Biglang tumigil ang mundo sa mga oras na iyon at dahil sa kabiglaan ay pareho silang hindi makagalaw. Tila sila mga estatwang inukit sa isang higanteng tibak ng marmol.
Tumikhim si Rico dahilan upang magising sila sa isang magandang panaginip. Unang kumalas si Wonhi saka tinitigan si Jei na tigagal pa rin sa bilis ng mga pangyayari.
"I guess, I am out of here! You two should talk and fix whatever your problem is," sabi ni Rico na nakatingin kay Jei.
Lumunok ang dalaga upang tanggalin ang bagay na tila nakabara sa kanyang lalamunan bago sumagot kay Rico. "I- it's all a... a misunderstanding!" mahina niyang sabi. Tumingin siya kay Wonhi na agad nag- iwas ng tingin.
Tumawa ng mahina si Rico bago hawakan ang baba ni Jei. Agad siyang tinignan ng matalim ni Wonhi na animo'y mabangis na hayop na handang umatake anumang oras.
"See? How long have you been keeping your feelings for each other?" nakangiting sabi ni Rico saka pinisil ang hawak na baba ni Jei.
"Keep your mouth shut or I'll shut it for you!" mahina ngunit mariing saad ni Wonhi sa binata.
"I'm not picking up a fight, bro!" sagot naman ni Rico na nagtaas pa ng kamay bilang pagsuko.
"Don't call me bro coz we ain't brothers," asik ni Wonhi saka bumaling kay Jei na agad napaatras ng makita ang iritableng mukha ng binata.
"Do you have any plans going home?" malamig na tanong nito sa dalaga. Napalunok ulit si Jei dahil sa nerbiyos. Laking pasalamat niya na sumabat si Rico at siyang sumagot sa tanong ni Wonhi sa kanya.
"I think, we all should go. Jei, it's been my pleasure meeting you. Just call me if you need someone to talk to," saad nito sa kanya at kumindat pa ito. Namula tuloy siya.
"In your dreams!" sagot ni Wonhi na hindi maitago ang pagkairita.
Hindi mapakali si Jei habang naglalakad silang dalawa ni Wonhi pabalik sa kanilang cottage. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya makalimutan ang nakakabaliw na pangyayari.
Wala ni isa sa kanila ang naglakas- loob na magsalita kaya damang- dama nila ang nakakailang na sandali. Magkasabay pa silang napabuntong hininga ng makarating sila sa kanilang cottage.
"Musta ang inuman? You didn't even bother asking us to join!" saad ni Rain sa kanila ng pumasok sila. Napansin nilang wala si Martina kaya nagtatanong ang kanilang mga mata.
"Ah... she already went home. Guess what, she's coming with us in Myan Ji!" sagot ni Rain sa kanilang piping tanong.
Dahil sa sobrang pagkagulat ay bigla nilang nakalimutan ang kanilang dinadalang problema.
"Are you nuts?!" komento ni Wonhi na nakapamaywang pa sa harap ng kaibigan.
Umiling lang si Rain kaya napaupo si Jei sa tabi niya na nanlalaki ang mga mata. "Kuya, what's going on? Why are you suddenly being so nice to her?" tanong niya sa kanyang kuya.
"What's the big deal about being nice to her? She's just gonna visit our place. It's not that she and me will get married," natatawang sagot ni Rain sa dalaga. Nagkatinginan lamang sina Wonhi at Jei na agad nagbawi ng tingin.
"Matutulog na ako," saad ni Jei sa dalawang binata. Tumango lamang sila bago ituloy ang kwentuhan.
Nang mapag- isa sa kanyang kwarto ay biglang nanumbalik ang alaala ng kanilang halikan. "Bakit ba hindi mawala sa isip ko? Ano naman ngayon kung naghalikan kami? Dampi lang naman at hindi deep kiss kaya no big deal," sabi niya sa kanyang sarili habang nagsisipilyo.
"Pero bakit ba kasi niya ako hinalikan at magpanggap na boyfriend ko? Pwede naman niyang sabihing kapatid niya ako o di kaya ay kaibigan," patuloy niyang sabi. Nakaligo na siya't nakahanda ng matulog ay iyon pa rin ang laman ng kanyang utak.
Naging mailap ang antok kay Jei ng gabing iyon. Mag- aalas tres na ng madaling- araw ngunit gising na gising pa rin si Jei kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina upang magtimpla ng mainit na gatas sakaling dalawin siya ng antok. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil sapat na ang liwanag na nagmumula sa balkonahe para makita niya ang kanyang dinadaanan.
Muntik na siyang mapasigaw ng may mabunggo siyang malaking bulto ng tao saktong pagpasok niya sa kusina.
"Ouch!"
"K-kuya Wonhi?" mahinang saad ni Jei ng mabosesan niya ito.
"J-jei!" bulong ng binata.
Kinusot ni Jei ang mga mata upang mag-adjust sa malamlam na liwanag. Nahigit niya ang kanyang hininga ng mapagtantong walang pang-itaas si Wonhi at nakapajama lang ito.
"Shit!" piping mura niya sa kanyang sarili. "Hala. Kadiri ka, Jei!"
Tumikhim si Wonhi saka niya na narinig ang mahinang tawa niyo. "Enjoying the view?" nanunuksong tanong nito sa dalaga na agad namang nagbawi ng tingin.
"Haha! Hell no. Rico's abs are way better than yours," bulong ni Jei ngunit hindi nakalagpas sa pandinig ni Wonhi. Kahit madilim ay nakita pa rin ni Jei ang paniningkit ng mga mata ng binata at biglang nag-iba ang kanyang aura. Ang nanunuksong ngiti kani-kanina lang ay biglang napalitan ng yamot.
Biglang kinilabutan si Jei ng marinig ang malamig na boses ni Wonhi, "Say his name again and you'll regret it!"
"Or what?" nagtatapang- tapangan na bulong ni Jei.
Nagmistulang bato si Jei ng lumapit ang mukha ni Wonhi sa kanya bago bumulong. Hindi naintindihan ng dalaga ang mga pinagsasabi ni Wonhi dahil nakakabaliw ang sensasyong bumalot sa dalaga. Nalanghap niya ang mabangong amoy nito mula sa kanyang shower gel at naramdaman niya ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan.
"Do you understand?" mariing tanong ni Wonhi sa kanya. Ewan niya ngunit tumango na lang siya.
Nakahinga siya ng malalim ng makaalis ang binata at mapag- isa siya sa malamig na kusina.
"Ano bang nangyayari sa yo?" sita niya sa kanyang sarili. "Act your age, Jei. Para kang teenager na nakakita ng crush!"
Kinabukasan...
"Anong nangyari sa yo, Jei?" tanong ni mang Liam sa anak ng para siyang zombie na naglalakad patungo sa kusina. Naroon din ang kanyang kuya at si Wonhi na hindi man lang tumingin sa kanya.
"May masakit ba sa yo? Gusto mo bang sumama sa akin pauwi?" tanong nito. Napahinto si Jei sa paglalagay ng strawberry jam sa toasted bread at humarap sa ama.
"Babalik ka na? Bakit po?" tanong nito.
"As usual, miss na niya ang kanyang farm!" sagot ni Rain. Tumawa lang si mang Liam.
"Anong oras po kayo uuwi?" tanong ni Jei.
"Bakit? Sasama ka ba?" tanong ni Rain sa kapatid. Tahimik lamang si Wonhi na nakatingin sa dalaga kaya nacurious tuloy siya kung ano ang laman ng utak nito.
"Sabay na lang kayo ng kuya mo sa pag-uwi. Lubusin mo na ang kabaitan ng mga kuya mo," saad ni mang Liam sa anak. Tumango lang si Jei sa sinabi ng ama.