Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 49 - Chapter 47

Chapter 49 - Chapter 47

Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap sa kanya nang makaramdam ako ng hiya. "Nasa harapan tayo ni Angel. Nakakahiya."

Tumawa siya nang mariin. "She understands it."

Napansin kong may kinuha siyang tela mula sa kanyang shoulder bag. Hindi gaano kalaki ito, kaya nagkasya iyon doon sa loob. He laid the blanket on to lawn and sat down under it. Nagtataka ako sa ginagawa niya.

"Don't tell me, we will stay here for a while?"

"Parang ganoon na nga. Dito tayo mag-da-date," Kumunot ang noo ko but eventually, hindi na ako sumabat pa at umupo na rin sa tabi niya. "Ayaw mo ba?"

"Hindi naman," Sagot ko ngunit sa loob-loob ko, hindi ganito ang ine-expect. Akala ko kasi, sa mga usual place niya ako dadalhin, like Enchanted Kingdom, Amusement Park, Sea side o kahit sa anong lugar na pasyalan. Not in here... Cemetery? Unexpected.

"Maganda kaya rito. Tahimik. Relaxing ang hangin. Solo natin ang lugar. Ang sarap magmuni-muni."

"Sabagay. But next time, huwag na rito."

"Hmm.. Sige."

-

Kasalukuyan na kaming kumakain ni Oliver ng binili namin sa Burger King at ng mga chips. Tiningnan ko ulit 'yong puntod ni Angel at binasa ang mga nakasulat dito. Ang bata niya pa pala para mamatay nang maaga.

"Almost 4 years na rin pala siyang patay, 'no?"

"Yep."

"May tanong ako, sana sagutin mo nang totoo," He looked at me, and ready to answer my question. "What if, hindi siya namatay? Kayo pa rin ba kaya? Hindi mo ako makikilala?"

Panandalian siyang natigilan at halatang nag-aalinglangan sumagot. "I guess? Kasi alam kong siya ang rason kung bakit kita nakilala, kung hindi siya namatay, walang istorya ang nabasa mo, walang I Catch Your Heart na sumikat, walang Oliver na nakikilala mo. Siguro kung buhay pa siya, kami pa hanggang ngayon, kasi mahal na mahal ko siya noom, eh."

"Okay, thank you for being honest," Sabi na, eh. Dapat hindi na ako nagtanong kung may kukurot lang din ng kaunting sakit sa puso ko.

"Bakit ka ba nagtanong?"

"Wala lang. Curious lang. Bawal ba?"

"Baka nagseselos ka," Ginulo niya ang buhok ko. Alam kong biro lang 'yon, but my ego take it seriously. Nagseselos nga ako sa taong patay na. Ang hirap pigilan.

"Hindi, ah." Depensa ko.

"Basa ko sa mga mata mo, nagseselos ka raw. Wala ka dapat ikaselos. Besides, wala na naman siya. Tayo ang itinadhana," How he so sure na kami ang itinadhana?

"Hehe," Pilit kong tawa.

Tumawa lang siya at inakbayan ako. Nagpatuloy lang siya sa pagkain at pinakagat ako sa burger na hawak niya. Tawang-tawa siya dahil halos lumobo na ang pisngi ko dahil sa laki ng nakagat ko. Gosh. Ang hirap nguyain.

Inihatid niya ako sa bahay ng mga 5:30 na ng hapon, nag-stay muna siya sa bahay ayon sa request ni Mama. Nandito si Kuya dahil wala siyang pasok ngayong araw, kaya siya ang kausap ni Oliver. Habang ako naman, nagpalit muna ng damit bago bumaba.

Pagkababa ko, nakita agad ako ni Kuya. "Jamilla, naghintay ako kanina kina Aivin and Rico. Pupunta pa ba sila?" Anak ng tinapa, nakalimutan kong sabihin sa kanila na pinapapunta pala sila ni Kuya dito sa bahay ngayong araw.

"Nakalimutan ko palang ipaalam sa kanila."

"Sabi na, eh. Okay lang, bukas na lang. Sabihan mo na sila mamaya, ha. Wala pa naman akong pasok bukas," Tumango ako bilang tugon.

Ginagabihan, kumain lang ng meryenda si Oliver, kasama sina Mama at Kuya. Niyaya rin siya ni Mama kumain ng hapunan, subalit tumanggi ito at umuwi na. Mga around 6 siya umuwi.

-

Kinuwento ko na kina Jess at Claire about sa amin ni Oliver. Kinilig sila at napasabi na masuwerte raw ako dahil may boyfriend akong writer. Pero hindi ako sumang-ayon doon, hindi ako masuwete dahil may boyfriend akong writer, masuwerte ako dahil may boyfriendlll

I texted Aivin and Rico about sa pagpapaunta sa kanila ni Kuya sa bahay, before I go to sleep. Papikit na sana ako when my phone suddenly rang. Inis ko itong kinuha at sinagot. It was Oliver. Inaantok na ako, eh.

"Hello?" Walang gana kong bati.

"Ba't parang ang tamlay mo?"

"Patulog na po kasi ako. Bakit po ba?"

"Ah, sige. Good Night and I love you!"

"Patulog na ako, may pahabol kilig ka pa d'yan. Oo na po, good night and I love you, too." I smiled even I know he didn't see it. Wala, tinalo ng kilig ko ang antok ko.

"Sige, tulog ka na, aking prinsesa. Ako'y tutulog na rin."

Pinatay ko na 'yong tawag at nahiga na agad sa kama. Nakakainis, tumawag lang siya para mang-greet, pero aaminin ko, kinilig ako.

Hindi na ako makatulog dahil tumatakbo na sa isipan ko si Oliver. Gosh. Kaasar.

-

Lumipas ang ilang araw at mas lalong naging stressful na. Hindi ko alam kung paano ko pagsasabay-sabayin ang lahat ng school works sa school. Nandito ako sa condo ni Oliver, gumagawa ng ibang assignment.

"Siguradong gagabihin ka ngayon dito sa condo ko. Hindi ka pa tapos," Usisa niya sa akin habang may sinusulat siya ng kung ano sa notebook niya.

"Kaya nga," Komento ko. "Wait, sasabihan ko muna si Mama na gagabihin ako," Kinuha ko ang phone ko at nagsimula nang mag-type, but afterwards, my message didn't deliver. Saka ko lang na-realize na wala na pala akong load. "Pahiram muna ng phone, Oliver. Wala na pala akong load. Pa-text."

Ibinigay niya sa akin 'yong phone niya at kapansin-pansin na bago ito sa paningin ko. "Naks, new phone!"

"Matagal na iyan, sadyang dalawang phone ang ginagamit ko, in case na malowbat at may kailangan i-contact, may magagamit," E di, siya na ang maraming perang pambili ng phone.

I already composed my message and ready to send it to my mother's number. Pagka-send ko, there's a something in myself, forcing me to take a peek on the list of his messages. Alam kong private na iyon pero boyfriend ko naman siya, walang namang issue 'yon.

My eyes got shocked when I saw my name on his list. Pagkakaalam ko, 'yong isang phone ang gamit niya kapag mine-message niya ako, hindi ito. I doubtful to open it. Matinding paghingang malalim ang ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko.

Ayaw kong maghinala kung bakit nandito ang pangalan ko, but my mind can't stop thinking anything. Especially, on the one thing immediately comes to my mind... my secret admirer. Imposible bang si Oliver si Rence?

"Huy! Akin na iyan!" Kinuha niya agad ang phone niya at itinabi sa kanya. Hindi ko na natingnan 'yong kabuuang message dahil pinigilan niya agad ako. Tanging pangalan ko lang ang nakita ko.

Hindi na ako nag-akila pa kung hindi, ipinagpatuloy ang ginagawa, kahit wala na ako sa sarili ko. Gumugulo pa rin kasi sa isipan ko 'yong phone ni Oliver. "Okay ka lang?" He concerned.

"Y-yes. Medyo sumasakit lang ang ulo ko," Pagsisinungaling ko.

Tumayo siya at agad pumuntang kuwarto. He came back while holding a medicine and a glass of water. "Inom ka muna para mawala ang pananakit ng ulo mo," I thanked him as I drinked the medicine.

Ipinagpatuloy ko ulit ng ginagawa ko. Nanatili lang akong tahimik sa nalaman ko.

Tila, hindi ko na magawang mag-focus sa ginagawa ko dahil nakakulong pa rin ang isipin ko kay Oliver, sa pangalan ko sa phone, sa secret admirer ko. Imposible bang siya iyon? Gosh, ang gulo. Siguro nama'y hindi, kasi baka sadyang ginagamit niya lang iyon minsan pang-contact sa akin, like what he has said.

-

I am now with Claire and Jess. I narrated all the hunch to my friends about what I got evidence from Oliver. Friday na ngayon at nandito kami sa cafeteria, having our lunch. Sasabog na kasi ang utak ko dahil sa kakaisip doon, paulit-ulit kong tinatanggi sa utak ko na hindi siya ang secret admirer ko ngunit ayaw tanggapin ng brain cells ko.

Wala pa si Oliver dahil nagpaalam itong magbabanyo lang saglit. So, I take this as my opportunity to told them everything; na bumabagabag sa isipan ko.

"Are you sure about the message?" Tanong sa akin ni Claire pagkatapos kong ikuwento ang lahat.

"No," I shrugged. "Kasi agad niya rin nakuha 'yong phone niya kaya hindi ko na na-open pa 'yong message."

"Ah."

"All I thought, your secret admirer was Prince," Sagot naman ni Jess. Napakunot agad ang noo ko. Si Prince? How come about him? Imposible.

"Huh? Bakit?" Tanong ko sabay higop ng orange juice.

"Kutob lang naman namin ni Claire iyon, eh. Kasi base sa expression niya minsan. Kaso hindi pala siya iyon. Haha. Nagkataon lang siguro."

"Imposible rin," Iniling-iling ko ang ulo ko.

"Wait! You've said that you're not sure yet if si Oliver nga ang secret admirer mo. May suggestion ako para ikumpirma iyon."

"Ano?" Sabay naming tanong ni Jess.

"Sabi mo, nag-send ka ng message kay Tita kagabi gamit ang phone ni Oliver. Why would you try to check the number you've sent on your mother's phone and compare the number of your secret admirer from your phone? Baka sa ganoon, ma-confirm mong siya nga iyon."

"Nice! Ang talino ni Claire," Jess' chuckled.

"Siyempre," Sabi niya sabay pagpag pa sa balikat niya.

"Sabagay. Kinakabahan ako," Niyuko ko ang ulo ko.

"Jamilla, but what if you find out that it was him? What would you do?" Tanong ni Jess kaya itinunghay ko ang ulo ko. Kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"I don't know," I shrugged.

"Bes, alam namin na allergic ka sa mga taong sinungaling. But this time, please, control your temper first, natatakot lang kami sa mangyayari."

"I don't know, too. Basta, huwag niyong sasabihin kay Oliver na sinabi ko ito sa inyo, ha?" They nodded as their answers.

Oliver's came back, so we cutted off our conversations.

-

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong hiniram 'yong phone ni Mama at deretsong hinanap 'yong minessage ko rito. Gusto ko nang masagot ang tanong na bumabagabag sa aking kalooban.

Pagkatingin ko sa number, agad kong binuksan ang phone ko at inilipat sa number ni Rence. Dahan-dahan kong ipinagdikit ang dalawang phone at ipinagkumpara ang dalawang number.

"Si Oliver nga si Rence!" Pumikit ako nang mariin. Itinikom ko ang mga kamao ko. "He actually keep this thing as a secret to me? But why?! Peste."