Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 33 - Chapter 31

Chapter 33 - Chapter 31

Chapter 31: I Can't

Agad akong bumangon sa akin pagkakahiga nang magising agad ako. 6:30 pa lang ng umaga ay nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Hindi na ako makapaghintay sa gaganapin na programa sa school namin na 'Family day' at shempre kasama ko ang pamilya ko. Sobrang excited na talaga ako.

Nang matapos ko nang ayusin ang aking sarili ay tumakbo na agad ako sa dining area para kumain na ng breakfast kaso pagkarating ko, walang akong makitang mga pagkain na nakahanda at wala sila Mama, Papa at Kuya. Asaan kaya sila? Nakalimutan ba nila na may Family day ngayon sa school? 7:30 pa naman ang start no'n.

"'Pa? 'Ma?" Tawag ko sa kanila ngunit walang sinuman ang sumasagot sa kusina. Naisip ko na baka tulog pa sila o nag-aayos pa lang ng kanilang mga sarili kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto nila.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang may marinig ako na parang may naiyak mula sa kwarto nila Mama at Papa, dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto nila. Nang pagkarating ko, unti-unti kong binubuksan ang pinto at bahagya munang sumilip.

Napakunot ako ng noo nang makitang umiiyak si Mama habang may niyayakap na papel.

"Mama, ba't ka naiyak?!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo papalapit. Mas lalo akong nanghina nang tumingin siya sa akin, kita sa mga mata niya kung gaano siya nalulungkot ngayon dahil sa pagiging pula ng mga ito.

Niyakap ko siya nang mahigpit at niyakap niya rin naman ako ng pabalik. Ano bang problema? Dapat masaya siya ngayon kasi nga family day.

Hindi ko alam kung bakit bigla rin akong napaluha nang makita si Mama, siguro kasi ayoko siyang makitang naiyak, dahil nasasaktan ako.

Ilan minuto rin kaming nanatiling magkayakap habang patuloy pa rin kaming naiyak. Inilayo ko ng kaunti ang aking sarili mula sa kanya at tinanong muli siya.

"Bakit ka po naiyak? Asaan po ba si Papa?" Nag-aalala kong tanong.

"A-anak..." Lumuha pa siya lalo at niyakap ulit ako. Hindi ko maintindihan, bakit ba siya ganiyan? "Iniwan na niya tayo." Nagulat ako nang sinabi niya 'yon.

Mas lalo akong napaluha at tinanggal ulit ng pagkakayakap. "Hindi po, baka bumibili lang siya ng pandesal sa labas. Hindi niya po tayo magagawang iwan dahil mahal niya po tayo at maraming promise pa nga po 'yong mga sinabi niya 'di ba?" Maiyak-iyak kong saad.

"Hindi, anak. Totoong iniwan na niya tayo." Napatingin ako sa hawak niyang papel habang dahan-dahan niya itong binibigay sa akin.

Kinuha ko naman ito at dahan-dahan binasa.

'Aalis na ako, mahal. Pasensiya na kung iiwan ko man kayo. Ayokong habang buhay akong nagpapanggap na okay lang ako, na wala akong tinatago na malaking kasalanan. Mahal, nakabuntis ako at kailangan nila ng tulong ko. Hindi ko sinasadya na nasira ko ang pamilya natin, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo.'

Umagos na naman ang mga luha ko dahil sa galit at sakit na nararamdam ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano nagawa nito ni Papa sa amin.

"Paano na po 'yong Family day sa school? Alam niyo naman pong ayun 'yong lagi kong inaabangan every year. Hindi na po ba matutuloy?" Mangiyak-ngiyak kong tanong. Tumingin siya sa akin at bahangyang tumango. Ang sakit, ang sakit-sakit.

"Bakit kayo naiyak?" Napatingin ako kay Kuya nang pagkapasok niya, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Imbes na sagutin siya ni Mama ay niyakap niya na lang din agad ito. 15-year-old na si Kuya kaya may pagka-matured na siya, alam kong alam na niya kung bakit kami naiyak.

Lumapit ako sa kanila at nakiyakap din.

"'Ma, Jamilla. Tahan na kayo, iniwan man niya tayo, nandito naman ako kaya huwag na kayong umiyak." Sabi ni Kuya at bahagyang pinunasan ang mga luha namin sa pisge.

"Salamat mga anak." Saad naman ni Mama. Napatingin ako kanya at ningitian, ngumiti rin naman siya nang pabalik sa akin pero alam kong peke lang iyon.

-

"Kuyaaaa!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw nang makitang naiyak si Mama habang may hawak na napakaraming gamot. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa gulat. Ano bang ginagawa ni Mama? Magpapakamatay ba siya?

Napatingin naman sa akin si Mama habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nandito pa rin ako sa may pinto at hindi magawang lapitan siya.

"B-bakit?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya, agad ko naman itinuro sa kanya si Mama at agad rin naman niya itong nilapit at kinuha lahat ng gamot na hawak ni Mama.

"'Ma! Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ni Kuya.

"Just let me to do on what's I know it's better for me." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama habang pilit na kinukuha 'yong mga gamot mula kay Kuya.

Nanatili lang akong nakatayo at hindi magawang sila ay malapitan. Ang sakit lang, dahil lang kay Papa, magagawa niyang magpakamatay.

"Hindi ito 'yong tama, Ma."

"Anak... Mahal ba talaga tayo ng Papa mo? Bakit pinili niyang gumawa ulit ng bagong pamilya? Kulang pa 'yong pagmamahal ko sa kanya? Hindi pa ba tayo sapat?"

"Hindi ka nagkulang, Ma. Dahil iyong pagmamahal mo ay sobra-sobra. Si Papa ang may problema."

"Hindi, anak. Kasalanan ko 'to, dapat pala lagi ko siyang nilalambing, niyayakap, hinahalikan. Tingnan mo, hindi tayo okay."

"'Ma, alam kong mahal ka niya. Nakalagay naman sa sulat 'di ba?"

"Paano kung hindi totoo 'yon? Paano kung sinulat lang niya 'yon para hindi niya ako masaktan?"

"Pero kami, mahal ka namin. Huwag mo na siyang isipin, Ma." Niyakap ni Kuya si Mama habang patuloy lang itong umiiyak.

Nakita kong sumenyas sa akin si Kuya na lumapit sa gawi nila ngunit hindi ko magawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa saksihan ko kanina.

Paulit-ulit lang ako humihinga nang malalim at sinumulan maglakad nang dahan-dahan sa kanila. Nang pagkalapit ko ay dahan-dahan ko sila niyakap. Mas lalo akong napaluha nang makitang sobrang pula na ng mga mata ni Mama. Gano'n ba talaga 'pag nagmamahal, kailangan ay nasasaktan?

Napatingin ako kay Kuya nang maramdaman na parang hindi gumagalaw si Mama. Tumingin din agad ako kay Mama na nakapikit lang habang nakasandal sa balikat ni Kuya. Agad akong nataranta at hindi alam kung anong dapat kong gawin.

"Kuya, si Mama." Mahina kong bulong.

"Ma!" Sigaw ni Kuya kay Mama ngunit hindi pa rin ito gumigising.

"Dalhin natin siya sa ospital, Kuya."

Agad naman binuhat ni Kuya si Mama at agad din tumakbo palabas ng kwarto. Nakasunod lang ako sa kanila habang patuloy lang sa pag-iyak.

Sumakay agad kami sa kotse at sinumulan na patakbuhin ni Kuya. Nakaupo ang ako dito sa back seat habang nakahiga si Mama at nakaunan sa aking mga hita.

Tumingin ako sa kanya at bumulong. "Mama, huwag mo kami iiwan."

-

"Wake up, Jamilla!!" Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pagkabila kong pisnge. "Bakit ka naiyak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Calire.

Imbes na sagutin ko 'yong tanong niya ay umupo ako sa kama at itinungo ang ulo sa mga tuhod ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang ramdam kong hinahagod ni Claire at Jess ang likuran ko.

Panaginip lang pala. Kaso 'yon 'yong panaginip na totoong nangyari sa akin na kahit kailan 'yon ang pinakamasakit na naramdaman ko. Ang sakit-sakit talaga. Bakit kasi nakita ko pa ulit si Papa, e di sana tuluyan ko nang kinalumutan 'yong mga nangyari noon at hindi ko na napanaginipan pa. Nakakainis.

"Napanaginipan ko 'yong pag-iwan sa amin ni Papa."

"Tahan na. Past is past." Naramdaman kong niyakap ako ni Jess at maging si Claire. "Jamilla, after the greater storm, there are always a brigther rainbow. Magiging okay rin ang lahat."

-

Naiwan akong mag-isa sa kwarto, lumabas sila Claire at Jess dahil siguro naramdaman nilang kailangan ko muna mapag-isa. Mga ilan oras din akong nakatingin mula sa labas ng bintana.

Agree ako sa sinabi ni Jess, there are always a rainbow, but how can I get it? Daan ba kapag pinatawad ko si Papa?

Tumingin ako sa pintuan ng makitang bumukas ito at pumasok si Oliver. Bigla akong napatanong sa sarili ko nang mapagtanto ko na kung bakit ako dito sa kama nagising e, siya naman 'yong huling kasama ko kahapon. Nevermind. Dinala niya siguro ako rito.

"Remember your promised? Nasa dining area na 'yong Papa mo, hinihintay ka." Bungad niya sa akin. Iniba ko ulit 'yong tingin ko at tumingin ulit sa labas ng bintana.

"I can't."

"Nag-usap na tayo about dito, 'di ba?" Mahinahon niyang tanong pero alam kong may diin.

"Sabi ko naman sa iyo, hindi ko nga kaya!" Bulyaw kong sagot sa kanya. "Leave me alone."

"Jamilla."

"I said, leave me alone. Bigyan mo muna ako ng space."

"Jamilla." He whispered again.

Tumayo ako mula sa kama at agad tumakbo papasok sa banyo, ni-lock ko 'yong pinto at umupo sa isang sulok. Ang kulit niya talaga.

"Open the door!"

"Hindi mo alam 'yong sakit na naramdam namin ni Mama kaya please lang, just accept my decision!"

"Nandito naman ako."

"Oliver, ayokong magdesisyon na ikaw at ako lang. Kailangan ko ng tulong ng pamilya ko dahil alam kong sila ang may alam kung ano ang tama. Sana maintindihan mo."

Kaming tatlo 'yong nagtiis nang nawala si Papa kaya kailangang kaming tatlo rin ang sama-sama para magdesiyon, lalo na't ito na 'yong pinakamalaking bagay na kailangan talagang pag-isipan. Takot akong gumawa ng mali, na sa tingin ni Oliver ay tama.

-

12:30 Pm nang matapos kami sa pag-aayos ng mga gamit at ng aming mga sarili. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakausap nang maayos ng mga kaibigan ko, kapag may tinatanong sila sa akin, tipid lang akong sumagot. Samantalang si Oliver naman ay hindi talaga ako pinapansin, alam kong galit siya sa akin base sa pagkilos niya.

After we all done with ourselves, pumunta muna kami kila Tita Bella para magpaalam.

"Jamilla." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako nang pabalik. "Sana pagkabalik niyo rito, okay na."

"Alis na po kami." Niyakap ko siya at tuluyan nang magsimulang maglakad papunta sa trycicle na nakaparada sa kalsada. Umiwas lang ako kung ano ang sasabihin niya because I know she also wants me to forgive my father too. Pareho lang sila ni Oliver.

Nang pagkasakay ko ay agad din sumakay si Oliver sa tabi ko. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

"Oliver." Bulong ko.

"Hm.." Tumingin siya sa akin, nadismaya ako when I saw his eyes, it was full of disappointment. Hindi ko siya masisisi kasi 'yong promise na pinilit niya sa akin kahapon ay hindi ko ginawa.

"I'm sorry for being afraid with my Father lately. Kailangan ko muna malaman kung anong desisyon nina Mama at kuya bago ako." Ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Hindi talaga kita kayang tiisin. Sige, I will respect your decision."

"Thank you."