Chereads / Make you mine / Chapter 1 - Chapter 1 Old maid

Make you mine

🇵🇭Anne_ter17
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 54.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1 Old maid

All characters in this novel have no existance outside the imagination of the author [it's me Anne_ter17] and have no relation whatsoever to anyone bearing the same name or names. They are not evenly inspired by individual known or unknown to the author and all incidents are my pure invention.

The reproduction or utilization of this work in whole or in part in any forms are forbidden without my permission [Anne_ter17]

_______________________________________

"Good morning ma'am" bati kay Cielo ng dalawang unipormadong sekretarya na nakaupo sa front desk ng opisina niya. Siya na kase ang nagmamanage ng Guia Enterprises dahil nagretiro na ang kanyang mga magulang at ayaw naman itong pamahalaan ng dalawa niyang kapatid na lalaki, nagtayo rin kase ang mga ito ng kani-kaniyang negosyo. Ang Guia enterprises ang pinakamalaking supplier ng mga medical equipment sa buong pilipinas.

"Good morning." tinanguan lamang niya ang mga ito at dumiretso na siya sa kanyang opisina, wala siya sa mood magtrabaho dahil mainit ang ulo niya. Last night sa hindi niya mawaring dahilan ay biglang naki-pagbreak sa kanya ang two months old palang niyang boyfriend na si Rafael. Ibinagsak niya sa table niya ang kanyang handbag at sumalampak ng upo sa swivel chair niya at diniinan ang kanyang sintido.

Halos di siya nakatulog magdamag sa kakaisip kung anong dahilan ng pakikipaghiwalay sa kanya ng naturang boyfriend niya.

Tumunog ang intercom sa table niya, hudyat ng pagtawag ng PA niya para sa schedule sa araw na iyon. Pinindot iyon ni Cielo.

"Ma'am, may schedule po kayo ng brunch meeting with Mr. Hountly this 10:00 am. Kino-confirm ko lang po." saad ni Maricon ang PA niya.

"I cancel mo lahat ng appointment ko today and please wala kang papapasuking bisita at wala akong tatanggaping tawag unless emergency." utos niya dito. Pinatay niya ang intercom at sumandal sa swivel chair niya.

Hinihilot niya ang kanyang sintido dahil pakiramdam niya ay puputok na iyon sa sobrang sakit pero biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at direderetsong pumasok doon sina Vince at ang kuya Jion niya.

"Bakit mo ikinancel ang bussiness meeting natin Cielo?" bungad agad ni Vince sa kanya "hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang bawat oras ko para lang sayangin mo ng ganon lang?" nakakunot ang noo nito habang nakatayo sa harapan ng table niya.

"Bakit nandito kayo? Kakatawag palang ng sekretarya ko ah!" binalewala naman niya ang init ng ulo nito.

"Nandiyan na kami sa labas ng pinto mo ng tumawag ang sekretarya mo." lumayo si Vince at naupo sa sopa sa tapat ng table niya habang umupo naman sa mismong table niya ang kanyang kuya.

"Ano na naman ang problema mo ngayun at pati negosyo ay idinadamay mo!" tanong ng kuya Jion niya.

"Kase hindi ko maintindihan ang lalaki ngayun!? bigla nalang nakipagbreak sa akin si Rafael samantalang okey naman kami, wala naman kaming pinagawayan! Anu kayang pumasok sa kukote ng isang iyon?" himutok niya sa dalawang lalaking bagong dating.

"Yung baklang iyon nakipagbreak sayo? Wow! Kelan pa?"tatawa-tawang sagot ni Vince sa kanya.

"Maka-bakla naman to, wagas!" binato niya si Vince ng ginusumot na kapirasong papel na nadampot niya sa ibabaw ng table niya, pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "last night nagdidinner kami tapos nagexcuse siya sakin sandali para mag cr, tapos pagbalik niya ayun na, bigla nalang siyang nakipagbreak sa akin!" kuwento niya sa mga ito.

"So youre telling us na kaya hindi matutuloy ang meeting natin is because heartbroken ka ganon?" tanong pa rin sa kanya ni Vince.

"actually hindi naman masakit para sa akin ang makipaghiwalay sa kanya, dahil nasa stage palang naman kami ng getting to know each other, kaya lang nagtataka talaga ako! Bakit lahat nalang ng nagiging boyfriend ko iniiwan ako, lagi nalang silang nakikipagbreak sakin!" di na napigilang ni Cielo ang maghimutok sa harapan ng dalawang hunk na tumatayong tagapakinig sa mga sintemyento niya sa buhay., wala siyang pake kahit mabagot pa ang mga ito sa pakikinig sa kanya, dahil lagi naman ganoon ang scenario nila, pag hindi sa PA niya o isa sa mga kuya niya ay si Vince ang palaging takbuhan niya sa mga ganitong pagkakataon.

"Baka naman nagising lang sa katotohanan ang isang iyon?" ani ng kuya niya.

"Katotohanang ano?" tiningnan niya ng masama ang kuya niya.

"Na ang princesa ng mga Guia ay hindi pwedeng mapunta sa kung kani-kanino lang." makahulugang ngiti ang ibinigay nito kay Vince na nakatitig lang sa kuya Jion niya.

"Pambihirang buhay to! Kung lahat na lang ng lalaki sa mundo na magugustuhan ko ay iisipin na princesa ako eh baka hindi na magka-asawa nito!" lalong nadagdagan ang kunot sa noo ni Cielo. "Saang lupalop ko naman kaya hahanapin ang prinsipe ko,? diyos ko naman!"

"Anjan lang yon sa tabi-tabi!" tumayo na ang kanyang kuya at lumakad palapit sa kinauupuan ni Vince. "wag kang mainip, balang araw kikilos din ang tunay mong prinsipe!"

"kelan pa? Pag uugod-ugod na ako? Ayokong tumandang dalaga kuya!" maktol pa rin niya rito.

"Hoy Cielo, bente-kwatro anyos ka palang! Anung matandang dalagang pinagsasabi mo?" pinanlakihan siya ng mata ng kuya Jion niya, di na napigil nito ang pagtawa. Sinabayan din ito ni Vince ng halakhak.

"Kuya sa panahon ngayun, ang babae pag nag twenty five na ibig sabihin malapit ng tumandang dalaga! At twenty four na ako, so isang taon na lang at malapit na akong mapabilang sa listahan ng matatanda." paliwanag niya sa mga ito.

"Cielo wag kang magmadali okey, bata pa ang twenty four!" nakatitig sa kanya si Vince habang nakalabas ang trademark nitong Box smile. "look! Wag mo munang isipin ung mga lalaking yan ha! Marami ka pang oras, ienjoy mo muna ang sarili mo sa ngayun." tumingin ito sandali sa kuya niya pagkatapos ay muling ibinalik ang titig sa kanya. "Ill promise you hindi ka tatandang dalaga."

"Pano mo naman nasabi yon? Aber!" hamon niya dito "Bakit may kilala ka bang babagay sa mala prinsesa kong ganda!?"

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Vince sa sinabi niyang iyon.

"Wag kang mag-alala Sis, siya lang ang nagiisang lalaking kilala ko na babagay sa iyo!." natatawang sabi ng kuya ni Cielo.