Lingid sa kaalaman ni Jei ay narinig ng tatlo ang usapan nila ni Archie kaya't sukdulan ang galit ng kanyang kuya kay Archie.
"P*tang ina!" ungol ni Rain ng marinig ang malaswang paratang ni Archie sa kapatid. Hinigpitan din ni Wonhi ang hawak sa kanyang canned beer dahil sa narinig. Hindi man niya lubusang naiintindihan ang mga kabuuang usapan ng mga ito, sapat na ang kanyang kaalaman para maunawaan ang nagaganap.
"I can't believe it! This is plain bullshit!" nanggagalaiting saad ni Rain na akmang susugurin si Archie.
"Rain!" mahina ngunit mariing tawag ng kanyang ama.
"Tay... hahayaan mo bang bastusin ng p*tang- inang lalaking yan ang unica ija mo?!"
"Kumalma ka lang, Rain. Hayaan mong ang kapatid mo ang magdesisyon para sa sitwasyong ito. Alam kong galit ka anak at ganun din ako pati itong kaibigan mo. Ngunit kailangan mong magtiwala sa iyong kapatid."
"Pag may ginawa ang lintik na lalaking iyan sa kapatid ko, magsisisi siyang buhay pa siya!"
"Kalma ka lang, anak!"
"Rain, tito is right! You have to calm down. There's a reason why Jei isn't hysterical right now despite what's happening. She's strong and wise enough to handle this," saad ni Wonhi na pasimpleng iniharang ang sarili sa pintuan upang di makalabas ang kaibigan.
"What if that jerk will do something? What if gaya siya ng kanyang barumbadong ama?"
"Kilala ko ang binatang iyan mula pagkabata kaya alam kong di niya kayang saktan ng pisikal si Jei. Takot lang siyang iwanan siya ng kapatid mo gaya ng ginawa ng kanyang tunay na ama," paliwanag ni mang Liam sa anak.
Hindi man maintindihan ni Rain ang dalawa ay sinunod na lamang niya ang suhestiyon ng mga ito.
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng marinig nila ang huling sinabi ni Archie kay Jei. Kinuyom nina Rain at Wonhi ang kanilang mga kamao habang nahigit ni mang Liam ang kanyang hininga.
"Gago!" mariing saad ni Rain bago pumunta kung saan nag uusap ang dalawa.
Hindi maipinta ang mukha ni Rain sa galit at ang tanging nais ay bugbugin si Archie ngunit ng makasalubong ang kapatid sa hagdan at makitang pinipilit nitong umaktong parang walang nangyari, nagpasya rin siyang umayon sa daloy ng mga pangyayari.
Mahirap man ay nagpanggap siyang walang narinig at pinakitunguhan si Archie ng maayos kahit na sa isip niya ay gusto niya itong gulpihin.
"Ihatid na kita," nakangiting saad ni Rain habang minumura si Archie sa kanyang isipan.
"K-kahit hindi na po, kuya," nahihiyang sagot ng binata saka nag-iwas ng tingin. Ngunit wala itong nagawa ng alalayan siya ni Rain saka iniangkas sa kanyang motor.
"Ano kaya kung isalpok ko tong motor sa puno ng mangga at nang matuluyan na ang lalaking ito?" tanong ni Rain sa kanyang isip.
Nang makarating sila sa bahay nila Archie ay hinarap niya ang lalaki. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa yo, Archie. Pero itong tandaan mo, kahit na anong mangyari sa yo ay huwag kang pumaris sa biological father mo! Alam kong iba ka at likas na mabuting tao. Huwag kang gumawa ng mga bagay na sumasalungat sa tingin namin sa yo!" saad ni Rain kay Archie na nagbaba ng tingin at halatang sising- sisi sa ginawa.
"S- sorry po kuya!" mahinang sabi ni Archie sa binata.
"Huwag mong sabihin, ipakita mo! Sa ngayon... ayokong makita yang pamumukha mo malapit sa kapatid ko," mariing saad ni Rain.
Umiiyak na tumango si Archie. "Sorry po talaga. Takot lang akong iwanan niya."
Tahimik lang na tumango si Rain saka siya nagmotor pabalik sa kanilang bahay.
Naabutan niyang abala ang tatlo sa kusina. Ang kanilang ama ay naghihiwa ng mga igigrill na karne ng baboy at baka habang sina Wonhi at Jei ay naghahanda ng mga gulay at iba't ibang side dishes at condiments.
"Ano to? Celebration of freedom?!" inis na tanong ni Rain habang nakamasid sa tatlo.
"Ha. ha. Joke yun, kuya?" sarcastic na tugon ni Jei sa kanya. Natawa si Wonhi sa sinabi ng dalaga habang inilalagay ang mga kakailanganin sa tray.
"Rain!" tawag ni mang Liam sa anak.
"O? Ano po yon ta~"
Hindi naituloy ni Rain ang sasabihin dahil biglang isinubo ng kanyang tatay ang inihaw na karne ng baboy na may roasted garlic at fresh green pepper at binalot sa sesame leaves at lettuce.
"Tumulong ka na lang at nais nitong kapatid mong magsamgyupsal party dito sa veranda," utos ng ama. Tumango si Rain habang nginunguya ang gulay at karne.
Habang nag- iihaw sila sa kanilang balconahe ay panay ang kanilang tawanan. Sinubukan nilang huwag banggitin ang nangyari kani- kanila lang.
"Anyway... Wonhi, where are you planning to explore next?" tanong ni mang Liam kay Wonhi na abalang nag- iihaw.
Tumingin siya sa matanda saka ngumiti. "Ewan ko po, tito. Up to this grumpy man," sagot niya saka itinuro si Rain gamit ang food tong na hawak.
"Aren't you bored here?" tanong ni Jei.
Umiling ang binata. "I don't know why but I feel so at home here. I can do whatever I want without being too careful not to make any mistakes."
Tumango lang sina Jei at mang Liam sa sagot niya.
"Tay... hindi ka naman masyadong busy sa farm di ba?" biglang tanong ni Rain sa ama.
"Hindi naman," tugon ni mang Liam bago isubo ang samgyupsal.
Nagtinginan sina Wonhi at Rain saka tumingin kay Jei na abalang naghihiwa ng green pepper.
"Kakausapin ko na lang po si Bhral para sila muna ang bahala sa mga alaga mong hayop, tay," saad ni Rain.
"Oooooh! Are we going somewhere?" masiglang tanong ni mang Liam sa anak.
"We are planning to bring you two to Isla del Fuego," sagot ni Wonhi.
"Isla del Fuego? In Mevious?" tanong ni Jei na biglang nagliwanag ang mukha.
Natatawang tumango sina Rain at Wonhi sa shocked ngunit excited na expression ni Jei.
"Kayo na lang," saad ni mang Liam.
"Tay, ngayon lang naman tayo magbabakasyon! Sama ka na, please!" sabi ni Rain na nagpapacute sa harap ng ama kaya naman ay pitik sa noo at batok ang umabot sa kanya. Umiiling saka natatawang pinapanood ni Wonhi ang mag- ama habang si Jei ay nakitawa na rin.
"Ilang araw tayo sa isla kung sakali?" tanong ni mang Liam ng pagtulungan siya ng tatlo.
"Maybe 3- 5 days," sagot ni Wonhi.
"Too long!"
"Tay naman! Ngayon nga lang tayo magbabakasyon na kumpleto!" sabi ni Rain sa ama.
"Before I go back to Korea, I wanna bring you somewhere special as my thank you present!" sabi din ni Wonhi.
"Sige na, tay, habang libre!" sang- ayon ni Jei saka umabrisyete sa ama at naglambing.
"O siya sige na para matigil na kayo!"
"Yesss!" sabay na sambit ng mga binata na nag- high five pa dahil sa kasiyahan.