"Oh! I'm so proud of you," bulalas ni det. Smith sa kapatid. Bumaling ang lahat sa detektib na may katanungan sa kanilang mga mukha. "Never seen you do housechores at home! Just saying," kantiyaw nito.

"Whatever!" sagot ni Martina. Agad naman siyang inalo ni Rain ng pagtulungan siyang tuksuhin ng tatlo.

"Nevermind them, babe!" saad ni Rain. "Why don't you show off your culinary skills to this bunch of idiots?" nakangiting mungkahi nito. Nag- isip si Martina saka tumango.

"Really?!" manghang tanong ng kanyang kuya.

"Trust me, brother. Watch as I prepare you lunch," nanghahamong sagot ni Martina sabay hablot ng kanyang bag at nagpaalam upang magshopping ng kanyang kakailanganin.

Nang makaalis ang dalaga ay naging seryoso ang kanilang usapan. Ni walang bahid ng ngiti ang kanilang mga mukha.

"What do you suggest?" tanong ni atty. Kim kay Wonhi.

"Yes, bro. Right from the start, we have to be clear on what you really want," sang-ayon naman ni Rain.

"I just want her to be found then I will ask her the truth," sagot ni Wonhi.

"Then, what? Do you understand the consequences of your action? It might reopen some wounds," paliwanag ni det. Smith. Tahimik na tumango si Wonhi. Sa totoo lang, kinakabahan siya sa anumang matutuklasan niya tungkol sa ina ngunit mas nanaig ang kanyang pagnanais na malaman ang katotohanan.

"First, we have to locate your mother. Since yesterday, she was out of the radar. Do you have any idea where she might be?" tanong ni det. Smith kay Wonhi. Umiling ito.

"I never saw here since that night... never bothered checking on her," mapait na saad ni Wonhi. Tumango- tango naman ang tatlong binata.

Sa mga sumunod na araw, naging busy ang lahat sa imbestigasyon. Hindi pa rin nila inilalabas sa media ang mga impormasyong nakalap dahil sa sensitibo ang mga ito. Higit sa lahat, kahit balibaliktarin ang mundo ay nanay pa rin ni Wonhi ang sangkot.

"Wonhi! Wonhiya ili wa palli! (halika dito dali)," sigaw ni Rain kaya naman nagmamadaling pinuntahan ni Wonhi si Rain.

"Wae? (Bakit?)" nagtatakang tanong ni Wonhi.

"There's a package for you," saad ng kaibigan. Bumaling sa kanya ang delivery boy at ipinakita ang isang may katamtamang laki na kahon.

"Park Wonhi ssiseyo? (Ikaw po ba si Park Wonhi?)" tanong ng delivery boy. Tumango si Wonhi at kinuha ang iniabot na package sa kanya. "Yogie somyonghaeyo (Papirma mo dito)," saad nito.

"What do you think is inside?" tanong ni Rain sa kaibigan. Kibit- balikat lang ang isinagot ni Wonhi. Maya- maya ay dahan- dahang binuksan ng binata ang kahon gamit ang isang razor blade.

"What's this?" dismayadong sabi ni Wonhi ng makitang walang laman ang kahon kundi styrofoam at ginupit na newspaper. "Is this a prank?"

Pati si Rain ay naguguluhan din ngunit bigla siyang nagkulay suka ng titigan niyang maigi ang laman ng kahon. "What the hell is this?!" nanginginig na saad ni Rain.

Kung anong gulat ni Rain ay siyang takot ni Wonhi. Agad nilang tinawagan ang detektib. "Come here quick!" nanginginig na sabi ni Rain.

"What's wrong?" takang tanong ni det. Smith ng maulinigan ang kaba sa boses ng kausap. "Be there!" saad niya at di na siya nagtanong pa.

Kinunan nila ng litrato ang kahon at ang laman nito bago nila isa- isang pinagdikit- dikit ang ginupit na pahina ng newspaper article. Nanginginig ang kamay ni Rain ng idikit nito ang huling piraso ng papel. Sunod- sunod na mura ang namutawi sa bibig ni Wonhi habang pumaroo't pumarito siya sa salas.

"Calm down," mahinahong saad ni det. Smith sa binata.

"How could I?" marahas na sagot ni Wonhi. Si Rain ay hindi maalis ang tingin sa newspaper article. Hindi naman ito nakakagulat dahil ang balita ay tungkol sa "aksidenteng" nangyari sa airport. Ang nakakatindig- balahibo ay ang litrato ni Wonhi sa ibaba ng balita na naglalaman ng obituary nito at may caption na:

"Park Wonhi sarangseuron giok soge

(In loving memory of Park Wonhi)

Dangsine jugeumeun uriege saengmyongeul jul gosida

(Ang iyong kamatayan ay magbibigay buhay sa amin)

Noe gyolsogeun neukkyojigetjjiman urineun gwaenchaneul goya

(Ang iyong kawalan ay madarama ngunit kami'y magiging maayos din)

Dangsineun maneun saramdeurege sarangbadatjjiman honja gwerowohago ittta

(Ika'y minamahal ng marami ngunit ika'y nagdurusang mag- isa)

Gokjjonghaji ma adeura noe gotongeun got kkeunnal goya

(Wag ka nang mag-alala anak, ang pagdurusa mo'y lilipas din)

Uriga dasi mannal ttaekkaji

(Hanggang sa muli nating pagkikita)

Pyonhi jamdeusoso!"

Rest in Peace!

Ibinuhos ni Rain ang lamang styrofoam balls sa isang planggana ng may marinig siyang nahulog na parang maliit na bakal sa sahig.

"Hey," saad nito sa dalawa sabay turo sa isang maliit na grip seal bag na naglalaman ng isang shell casing.

"Wait!" saad ni det. Smith ng tangkang pulutin ni Wonhi ang pakete. Kinuhanan muna niya ng litrato ito saka pinulot. "Glock 48," ng suriin ang shell casing na hawak. "This will go to the lab for analysis. Let's hope we can get any finger print or DNA at least."

Sa likod ng pakete ay may nakasulat na, "Nan nae adeureul jugyottta! (Pinatay ko ang aking anak!)"

Samu't saring emosyon ang naramdaman ni Wonhi sa mga oras na iyon habang paulit- ulit niyang binabasa ang nakasulat sa obitwaryo niya. Hindi niya naiwasang umiyak dahil sa kirot na kanyang nararamdaman.

"Wae?! (Bakit?)" sigaw ni Wonhi na umagaw ng atensiyon ng dalawang binata. "Naneun modeun goseul ommaege juottta! (Ibinigay ko ang lahat sa aking ina!) I provided for her despite the negative things I heard about her. I gave her what she wanted. Was it not enough? Am I a terrible son?! What else does she need?" umiiyak na saad ni Wonhi habang pinagsisipa at pinagsusuntok ang mesa sa kanyang harapan. Balewala sa kanya ang pamamaga ng kanyang mga kamao dahil mas nanaig ang sakit na kanyang nadarama. Inawat siya ng dalawang binata dahil hindi na kontrolado ang kanyang pagwawala.

Maya- maya ay nag-ring ang cellphone ni det. Smith. Binalewala niya ito sapagkat ang kanyang atensiyon ay na kay Wonhi ngunit walang tigil ang pagriring nito.

"Pick it up! I will take care of him," sabi ni Rain.

"Hey, pull yourself together! Give your mother a benefit of the doubt. What if we're wrong? What if it was just a prank? To mislead us. To turn you against your mother?" mahinahong payo ni Rain sa kaibigan.

"What if it's true? Do you know how painful this is?" umiiyak na sagot ni Wonhi. Damang- dama ni Rain ang sakit na nararamdaman nito sa bawat salita at sa bawat suntok nito. "Do you know what's torturing? She's all I've got. I lost my father once, I don't wanna lose my mother too. And I did everything to make her happy. Ige nal michige hae! Nomu apeuda! (Nakakabaliw na ito! Sobrang sakit!)" sabi ni Wonhi habang pinapagpag ang kanyang dibdib at mugto na rin ang kanyang mga mata sa patuloy na pag- iyak.

"Are you certain?!" mariing sabi ni det. Smith sa kausap. "I understand! Secure the area. Don't let anyone enter. Wait until I get there!"

"What's wrong?" maang na tanong ni Rain.

Bumuntong- hininga ito bago lumapit sa nakasalampak na si Wonhi. "Get up!" mando niya saka tinulungan nila itong umupo sa sofa. Nagtataka man sa kilos ng detektib ay hindi nagsalita si Rain at inalalayan ang kanyang kaibigan.

"I'm sorry!" mahinahong saad ng detektib. Tiningnan siya nina Wonhi at Rain na may pagtataka. "She's...," tumikhim muna ito, "your mom is found~,"

"Where is she?!"

"Wonhi, I'm sorry! I should have acted faster."

"What are you talking about? Where is she?"

"She's... dead!"

"What?!" halos magkasabay na sabi ng dalawa. "No!" sambit ni Wonhi na hindi makapaniwala.