"Saan niyo gustong kumain?" tanong ni Rain sa kanila.
"Kahit saan, anak," sagot ng ama. Nagkibit- balikat din si Jei.
"Let's just go to The Bachelor's Den," saad ni Wonhi na tinutukoy ang restaurant sa resort na pagmamay- ari ng kilalang McKnight Brothers.
Puno ang restaurant kahit 11: 30 pa lang ng umaga ng makarating sila. "Good thing I made a reservation!" ani ni Rain ng makitang maraming tao sa loob. Pero kahit puno ang restaurant ay hindi ito nagmumukhang siksikan dahil sa magandang interior design.
"This place is amazing! It has this class and comfy touch to it," komento ni Jei habang papunta sila sa isang VIP room sa ikalawang palapag.
"Tay... ba't ba ang tahimik mo?" tanong ni Jei sa ama.
Bumuntong- hininga ang matanda bago nagsalita, "Namimiss ko na ang aking bukirin at mga alagang hayop."
Biglang nagmaktol ang dalaga sa sagot ng kanyang ama. "Tay naman!" sabi niya sabay tapik sa braso nito. "Hanggang dito ba naman, nasa bukid pa rin ang isip mo?"
"Wala akong tiwala sa kaibigan ng kuya mo. Noong nakaraan, nagkasakit si Draco dahil pinabayaan niyang mababad sa ulan! Baka pagbalik natin sa Myan Ji ay patay na kabayo mo!" histerikal na saad naman ni mang Liam na nanlalaki pa ang mga mata.
"Kumain na nga lang tayo. Mas masarap po ang mga pagkain kapag mainit- init pa!" natatawang sabi ni Rain ng maupo sila sa may lamesa.
Natakam sila sa masarap na amoy ng mga seafood na nakahain sa kanilang mesa kaya naman ay wala na silang sinayang na oras at binanatan na nila ang mga pagkain matapos silang magdasal.
"Hmmm... this is heaven!" saad ni Rain habang hinihigop ang manamisnamis at malinamnam na sabaw ng isang malaking Martian crab. Maya- maya ay tumunog ang cellphone ni Rain.
"Anak... hindi mo ba sasagutin ang cp mo?" tanong ng ama ng makitang tulala ang anak habang nakatitig sa screen ng kanyang cp.
Nacurious si Jei kaya pasimple niyang tinignan ang cp ng kapatid. "Martina Smith?" saad niya.
"What?! Did you say? Martina?" gulat na tanong ni Wonhi na biglang napatingin sa kaibigan.
Napatingin si Rain sa tatlo bago lumunok saka napatingin sa kanyang cp.
"Answer her. She won't stop calling unless you answer!" saad ni Wonhi. Tumango si Rain bago pindutin ang answer button.
"Uhm... h- hi!" ninenerbyos na tanong ni Rain bago tumayo at lumabas ng kanilang kwarto papunta sa restroom.
"Who is that?" nagtatakang tanong ni mang Liam kay Wonhi.
"A crazy woman--- she's really obsessed with Rain that she even threatened his ex- girlfriends!" paliwanag ni Wonhi sa namamanghang mag- ama.
Samantala, kahit nanggagalaiti na si Rain sa galit ay kalmado niyang kinausap ang hysterical na dalaga.
"You seem having fun in that island surrounded by so many ladies. Is that the reason why you're not answering my calls?" sarcastic na sabi ni Martina.
"How did~"
"It's all over the internet Rain! You and your friend, Wonhi, smiling widely while flirting with women! That's bullshit!"
Bigla niyang nilayo ang cellphone sa kanyang tainga dahil sa lakas ng sigaw ni Martina. Ngayon siya nagsisisi na nakipagpicture sila sa mga dalaga kanina. Alam niya ang liko ng kanyang bituka kaya alam niyang hindi ito titigil sa katatalak kahit magpaliwanag pa siya.
"I am busy at the moment. I have to go! Sorry," yun lang ang nasabi niya bago patayin ang kanyang cp. Narinig pa niyang nagmura ang dalaga.
Tumikhim siya ng madatnang seryoso ang tingin ng kanyang kapatid, lalo na ang kanyang ama sa kanya.
"Tapos na po kayong kumain?" alangang tanong ni Rain. Tumango si mang Liam.
"Kumain ka na," sabi nito sa anak.
Maraming tanong sina mang Liam at Jei kay Rain ngunit nirespeto nila ang katahimikan nito kaya di na sila nag- usisa pa. Pati si Wonhi ay hindi na rin nagkwento.
"Maiwan ko kayo at kailangan kong tawagan si Bhral para kamustahin ang bukid," saad ni mang Liam nang makabalik sila sa kanilang cottage.
Nakahiga sina Wonhi at Rain sa isang malapad na hammock habang si Jei ay nasa mas maliit. Nagulat sina Wonhi at Jei ng biglang napasinghap si Rain.
"She's h- here!" halos di makapaniwalang sambit ni Rain.
"Who?" nagtatakang tanong ni Wonhi.
Tumingin si Rain sa kanila saka sumagot. "Her!" yun lang ang nasabi niya.
"You mean... Martina?" sagot ni Wonhi. Marahang tumango si Rain. "She's here?! Shit... you're doomed!"
"Wait lang... bakit po kayo nag- aalala masyado sa Martina na iyan?" takang tanong ni Jei sa nagpapanic na mga binata.
"Oh! That woman has been brewing evil spells all her life, " sagot ni Rain. Lalong kumunot ang noo ni Jei sa tinuran ng kanyang kuya.
"Martina is like a walking bomb--- unpredictable and very dangerous!" saad ni Wonhi. "Her temper is volcanic!"
"Oh... she seems fun. Can't wait to meet her!" nang- aasar na saad ni Jei sa kapatid.
"Let's see," tanging komento ni Rain.
Mag- aalas dos na ng hapon kaya nagpasya silang bumalik sa dalampasigan para maglaro ng beach volleyball. Matapos magpalit ng swimwear ay humayo na sila.
"Uhm... just the three of us? I guess we need company?" tanong ni Rain.
Pilyong ngumiti si Wonhi sa kaibigan bago magsalita. "Leave that to me!" saad nito saka ikiniling ang ulo sa direksiyon ng mga nagsasunbathing na kababaihan.
"Need company, my ass! Kuya naman... sabihin mo lang kung gusto mong lumandi!" pang- aasar ni Jei sa kapatid. Humalakhak lang si Rain sa sinabi ng dalaga habang si Wonhi ay nakangiti ng maluwang sa kanya. Nilapitan nila ang mga dalaga na napatili sa gulat ng mapagtanto kung sino ang lumapit sa kanila.
"Hi, ladies! Would you like to join us?" tanong ni Wonhi sa isang grupo ng mga dalaga na hindi nagdalawang- isip sa pagsang- ayon.
"Hi, it's Jenica and these are my friends, Rose and Ella," pakilala nito. Tumango lang si Jei habang nakangiti ng matamis si Rain.
"Right! Wonhi, Jei and Ella will be one team. Jenica and Rose will be mine!" pilyong saad ni Rain sa kanila. Ngumisi si Jei sa kanyang kuya.
Puno ng tawanan at lokohan ang laro nila dahil hindi naman sila nagseryosong maglaro. Panay din ang pakikipagflirt ng tatlong babae sa mga binata. Napailing na lang si Jei sa nasasaksihan.
"Ouch!" sigaw ni Jenica ng mapuwing siya ng buhangin.
"Oh... are you okay?" buo ang pag- aalalang tanong ni Rain ng lumapit ito sa kanya saka sinuri ang napuwing na mata ng dalaga na agad napalunok ng isang centimetro lang ang layo ng kanilang mga labi.
Nakapamewang si Jei habang pinapanood ang kanyang kuya dahil ngayon lang niya nakita kung paano ito makipagflirt.
"What?!" pilyong tanong ni Wonhi kay Jei.
"Men... are always the same!" sagot niya sa binata.
"RAAAAAAAAIIIIIIN!"
Bumaling silang lahat sa pinanggalingan ng sigaw at napanganga si Jei ng makita ang isang matangkad at sophisticated na dalaga na naglalakad palapit sa kanila. Animo'y runway ang buhangin na dinadaanan nito.
Natutop ni Jei ang kanyang bibig ng walang sabi- sabing hinalikan nito ang kanyang kuya.
"I miss you, darling!" sabi nito habang pinupunasan ang naiwang lipstick sa labi ng binata.
"Hi, Wonhi! Been a long time!" bati ni Martina kay Wonhi na hindi napigilang ngumiwi.
"Who is she?!" tanong ni Jenica kay Rain bago hinawakan ang nanlalamig na kamay ng binata na ikinagulat nito. Nanlaki ang mga mata ni Wonhi habang tumaas ang kilay ni Martina sa ginawa ni Jenica.
Si Jei ay nasa gilid lang na naaaliw sa biglang pagbabago ng kilos ng dalawang binata, lalo na ng kanyang kuya.
"Sino ka sa buhay ng kuya ko?" isip ni Jei habang kinakain siya ng kanyang curiosity. Naputol ang kanyang pagmumuni ng biglang makarinig ng sigawan.
"Huh! Look at yourself... you look pathetic! It's f*cking obvious Rain isn't as interested as you do. Wake up, b*tch!" sigaw ni Jenica. Dahil dito, nawala na ang pagtitimpi ni Martina kaya bumaling siya at binigyan ng isang malutong na sampal si Jenica. Tigagal ang lahat sa nangyari. Akmang sasampalin uli ni Martina ang dalaga ngunit may kamay na pumigil sa kanya.
"Get your hand off my wrist!" nagbabantang saad ni Martina kay Jei.
"Or what? You'll slap me, too?! Don't you even dare!" nanghahamong sagot ni Jei. Tinitigan siya ng matalim ni Martina ngunit di siya nag- iwas ng tingin.
"I guess... you don't know who I am?!" sarcastic na saad nito kay Jei na cool lang kahit mas matangkad si Martina ng di hamak sa kanya.
Lumapit sina Rain at Wonhi sa dalawa. "Hey... stop it!" mariing sabi ni Rain ngunit parang wala silang narinig. "Jei... tama na!"
"Do you know who I am?!" nanggagalaiting saad ni Martina habang pilit na inaalis ang kamay mula sa lalong humigpit na pakakahawak ni Jei.
"Oh... I know--- Martina Smith, ain't it?"
Napasinghap ang mga dalaga pagkarinig sa pangalan nito at may pag- aalalang tinignan nila si Jenica na napapaiyak na sa nangyari.
"Huh! And yet, you still have the guts to meddle in my business!"