Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 43 - Chapter 41

Chapter 43 - Chapter 41

Chapter 41: Permission

I'm currently now with my family having our dinner. Mabuti't kumpleto na ulit kami dahil minsan ay kaming dalawa lang ni Mama ang sabay kumakain ng hapunan at si Kuya naman is always busy on his school and on his job as well that's why his schedule is always hectic. Working student kasi siya. Nakakalungkot nga kasi we can't have enough time for bonding, kapag umuuwi kasi siya ay pagod na.

"Kuya?" Napatingin siya sa akin. Gusto ko nang ikuwento sa kanya 'yong pagkikita namin ni Rico. Actually, Rico is very close friend of my brother. No'ng nasa Laguna kami, silang tatlo nina Aivin, Prince at Kuya 'yong laging magkakasamang maglaro ng kung ano-ano.

"Why?"

"I have something to tell you about Rico. Remember him? Your one of your close friends when we are in Laguna?"

"Oo naman. Bakit?"

"You're right! Nandito siya ngayon sa Manila at balak mag-transfer sa pinapasukan kong school dahil lang kay Jess," Sambit ko at sumubo ng kanin.

Ngumisi lang siya at nagsalita. "Ang loko, tinamaan nang todo sa kaibigan mo. Tsk. Mukhang kinakatawanan na 'yong kanyang pagbabago."

"Sinabi mo pa. Haha."

"Saan daw siya nakatira ngayon, anak?" Napatingin ako kay Mama nang bigla itong magtanong.

"Ay, I forgot to ask. Itatanong ko na lang po kung makakasalubong ko man siya sa campus," Sagot ko.

"At yayain mo na rin pumunta rito sa bahay para makapag-usap-usap manlang kami, pati na rin si Aivin. Taon na rin 'yong huli namin pagkikita."

"Okay, Kuya. Pero kailan?"

"Sa sabado," I just nodded at him as my response.

"At meron pa po akong nais itanong," Kinakabahan kong sabi. Hindi ko alam kung ngayon na ba 'yong tamang oras para itanong ito o hindi. Kaso gusto ko na agad ng permission galing sa kanila tungkol dito.

"What's it?"

"P-p'wede na po ba ako magka-boyfriend?" I bit my lower lip, at least to lessens my nervous. Hindi ko alam kung anong itutugon nila pero sana nama'y 'yong sagot na gusto kong matanggap ay matanggap ko.

Nagtinginan silang dalawa at tila'y nangungusap ang kanilang mga mata. Ibinaling ulit nila ang tingin nila sa akin at sandali akong tinitigan. Pakiramdam ko, naiihi ako sa kaba. Huwag silang tumingin nang ganyan sa akin, nawawalan ako ng pag-asa.

"May boyfriend ka na?" Tanong ni Mama.

"Wala pa po, kaya nga po humihingi ng permiso," Sagot ko.

"Sino ba iyan tinutukoy mo?" Tanong ni Kuya. Tama bang sagutin ko na si Oliver iyon? Pero kapag sinagot ko nama'y sana pumayag na sila. Gosh, ano 'tong sinasabi mo, Jamilla? Eh, hindi ka pa nga sigurado kung gusto mo rin si Oliver.

"Nothing. Nevermind. Huwag niyo na po palang sagutin," Itinuon ko ulit 'yong atensiyon ko sa pagkain at ipinagpatuloy ulit iyon.

"Bakit naman? Papayagan ka naman namin kung ipapakilala mo sa amin kung sino iyan," Sambit ni Kuya. Hindi ko yata kayang ipakilala sa ngayon si Oliver sa kanila dahil hindi ko alam kung kailan ba balak nitong magpaparamdam sa akin.

"Huwag na nga."

"Pero kapag si Oliver iyan? Basically, I will let you to be her girlfriend," Gulat akong napatingin kay Mama nang sabihin niya iyon bigla. Nanlaki ang mga mata ko dulot ng hindi makapaniwala. Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti at maging maligaya dahil doon. "Am I correct? Si Oliver nga iyon, anak?"

"Y-yes po," Ngiti kong sabi.

"Sabi na nga ba. Pasalamat ka malakas 'yong tiwala ko sa batang iyon. Papayag ako, syempre," Tugon ni Mama. "Ewan ko lang d'yan sa kuya mo." Gosh. It's that real?

Ibinaling ko ang tingin ko kay Kuya, kinakabahan ako dahil seryosong deresto lang ang tingin nito sa akin.

"Ayaw ko sana munang mag-boyfriend si Baby Girl ko kaso dumadalaga na, eh kaya sige, pumapayag na akong maging kayo ni Oliver," I smiled at them widely. Napuno ako ng saya at galak. Hindi ko inaasahan 'yong mga sagot nila dahil akala ko ay hindi muna nila akong papayagan para sa ganoon, but I was wrong because they allowed me to step up with my next step in life.

"It's a part of growing up, Jamilla. So, we will allow you for that. Just for your happiness. Pero payo ko lang sa iyo, Jamilla. Ang pag-aaral pa rin ang gawing unang priority, once na bumagsak ka sa isa sa subjects mo dahil kay Oliver. Mapipilitan akong i-break kayo. Klaro?" Tumango lang ako kay Mama bilang sagot. Hindi ko hahayaang maging distruction si Oliver sa pag-aaral ko.

"And one more thing, huwag niyong susubukan gawin 'yong bagay na hindi muna dapat ginagawa ng mag-jowa lang. You know what I mean right, Jamilla?"

"Noted, Kuya. Promise."

"Nakow, Baby Girl. Naunahan mo pa si Kuya na magka-jowa. Haha," Nagtawanan kami dahil sa sinabi pa niya. Actually, nagka-girlfriend na si Kuya dati kaso bigla na lang daw itong nagbago at nakipag-break. 20 years old na si Kuya ngayon.

"Kailan mo ba siya balak papuntahan dito ulit? Susunduin ka ba niya bukas?" Tanong ni Mama. Nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil doon sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung susunduin pa ba ako ni Oliver bukas dahil nga hindi pa siya nagpaparamdam. Hays.

"Hindi raw po, eh. May gagawin pa po raw siyang project na hindi niya pa naiipasa," Pagsisinungaling ko.

"Ow. Sige. Next time na lang. Gusto ko ulit siyang makausap," Tumango lang ako sa kanya at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain. Kahit walang paramdam si Oliver, okay lang iyon dahil alam kong hindi niya rin ako matitiis at babalik din siya. Basta ngayon, excited na akong ibalita sa kanya na puwede na akong magka-boyfriend basta siya iyong tao na iyon.

-

Tuesday na ngayon at kasalukuyan kaming nasa garden ng school ng mga kaibigan ko habang nagpapalipas oras lang. Vacant kasi nila at vacant ko rin. Himala nga't kasama namin si Aivin. Pero si Oliver? As usual, wala pa rin siyang paramdam.

Ikinuwento ko na sa kanila 'yong pagpayag nina Mama at Kuya sa pagkaroon ko ng boyfriend. Natuwa sila para sa akin at medyo naiingit dahil sa pagiging strikto rin kasi ng mga magulang nila. Kahit stritkto rin naman sila Mama sa akin pero nagawa pa rin nila akong payagan.

"Alam niyo? Gusto ko nang sumabog sa inis dahil kay Rico. Kahapon nagulat ako kasi bigla na lang siyang pumunta sa bahay at hinarana ako. Nagulat din tuloy si Papa, sunod-sunod 'yong tanong niya sa akin kung sino raw iyon. Bwiset. Then, kaninang umaga, sinundo pa ako. Argh. Hindi ko lubos maisip na sinundan niya pa talaga ako rito sa Manila," Inis niyang saad. Medyo kinabahan ako dahil baka nasabi ni Rico sa kanya kung sino nagsabi ng adress nito. Gosh. Mabuti na lang at hindi.

"Totoo? Nandito na siya sa Manila?" Gulat na tanong ni Aivin. Hindi na lang ako umiimik para magmukhang patay-malisya sa nangyayari.

"Oo, bwiset nga, eh."

"Kailan pa raw?"

"Ewan ko at wala akong pakiaalam."

"Sandali lang ba raw siya rito o dito rin daw siya mag-aaral?" Tanong ni Aivin. Kulitin niya pa si Jess tungkol kay Rico, siguradong bubulyawan na siya nito mamaya.

"Siguro, kasi naka-uniform siya ng katulad ng atin."

"Saan 'yong room niya?"

"Gosh, I don't know and please lang, Don't keep asking me about him. Hanapin mo na lang siya dito!" Bulyaw nito.

"Sungit," Sambit ni Aivin at kinuha na lang 'yong kamay ni Claire para himas-himasin 'yong palad nito.

"Duh!"

"Jamilla, bakit parang hindi pa rin napasok si Oliver?" Tanong sa akin ni Claire.

"Hindi ko nga rin alam, eh," Malungkot kong sagot. Tuesday na ngayon but I still can't have his response. Tanging 'yong comment niya lang talaga sa profile picture ko last sunday. Pagkatapos no'n, wala na ulit siyang paramdam. Miss ko na siya, miss na miss ko na. Gosh.

"Hindi pa ba siya nasagot sa mga message mo?"

"Hindi pa rin."

"Asaan kaya iyon?" Tanong naman ni Jess.

"I have no idea," Napa-face palm ako at sinubsob ang ulo sa bag na nasa magkabila kong hita.

"Si Prince ba ulit iyon?" Napatunghay agad ako ng ulo at sinundan 'yong tinuturo ni Claire sa isang lalaki na naglalakad. Ang linaw lagi ng mga mata nito, lagi niyang napapansin si Prince.

"Prince!" Tawag ko rito. Lumingon siya sa amin at bahagyang ngumiti. Kakaibang ngiti na ang ibinibigay nito, hindi katulad kahapon. Ngayon, alam ko ng totoo ito.

Lumapit siya sa amin at bumati. "Hello."

"Musta? Are you now okay?"

"Okay nga lang ako," Sagot niya at ngumiti. At last, nasa katawan na niya ulit 'yong tunay na Prince na hinahanap ko. Mabuti't sinunod niya 'yong sinabi ko sa kanya no'ng sunday na kapag magkikita ulit kami ay dapat totoo na 'yong mga ngiti niya. Mas gumagawapo kaya siya kapag ganoon.