"Perfect ka sa test"
Ang kaninang puso ko na kabang kaba ay tumalon na sa saya.
Tama ba ang nararamdaman ko?
"Hindi ka po nagbibiro?" sabi ko.
"Sana nga nagbibiro lang ako" nakangiting sabi ni Miss Apie.
"So... Ibigsabihin po ay?"
"Pasimple ka pa, tuwang tuwa ka naman dahil makakalandi ka na" natatawang sabi niya.
"Nako hindi po Miss hehe. So Ano na po ang mangyayari?" takang tanong ko.
"Wait lang" sabi nito kaya tumahimik ako at naghintay.
Ilang minuto ang lumipas at may kumatok sa pintuan.
"Come in" sabi ni Miss Apie.
Marahang bumukas ang pintuan.
Sa pagbukas nito ay isang lalaki ang bumungad sa akin. Ang lalaking napakatangkad. Napaka itim ng buhok. Napaka ganda ng mga ngiti at ang mata niyang kumikinang dahil sa pagtama ng ilaw rito.
Napakagwapo!!!!
Lumakad ito deretso papunta sa tabi ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Ang puso ko ay tumatalon, sumisigaw. Ang baga ko naman ay nahihirapang huminga. Ang OA ko!!!
"Eya?"
Natigilan ako sa pagpapantasya sa lalaking nasa tabi ko. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ito sa akin habang ako ay nakatulala sa kanya.
"Eya?"
Napapikit ako at bumalik sa dati.
EYA CONTROL YOURSELF!!!
"bakit po?" sabi ko naman.
"Mag eexplain na sana ako kaso busy ka ata dyan sa pagpapantasya mo?" sabi ni Miss at natawa si Aeious.
kainin na ako ng lupa! Ngayon din!!!
"Ano po ang pag uusapan natin Miss?" saad naman ni Aeious.
*lunok*
"Ahh yes. Eya and I had a deal." nakangiti nitong tugon.
"and what is the deal with my best friend?" tanong naman ni Aeious. Pinagkadiinan niya talaga ang salitang Bestfriend.
Grrrrrrrrrrr
"Oh, bestfriend mo siya? I thought you were her–"
"her tutor. Yon kase yon hahah. I mentioned it to her noong pinagtest nya ako hehe" palusot ko at pagpigil sa sasabihin ni Miss.
"Ahh hahaha. Oo miss, tutor niya rin ako. So as a tutor how is her test?" agad na tanong ni Aeious.
Kung ako ay kabang kaba at hindi kumportable. Siya naman ay casual na casual at parang alam na alam niya ang pinasok niya.
"Perfect siya" nakangiting sabi ni Miss Apie.
"I thought bagsak ka kanina. Yet I was wrong. You suprised me Eya" nakangiti at proud na proud na sabi ni Aeious.
Nginitian ko nalang din siya.
"and that's the reason why I have you both here together." tuloy tuloy na ingles ni Miss at diniinan nya naman yung together.
Parehong pareho kayong dalawa! Nakakainis!!!
"Is it dahil gusto mong malaman ko sa harap harapan ni Eya ang score niya bilang tutor niya?" inosenteng sabi ni Aeious.
Ano ba yan! Ang tali-talino, ang slow naman! Hello?! Kaya nga diniinan na ni Miss yung together eh! Gigil mo ko Aeious!!
"No, it's because we have a deal na you will be a couple for a day if she ever perfected the test." nakangiting paliwanag ni Miss.
"Ah? Aeious–hehe. Wag mo sanang mamasamain pero napilitan lang ako. It's not a deal. No choice lang ako hehe" nahihiyang paliwanag ko kay Aeious.
Ngumiti naman ito sa akin saka ngumiti kay Miss Apie.
"So kailan ito mangyayari? And what are the rules? Is there a contract?" sunod sunod na tanong ni Aeious.
Shit! Bakit parang excited pa siya?!
"There is" mahinahong sabi ni Miss.
May kinuha naman siyang papel sa may desk niya. Hindi ko mabasa kung ano iyon ngunit nakangiti siya habang ibinibigay ito.
"So here is the conract. Kaya may ganito ay dahil ayoko. As in Ayoko na magkaroon ng misunderstanding" striktong sabi nito sa amin.
Kinuha ko naman ang isang kopya at binasa ito.
RULES! MUST OBEY!
1. You can't go to each other's classroom during class to sit in.
2. Never tell anyone I was involve.
3. Not too much PDA.
4. Have callsigns
5. Be sweet. Be real. Be happy
6. You can both continue this if both of you want it.
7. NO CHEATING!
*lunok*
Be sweet? The heck? That is impossible!
"Miss? Can you add a rule?" tanong ni Aeious.
Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko na nga kaya ang rules, dadagdagan pa niya.
"sure? Ano yon?" mahinahong tugon ni Miss.
"Always say I Love You to one another" nakangiti naman niyang sagot kay Miss.
Diing diin ang I love you!
"Sure, Payag ako" masayang sabi ni Miss Apie.
"Ikaw Eya? May gusto ka bang idagdag?" dugtong naman nito.
"w-wala p-po" nauutal na sabi ko.
"Kailan po ito magsisimula Miss?" tanong ni Aeious.
"sa Friday." sagot naman ni Miss.
Sa Friday?! Birthday ko non at may Queen's ball na plinano si Aeyra! Shemay!
"Great!" nakangiting sabi ni Aeious.
"Both of you, maaari nyo ng pirmahan ito." sabi ni Miss Apie.
Ibinigay niya naman sa amin ang ballpen. Una namang pumirma si Aeious bago pa ako.
Nanginginig ako habang pumipirma.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko talaga! Medyo naguguluhan pa ako sa mga pangyayari.
"Sana maging maayos at naintindihan niyo ito." sabi ni Miss.
"Maaari ka na kayong umalis" dugtong nito.
Tumayo na si Aeious at tatayo na rin dapat ako ngunit kailangan ko munang makausap si Miss.
"Hindi ka pa ba uuwi? Eya?" sabi ni Aeious.
"Kakausapin ko lang saglit si Miss. Mauna ka na" mahinahon kong sabi.
Buti nalang at nacontrol ko ang boses ko sa oras na ito.
Lumabas naman si Aeious habang nakangiti. Tumingin naman ako kay Miss Apie pagkalabas ni Aeious.
"Miss.." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Wag ka ng magthank you sa akin. Masaya naman ako sa naging usapan natin. Maging masaya ka sana Queen Eya. Maaari ka ng lumandi sa Friday" masaya niyang saad.
"thank you.." sabi ko sa kanya at tumayo na saka umalis.
Minsan lang gumaan ang loob ko sa kanya. Minsan lang din lumabas ang mga ngiti niya.
Ito na ata ang sinasabi ng mga ibang studyante na siya ang pinakamabait na guro.
Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Aeious. Nahihiya ako sa kanya kaya itinungo ko ang ulo ko.
"Hoy Eya! Ano yon? Hahaha" natatawa niyang sabi.
"wala yon!" nahihiyang sabi ko.
"Hahahahahha" tawa siya ng tawa.
"Parang joke lang sayo lahat ng yon" pataray kong sabi.
Yes Eya! Bumalik ka na sa dati!
"I am not joking. I like you"