Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 39 - Chapter 37

Chapter 39 - Chapter 37

Chapter 37: Confession

Pinilit kong palakasin ang loob ko bago ko siyang itulak nang bahagya para mailayo ko ang labi niya sa labi ko. Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi niya mula sa kanan kamay ko. Even I don't want him to get hurt but this thing that he did is very nasty, that's why I have to defend myself tho. 

"Bastos ka!" Galit kong sigaw sa kanya. Pinandilatan ko pa siya ng mga mata bago umalis sa harapan niya. I quickly walked and grabbed my bag from the top of the couch, bago ako magtungo sa main door.

Pipihitin ko na sana 'yong doorknob para makalabas na agad ngunit ramdam kong hinila niya 'yong kamay ko so it made me to stop and forced me to turned around at him.

"Ano?!"

"Look, I'm sorry. Nadala lang ako ng—" Huminto siya dahil bigla akong sumabat. Hindi ko inaasahan 'yong sinabi ko at alam kong hindi niya rin iyon inaasahan.

"Ng libog?!"

"Huh? W-what?" Gulat niyang tanong. "Of course, not. May respeto naman ako sa iyo."

"So, are you trying to say na 'yong paghalik na ginawa mo sa akin kanina is still consider as your respect? Woah. You're unbelievable!" Inirapan ko siya at padabog binawi ang kamay ko na hawak niya.

"Hindi sa ganoon."

"Eh, ano?"

"Kasi..."

"Kasi?"

"Ano.. Kasi.. How could I start this? Peste. You can do it, Oliver." Pag-cheer niya sa sarili niya. Weirdo. Ano bang isasagot niya? Kinakabahan naman ako.

"Kung ayaw mong sabihin, uuwi na—"

"Gusto kita."

Napuno ng gulat ang buong katawan ko. Deresto lang ako nakatingin sa kanya at ganoon din siya sa akin. My heartbeat accelerated. Tatlong salita pero nagkakagulo na agad ang sistema ng katawan ko.

I bit my lower lip. I don't know how I will react on what he has just said. Totoo ba iyon? Gusto niya ako? Gosh. Pero paano? Ang layo ng ugali ko kay Angel para magustuhan niya ako.

"Nababaliw ka na yata. Una na ako," Maglalakad na sana ulit ako kaso kinuha niya na naman 'yong kamay ko para piliting iharap sa kanya.

"Oo, nababaliw na nga siguro ako. At dahil 'yon sa 'yo. Gusto kita at totoo iyon, genuine, true, real, pure, veritable, concrete, virtual or anything that can affirm on what I am saying. Basta, gusto kita. Gustong-gusto kita, Jamilla."

Tinitigan ko ang mga mata niya at sinuri ito nang mabuti. Kita rito kung paano siya nagsasabi ng totoo pero ayaw ko itong paniwalaan dahil ayaw kong malinlang sa mga mata niyang iyan. Baka sa huli, talo rin ako.

Binabalot ngayon ang isipan ko ng mga tanong, tulad ng bakit ako ang nagustuhan niya? Bakit ang bilis naman yata? Bakit ang aga niya magtapat? Anong nagustuhan niya sa akin? Nagbibiro lang ba siya? Madali lang kasi sabihing totoo 'yong sinasabi niya pero malay ko ba na biro lang pala ito. Kaso pinatunayan niya na sa simpleng paghalik na ginawa niya sa akin kanina.

"Bakit ako?"

"I don't know."

"Based on what I've read on your story, ibang-iba ako kay Angel. Mahinhin siya, hindi mareklamo, masayang kasama, hindi mabilis magalit. Pero bakit itong ugali ko ang nagu—"

"Stop!" Nagulat ako nang sigawan niya ako. "Please, stop comparing yourself to her. Mga mga bagay na gusto ko sa kanya at may mga bagay na nagustuhan ko sa iyo. Kaya please lang, magkaiba kayo, magkaiba ang nagustuhan ko sa inyo. Tapos na ng istorya namin ni Angel at nais kong magsimula kasama ka."

"S-sorry," I stuttered. "I d-didn't meant to say it. Hindi ko lang kasi talaga lubos maisip na nagustuhan mo ako," Bumuntong-hininga ako at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Even me. Pero hindi naman kailangan ng rason para magustuhan kita," He paused until he spoke. "Gusto kita at papatunayan ko iyon sa iyo," Bahagya siyang tumawa nang kaunti na ikinadahilan ng pagtataka ko.

"Why?"

"Nagulat ka ba sa mabilis kong pag-amin?" His wittingly asked. I just nodded at him as my answer. "Sabagay, inagahan ko na baka kasi may mauna pa."

"Huh? Alin? Sino?" Pagtataka ko. Nag-isip ako ng posibleng kung sino iyon, kaso wala akong maisip.

"Basta. Haha," Ginulo niya ang buhok ko kaya tinaasan ko siya ng isang kilay at inayos ko rin naman iyon.

"Ano ba!"

"Anong response mo sa sinabi ko?"

"Sa alin?"

"Sa pag-amin ko na gusto kita?" Nakangiti niyang tanong. Ano nga ba? Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nangyayari at hindi ko alam kung pareho lang din ba kami ng nararamdaman kaya apektado iyon kung anong dapat kong itugon sa kanya.

"Ah.. Ewan?" Patanong kong sagot.

"Uhmm.. Okay lang. Siguro, gulat ka pa rin kaya hindi mo pa alam kung anong dapat mong itugon sa sinabi ko. Pag-isipan mo muna."

"Eh? Hehe," Tikom pa rin talaga ang bibig ko. Tama siya, kailangan ko munang pag-isipan kung gusto ko rin ba siya because all of the sudden I'm still stuck it between na kung crush ko ba siya o simpleng kinikilig lang ba ako sa kanya? Gosh. Ang hirap mag-decide.

"Uuwi ka na?" Rinig kong tanong niya sa akin. Nandito pa rin kami sa tapat ng pintuan.

"Oo. Gabi na, eh."

"Hatid na kita. Delikado pa man din."

"Huwag na. Kaya ko na."

"Huwag matigas ang ulo. Ihahatid na nga kita."

"Ikaw ang huwag matigas ang ulo. Kaya ko na nga."

"Sure?"

"Oo naman."

"Okay, then," Pagpayag niya. Kumaway na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad palabas ng condo niya.

Hindi ko mapigilan ngumiti habang naglalakad sa hallway mula sa labas ng condo niya, I still can't believe on what's going on. Gosh. I can't imagine it. Gusto ako ng isang sikat author sa buong Pilipinas? Ako na yata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

"Jamilla!" I heard his voice calling my name. Lumingon ako agad at tinanggal ang ngiti na nakaukit sa akin mga labi kanina upang hindi niya mahalata na kinikilig ako nang patago. "Ingat!"

"Thank you," Tugon ko at tuluyan nang naglakad.

Dahan-dahan kong hinahawakan 'yong dibdib ko at pansin kong sobrang bilis ng tibok nito kanina pa, katulad noon na kapag kinikilig ako sa kanya. Gosh. Sobrang puno na ako ng saya at kilig ngayon.

-

When I got home, I quickly run to my room because there's a something that I have to check for. I opened my wardrobe and immediately get the box that I putted there before. Inilagay ko 'yong kahon sa ibabaw ng kama ko at pinagpagan dahil medyo maalikabok na.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko iyon tuluyang buksan. Ayaw ko sanang mag-expect na 'yong kuwintas na tinutukoy ni Oliver ay sa akin niya talagang ibinigay pero wala naman siguro masama kapag sinigurado ko munang nasa akin nga talaga.

Dahan-dahan kong tinanggal 'yong takip ng kahon at kinuha 'yong panyo ni Lola. Like what Oliver's asked, kung wala ba raw akong napapansin sa panyong ito? Malakas kasi 'yong kutob ko na sa akin iyong ibinigay ni Oliver. I hope so.

Unti-unti kong ibinubuka 'yong bawat tupi ng panyo. Kinakabahan ako kasi baka mamaya, wala talaga. Pinapaasa ko lang 'yong sarili ko.

"OMG," I whispered. Kinapa-kapa ko pa 'yong panyo at may nararamdaman akong kakaibang parang may lubid mula rito.

Hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano iyong kakaibang bagay na iyon.

Nang tuluyan kong buksan iyon, napatakip ako ng bibig dahil sa bumungad sa akin, kumikinang na pinkish diamond stone necklace. Katulad ng puting dyamante rin ni Oliver. Simpleng-simple pero napaka-attractive.

"Gusto kong ibigay sa taong binubuhay ulit 'yong kasiyahan ko."

"Gusto kong ibigay sa taong binubuhay ulit 'yong kasiyahan ko."

"Gusto kong ibigay sa taong binubuhay ulit 'yong kasiyahan ko."

Tila'y parang paulit-ulit pinapaalala sa akin ng isipan ko 'yong mga sinabi ni Oliver dati no'ng napansin ko 'yong kuwintas niya. Nakakarindi pero ang sarap paringgan sa isipan.

Tunay nga. Tunay ngang nagsasabi siya ng totoo. Tunay ngang gusto niya ako. Tunay ngang hindi niya ako niloloko. Tunay ngang ako 'yong tao na bumubuhay ng kasiyahan niya. Gosh. Hindi ako makapaniwala.

Humiga ako sa kama ko at tinitigan 'yong kuwintas. Napakaswerte ko para bigyan ako ng isang tao ng ganito. Hindi ako magsasawa para isuot ito araw-araw at ipaalala sa sarili na maswerte ako dahil nagustuhan ako ng isang Oliver, isang kauna-unahang tao na nag-effort para sa akin.

Nagtalukbong ako ng kumot at ng unan sa mukha. Pakiramdaman ko this is the happiest day of my life. First time kong kiligin nang tunay. Salamat, Oliver. Gosh!