Chereads / Broken Trust | Completed / Chapter 36 - Chapter 34

Chapter 36 - Chapter 34

Chapter 34: Suspicion of Her Secret Admirer

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya mula sa braso ko dahil nandito na kami sa Hallway ng school namin. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin akong binibitawan. Gosh, some of students here we caught their attention immediately. Another issue again for sure, Jamilla. Gosh. Kanina ko pang umaga ginagawang umiiwas sa ganito, parang hindi pa yata mangyayari.

"Let go of me," Bulong ko sa kanya ngunit tila parang wala siyang naririnig dahil deretso lang lakad niya sa daan.

Dahil pakiramdam kong wala na akong magagawa dahil ang tigas niya, tumigil na lang ako sa pagrereklamo and I let him to hold my arm. But suddenly, mas lalong lumaki ang mga mata ko when I felt his hand slowly down at my hand too. Anong kalokohan na naman 'to, Oliver?

"Minamanyak mo na naman ako," Saad ko.

"OA, gusto rin naman," This time, sinagot niya na rin ako. Gulat akong tumingin sa kanya at pinandilatan siya ng mga mata.

"Baka ikaw. Hindi mo nga ako binibitawan, eh." Banat ko.

"Tsk."

-

Konting hakbang na lang mula sa building namin ay nagulat ako nang makitang lumabas si Prince mula roon, I don't know where he went to, but there's a something that I'm sure of, inihatid ko na siya sa room niya. Pero bakit nandito pa siya?

"Prince?"

"B-bakit?" Lumingon siya sa akin, tulad ko ay gulat din siyang nakatingin sa amin. Kinakabahan ba siya? Anong problema niya? Para naman siyang hinahabol ng aso. Pawis na pawis.

"What are you doing here? Saan ka pumunta?" Nagtataka kong tanong.

"N-nag-cr lang," Sagot niya.

"P're, pagkakaalam ko, may cr 'yan building niyo," Biglang sabat ni Oliver at naramdaman kong humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko. Muntik ko nang makalimutan na hawak niya pa rin pala ako. Siguradong pula na itong palad ko mamaya dahil sa init na aking nadarama rito. Gosh.

"Kaya nga."

"Kaso walang tubig," Tipid niyang sagot. Parang imposible naman 'yon, never ko pang na-encounter na nawalan ng tubig 'yong ibang cubicle sa school na ito pero sabagay, sa girl's comfort room ako, malay ko lang sa pang-lalaki. "May sira raw kasi," Dagdag pa niya.

"Ah, kaya pala."

Tumango-tango lang si Oliver bilang pagsang-ayon, ngunit parang ramdam kong hindi siya kumbinsido.

"Sige na, baka hinahanap na ako ni ma'am, sabihin ay ang tagal kong nag-cr," Aniya pa. Hindi na kami nakapagpaalam pa sa kanya dahil tuluyan na siyang naglakad palayo sa amin.

Tumingin ako kay Oliver at sinamaan siya ng tingin. "Wala ka ba talagang balak na bitawan 'tong kamay ko? Ang init na."

"Wala." Nagsimula na siyang maglakad kaya nagpatangay na lang ulit ako. Gosh.

-

At last, binitawan din ni Oliver 'yong kamay ko nang pagkarating namin sa room. But after I opened the door, there's a something immediately took my attention from my desk. May dalawang chocolate bar ang nakapatong mula roon.

"Here he come again, panibagong pagkain na naman," I smiled. Lumapit ako roon at kinuha 'yong sticky note na nakadikit sa gitna no'ng dalawang chocolate bar. Binasa ko ito.

'I hope you are now okay, I hope my advice helped you on your desicion. Pero siguro naman ay oo dahil nakita ko na ulit ikaw na ngumiting nang maayos. Unlike last night, puno ng lungkot. Keep it up, but always remember, I am here for you if you need a someone to talk to.' :>

-Rence

"Ang drama," Rinig kong bulong ni Oliver mula sa likod ko. Nakatayo pa rin kasi ako sa harap ng upuan ko habang hawak-hawak 'yong sticky note.

"Tsismoso."

"Secret admirer mo 'yan, 'di ba?" Kinuha ko 'yong dalawang chocolate bar para ilagay na sa loob ng bag ko at maging 'yong sticky note. Hindi na naman siguro manghihingi itong si Mokong. Aba, ang takaw na niya kapag gano'n.

Tumango lang ako sa kanya at tuluyan nang umupo. "I see, nag-open up ka ng problema mo sa kanya based on what I've read? Tinulungan ka?" He asked.

"Oo."

"What he have said or should I say, his advice?" Tumingin ako sa kanya at kita sa mukha niya kung gaano siya ka-interesado sa sinabi ni Rence.

"Kung saan sa tingin ko ay sasaya ako sa desisyon ko, gawin ko raw. Huwag kong gawin basehan kung tama ba o mali, ang mahalaga ay kung masaya ba ako o hindi."

"So, anong final decision mo? Patawarin Papa mo?" Seryoso niya tanong.

Ngumiti ako sa kanya. "Definitely, naisip ko rin kasi 'yong sinabi mo na baka kapag huli na ang lahat ay saka ko lang siya papatawarin. Mabuti na 'yong kapag maaga pa."

"Nasabi mo na ito sa Mama't Kuya mo?"

"Not yet."

"Why?" Tumingin ako sa ibang direksyon.

Huminga ako nang malalim at sinagot siya. "Ayaw kong ma-upset ulit agad si Mama sa nangyayari, hayaan ko na lang 'yong kapalaran na lang 'yong kumilos kung anong dapat na ang kasunod. Asides, may ginawa nang plano si Mama na bumisita sa Laguna. Kapag nagkita sila roon, e di, ayos."

"Ikaw, sasama ka?"

"Depende."

"Dapat sumama ka, para malaman niya kung napatawad mo na rin ba siya." Hindi ko na lang siya sinagot at bahagyang itinungo na lang 'yong ulo ko sa desk ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya pero tama rin naman siya, dapat ay sumama ako kapag nangyari iyon.

Besides, tumungo ako, signal na ayaw ko na pag-usapan pa 'yong family problem ko.

"Pahinging chocolate bar," Agad akong tumingin sa kanya, ngunit dalawang beses niya akong tinaasan ng kilay na tila nanghihikayat.

"Ayaw ko nga."

"Sayang, papapuntahin pa man din kita sa condo ko bukas."

"Sure? Weh?" Maligaya kong tanong.

"Of course," Sagot niya sabay tawa nang kaunti at ngumiti. Kinuha ko na ang bag ko, kunwaring kukunin iyong isang chocolate bar pero sa totoo lang ay umiiwas lang ako ng tingin sa kanya dahil sa ngiti niyang iyan. Gosh, akala ko sanay na akong makita iyon pero ang lakas pa rin no'ng tama ko doon. Abnormal ka talaga, Jamilla.

I-aabot ko na sana iyong chocolate ngunit nagtanong ulit ako. "Sigurado ba talaga iyon? Baka inuuto mo lang ako."

"Promise, after our class, deretso tayo sa condo ko. Gusto mo naman bumisita doon, tama ba?"

"Oo, ang ganda kasi ng view doon at lalo na 'yong ref mo."

Tumawa lang siya nang mahina. Excited na 'ko.

Iba talaga siya kapag kami lang dalawa. Unlike kaninang umaga, bad mood agad siya dahil kasama namin si Prince.

"Okay."

Iniabot ko na 'yong isang chocolate bar at agad niya naman binuksan ito. "Thank you."

Ngumiti ako sa kanya at hindi ko namamalayan na tinititigan ko na pala iyong mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Dahan-dahan akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman na bumibilis ulit ang tibok ng puso ko. Ba't ako kinakabahan ulit sa kanya? Nawala na ito kamakailan, ah?

"Here, kalahati sa akin at sa iyo rin," He offered. Iniabot niya sa akin iyon at kinuha ko rin naman.

Kami pa lang 'yong nasa loob ng room namin kaya pwede pa kaming mag-ingay o mag-usap dahil walang mang-aasar na mga kaklase namin.

"Hindi mo pa ba kilala kung sino secret admirer mo?" Tanong niya.

"I had no any idea. Ikaw? Kilala mo?"

"I'm not sure yet pero may hinala na ako," Tumingin ako sa kanya.

"Sino?"

"Secret, baka hinala ko lang talaga. Baka hindi totoo."

"Actually, kagabi na ikinuwento ko sa kanya about my family problem, nasa labas lang daw siya ng bahay namin. Nasa balcony kasi ako that time, then right after that, bigla siyang tumawag. Then, sabi niya ay hindi raw halata sa mukha ko na hindi ako okay," I stated.

"Siya nga siguro 'yon," Bigla niyang saad sabay iling-iling.

"Sino ba?" Kunot-noo kong tanong.

"Basta, I have now 2 evidence knowing if it's really him, slow ka lang talaga," Ngisi niyang saad.

"Sino nga? Dali na," Pagpupumilit ko pa.

"Huwag na nga. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin sa iyo."

"Corny mo."

"I know, bahala ka na d'yan. Matutulog na ako." Isinubsob na niya ang ulo niya sa ibabaw ng desk namin at naglagay na ng ear phone sa kaniyang magkabilang tenga. Ayaw niya pa talaga akong kausapin. Gosh.

Hindi ko na lang siya pinansin at naisipan na lang maglaro sa phone ko.