Chapter 56: He Admits Everything
We finally reached out our destination but there's a problem, Prince couldn't get out from the car because he worried for himself. Pinagsakluban na ng langit at lupa ang mukha nito ngunit sa huli, napilit ko rin siyang lumabas. Halos sumakit na ng t'yan ko sa kakatawa dahil sa hitsura niya.
"Ano? Gusto mo pang ituloy ito?"
"Wala na rin naman ako magagawa after all. Mapilit ka, eh."
"Saglit," Inilabas ko ang phone ko. "Picture muna."
"Ayaw ko nga. Wala sa usapan iyan!"
"Eh, ano ngayon?" Bago pa siya makapag-react ulit, kinunan ko na siya ng picture. Medyo blurred ang kuha ko pero ayos lang, halata namang siya iyon.
"I-delete mo nga iyan!" Pilit niyang kinukuha sa akin 'yong phone ko until there's a weird moment had happen. His face got closer to mine, ramdam kong nakulong na ako sa mga bisig niya. Sandali kaming nagtitigan at parehong gulat ang mga mata.
Nang mahimasmasan, inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Tuluyan na rin siyang lumayo at napakamot ng sintido. It was one of the most awkward 10 seconds of life. Iyon ang unang beses na nagkalapit ang aming mga mukha. Akala ko sa mga movie lang puwede mangyari iyon, kumbaga scripted but I was wrong, it can be also actually happen in real life experience.
"So, tara na?"
"Tara na."
Nilamon ng isipan ko ang mga nangyari kanina sa amin ni Prince. Awkward kaming naglalakad ngayon papunta sa Windmill hanggang maramdaman kong nagiging center of attention na pala kami. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay sa amin nakatuon, tumatawa at nagbubulungan. Medyo nakakaramdam na ako ng hiya ngunit naisip kong ano pa kaya itong katabi ko?
"Bilisan mo nga maglakad. Nahihiya na ako," Sambit nito habang doble ang bilis na ginagawa sa paglalakad.
"Sus, huwag kang mahiya. You should be proud of, kasi babae ka ngayong araw."
"Nababaliw ka na ba?"
"Gusto ko lang ipapala sa iyo ang sinabi mo kanina. Minsan lang maging babae, 'di ba? So, panindigan mo 'yan!" I teased him.
"Gag*. Nevermind, bilisan mo na lang d'yan."
Nang makapunta kami sa windmill na malapit sa may tindahan ng mga merchandise, kumuha lang kami ng ilang lirato at naisipang umupo muna sa may damuhan; harap ng lawa at nakasandal ang mga likod sa windmill. Tirik na tirik ang araw ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin.
"Let's continue the game!" Masigla nitong sabi. Minsan naiisip kong bipolar itong tao na ito, bigla-bigla na lang nag-iiba ang mood.
"Wait? Hindi mo pa nagagawa ang punishment."
"Okay. Gagawin ko na," Huminga siya nang malalim at sinagot ang punishment; na magsasabi ng isang bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kanya. "Na-attempt ko ng mag-suiside."
I get shocked. "Tarantado, totoo? Bakit?"
"Anxiety... and it was because of family problem. Katulad nga ng mga kuwento ko sa iyo noon, pakiramdam ko mag-isa na lang ako, pakiramdam ko pinabayaan na ako ng mga magulang ko dahil sa pag-seperate at pagbuo ng bagong nilang pamilya. They forced me to become an independent person even I'm just 19 year old. Kaya nga noong bumisita si Papa sa bahay, sobrang saya ko, hindi ako nagalit, kung hindi ay sumaya pa ako lalo," Deretso lang ako nakatingin sa kanya at nakikinig. I suddenly remember the lady that his father with, ayaw ko nang magtanong about doon, kasi alam ko ayun na ang bago nitong asawa.
"Naiinis nga ako sa sarili ko, eh. Ang hina ko pagdating sa problema para isiping mag-suicide, kaso may dumating na babae sa buhay ko, an angel who cheer me up. Simula noon, naging maayos na ang daan ng buhay ko. Siyempre, thankful ako para doon. Siya nga 'yong crush ko, eh."
"Naks, hulog na hulog ka sa kanya, ano?" Bahagya siyang tumawa ngunit ramdam kong mapait ito. "Mabuti na lang talaga at hindi mo itinuloy magpakamatay dahil kung hindi, wala akong makikilalang bipolar na kaibigan," Ningitian ko siya at ganoon din siya sa akin.
"Next, your turn!"
Bumunot na ako ng papel sa loob ng garapon na hawak niya. "This is truth. Do you think you'll marry your current boyfriend/girlfriend?"
"Nice question," Kumento niya. "Answer that!"
"To be honest, hindi ako sigurado. Kasi hindi ko pa naman nakikita ang sarili ko na naglalakad sa altar at hinihintay ako ni Oliver doon. Saka, no one knows what will happen next, but I will just think positive and hoping that he would be the right person for me, kahit sabihin pa ng ibang tao na mahirap kalabanin ang first love, I want to prove them that not all the times they are correct. Doon dapat ako titingin sa positive side ng relasyon naming dalawa para maging matatag ito. That's it."
"You seemed that you really inlove with him, too, right?" He smiled little.
"Yes!"
"I see..."
"Masyadong serious itong mga pinag-uusapan natin. Sana funny manlang mabunot mo."
"I hope so. Let's proceed," Binasa niya agad kung ano ang nabunot nito. "Dare, let the person draw on your face with a pen."
"Nakow, wala naman akong dalang pen," Dismayado kong sabi.
"Wala rin ako."
"But good thing! I bring my liptint, we can rather use this than a pen. You still up?"
He bit his lower lip. "Sige na nga, basta maliit lang na drawing."
"Okay," Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang liptint sa loob. "I'll start."
Habang gumuguhit ako sa mukha niya ay hindi ko maiwasan ulit ma-distract. Medyo malapit ang mga mukha namin katulad kanina at nakatitig lang siya sa akin. "Bakit ba lagi na lang ako biktima ngayon araw? Naka-dress na nga, may drawing pa sa mukha."
Napangiti ko dahil sa sinabi niya. "At least, you make me happy."
Lumawak ang ngiti nito. "Mabuti naman. Ayun ang importante."
After a seconds, natapos na rin ako sa pag-dra-drawing sa mukha niya kahit medyo awkward. It just a small heart, sa tabi ng mata nito.
Hindi muna naming pinagpatuloy ang paglalaro dahil medyo nakaramdam na rin kami pareho ng gutom. But the bad thing is, walang rice ang nagtitinda sa mga vendors. Panay palamig or street food lang ang nandoon ngayong araw. Kumain pa rin kami kahit paano.
Mga 2 nang bumayahe na kami pauwi, kulang 'yong mga pagkain na kinain namin kanina kaya dumaan muna kami sa Drive thru ng Jollibee. Ipinagpatuloy na namin ang paglalaro at halos lahat ng nabunot namin ay kalokohan na lamang. Kaya ang tawa namin ay hindi na maubos-ubos.
"Thank you," Full smiled kong sabi sa kanya nang pagkauwi namin. Nag-enjoy ako sa road trip namin ngayon yet, it was a simple road trip but I still enjoy it, especially the game we did.
"You're welcome," Ngumiti rin ito ngunit may something sa ngiti niya na may halong lungkot. Hindi ko na lang iyon pinansin at aakma nang maglakad papasok sa gate namin. "Saglit lang, Jamilla."
Mas lalo akong kinabahan sa pagtawag niya ng pangalan ko. Humarap agad ako sa kanya. "Why?"
"May isa pang papel dito sa loob ng garapon at ako na 'yong sunod. Sayang naman kapag hindi nagawa," Kinuha niya 'yong natitirang papel at binasa ito. "Admit a lie."
"Hindi kita gusto. That's a lie," Ngumiti ito sa akin but it can't even reach his eyes. Naguluhan ang utak ko sa sinagot niya.
"Huh?"
"Hindi nga kita gusto."
"Hindi kita maintindihan."
"Sige, gusto kita."
"Baliw," I chuckled in sarcastic tone.
"Did you remember those pieces of paper you've receive? I admit that it was came from me. I like you, Jamilla. No, I love you."
"Are you serious?"
"Jamilla, mahal kita kahit hindi mo halata, mahal kita kahit paulit-ulit ko kayong nakikitang masaya ni Oliver, at mahal kita kahit nasa piling ka na niya. Like what I was saying earlier, huling pagkakataon na ito. Huwag mo na akong pansinin, huwag mo na akong batiin, huwag mo na akong ngitian at huwag mo na akong intindihin. Layuan na natin ang isa't isa. Okay lang ako. Ayaw ko nang mapalapit pa sa iyo lalo dahil sinasaktan ko lang sarili ko."
"Prince..."
"For the last time, Jamilla, Thank you for being my inspiration even for a short time," Ngumiti ulit ito sa akin. "Gumawa tayo ng kasunduan, buburahin kita sa isipan ko at burahin mo na rin ako sa isipan mo. Paalam. Stay trong kayo ni Oliver."