Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 35 - Wrong but Feels Right

Chapter 35 - Wrong but Feels Right

Nang madischarge si Wonhi ay nagpasya silang sa apartment ni Rain muna siya tumira. Walang nagawa si Wonhi kundi sumunod sa pasya ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam ngunit may konting kasiyahan siyang nararamdaman ng malamang doon siya titira.

"This will be your room. I transferred some of your stuff here. Anything else you need?" tanong ni Rain sa kaibigan. Umiling si Wonhi. Napangiti siya ng makitang pati ang punching bag niya at stuff toy niyang life size na lion ay naroon.

"Dinner's ready," sigaw ni Jei mula sa kusina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang ang inis niya sa binata pagkatapos ng presscon.

"Sister pala ha," inis na saad ni Jei ng maalala ang mga pangyayari.

"She's very dear to me because...," natahimik ang lahat habang hinihintay ang magiging sagot ng binata. Samantala si Jei ay di mapigil ang ngiti.

"Oh my gosh! Aamin na kaya siya? Anong gagawin ko kung sabihin niyang magkasintahan kami? Paano ako magpapaliwanag kay kuya?" kinakabahan ngunit excited na saad niya sa sarili.

"She is...," napatitig si Wonhi sa nakangiting dalaga saka itinuloy ang pagsagot, "...she is my family, a little sister."

Kaya hanggang sa hapagkainan ay tahimik na kumain si Jei at nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito. Nagtataka man ang kanyang kuya ay hindi na siya nag- usisa pa.

"Uhm... can you dress Wonhi's wound?" pakiusap ng binata sa kay Jei matapos itong magligpit. "Nasabihan ko na siya, don't worry."

Biglang nagdalawang-isip si Jei ng maalalang si Wonhi pala ang lilinisan niya ng sugat. Nadatnan niya ang kanyang kuya na may kausap sa cellphone at base sa tono nito ay halatang seryoso ang kanilang paksa. Marahil ay tungkol kay Wonhi.

Dahil dito ay ayaw niyang istorbuhin ang kanyang kuya kaya't napilitan siyang kumatok sa kwarto ni Wonhi.

"Come in," mahinang saad ng binata.

Pumasok ang dalaga at agad napalunok ng makitang walang t- shirt si Wonhi. Ngumisi ito sa kanya. Sa kabila ng pagkakaospital ay maganda pa rin ang katawan nito kahit nangayayat ng konti.

"Do you like it?" tanong nito na gumising sa pagpapantasya ng dalaga. Agad pinamulaan ng mukha si Jei pero agad din siyang nakabawi. At bilang self- defense ay tumingin ng diretso si Jei sa mga mata ng binata.

"What if I do?" pilyang sagot ng dalaga. Biglang nawala ang nakakalokong ngiti ni Wonhi at siya naman ang hindi mapakali sa sagot ng dalaga.

"Akala mo ha!" nagdiriwang na sabi ni Jei sa kanyang isip ng makitang biglang umiwas ng tingin ang binata.

"Lie down," saad ni Jei matapos ihanda ang betadine na gagamitin sa paglilinis ng sugat ng binata. Tinulungan niya itong mahiga.

"I-I can manage," saad ni Wonhi habang inaayos ang kanyang unan.

Lubhang pagpipigil ang ginawa ni Jei upang hindi maluha kaya nagfocus na lamang siya sa paglilinis. Nakakailang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Maya- maya ay nagsalita si Wonhi.

"J-jei... uhm... I just wanna say thank you. Had you not been in my room that night, I may have been a cold corpse," pabirong saad ni Wonhi sa dalaga. Biglang napahiyaw si Wonhi dahil napadiin ang kamay ni Jei.

"Is it funny?! You could have called me or shouted for help! Why didn't you do it? Why didn't you even tell us that you're in grave danger? That your accident is not even an accident? Why do you have to keep it to yourself?! What if I wasn't here? What if I didn't get to your room in time?!" sigaw ni Jei. Sa mga oras na iyon ay lumabas ang sama ng kanyang loob sa binata. Ang takot at pag- aalala nito sa kanya.

Dahil sa bugso ng damdamin ay biglang hinila ni Wonhi ang dalaga at mahigpit na niyakap. "I'm sorry, Jei," masuyong saad ni Wonhi sa dalaga na hindi makapagsalita dulot ng pagkabigla at sari- saring emosyon. Ngunit ang kasiyahan nilang dalawa ay biglang naputol ng marinig ang galit na boses ni Rain.

"What the fuck is going on here?!" sigaw ni Rain ng makitang magkayap sina Rain at Wonhi at ang malala pa ay walang pang- itaas na damit ang binata.

"It's not what you think, bro. It's... it's...," hindi malaman ni Wonhi kung paano magpaliwanag.

Hindi umimik si Rain bagkus ay pinaglipat-lipat ang kanyang tingin sa kapatid at kaibigan saka marahas na bumuga ng hangin. "If there's something I should know, tell me now. You know you can't hide secrets forever," saad nito bago lumabas ng kwarto.

"I'm sorry," mahinang saad ni Jei kay Wonhi na hindi umiimik.

"No. I'm sorry, Jei but I've been dying to do this," saad ni Wonhi bago halikan ang dalaga. Ang damping halik ay lumalim at mapaghanap. Nagtatanong ang mga mata ni Jei ng kumalas sila sa isa't isa.

Huminga ng malalim si Wonhi bago magsalita, "I know this is wrong but... I don't know why it feels so right. Why? Is it maybe because you and I were together? That's the only reason I can think of," Napaluha si Jei sa sinabi ni Wonhi ngunit labis ang kanyang kaligayahan kaya tumango na lamang siya.

"Yes, since you can't remember any of it, I don't wanna push myself," sagot ng dalaga. Ngumiti ng maluwag si Wonhi sa sagot niya.

"Now that you're my girlfriend, don't ever get near that Korain whatever his name is... that cafe manager. Also, no more going out with your friends, coming home late and...,"

"Whoa! Whoa! Hold on, Mr. Park. I can sense some kind of misunderstanding here. Let me get this straight. We may be a couple but I have MY own life and so are you. I am your GIRLFRIEND, not your possession!" mariing saad ni Jei na pumutol sa sinasabi ni Wonhi.

"But... you're MY girlfriend, so technically, you're MINE!" maktol ni Wonhi.

"Relationship means compromising, doesn't it?" nakapamewang na saad ni Jei sa nakaingos na binata.

"Okay, I will tell you my terms. You tell yours then we agree in the middle," sagot nito. Sumang- ayon si Jei.

"What compromising are you talking about?" mariing tanong ni Rain na biglang sumulpot sa kwarto ni Wonhi.

"Holy shit! Bro, why do you have to keep appearing like a ghost all the time? You're scaring the shit out of me," bulalas ni Wonhi habang hawak ang kanyang dibdib sa gulat.

"Cut the crap, Park!" asik ni Rain. Biglang umayos ng upo si Wonhi habang si Jei ay nagbaba ng tingin. Mula sa malayo, mukhang mga batang pinapangaralan sina Wonhi at Jei. Parehong nagbaba ng tingin sa harap ni Rain na nakapamaywang.

Nagulat man ang dalawa ay kaswal na hinawakan ni Wonhi ang kamay ni Jei. Naningkit ang mga mata ni Rain habang nakatitig sa magkahawak na kamay ng dalawa. Matapos ang nakakaasiwang katahimikan ay bumuntong- hininga ang binata.

"I love you as my brother but... I never imagined you as my brother-in-law!" saad ni Rain na ikinagulat ni Jei.

"Kuya! Magnobyo lang kami. Hindi kami ikakasal," nanlalaki ang mga matang sabi ng dalaga.

"Nope! He will marry you, especially if something already happened between you two... knowing Wonhi," sagot ni Rain. Pinamulahan si Jei sa sinabi ng kanyang kuya.

"Don't worry, bro. Two things are sure. First, nothing beyond kissing and embracing happened~,"

"Are you sure you didn't assault my sister in her sleep?" putol ni Rain.

"Kuya!" hiyang- hiyang saad ni Jei.

"As much as I wanted to but no. I love her that much that I respect her a lot. Besides, I respect you and your father," paliwanag ni Wonhi sa hindi pa rin kombinsidong si Rain.

"And what's the other "sure thing"? tanong ni Rain.

"I will marry her!" walang gatol na saad ni Wonhi.

"What?!" bulalas ni Jei.

"Really?" tanong naman ni Rain.

"Do you mean it?!" nagdududang tanong ni Rain.

"Kuya, please. Tama na! This... is so upsetting," naluluhang saad ni Jei sa kanyang kuya dahil sa mga oras na iyon ay patong- patong na kahihiyan ang nararamdaman niya. Marahas siyang tumayo saka padabog na lumabas ng kwarto.

"Jei!" halos magkasabay na sigaw ng dalawang binata. Dumiretso si Jei sa kanyang kwarto at nagkulong. Bumaling si Rain kay Wonhi na nagtatangkang tumayo.

"Lie down. Take some rest and I will get back to you after talking to my sister. Arasso?" saad ni Rain. Walang nagawa si Wonhi kundi sumang- ayon.

Kumatok si Rain sa kwarto ng dalaga ngunit di niya ito pinagbuksan. Masama pa rin ang loob nito sa kanyang kuya dahil sa ginawa nito. Ibinuhos na lamang niya sa kanyang sama ng loob sa pag-iyak. Maya- maya ay tumunog ang kanyang cellphone.

Si Wonhi!

"I am sorry. I wish I could be there to hug you and take your pain away. Anyway, I know you're upset with your brother but he's just concern about you. I hope you two will talk and sort things out. I love you. XOXO," mahabang chat nito. Lalo siyang napaiyak ngunit hindi dahil sa sama ng loob kundi na-touch siya sa mensahe ng binata.