Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 32 - Jei's New Life and Wonhi's Forgotten Memories

Chapter 32 - Jei's New Life and Wonhi's Forgotten Memories

Agad siyang nagshower at nagpalit ng damit pambahay. Nagtutuyo siya ng buhok ng magring ang kanyang cellphone.

"Hello, who is this?" tanong niya ng makitang unregistered ang numerong tumatawag sa kanya.

"This is Seoul University, Genetics Department. And that is if you would like to report tomorrow for work," sagot ng nasa kabilang linya na agad niyang nakilala base sa kanyang boses.

"Oh my gosh! I am so sorry, Director Lee. Of course, I am so delighted and honored to work in your department," excited na sagot ni Jei na halos lumundag sa tuwa.

"Right! See you tomorrow at 8 am. Don't be late," saad ng direktor bago patayin ang cellphone.

Pansamantalang nakalimutan ni Jei ang nararamdamang kalungkutan dahil dito kaya naman ay abot- tainga ang ngiting tumakbo ito sa sala ng marinig na bumukas ang kanilang maindoor.

"Kuya!" excited niyang tili ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti ng mapagtantong hindi nag- iisa ang kuya niya. Kasama nito si Wonhi na pumasok sa apartment nila. Ngayon lamang niya napansin na wala na ang benda nito sa ulo. Medyo paika- ika itong maglakad dahil sa fracture na natamo sa kanyang binti ng maipit ito sa nayuping sasakyan. Mabuti na lang at crack lamang at hindi nabali ng tuluyan ang buto nito.

"Bakit ka sumisigaw?" nakangiting saad ng kanyang kuya. "Anyway, Wonhi is joining us for dinner," dagdag nito saka inalalayan si Wonhi sa paglalakad patungo sa kusina.

Tahimik lang silang kumakain kaya nagulat si Jei ng tumikhim ang kanyang kuya at magtanong, "Ano pala yung exciting mong balita, sis?"

"Ah... nakatanggap ako ng tawag kanina mula sa unibersidad," panimula ng dalaga.

"I am guessing, you're hired," saad ng kanyang kuya. Agad siyang ngumiti saka tumango.

Maluwag ang ngiting yumakap si Rain sa kapatid. "Congratulations, sis! I knew it! Ikaw pa," proud na saad ni Rain. Bumaling pa ang binata sa hindi umiimik na kaibigan. "Bro, she made it! She's gonna be working in Seoul University."

"Good for you," walang emosyong saad ni Wonhi sa dalaga.

Na-shock ang magkapatid sa sinabi ng binata. Sa mga nagdaang araw ay tanging "Get out!", "I will kill you!" at "Bastard!" ang lagi nitong sinasabi. Isama pang lagi itong sumisigaw kaya naman, ang marinig siyang magsalita bukod sa mga ito ay malaking bagay para sa magkapatid.

"Bro, do you mind if I check your bar for a bottle of wine?" tanong nito kay Wonhi na umiling.

"Thanks, bro. Be right back!" saad ni Rain bago agad pumunta sa kabilang apartment.

Nakakaasiwang katahimikan ang bumalot sa kusina nina Jei nang maiwan silang dalawa ni Wonhi. Hindi namalayan ng dalaga na panay ang subo niya ng kanin upang balewalain ang kanyang nerbyos kaya't bigla siyang nabulunan ng magsalita si Wonhi.

"Anong nangyari dito? Saglit lang akong nawala," tanong ni Rain sa kapatid ng makita ang itsura nitong halos lumuwa ang mga mata sa kakaubo.

"K- kuya! N-nagsalita siya," napapaos sa ubong sagot ni Jei.

"Huh? Nagsasalita naman siya alam ko," maang na saad ng kanyang kuya. Umiling ng marahan si Jei saka huminga ng malalim upang mahimasmasan.

"Si kuya Wonhi, kuya. He asked me if I am a pig," sabi ni Jei ng sa wakas ay kumalma.

"Is that a big deal?" asik ni Wonhi saka bumaling sa kaibigan. "I want to take a rest and that wine is the payment for my meal," walang ka-emoemosyong saad ni Wonhi sa nakamaang na binata.

Sa mga sumunod na araw, naging routine na nilang tatlo ang kumain ng sabay. Wala pa ring kaemo-emosyon si Wonhi at tipid magsalita pero okay lang sa dalawa. At least, nakikisalamuha na ito di gaya ng dati ngunit ang ayaw ni Jei ay yung laging may Khamila na asungot.

"Am I jealous? Fine! I am and I have the very right to be. May amnesia nga si Wonhi but that doesn't change the fact na boyfriend ko pa rin siya," pagjujustify niya sa selos na nararamdaman ng umuwi siya galing sa trabaho at makitang inaalalayan ni Khamila si Wonhi sa paglalakad.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto at agad inihagis sa kanyang kama ang shoulder bag niyang hawak. Nagngingitngit ang kalooban niya sa labis na selos. Para siyang baliw na pumaroon at pumarito habang panay ang pagrarant.

"Hah! Bilib din ako sa kapal ng mukha ng Khamilang yan. Lantaran na ngang itinataboy, pilit pa ring isinisiksik ang sarili!" nanggagalaiting sabi ng dalaga habang ginugulo ang buhok.

"May amnesia ka nga Wonhi pero babaero ka pa rin! Aaaaaaaaah!" inis niyang sabi saka sinipa ang hangin. "Do I deserve this predicament? No, never! Everyone has been telling me not to ever fall in love with you. Nakinig ba ako? Hindi! Lintik na pagmamahal to! Shyet!"

"Isa kang malaking linta! Shit ka ding babae ka! Shit ka! Shit kaaaaa!" bigla niyang nasabi ng biglang lumitaw sa kanyang isip ang winning smile ni Khamila.

"Jei!" tawag ng kanyang kuya. "Hindi ka ba kakain?" tanong ng kanyang kuya.

"Wait lang po. Magpapalit lang," sagot naman ni Jei.

Matapos magpalit ng damit pambahay ay dumeretso siya sa kusina kung saan nadatnan niya sina Wonhi at Rain na naghihintay sa kanya. Naconscious siya nang titigan siya ni Wonhi mula ulo hanggang paa.

Tumikhim siya bago magtanong, "Saan si Khamila, kuya?"

"She already went home," sagot ni Rain habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato.

Tumaas ang kanyang kilay saka muling nagsalita. "Akala ko dito na siya titira. I mean, sa apartment ni kuya Wonhi," biro niya at binigyang diin ang salitang KUYA.

Tumawa lang si Rain habang si Wonhi ay tahimik lang na kumakain. Lalong nabwisit si Jei kaya binilisan niya ang kanyang pagkain.

"Siyanga pala, sis. I saw you with a handsome guy the other day. Who's that?" kaswal na tanong ni Rain sa kanya. Ikiniling ni Jei ang kanyang ulo upang alalahanin ang tinutukoy ng kanyang kuya.

"Hmmm... maybe, one of my colleagues, depends on where you saw us, kuya," nakangiting sagot ni Jei saka tumawa.

"The one who drove you home. Who's that?" tanong ulit ni Rain.

"Ah... Park Korain. I met him in an interesting twist of fate," nakangiting saad ng dalaga na pumukaw sa interes ng kanyang kuya.

"Care to feed my curious brain?" saad ni Rain na hindi maitago ang kyuryosidad.

"His father happens to be the taxi driver when I went to the university for my interview. Then, along the way, he talked about his son and how proud he is of him. Tapos, nagkataon na manager ito ng cafe sa tapat ng university. End of story," paliwanag ni Jei sa kanyang kuya.

"He's handsome and well brought up. I can't protest if you two will date one day," bulalas ng kanyang kuya.

"I will think about it, kuya. You might be surprised if one day, I will come home with a handsome and decent guy. Someone who you ain't gonna stab to death," tumatawang biro ni Jei.

Tumawa rin ang kanyang kuya ngunit bigla silang tumigil ng suntukin ni Wonhi ang mesa. Napalundag pa si Rain sa sobrang gulat."Ya Wonhiya! Wae geurae? (What's wrong?)" tanong ni Rain sa hindi kumikibong kaibigan.

"Sikkeurowo!(ang ingay niyo!)" pabalang na sagot ni Wonhi bago iwan ang dalawa na nagkatinginan sa pagtataka. Narinig pa nila ang pintuan nito ng ibalibag niya.

"What was that?" tanong ni Rain ng mahimasmasan.

"Malay ko baka talagang naingayan sa atin," sagot naman ni Jei. Mag- iisang buwan na siya sa Korea kaya may konti siyang naiintindihan sa langwahe nila.

"Hayaan mo na siya. He's just being so grumpy because he misses going out, working, and a lot more. Bakit ba kasi nangyari ito sa kanya," sabi ng kanyang kuya.

"Uhm... kuya, I am sorry for being too nosy but... what happened to the investigation? Any updates? Parang more than six months nang walang updates sa kaso ni kuya Wonhi," nag- aalangang tanong ni Jei sa kanyang kuya. Nabitin sa ere ang kutsarang isusubo sana nito saka bumaling sa dalaga.

"Honestly, I don't know. But, Wonhi asked everyone to stop the investigation. Ang importante daw ay buhay siya. I don't understand his decision, but I am trying to. Kaya never bring this topic up ever, especially when he's around, okay?" mahabang paliwanag ng kanyang kuya. Tumango na lang siya kahit naguguluhan sa sinabi nito.

"Now, tell me about work, sis," saad ng kanyang kuya na sadyang iniba ang paksa ng kanilang usapan.

Nagkibit- balikat lang ang dalaga. "Nothing new, kuya. Director Lee still doesn't like me and I know why," sabi ni Jei.

"Hmmm... and why is that?" curious na tanong ni Rain sa kapatid.

Uminom muna si Jei bago sumagot, "Well, coz I am new. I am still a baby in the lab. I still have to learn the ropes."

"Can you work with her?" tanong ni Rain.

"I think so," sagot ni Jei.

"Then, let her be. As long as hindi naapektohan ang iyong work. No need to bother," saad ng binata saka tinapik ang balikat ng kapatid. Tumango naman si Jei bilang pagsang- ayon.