Chapter 59: The Evidence
Almost 2 hours akong naghintay sa labas ng Mansion nila Daenice, nakatulala at kung minsa'y hindi namamalayang tumutulo na ang aking mga luha. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naisipan kong umuwi na lang ngunit natatakot akong baka mapahamak si Oliver sa loob. Kaya kahit matagal, nagtiis akong maghintay.
Bumukas ang gate kaya agad kong inayos ang sarili, bumungad sa akin si Daenice. Pula na ang hitsura nito na dulot ng kalasingan.
"Oh? And'yan ka pa rin pala," Hindi ako sumagot at hininintay lang kung anong sunod niya pang sasabihin. "Lunod na lunod na sa kalasingan ang Bebe mo, ayaw niya pang magpaawat sa gitna ng dance floor, tuloy lang sa pagsayaw at paglaklak. You wanna see him, right? Pinapayagan na kitang pumasok," Tuluyan niyang binuksan ang gate at inilahad pa ang palad na animo'y welcome ako rito.
Nag-aalinglangan pa ako kung tutuloy ba o hindi. "Pakipot pa?" Nagsimula na akong maglakad.
Pagkarating ko sa mismong party I almost caught the attention of the crowd, dahilan upang bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Halos lahat sa kanila ay kilala ako bilang girlfriend ni Oliver. Halo-halo ang nababasa kong expression mula sa kanilang mga mukha, may mga nagbubulungan at may nag-aalala ang tingin sa akin. Alam kong lahat sila ay alam ang issue tungkol sa amin ni Daenice.
Hindi ko pinansin ang mga tao, sa halip ay agad kong inilibot ang paningin para mahanap si Oliver, maglalakad na sana ako papuntang crowd para mapadali ang pghahanap ngunit nagulat ako nang magsalita si Daenice gamit ang microphone.
"Good afternoon, everyone!" Full energy niyang sabi. The party music sudden stopped to play. Tumingin sila sa direksyon ni Daenice; na katabi ko lang. "Since we are all enjoying my party, ayaw kong hindi ito magiging memorable sa inyong lahat. Actually, this moment whould be my best gift in to my life if I will succed on this, that any materials things can't even beat it. This is it!"
Halos lahat ng tao ay nagtataka kung anong sinasabi ni Daenice. Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ngunit siguradong may hinding magandang mangyayari.
"But before anything else, you guys, all knew that this girl besides me is Oliver's girlfriend, right?" Lahat ng tao ay tumingin sa akin bago ulit ideresto ang tingin kay Daenice, they litsen carefully on what she was talking to. "But let me clarify it, it was just a fake news, fake relationship, because Oliver is a fake and Jamilla is his victim."
Gulat akong tumingin sa kanya. Lahat ng tao ay nagsimula nang magbulungan. Samatalang ako, walang magawa kung hindi, tumayo at hintayin ang sunod nitong sasabihin. Hindi ko siya maintindihan.
Ngumisi muna ito sa akin bago magsalita muli. "You heard it right. She's a victim, laruan ni Oliver. In short, siya ay isa lamang pantapal sa sakit na iniwan ni Angel kay Oliver."
"Anong sinasabi mo? Hindi totoo iyan," Konti na lang sa salita niya, malapit na akong bumigay.
"Ay? Wala kang kaalam-alam sa nangyari? Let's say na laging sweet si Oliver sa iyo kapag kaharap mo ito, ngunit sa likod nito nandoon ang kasinungalingan niya. Inuuto ka lang niya sa mga simpleng bagay pero go na go ka naman. Huwag ka kasing masyadong magpakain sa mga mabubulaklak nitong pananalita, iyan tuloy mukha kang tang*!"
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas at naramdaman kong sinampal ko ang kanan pisgi niya. "Huwag na huwag mong pina-block mail si Oliver!"
Gumanti siya ng sampal sa mukha ko. "Punyeta ka! Ikaw na nga itong ginigising sa katotohan, ikaw pa itong may ganang manakit! You should thank me after all. Dahil kung hindi sa akin, patuloy ka lang niya sinasaktan patalikod!"
"How can you be so sure?!"
"Gosh! Gusto mo ng evidence? Kay Oliver ka maghanap!"
"Sabihin mong sinisiraan mo lang si Oliver. That's it! Desperada ka kasing magustuhan ka rin niya. Masyadong ka kasing insecure sa akin."
Bahagya itong tumawa na nang-aasar. "You're funny. Hindi mo ba naalala ang sinabi ko sa iyo kanina? Today is Angel's death anniversary. I'll repeat, today is Angel's death anniversary. Klaro?"
"Pati ba naman siya ay idadamay mo pa? Patay na nga iyong tao."
"Patay na nga 'yong tao pero siya pa rin 'yong mahal ni Oliver. Hindi ko alam kung bakit ang bob* mo. Samantalang, dati ang talino mo kapag kaharap ako ngunit bakit ngayon, binago ka na ba ni Oliver?" She paused. "Basically, kaya um-attend si Oliver ngayon ay dahil gusto niyang magpakalunod sa kalasingan para makalimutan si Angel kahit sandali lang."
Lumakas ang bulungan ng mga estudyante. "Who's Angel? I thought she is the fiction character of Oliver on his story?" Tanong ng isang babae kay Daenice.
"Definitely," Humarap na ulit ito sa crowd. "Hindi niya pa kasi in-open up sa inyong lahat na ang istoryang ito ay base on his personal experience. Kumbaga, siya si Film. Parang kinukuwento ni Oliver ang first love niya and also his first heartbreak dito. Lahat naman tayo ay naiyak sa ending dahil namatay ang babae, 'di ba? Basically, kaya lasing na lasing si Oliver ngayon ay dahil sa babaeng 'yon. Yep, totoong tao si Angel. Gusto makalimutan ni Oliver si Angel kahit panandalian lamang. Dahil mahal niya pa ito. Dahil hindi pa siya nakaka-move on dito. Dahil siya pa rin. And this girl besides me is just his toy o remedyo."
Nagulat ang mga tao, samantalang ako ay hindi na nakaimik pa at itinungo na lang ang ulo. Bumigay na ang aking sarili sa nangyari, ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay lumaya na. Hindi na kaya ng puso ko ang mga sinabi niya. Pero kailangan ko pa rin paninindigan 'yong tiwala ko para kay Oliver. Hindi ako maniniwala hangga't wala siyang napapatunayan.
"Boys, puwede niyo bang dalhin dito ang Bebe ng babaeng ito?" Agad akong may natanaw sa dance floor na may inaakay ang mga kalalakihan. Parang binabasag ang puso ko nang makita kong si Oliver na pulang-pula na ang hitsura dahil sa kalasingan. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan. Nang medyo malapit na sila sa amin, I immediately walked towards them and help them by guided him. "Hinahanap na ng kama ang katawan ni Oliver ngayon. Puwede mo na siyang ihatid sa bahay. Sana kapag nakarating ka na sa condo niya, handa ka nang matauhan. Huwag kang maging tang*, girl."
Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretsong naglakad palabas ng Mansion nila. Mabuti na lang talaga at tinulungan ako ng mga kalalakihan para akayin si Oliver sa taxi.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. He was lying on my lap, he was already in a deep sleep. Amoy na amoy ang alak mula sa katawan niya.
Habang pinagmamasdan ko siya, naalala ko 'yong mga sinabi ni Daenice sa maraming tao kanina. He's still inlove with Angel? Kahit anong pilit kong itanggi na hindi iyon totoo, tumutusok pa rin iyon sa puso ko. May tiwala ako kay Oliver, sinabi niya sa akin na naka-move on na siya kay Angel noon. Iyon dapat ang paniwalaan ko.
Pinunasan ko ang mga luha na unti-unti na namang tumutulo sa mga mata ko. Nakakainis, napakahina ko talaga. Kanina pa ako iyak nang iyak.
Nahirapan akong akayin siya papunta sa condo niya. Inihiga ko agad ito sa couch, sa may living area at agad pumuntang banyo para kumuha ng maliit na tuwalya na puwedeng ipangpunas manlang sa katawan niya.
Pagkatapos ko siyang punasan ay nag-aalinglangan pa ako kung papalitan ko pa ba ang damit niya, but evantually, hindi ko na rin ginawa dahil medyo nakaramdam na ako ng hiya. Tumabi ako sa kanya at bahagyang hinihimas ang mukha nito.
Kung totoo man ang sinabi ni Daenice, tatanggapin ko na lang. Pero gusto ko munang malaman ang rason niya kung bakit niya ginawa sa akin iyon?
Napadako bigla ang paningin ko sa pinto ng kuwarto niya. May kung anong espiritu sa akin na nagtutulak na pumasok doon. Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko malaman kung bakit. Agad akong tumayo at dahan-dahan pumunta doon.
This is would be my first time to enter to his room, since hindi niya ako pinapayagan pumasok doon. Kung nasa wisyo lang si Oliver, siguradong magagalit siya sa akin, at pipigilan agad ulit ako.
Pagkabukas ko ng door knob, napatakip agad ako ng aking bibig. Natigilan ako at bahagyang inilibot ang paningin. Isipin ko man na nag-ha-hallucinate lang ako, pero hindi talaga iyon ang nangyayari sa akin ngayon. Totoo itong nakikita ko, totoo itong bilang ebidensiya na sinasabi ni Daenice, totoo itong kailangan kong magising sa kasinungalingan ni Oliver.
Nagsimula na agad akong maglakad para masilayan maigi ang mga litrato ni Angel na nakadikit sa wall, naka-hanging mula sa kisama, at mga picture frame na nasa side table ng kama niya. Punong-puno ng pictures ni Angel ang kuwarto niya and some of this, I already seen when Oliver was decluttering the pictures of her. Nabiktima ako ng isang sinungaling, hindi totoong itatapon niya ang mga iyon dahil gagawin niya palang ganito. Ang sakit lang mahuli na 'yong taong mahal mo ay hindi pa rin nakaka-move on sa past niya.
"A-angel?"
Lumabas ako ng kuwarto nang marinig ko ang binubulong ni Oliver. Tinatawag niya ang pangalan ni Angel. Kahit masakit, deresto lang ang tingin ko sa kanya and waiting what the next words he'll said.
"A-angel?" He repeated. Hinayaan ko lang umagos ang mga luha ko. Punyeta, kailan ba ito mauubos?
"I.. miss you...and... I.. love you.. Please come back to me.."
Twelve words but my heart get hurts. Kasabay rin ng pagkawala ng pag-asa at tiwala ko sa kanya. Ayaw ko na, pagod na akong masaktan sa araw na ito. Tigil na.