Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 63 - Chapter 61

Chapter 63 - Chapter 61

Chapter 61: Book of Our Story

One week later, I still didn't let Oliver explain his side to me, kahit araw-araw siyang nasa tapat ng bahay ko at hinihintay pa rin ako, hindi ko pa rin siya binibigyan pansin. One week later, nawala na rin 'yong kumakalat na video ko, nawala na rin 'yong nga nangba-bash kay Oliver. Kahit paano ay nakampanti na rin ako dahil maraming estudyante sa school ang nag-defend sa amin, lalo na kay Oliver.

Natutuliro ako tuwing iniisip na nasa labas lang ng bahay namin si Oliver. Hindi ko alam kung paano niya natitiis maghintay d'yan ng buong maghapon, umuuwi lang kapag gabi na.

"Ano ba talagang problema niyo ni Oliver?" Napatingin ako kay Kuya habang nakain na ng hapunan. Hindi pa rin nauwi si Mama.

"Basta, Kuya."

"Anong basta lang? I want you to talk to him right now. Ayusin niyo ang dapat ayusin. Kawawa 'yong tao."

Agad siyang tumayo sa inuupuan niya at hinigit ako papunta sa main door namin, naalarma ako dahil hindi pa ako handa para kausapin siya ngayon. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi ko pa rin siya mapigilan sa ginagawa niya.

Ni-lock ni Kuya ang gate namin kaya wala akong choice kundi, makulong sa paningin ni Oliver. Punyeta, anong gagawin ko rito? Hindi pa handa ang tainga ko para makinig.

"J-jamil-"

"Huwag mo akong kausapin." Sumandal ako sa gate at napahilamos ng mukha.

Tumahimik siya at umupo sa sidewalk ngunit ang kaniyang mga mata ay deretsong nakatingin sa akin. "Don't look at me like that."

"Dapat ba ganito?" sabi niya at mas pinaawa pa ang mga mata.

"Pilosopo."

Nanatili lang na awkward ang bumalot sa amin dalawa, hindi na rin ito nakatingin sa akin. Lumipas pa ang 20 minutes but we're still in the silent mode, kahit alam kong kating-kati na siyang magpaliwanag sa akin, binibigyan niya pa rin ako ng respeto. Ayaw ko siyang kausapin dahil natatakot ako sa maaari niyang ipaliwanag, na baka nga aminin niyang mahal niya pa rin si Angel at hindi pa siya nakaka-move on dito. Nasa wisyo na si Oliver, hindi na siya lasing. Malaki 'yong chances na iyon ang aminin niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magsimula itong kumanta.

Sorry na, Pwede ba by Kaye Cal

Di ko nais na magkalayo tayo

Nagselos ka at nilayuan mo ako

Buhay nga naman tunay bang ganyan

Bumalik ka naman

Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okay lang basta't magkabati tayo

Minamahal kita hihintayin kita

Sorry na pwede ba

Nakatitig lang ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Naalala ko na naman 'yong litrato na nakita ko, kung paano niya bigkasin 'yong pangalan ni Angel at sinabing mahal niya pa ito. Nararamdaman ko na naman 'yong sakit sa dibdib ko.

Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako oh baby

Huwag sanang magtampo

Sorry pwede ba

Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okay lang basta't magkabati tayo

Minamahal kita hihintayin kita

Sorry na pwede ba

Napalunok ako ng laway when I feel the tears starting running out from eyes. Agad ko rin iyon pinunasan dahil ayaw kong pagkalingon niya sa akin ay makita niya iyon.

Ito na naman ako, umiiyak na naman.

Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako oh baby

'Wag sanang magtampo

Sorry pwede ba

Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako oh baby

Wag sanang wag sanang magtampo

Sorry pwede ba

Sorry pwede ba oh yeah

Sorry pwede ba

Kahit anong punas ang gawin ko sa mga luha ko ay hindi ko pa rin magawang pigilan ito sa pag-agos. Nakaramdam ako ng kaba when he suddenly turned to me. Agad siyang tumayo at akmang lalapit sa akin ngunit pinigilan ko ito.

"Huwag kang lalapit sa akin," humihikbi kong pigil sa kanya.

"J-Jamill-"

"Tarantado ka, ano?" sabi ko. "Nagbibigay ka na naman ng dahilan para mahulog pa ako lalo sa iyo. Hindi puwede ito. Ayaw ko na sa iyo! Ayaw ko na sa isang taong nagkukunwaring mahal ako."

Agad akong tumakbo papunta sa bahay ni Prince, pagkatok ko ng isang beses ay agad niya rin akong binuksan. Rinig ko pang tinatawag ako ni Oliver but I ignored him. Sinaraduhan ko agad siya ng pinto.

"B-baki-" Hindi na niya naituloy ang itatanong niya dahil agad ko siyang niyakap at umiyak nang umiiyak. He gently tapped my shoulder and kissed the top of my head, hindi na ako nagpumiglas doon at hinayaan na pang siyang halikan ang aking buhok.

I stayed at his house until dawn, hindi ako pinapansin ni Prince ngunit nandito lang siya sa living area niya, nanonood ng TV. Habang ako naman ay nakahiga lang sa sofa at nakatulala. Gusto ko man matulog kaso ayaw ng diwa ko.

Kinabahan ako nang may kumakatok sa pinto. Posible kayang si Oliver iyan? Pero hindi naman siguro kasi kung pupunta iyon dito, dapat kanina pa siya kumatok d'yan.

Prince started to walk towards the door and slowly open it a little, may kinausap muna ito bago niya tuluyan buksan ito, nakita ko si Kuya na papalapit sa akin.

"Dapat pala hindi muna kita pinilit kausapin siya. Ngayon ko lang napanood 'yong video mo at hindi ko gusto 'yong nangyaring pinahiya ka sa harap ng maraming tao dahil kay Oliver. Sorry, uwi na tayo?" Bahagya niya akong niyakap.

Sumama na ako sa kanya. He thanked Prince by comforting me. Kapansin-pansin na paglabas namin ng bahay ay wala na si Oliver. Hindi ko na tinanong si Kuya dahil alam kong pinauwi na niya ito.

-

Itinuon ko na lang ang pansin sa pag-aaral ko. Days has passed but there's no Oliver waiting me outside my house right after what happened that night. Hindi na rin ito napasok at bali-balita sa school na ng-drop out na raw ito. Some students kept asking me about what happened to him but I prefer to ignored them, wala akong idea kung bakit hindi na siya napasok, kung bakit hindi na ito nagpaparamdam at kung bakit umalis na lang siya bigla.

Nag-aalala ako, oo. Kasi hindi ko kayang itigil 'yong utak ko para mag-isip ng posibilad na nangyari sa kanya. Kung naaksidente ba siya? Kung nagpapa-miss lang ba siya? Kung kusang iniwan na niya lang talaga ako? At kung baka may surprise na naman siyang ginawa like what he did before?

-

Weeks has passed, confirmed na nag-drop out na si Oliver at lumipat na raw ito ibang bansa. Hindi ko manlang siya nakita o nakausap. Hindi na ako makatulog tuwing gabi dahil binabagabag ako ng aking konsensiya.

"Are you okay?" Claire asked me.

I shrugged. "No."

Nandito kami sa cafeteria at nakain na ng lunch ngunit ako, hindi ko magawang galawin ang pagkain ko, tanging juice lang na paubos na.

"Na-gui-guilty ako. Kung kailan nawala na siya, saka ko naman siya hinahanap-hanap pero no'ng alam kong nasa tabi ko lang siya, hindi ko siya hinyaang magpaliwanag." Huminga ako nang malalim. Naramdaman kong hinihimas nila ang likod ko.

"He will come back soon. Bigyan mo muna ang sarili mo ng pahinga para sa pag-ibig na katulad ng ganyan," sabi ni Claire.

"Tama, huwag mo muna siya isipin, baka maapektuhan ang pag-aaral mo," dagdag ni Jess.

-

On the next day, sinusubukan kong huwag isipin si Oliver. Ngunit sadyang nanadya ang kapalaran dahil may nakita akong libro sa ibabaw ng lamesa ko. Wala pa ang mga kaklase ko at tanging ako pa lang ang nasa loob ng room.

Binasa ko ang title ng libro.

Your Broken Trust

"Sa akin ba ito?" sambit ko.

Plain baby blue color ito at font lang ng title pero meron pa ring synopsis sa likod ng libro. Nanigas ako sa kitatayuan ko nang mabasa ko ang pangalan ko at ang pangalan ni Oliver. Out of my curiosity, agad kong binuksan ang libro at nagbasa ng kahit isang page lang.

Nang mapunta ako sa chapter 1 ay gulat akong mabasa 'yong eksaktong nangyari sa amin sa una naming pagkikita. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngayon alam ko na kung kanino galing ito, galing ito kay Oliver. Lumabas ako ng room at umaasang nandoon si Oliver ngunit dismayado akong makitang wala siya doon.

Isinulat ba niya 'yong mga nangyari sa amin dalawa katulad ng ginawa niya sa kanilang dalawa ni Angel? Imbes na makaramdam ako ng tuwa, nakaramdam ako ng lungkot. Tumatakbo ang isip. Posible bang ginawa niya lang ito para aminin sa akin ang lahat?

Hindi ba niya nakayanang maghintay para sa pagkakataon na hahayaan ko na siyang ipaliwanag sa akin ang lahat nang harap-harapan kaya gumawa siya ng libro at dito niya ilalabas ang katotohanan na mahal niya pa rin si Angel, na hindi pa siya nakaka-move on dito?