Chereads / Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 15 - Surprise! Surprise!

Chapter 15 - Surprise! Surprise!

Pagkatapos magtampisaw sa maligamgam na tubig at kumuha ng mga litrato ay nagpasiya sina Rain at Wonhi na bumalik sa bahay- kubo. Malayo pa lang sila ng marinig ang tili ni Jei kaya kumaripas sila ng takbo. Naabutan nila ang dalaga na umiiyak habang natatarantang nakahawak sa dumudugong paa ni Archie.

"What happened?" tanong ni Wonhi sa kanila habang sinusuri nila ni Rain ang paa ni Archie na namimilipit sa hapdi ng sugat nito. Halos maduwal ang dalawa ng makita kung gaano kalalim at kalaki ang hiwa sa kanyang tampakan. Pati siko at likod ng binata ay may mga gasgas.

"Do you have bandage?" tanong ni Wonhi kay Rain na agad tumakbo sa ikalawang palapag at kinuha ang kanyang medicine kit.

"Si itay?" tanong ni Rain kay Jei na natulala sa pangyayari.

"Kinuha yung sasakyan sa bahay," parang wala sa sariling sagot ng dalaga.

Hinugasan nila ng malinis na tubig ang mga sugat nito saka binuhusan ng betadine. Dahil halos matuklap ang balat nito sa talampakan ay benendahan nila ito upang di pasukin ng dumi.

"Hey~ Archie don't sleep! Stay with us," malakas na saad ni Wonhi kay Archie habang niyuyugyog niya ito. Sa dami ng dugong lumabas ay maaring magdulot ng hypovolimic shock sa binata kay agad itinaas ni Rain ang mga paa nito habang kinakausap ni Wonhi.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Rain sa kapatid.

"N- nahulog siya mula sa kabayo. Tinangka niyang iwasan ang mababang sanga sa kanyang daanan. Ng- ngunit nawalan siya ng balanse at nahulog sa saktong may bakod na barbwires," naiiyak na kwento niya.

"Ba't ba kasi nakatsinelas at shorts kang nangabayo?!" galit na tanong ni Rain kay Archie na napapangiwi sa sakit ng kanyang mga sugat.

Sa ilang saglit ay nakarating si mang Liam at dahan- dahan nilang isinakay si Archie sa sasakyan. Si Wonhi ang nagdrive habang inaalalayan nina Jie at mang Liam ang binata. Sumunod si Rain gamit ang kanyang motor matapos niyang isara ang bahay- kubo.

Habang bumabiyahe ay panay ang iyak ni Jei.

"Tahan na Jei. Baka lalong manghina si Archie pag narinig kang umiiyak," masuyong saad ni mang Liam sa anak. Tumango ang dalaga saka pinilit ang sariling kumalma.

Di nagtagal ay nakarating din sila sa ospital. Agad silang inasistahan ng mga nurses sa Emergency section. Sasama sana si Jei sa loob ng Emergency room ngunit pinigilan siya ng kanyang ama.

Wala siyang nagawa kundi maghintay sa labas ng ospital.

"Alam ba ni mareng Paulita ang nangyari sa binata niya?" tanong ng kanyang ama. Tumango siya at di nga nagtagal ay dumating ang nanay ni Archie na alalang- alala sa anak.

"Jusko Jei. Kailangan mong umuwi at magpalit at basa ng dugo yang damit mo," masuyong saad ng butihing matanda sa dalaga.

"Ala pareng Liam, iuwi mo muna itong si Jei at nang makapaglinis ng katawan. Ako muna dito," sabi ni Paulita kay mang Liam.

"Sige mare. Bibisita na lang kami bukas," sagot ni mang Liam.

Ngumiti saka tumango si aling Paulita. "Maraming salamat. Jei, tahan na! Wag ka nang umiyak," aniya bago pumasok sa loob ng ospital.

Sa mga sumunod na araw ay hindi iniwan ni Jei ang kasintahan hanggang sa makalabas ito ng ospital. Nanatili siya sa kanyang tabi. Tinutukso nga siya nila Wonhi at Rain na para daw siyang asawa nito. Imbes na maasar ay parang natutuwa pa siya sa pang- aasar nilang asawa niya si Archie.

"Hey~ Jei? Is that for your hubby?" nanunuksong tanong ni Wonhi sa dalaga ng madatnan siya nitong nagluluto ng kakanin.

"Hey! Get your filthy hands off my pies!" nanggigigil na sigaw ni Jei kay Wonhi ng kinain niya ang isang slice ng mango- buko pie.

Natatawang kumain si Wonhi na kumuha ng isa pa dahilan para batuhin niya ito ng kanyang tsinelas. Umilag si Wonhi ngunit sapul sa mukha ang kanyang kuya na napahiyaw sa sakit.

"Ano nanaman bang kaguluhan to?" tanong ni Rain habang minamasahe ang tinamaang noo. Hindi makapagsalita si Wonhi pagkat puno ang bibig nito kaya ipinakita lang nito ang hawak na isang slice ng apple pie saka nagthumbs up.

Napangisi naman si Rain at tinimingan ang pagtalikod ni Jei saka kumuha ng dalawang slices din ng pie. Sunod- sunod na mura ang binitawan ni Jei ng makitang nabawasan ang pinaghirapang kakanin.

Makalipas ang ilang sandali...

"Okay!" masigla niyang sabi pagkatapos disenyohan ng matamis na mangga ang ibabaw ng kanyang ginawang pie at inilagay sa special na kahon.

"Ooooooooh! There goes the wife!" tukso ng kanyang kuya ng madaanan niya ito at si Wonhi na umiinom ng beer sa kanilang hardin. Nagcheers pa ang mga ito ng sinimangutan niya sila bago siya umalis.

Wala siya sa mood makipagkulitan dahil balak niyang surpresahin ang kanyang nobyo. Nagsabi siyang bukas niya ito bibisitahin. Ngunit dahil may lakad siya bukas ay napagpasiyahan niyang puntahan ito ngayon.

Sumipol- sipol at pakanta- kanta pa siya habang naglalakad. Naabutan niyang nagwawalis ng kanilang bakuran si aling Paulita.

"Hi, tita!" bati ni Jei saka namano sa matanda. Magiliw siya nitong pinapasok sa kanilang bahay.

"Nasa taas si Archie. Ay, akala ko e di ka dadalaw ngayon," nakangiting sabi nito sa dalaga.

"May lalakarin po ako bukas kaya ngayon na po ako bumisita," nakangiti ring tugon ni Jei sa kanya. "Siyanga po pala, nagluto po ako ng buko pie. Hati na lang po kayo nila mang Nestor at Archie."

"Naku nag- abala ka pa!" masayang saad ni aling Paulita habang kinukuha ang ibinigay na kakanin sa kanya ni Jei. Aakyat sana siya sa kwarto ni Archie ng makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng bahay.

"Mareng Paulita! May naghahanap sa inyo," saad ni aling Carlita, ang kapitbahay nila Archie. Lumabas ang nanay ni Archie saka pumasok kasama ang isang magandang babae. Namumutla ang matanda habang inaasistehan ang dalaga. Sa itsura ni aling Paulita ay may suspetsa na si Jei kung sino ito.

Nagpatuloy sa pag-akyat si Jei kahit mabigat ang kanyang pakiramdam. Kumatok siya sa kuwarto ng nobyo at bumungad ang nasasabik at masayang mukha ni Archie.

"Jei, napadalaw ka!" masigla nitong bati. Pinilit ni Jei ang ngumiti saka hinalikan ng matagal ang binata habang pumapatak ang kanyang mga luha.

"Anong~"

"Ssssssssh! Minahal kita, Archie mula pagkabata at hanggang ngayon ay mahal pa rin kita," saad ni Jei sa nalilitong binata.

"Jei... ano bang sinasabi mo?"

"Ano mang mangyari, gawin mo kung ano ang alam mong tama!" yun lang at linisan niya ang bahay ng kasintahan habang bumabalon ang mga mata sa sakit na nararamdaman.

Habang nasa daan ay panay ang ring ng kanyang cellphone kaya napilitan siyang sagutin ito.

"Pananagutan ko ang bata. Pero ikaw pa rin ang pipiliin ko, Jei," umiiyak na saad ni Archie sa kanya. Lumunok siya para tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan bago niya ito sagutin.

"May mga bagay na sadyang hindi para sa atin, Archie. Salamat sa panahong ipinaramdam mo kung paano kang magmahal. Sapat na sa akin iyon. Masakit man ay kailangan nating gawin ito," malumanay na saad ni Jei kahit walang humpay ang bagsak ng kanyang mga luha.