Chapter 2. Supermarket
MAHIGIT ISANG LINGGO na mula nang umalis si Maru sa trabaho at ni minsa'y hindi siya lumabas ng bahay. Kung hindi pa siya inutusang mamalengke ng kanyang ina'y hindi siya lalabas ngayon. Abala kasi ito sa paglalaba at dahil hate na hate niya ang mga labada, ay pumayag siyang mamalengke. Pero imbes na sa palengke, gaya ng bilin sa kanya, ay sa supermarket siya namili. Kompleto naman ang mga bilihin doon.
Nasa estante na siya ng mga instant noodles nang may marinig siyang bulung-bulungan.
"Hindi ba si Baxter iyon?"
"At Seiji?"
Hindi na sana niya papansinin ang mga iyon ngunit natigilan pa rin siya dahil sa mga nagkukumpulang teenagers sa kasunod na estante. Hindi tuloy siya makadaan dahil nakaharang ang mga ito sa daanan. Mamimili pa naman siya ng instant noodles niya. Wala iyon sa listahan pero ano ba naman kung idagdag niya, hindi ba?
"Teka, si JD rin iyon, hindi ba?!" anang isa sa limang mga dalagita.
"Oo, siya nga!"
Halos magtilian ang mga ito habang tinatanaw ang kung sino mang nasa kabilang estante ng mga alak.
Dahil tsismosa rin siya gaya ng nanay niya ay nakilupong siya sa limang mga dalagita at tinanaw ang mga pangalang binanggit ng mga ito.
"In fairness, gwapo sa kani-kanilang distinctions," komento niya. Natigilan ang limang teenagers at weirdong tiningnan siya.
"Fan ka rin ba ng Eclipse, 'te?" tanong ng isang maiksing buhok na teenager. Kaya nalaman niyang mga teenagers ang mga ito dahil halata sa suot na uniporme sa paaralan. Hula niya'y nasa senior high school ang limang dalagita.
"Fan?" tanong niya. Bakit naman siya magiging tagahanga? Artista ba ang mga naggwa-gwapuhang lalaking iyon?
Nangunot ang noo ng isa, ang may wavy na buhok at tanned skin. "So, nakiki-bandwagon ka lang, ate? Dahil gwapo?"
"Anong bandwagon?"
"Nakiki-fan kasi sikat."
"Huh? Sikat ba talaga sila? Hindi ko naman sila kilala."
"Attitude ka, girl?"
"Aba, mga walang galang kayo, ha. Mas matanda ako sa inyo ng ilang taon!"
Marami pa siyang gustong sabihin ngunit napadako ng tingin niya sa mga lalaking nasa kabilang estante.
Parang slow motion na nagtama ang mga mata nila ng isa sa tatlong mga lalaki. Parang pinagbuksan siya ng langit at bumaba ang isang anghel. His chiseled jaws are godlike. Slowly, he brightly smiled at her showing his perfect set of white teeth. Ang makibot at mapupulang labi nito'y mapang-akit, at may katangusan ang ilong. Mas lalong lumapad ang ngiti nito sa kanya at abot hanggang sa magagandang pares ng mga mata at ang kilay nito ay makakapal. Oh my! He also has the perfect black hair handsomely parted on the side.
Grabe! Ang fresh!
Nabaling ang mga mata niya sa Adam's apple nito at lumunok ang lalaki. Napa-sexy maging ang paggalaw ng Adam's apple! Bumaba ang titig niya sa matitipunong dibdib nito, sa halatang flat na tiyan, na mukhang may pinagmamalaking abs, at sa braso nitong may firm na muscles. Pakiramdam niya ay nakanganga siya habang tinititigan at pinupuri sa isip ang lalaki.
Nakakunot na ang noo nito nang bumalik ang mga tingin niya sa mukha ng lalaki. Pero sa tingin niya ay parang mas gumwapo ito sa kanyang paningin. Pagkuwa'y naglakad na ito papalayo. Wala sa sariling sinundan niya ito ng tingin.
"Well, his body is well-toned," wala sa sariling komento niya. And he smiled at me...
Binalingan niya ang mga dalagita. "What's his name?" Imbes na sagutin ay inismiran siya ng matangkad at may mahabang buhok sa mga ito.
"Bandwagon nga." Tinulak siya ng isa sa mga ito at napaatras siya. Dahil lumilipad ang isip ay hindi agad siya nakahuma. Nang sinamaan niya ng mga tingin ang limang dalagita ay nag-martsa na ang mga ito papalayo, tila sinusundan ang tatlong lalaki.
"Sikat daw?" naiinis na komento niya. "Kung sikat, 'di sana'y dinumog nā"
"Ahhh!!!" Malakas na tilian ang nagpatigil sa paglilitanya niya. Dahil kuryoso ay sinundan niya kung saan nanggaling iyon at sa cashier, kung saan nakapila ang tatlong naggugwapuhang mga lalaki, nanggaling ang tili na iyon.
Nahihiyang ngumiti ang cashier at nanginginig ang kalamnan nang asikasuhin ang mga lalaki sa mga pinamili ng mga ito.
"JD!"
"Baxter!"
"Seiji!"
"We love you!"
"Pakasalan mo ako, JD!"
Ang limang mga dalagita iyon.
Nakaagaw na ng atensyon ang mga ito kaya ang mga guwardya ay lumupong para awatin ang mga tagahanga. Mabilis na kumalat iyon at ang dami na agad nakalupong sa tapat ng supermarket.
Oo, ganoon siya ka-curious. At nakuha pa niyang sundan ang mga ito hanggang papalabas ng gusali. Gwardyado na ang mga ito hanggang makarating sa parking lot at sumakay sa itim at maluwang na van.
Natatawa't naiiling siya nang bumalik sa supermarket. Mabuti na lamang at hindi pa inalis ang pobreng cart na saglit niyang inabandona't kung nasaan ang mga pinamili niya.
Masesermon na naman siya kay Maria Teresa, ang inay niya, dahil natagalan siya sa pamimili. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pamimili hanggang sa matapat siya sa stall na may free taste.
"Free taste po, Ma'am!" anang staff.
"Ano ho iyan?"
"Chicken noodle soup po!"
"Wala bang free taste na hotdog?" tanong niya. Tumabingi ang ngiti ng staff na nag-aalok sa kanya ng free taste na sabaw.
"W-Wala po, Ma'am..."
Kumaway na lang siya bilang iparating na hayaan na lang nito ang tinanong niya. Nagpatuloy na lamang siya sa pagtutulak ng grocery cart. Higit labinglimang minuto na siyang namimili nang may tumawag sa buong pangalan niya.
"Maria Rosario Villanueva?"
Mabilis na tumigil sa pagtulak ng cart at lumingon siya kung saan nanggaling ang boses. Bibigwasin niya kung sino mang tumawag sa kanya sa buo niyang ngalan dahil ayaw na ayaw niyang tinatawag na Maria Rosario. Pwede na siya sa Maru, short for marupok. Charot!
Halos tumili siya nang makilala ang tumawag sa ngalan niya.
"Sarah Jade Lopez Esguerra?" paninigurado niya. Nang ngumisi ito ay napatili na siya nang tuluyan. Sarah was her classmate back in college, and a close friend of hers.
"Yes, it's me!" Mabilis na yinakap siya nito at bineso.
"Wow, lumusog ka, ah?" nakangising pansin niya. Patpatin lang kasi ito noon.
"Well," wila nito at hinimas-himas ang tiyan.
"Buntis ka?!" she concluded. Nagulat siya at na-excite din.
"Gaga, busog lang ako. Kakakain lang namin ng Korean Pork Barbecue bago ako dumiretso rito."
"Siraulo," sikmat niya. Kahit i-claim pa nito na mabilbil ito ay hindi naman iyon totoo. In fact, she's seductively voluptuous and still the ever fabulous Sarah Jade she had met before.
"Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" Sarah asked.
"Wow, bago 'to, ah. Usually, ang tinatanong sa akin, ilan na ang anak ko, o nag-asawa na ba ako?"
"Kilala kita. Marupok ka lang sa pagkain pero hindi sa mga lalaki."
"Tumpak!" natatawang untag niya. "Heto, jobless. Ikaw ba?" kaswal niyang wika.
"Assistant ako ng isang events and concerts organizer. Alam mo naman ako, I love the backstage."
Napatango siya. She remembered those days when they joined stage plays but Sarah only wanted to be in charge with the props, or anything that has to do with the backstage. Kahit pa nga may potensyal ito sa acting.
"Tamang-tama! Kung wala kang trabaho, mag-part time ka sa amin! We're in need of part timers kapag may concert.
"Ano'ng trabaho naman, aber?"
"Assistant ko," nakangising untag nito.
"Assistant ng assistant? Cool! G ako!" sagot niya. Ibig sabihin ay go siya, o pumapayag sa alok nito. Her friend excitedly squealed. Hindi siya sigurado kung seryoso ito pero wala namang masama kung susubukan niya.
"Ite-text kita! Wait, iyon pa rin ba ang number mo?"
"Iyon na nga. I still receive your Holiday greetings."
"Ba't hindi ka nagre-reply?" usisa nito.
"I greet you back through messaging app, remember?"
Napatangu-tango ito nnag maalala, "Ah, oo. At ang tibay ng sim mo, ah! Sampung taon mo na yatang ginagamit."
"Nakakatamad magkabisado ng panibagong number. Pinapalit ko naman na ng LTE Sim kaya gumagana na rin sa smartphone ang sim card."
Naalala niyang de-pindot pa ang cellphone niya ay iyon na ang gamit niyang sim card, high-school pa lamang siya noon, ngayo'y halos kalahati na siya sa sikwenta.
"Sige na, hinihintay na kasi ako ng boyfriend ko. Sabi ko bibili lang ako ng fries." Iyon lamang at nagpaalam na ito sa kanya. Gusto pa niya itong chikahin at tanungin tungkol sa boyfriend nito. Akala niya noon ay tatanda itong dalaga, o hindi magkaka-boyfriend dahil grabe ang pangmamata nito sa mga lalaki rati. Her standards were high before so she's curious about her boyfriend. Tatanungin na lang niya ito sa mga susunod pang pagkakataon.
She looked at the time on her phone and she panicked.
Now, she's so sure she is busted. Hindi pa siya tapos mamili at halos oras na ng tanghalian.