Mleya Jaurigue, isa siyang ordinaryong babae. Walang kaspecial special sa kanya ngunit kahit na ganoon ay nagawa niya parin na maging sikat sa kanyang paaralan.
NU o National University ang kanyang pinapasukan. Simple lamang ang paaralan ngunit napakadaming memorable na nangyari rito.
Si Mleya Jaurigue ay tinatawag na Queen Eya sa paaralan nila.
Wala siyang koneksyon sa mga administrators ng paaralan ngunit nakuha nya parin na lamangan sila at makuha ang respeto ng mga guro sa kanya.
Kakaiba ngunit walang pinagbago ang buhay niya. Isa parin siyang simpleng studyante na kailangan gumawa ng homeworks at projects.
Being a Queen is not just a title but a responsibility. Kahit na nakuha niya ang respeto ng dapat na nakakataas sa kanya ay may tungkulin pa rin siyang dapat gampanan at iyon ay isang pagiging Role Model.
Kahit ganito ang status niya sa school. Kilalang kilala man siya sa buong campus. Mahal man siya ng mga studyante sa buong paaralan. Hindi pa rin maitatago ang katotohanang hindi siya gusto ng taong napupusuan niya.
Si Aeious Cariaga, ang lalaki na matagal niya ng gusto. Siya lamang ang bestfriend ni Queen Eya.
Reyna siya ngunit walang hari.
Hindi lahat ng Reyna ay kailangan ng hari ngunit si Queen Eya, kailangang kailangan niya.
Ang tanging kahilingan ng reynang ito ay maging katuwang ang lalaking napupusuan niya kahit isang araw lamang ngunit ito ay mahirap tuparin.
Isang lalaking walang ginawa kundi mang asar ay mahuhulog sa isang Reyna na walang kaspecial special?
Paano nga ba magiging boyfriend ni Queen Eya ang lalaking hindi matumbasan ang pagmamahal niya?
matatawag nya kaya itong MY ONEDAY BOYFRIEND?