*cough* *cough* *cough*
"Eya!"
Agad lumapit sa akin si Aeyra at tinapik tapik ang likod ko.
Si Aeious naman ay walang gaanong pakielam. Dumeretso lang siya sa upuan at kumuha na ng pagkain niya.
Tsk! Kapatid nya raw ako pero mas may pake sa pagkain!
Tumigil na ang pag ubo ko ngunit ang lalamunan ko ay masakit pa rin. Tubig na nga lang yon, makakanakit pa.
"Ayos ka na?" tanong ni Aeyra.
"Oo, salamat" nahihiyang sabi ko habang nakangiti.
Grabe! Hindi pa ako nakakaisang gabi rito ay ang dami na ng ginawa si Aeyra para sa akin. Nahihiya na ako.
"Kain na tayo!" yaya naman ni Aeyra.
Kumuha na ako ng niluto ni Aeyra. Ito ay sinigang ata? Sa amoy pa lang ay alam ko ng maasim ito.
Sumubo naman ako at agad na ngumibit. Grabe!
"Aeyra! Grabe ang asim! Ang sarap!" masayang sabi ko kahit na bakas pa rin ang pag ka ngibit ko sa mukha. Sumubo na ulit ako ng isa dahil sa sobrang sarap.
"Syempre, Si Aeious nagluto nan"
Bigla akong nabulunan. *cough*
Agad akong inabutan ng tubig ni Aeyra. Shemay! Nahihiya na talaga ako!
"sorry, nabigla lang" sabi ko naman noong ayos na ako.
"Sadya ka naman talagang mabibigla. Hindi naman mukhang chef to eh" pang asar na sabi ni Aeyra.
"Alam mo Ae, kung aasarin mo lang ako ay huwag ka ng kumain" malamig na tugon ni Aeious.
Naurungan ako ng dila. Nakakahiyang magsalita. Parang kasalan ko ito eh.
"Sorry Aeious! Masarap naman luto mo" sabi ko. Nagbabaka sakaling gumaan ang aura.
"Edi kung masarap, kainin mo" malamig na ulit niyang tugon.
Anong meron? May toyo ba toh?!
Naiinis ako sa pakikitungo ni Aeious kaya mabilis kong inubos ang pagkain at umakyat na sa kwarto ni Aeyra.
Hindi ko na sila pinansin. Laking hiya nanaman ang naramdaman ko ngunit hindi ko ito inintindi. Naiinis talaga ako kay Aeious. Napakalamig ng tugon niya. Dahil ba nakita niya ako?! Argh! Kung ganon ay uuwi nalang ako.
Humiga ako sa kama ni Aeyra. Tumingin ako sa ceiling. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko ngunit lahat ng ito ay lalo lamang magpapainis sa akin kaya pinipilit ko nalang ang sarili kong matulog.
Gusto ko ng magkinabukasan at makauwi. Ayos lang naman ako rito ngunit ang presensya nilang dalawa, lalo na ni Aeious. Hindi ko makaya. Bakit parang nagbago rin sila?
Bakit si Aeious, ang tahimik ngunit nakakapagtaray at bara? Si Aeyra naman, nakakapang asar na. Ganito ba talaga sila?!
Medyo matagal tagal na pag iisip ang ginawa ko. Napagpasyahan ko munang magbaba at magsorry. Hindi ko alam kung bakit ako mag sosorry ngunit gagawin ko pa rin.
Pagkarating ko sa baba, nakita ko silang dalawa na nanonood ng TV. Lumapit ako rito at hinarangan naman ang TV.
Medyo nairita si Aeious sa ginawa ko. Si Aeyra naman ay parang alam na ang gagawin ko kaya nakatingin lang siya sa akin.
"Aeious, I'm sorry" sabi ko at umurong nanaman ang dila ko.
"why?" tanong nito.
"Kase I made you feel so uncomfortable?"
Nawala naman ang pagkairita niya at hinila ako sa tabi niya.
"Alam mo! Ikaw Eya. Nakakapagstraight english ka naman pala pinapahirapan mo pa ako" natatawa nitong sabi habang ginugulo ang buhok ko.
"ako? Nagenglish?"
"Oo loka! Nag english ka" singit ni Aeyra.
"Kailangan pala dapat na magsorry ka at medyo mainis para lang magstraight ang english mo" natawang sabi ni Aeious, wala pa ring tigil ang pag gulo sa buhok ko.
"Aeious! Tama na yung pang gugulo mo sa buhok ko! First of all hindi ako aso. Second of all, mahirap itong suklayin dahil sa kakaganyan mo!" pagtataray ko.
"Great Job Eya! Biglang balik ang katarayan eh noh?" pang asar ni Aeyra.
Nginitian ko na lang siya. Noong tumigil na si Aeious sa panggugulo ng buhok ko. Tumayo na ako.
"Oh san ka pupunta?" tanong ni Aeyra.
"Maghihimpil? Nahihiya ako sa inyo eh"
"nako! Ikaw ay umupo nalang diyan. Ako na ang maghihimpil." pagpigil ni Aeyra.
Tumayo ito at dumeretso na sa kusina. Ako naman ay umupo na. Wala naman akong choice.
Pagkaupo ko ay ginulo nanaman ni Aeious ang buhok ko. Wala talagang katigilan. Ngunit hindi naman din ito nagtagal. Tumigil na siya at naramdaman ko naman na ang kamay niya ay nasa balikat ko na.
Napatingin ako sa kanya ng masama. Nagulat naman siya sa akin.
"Ano?" sabi naman niya.
"kamay mo"
"Eh ano?"
"Nasa balikat ko"
"Ahh. For your information binibini. May inaabot po ako. Sadyang napagod lang ang kamay ko kaya siguro pumatong sa balikat mo"
"dami mong sinasabi. Aminin mo nalang na gusto mo ako"
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas upang sabihin iyon. Ang puso ko naman ay nangarera.
"ikaw gusto ko Eya?" napakamot siya sa ulo.
"Galing mo talaga!" sabi nito at tumayo na.
T-tunay n-na b-ba i-ito??
"Goodnight Eya! Tutulog na ako" saad niya. Bigla nya naman akong binigyan ng flying kiss at kindatan.
Aaahhhh!! Yung buong sistema ko! Nagkakawala nanaman!!!
Naiwan akong tulala. Shemay! Panaginip ba toh? Panaginip ba toh?
Pinagsasasampal ko ang sarili ko. Baka panaginip lang ito ngunit hindi. Totoo ito. Totoong gusto niya ako. Totoong nagflying kiss siya at kumindat!!
Hindi ako mapakali. Parang gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala! Aaaahhhh!!
"hoy! Anyare sayo?"
"Ay tange! Ha? Ansabe mo Aeyra?"
"ang sabi ko. Anyare sayo?" ulit niya.
"Ahh wala." pagpapalusot ko.
"Di ka pa tutulog?" tanong niya at umiling ako.
"hindi pa. Sige akyat ka na" sabi ko naman.
Dumeretso na siya sa taas. Ako naman ay mag isa nalang dito sa baba at nagwawala.
Tumayo ako at nagpaikot ikot. Ang saya saya! Hindi ako makatulog!
Bigla naman akong natigilan noong may narinig ako sa pintuan. Lumapit ako rito. Bubuksan ko sana ng biglang may humila sa akin.
"Aeious?"
Bigla niyang hinawakan ang ulo ko. Hinalikan niya ang noo ko.
"kanina ko pa itong gustong gawin eh" saad niya.
Napangiti naman ako. Namumula pa nga ata ang mga pisngi ko.
Bigla niya naman akong nilapit lalo sa katawan niya.
"A-aeious?"