Chapter 36: First Kiss
Katatapos ko lang gamitin 'yong laptop niya dahil sa low battery na rin ito. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang thousands na 'yong mga react ng bawat post ko. Hindi ko inaasahan na magiging sikat ako. Even though, hindi ko hangad na sumikat. Can't imagine that before I'm just an ordinary girl but now it has change a lot. Gosh.
Agad akong tumakbo nang mabilis when I heard there's a someone knocking from our door. Ayan na yata 'yong pinapa-deliver ni Oliver. Gosh. Gusto ko nang kumain ng pizza.
Sabay lang kami nakarating ni Oliver sa pinto kung kaya't siya na ang nagbukas nito.
"Good afternoon, sir. Here's your order from milk tea house. 2 okinawa large milk tea and also large pepperoni pizza. 390 php in total," Nakangiting sabi no'ng delivery guy. Inabot na ni Oliver ang bayad kaya akin nang kinuha 'yong mga milk tea at kay Oliver naman 'yong sa pizza. "Thank you!" Ngumiti lang si Oliver at isinarado na 'yong pinto.
Dumaretso na agad ako sa couch at agad nang binutas 'yong milk tea gamit 'yong straw. Grabe, ang sarap talaga ng okinawa flavor. Mabuti't ito 'yong flavor na napili ni Oliver na which is my favorite flavor when it comes to milk tea. Gosh. Ang sarap lasapin.
"Anong oras na?" Tanong ko kay Oliver. Same counch lang naman inuupuan namin at magkaharapan lang kami.
"6 PM. Why? Should I take you back on your home now?" Tanong niya sabay higop ng milk tea na hawak niya.
"Uhmm.. Bago mag-7. Nag-text na naman ako kay kuya at pumayag naman siya."
"Ah, okay."
Habang nakain kami ng pizza, nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. It's look like that we're doing the getting to know each other stage. So that, napag-alaman kong nasa Singapore pala talaga nakatira ang tatay niya. Ibig sabihin, wala siyang kakilala rito sa Pilipinas. Kaya pala minsan ay meron siyang attitude na pang-ibang banyaga. Marami pa siyang ikinuwento sa akin gaya na lang din no'ng kung paano sila ka-sweet ni Angel noon, kung paano sila nagkakilala at kung paano siya nahulog dito. Nalaman ko rin na 'yong Angel na pangalan nito sa story ni Oliver ay tunay talaga nitong pangalan.
"Ang saklap naman kasi talaga ng ending ng story niyo ni Angel, 'no? Siguro, kung buhay pa siya ngayon ang saya-saya niyo pa," Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinain ito.
"Uhmm.. Hindi natin masasabi."
"Why?"
"Because maybe the feeling that I felt before on her is just a puppy love thingy? Kasi ngayon, may nagugustuhan na akong iba," Ngumiti siya at yumuko ng bahagya sabay umiling-iling. Sino naman iyon?
"Sino?"
"Hindi mo kilala? Pwes, malalaman mo rin soon."
"Ang daya mo naman palagi. You've always keep answering me like that. Kailan ko pa malalaman 'yan soon mo? Gosh," Kunot-noo kong sagot at sabay higop sa milk tea na hawak ko.
"Basta. Haha," Napansin ko siyang tumayo bigla at naglakad patungo sa kuwarto niya. Mga limang minuto lang siya rito at lumabas din agad. Napansin kong may hawak-hawak siyang picture frame. "Here, she's Angel."
Kinuha ko 'yong picture frame mula sa kanya at tinitigan 'yong babaeng malayang nakangiti. "Ang ganda niya," Puri ko.
Ang ganda no'ng mukha niya, very innocent and classy ang dating. Alam kong 12-year-old pa lang siya dito pero kung titingnan ay medyo bata pa talaga. Baby face ang mukha, eh. Hindi nakakasawang titigan. Siguro kapag buhay pa siya, hindi na ako magtataka kung magiging model ito, dahil sa ganda niya.
"Alam mo, ngayon ko lang natanggap 'yong pagkamatay niya," Sabat niya. Dumako ang paningin ko sa kanya. Ngumiti siya nang kakaiba kaya nahawa rin ako doon kung kaya't hindi ko mapigilan ang aking labi na ngumiti rin. Genuine.
"Bakit?"
"Kasi ngayon kahit alam kong patay na siya ay alam kong nasa tabi ko lang siya at handang tulungan ako sa mga pagsubok ko. Thankful ako sa kanya, sobra-sobra," He paused until he spoke again. "Look, ang daming opportunities ang dumating sa akin. Isa na doon, 'yong pag-publish ko ng libro that wherein para sa amin talagang dalawa iyon."
"Kapag talaga ay siguro nandito siya, she's very proud of you for your success. You're lucky to have her and I know she's too well," Nakangiti kong mapait na sabi.
I don't know what I'm feeling right know, but I know there's a something bitterness on me. Pagka-bitter sa sarili kong pagkamuhi kay Angel. Gosh. Bakit parang nagseselos ako? Lalo na 'yong nabanggit niya 'yong story nilang dalawa, it kills me a lot.
"Thankful ulit ako sa kanya kasi kung hindi ako sumikat dahil sa story naming dalawa, hindi kita makikilala," Iniwas ko ang tingin ko sa ibang direksyon nang mapansing nakatingin siya sa akin nang deretso. Bakit siya bumabawi? Kinikilig ako. Gosh.
Bumugtong hininga ako at may biglang gumulo sa isipan ko. Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko kay Angel. She's beautiful than me. Meron siyang dating na kakaiba, samantalang ako ay wala. Mukhang mabait dahil sa aliwalas ng mukha nito pero ako puro reklamo na lang. Kitang-kita talaga na mas lamang si Angel kaysa sa akin.
Gosh, Jamilla. Huwag mong isipin iyan. Sinasaktan mo lang sarili mo.
"Change topic," Walang emosyon kong sabi.
"Uhmm.. Okay," Saad niya sabay kagat sa pizza niya. "Napapansin ko na hindi mo palagi dala-dala 'yong panyo mong bigay ng lola mo? Asaan na?"
"Itinabi ko na sa isang kahon. Kung sa ganoon ay magiging safe iyon. Ayaw ko nang dalhin, baka mawala ulit."
"Wala kang napansin na kahit ano doon?"
"Huh? What do you mean?"
"Nothing. Hehe," Weird.
"Eh?"
-
6:30 na ngayon at kasalukuyan kaming nanonood ng palabas na mula sa TV. Medyo nababagot na ako kaya naisipan kong tumayo at libutin ang buong condo niya.
"Where do you go?" He asked.
"Lilibutin ko lang itong condo mo," Nakangiti kong saad. Tumango lang siya sa akin at ibinaling na ulit ang tingin sa pinapanood niya.
Nagsimula akong pumunta sa kusina. Nakalimutan kong isa sa dahilan kung bakit gusto kong pumunta rito ay dahil sa dami ng laman ng ref niya that wherein there are a bunch of chocolates. Agad ko na iyon binuksan at hindi naman ako binigo no'n dahil marami pa rin talaga ang laman. Napakunot ang noo ko nang mapansing wala na 'yong Toblerone na pinagtatalunan namin ni Oliver noon. Wala naman siguro mawawala if I'm going to ask him where it is.
"Oliver? Asaan na 'yong Toblerone rito?" Lumingon siya sa akin sabay ngiti. Gosh, nakakainis 'yong ngiti niya. "Why are you smiling?"
"Itinapon ko na."
"Bakit?"
"Kasi napagtanto ko na, oo nga naman, expired na. Kailangan nang itapon. Dagdag basura," Basura? Ano 'yon? Parang ipinabasura niya rin 'yong memories nila ni Angel doon sa Toblerone? Gusto ko sana itanong iyan kaso huwag na lang.
"You really did it?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes."
"Eh, paano 'yong memories no'n?"
"Kaya nga itinapon ko na para kalimutan ko na 'yon."
"Kahit na. Sayang."
"Besides, kapag hinayaan ko lang 'yon na itambak pa d'yan ay parang sinasabi ko na babalik pa si Angel kahit hindi na talaga. Okay na ako."
"Oh.. Okay," Lumingon na lang ulit ako sa ref at kumuha ng limang kisses. Ayaw ko nang mapahaba pa ang usapan namin. Hindi ko na kailangan magpaalam pa sa kanya na kumuha ng kisses. Feel at home na nga ako rito, ika nga.
Dahil medyo maliit nga lang 'yong condo niya ay tumungo na lang ulit ako sa may living room. Naningin lang ako ng kung ano-anong mga furniture o stuffs doon.
Pagkatapos noon, nagtungo naman ako sa harap ng pinto ng kuwarto niya. Alam kong hindi niya ako papayagang papasukin dito pero hindi naman siguro masama na sisilip lang ako sa gilid ng pinto kahit kaunti.
Simulan ko nang pihitin 'yong doorknob at unti-unting itinutulak ito para walang kaluskos na ingay na baka marinig ni Oliver. Konti na lang ay tuluyan ko na itong mabubuksan ngunit may biglang humawak sa kamay ko at agad isinarado 'yong pinto. Sinundan ko 'yong braso kung sino may hawak ng kamay ko at si Oliver ang natagpuan ko.
"Sorry," sabi ko at itinaas ang mga daliri para mag-peace sign.
"Huwag kang papasok."
"Bakit ba?"
"Basta, bawal."
"Bakit bawal?"
"Kasi nga ay bawal."
"Eh, bakit nga?"
"Kapag bawal, bawal. Huwag nang makulit."
"Ang daya mo naman. Psh," Nilagpasan ko siya at pumuntang balkonahe para mag-night seeing. Medyo madilim na ang paligid, maliban lang sa isang parte ng kalangitan na may kaunti pang liwanag dahil sa paglubog ng araw.
-
Hinintay ko lang na lumubog nang tuluyan ang araw para bumalik na ulit sa loob. Sobrang dilim na ng paligid. Saktong pagtalikod ko para bumalik ay napansin kong papalapit sa gawi ko si Oliver kaya humarap na lang ulit ako sa balkonahe at iniwas ang tingin sa kanya.
Ramdam kong tumabi siya sa akin at biglang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Gosh. Anong kalokohan na naman itong ginagawa niya?
"Jamilla," Rinig kong mahinang bulong niya ngunit sapat na upang marinig kong pangalan ko ang binigkas niya.
"Ano iyon?"
"Harap ka sa akin."
Sinunod ko ang utos niya. Dahan-dahan akong humarap. Laking gulat ko na lamang nang mabilis siyang lumapit sa akin at idinikit ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko ngunit siya'y nakapikit lamang na tila ba ay dinadama ang paghalik.
What kind of sh*t it this? Bakit niya akong hinalikan? Gosh. 'Yong first kiss ko, ninakaw niya. Paano ko mababawi iyon? Gosh, bwiset ka, Oliver!
Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa nangyayari. Nanatili lang akong nakatayo at nanghihina sa halik niya. Ganito pa 'yong pakiramdam na hinalikan? Nanaginip lang ba ako? Gising na, Jamilla. Bangungot ito!