Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 28 - Nae Sarang (My Love)

Chapter 28 - Nae Sarang (My Love)

Napabuga ng marahas si Jei bago humarap sa binata. "I am not upset about her. I am upset about the fact that I forgot--- we are worlds apart. I felt bad about myself for being so jealous of her and... for doubting you. For a moment, I forgot that you're famous and loved by millions and I am not sure if I am ready to share you with anyone," prangkang sagot ni Jei sa binata.

"So do I. I can't stand seeing you being with another guy," nakangiting saad ni Wonhi sa dalaga.

"But... that's nothing compared to watching you kiss and touch other women. I know it's all PR, but still something hard to bear," nakangusong sabi ni Jei.

"I understand," saad ni Wonhi saka hinawakan ang kamay ni Jei. "That's one of the reasons why I was hesitant in telling you what I truly feel at first. But... I believe in us. I know that we can figure things out," dagdag nito.

"Okay," tanging sagot ng dalaga. "What time is your flight?"

Huminga si Wonhi ng malalim bago sumagot, "12: 30 am tomorrow. Haysh, you're so cruel. Why do you have to remind me about it?"

"So, what's your plan tomorrow?" kaswal na tanong ni Jei sa binata. "What?" nagtatakang tanong ni Jei ng tumitig lang si Wonhi sa kanya. At sa isang iglap ay nagdiwang ang kanyang puso ng naramdaman ang inaasam na labi ng binata. Napapikit na lang siya upang damhin ang kaaya-ayang sensasyon.

Agad nagwelga ang diwa ni Jei ng kumalas ang binata. Ngunit tila tumigil ang mundo ng nagkatinginan silang dalawa. Ang mga mata nilang nagliliyab sa pagmamahal.

"Saranghae," masuyong bulong ni Wonhi kay Jei.

"Mahal din kita," nakangiti niyang sabi.

"God! I wish we could stay like this forever," saad ni Wonhi.

"Like what?" nang- aasar na sagot ng dalaga.

Tumikwas ang kilay ni Wonhi ng ma-realize ang ginagawa ng dalaga sa kanya. "Do you wanna know?" seryosong saad ng binata. Ang boses ay nanghahamon.

May bahid ng tapang ang maga mata ni Jei ng tiningnan niya binata bago ngumisi. "Well, do show me," nanghahamong saad din nito.

Malutong na mura ang namutawi sa bibig ni Wonhi. Bago pa makapagreact si Jei ay hinalikan siya ng binata. Ngayon ay mas lumalim. Mas naglalagablab.

Umungol si Jei ng maramdaman ang mga labi ni Wonhi sa kanyang leeg habang ang mga kamay ay naging mapaghanap. Naging eratiko ang kanilang paghinga sa bawat haplos at halik na kanilang pinagsaluhan.

"Jei... please, tell me to stop before I lose all my self- control," paos na bulong ni Wonhi na pilit pinupuksa ang init na tumutupok sa kanyang katinuan.

Hindi lingid sa kaalaman ni Jei kung anong pagtitimpi ang ginagawa ni Wonhi sa mga oras na iyon sapagkat ramdam niya ang init ng kanyang pagnanasa.

"I want ..."

Nabitin sa ere ang kanyang sagot ng bilang kumatok ang kanyang kuya.

"Jei, tulog ka na ba?" tanong ni Rain.

Para silang nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses si Rain kaya't agad nilang inayos ang kanilang mga sarili. Nagkatinginan sila. Parehong di malaman ang gagawin.

"Jei... can I come in?"

Nagpanic ang dalawa lalo na ng pumihit ang doorknob. Sa kalituhan at takot ay biglang itinulak ni Jei si Wonhi sa kanyang built in closet at agad isinara ito.

Malakas ang kabog ng puso ni Jei ng makita ang kanyang kuya, "Kuya... matutulog na ako!" Pinilit niyang gawing inis ang tunog ng kanyang boses upang huwag ng magtanong ito.

"Ah, sorry. Just wanna ask if you know where Wonhi is," tanong nito. "Wala siya sa kanyang kwarto."

"Malay ko. Wala akong pakialam sa kanya no," sige pa rin si Jei sa kanyang acting.

Napabungisngis ang kanyang kuya saka pinisil ang kanyang pisngi. "Hesh! Still jealous of Khamila? Don't worry, sis. Khamila is like an imaginary girlfriend coz Wonhi is incapable of loving any woman," natatawang saad nito.

"So, kuya... your point is?" inis na tanong nito sa kanyang kuya. Ngayon ay totoong inis ang kanyang nararamdaman.

"My point is... sis, whatever you do, just don't fall in love with my friend. Masasaktan ka lang. Good night," seryosong saad ni Rain sa kapatid bago lumabas ng kwarto nito.

Napabuga ng hangin si Jei ng sa wakas ay wala na ang kanyang kuya. Saka niya biglang naalala si Wonhi na nagtatago sa loob ng kanyang closet.

"Gosh! Are you okay?" tanong ni Jei sa pinagpawisang binata. Tumango lang si Wonhi. Balisa siya sa lantarang disapproval nito sa relasyon nila ni Jei.

"I have to go. I'm sure Rain would still be there looking for me. As for you, you have to sleep. I love you," saad ni Wonhi kay Jei bago dumampi ang kanyang labi sa noo, sa tungki ng ilong at sa labi ng dalaga.

Kinabukasan nga ay hindi na lumabas si Wonhi bagkus ay nanatili sila ni Jei sa bahay at sinusunggaban ang mga pagkakataon na mapag-isa.

Naging mas maingat sila upang hindi mahuli ni mang Liam o ni Rain pati ni Martina. At alam ni Wonhi na si Martina ang pinakadelikado sa tatlo sapagkat may matalas itong pakiramdam.

Habang papalapit ang oras ng pag- alis ni Wonhi ay mas lalong naging emosyonal si Jei. Hindi man ito nagsasalita ay nakikita ito sa bawat patak ng kanyang luha.

Naroon ang lahat sa sala habang nagpapaalam si Wonhi sa bawat isa. "Thank you so much for making this time the most memorable. Something that I would remember till the day I die," pasalamat niya.

"You can come back here anytime," nakangiting saad ni mang Liam.

"Thank you so much," sagot ni Wonhi bago hinanap ng mga mata si Jei na nasa isang sulok at pilit nilalabanan ang mga luha.

"Come here," saad ni Wonhi sa dalaga ng makapagpaalam ito kina Kara, Bhral, Alex at Khassandra.

"Why does it feel like this is the last time I'll ever see you?" puno ng lungkot na saad ni Jei habang yakap si Wonhi ng mahigpit.

"Coz I'm leaving silly girl," natatawang sagot ng binata.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Jei. Nakailang balikwas siya sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mata dahil may kung anong negatibong enerhiyang bumabalot sa kanya.

Bumaba siya para uminom ng maligamgam na gatas saka pumanhik upang ipagpatuloy ang kanyang pagtulog. Ilang sandali pa ay nakatulog siya ng mahimbing.

"Noooooooooooooooooooo!" tili ni Jei na bumulabog sa payapang gabi. Maya- maya ay isa- isang pumasok sina Rain, Martina at mang Liam sa kanyang kwarto na puno ng pag- aalala at pagtataka ang kanilang mga mukha.

"Anong nangyari?!" tanong ni mang Liam habang inaalalayan si Jei sa bangbangon.

Halatang tigagal ito habang umiiyak. Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan habang tagaktak ang noo ng malalaking butil ng pawis.

"Kuya... si W-wonhi. M-may p-pumatay kay Wonhi," histerikal na sagot ni Jei.

"What?!" gulat na tanong ng kanyang kuya at ama.

"Hey! Hinga lang ng malalim, anak. Tahan na," saad ni mang Liam sa dalaga na napahagulgol.