"I'm not joking, I like you"
Ha? Ano daw?? Tama ba ang pandinig ko? G-Gusto nya nga raw ako?!
Hindi ko alam ngunit nahihirapan akong huminga. Ang pisngi ko ay umiinit at mukhang namumula. Ang mga mata ko ay kumikinang na animo'y nakakita ng isang napakagandang bagay. Ang puso ko ay biglang tumalon at nagsisisigaw. Bigla namang umurong ang aking dila. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa.
Sa simpleng I like you ay nagkakagulo ang buong sistema ko! Napakalakas ng Epekto mo sa akin Aeious!!
"T-tunay?" nauutal na saad ko.
"Joke lang! Nagprapractice lang ako hahahhaha" natatawang sabi niya.
Yung kaninang nagtatatalon sa saya ay nanahimik bigla. Napanganga nalang ako sa sinabi niya. H-hindi y-yun t-tunay?
Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo. Gusto ko siyang hampasin. Ang sakit sakit ng sinabi niya.
Bakit kung ano pa yung nagpapasaya ay siya rin ang nagpapalungkot?
"Hoy! Eya! Hoy!"
Mapang asar nga pala si Aeious bakit pa ako maniniwala?
"oh" mahinahon kong sabi habang nagpipigil ng luha.
"Joke lang yon! Lahat yon! Pero ang totoo. Promise totoo na ito!" sabi niya.
Sinusubukan pa niyang itaas ang ulo ko na ngayon ay nakatungo.
Nagtatatalon siya. Nagtunog hayop pa siya. Nagsayaw pa siya. Pinipilit niya akong mapatawa ngunit hindi ko naman magawa.
Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.
Mali mali ang nararamdaman ko
Tumahimik ang paligid. Narinig ko nalang siya na tumig-im.
"Eya" sabi niya gamit sa malamig na nakakakilabot na boses.
"Mahal kita" mahinahon ngunit may diin.
"hindi na ito joke" dugtong niya.
Dahan dahan ko namang itinaas ang ulo ko. Nakita ko ang mga mata niya. Ang mukha niyang seryoso. Napakagwapo niya talaga kahit seryoso.
Ngumiti ako sa kanya habang pinupunasan ang aking luha.
Napangiti lamang din siya sa akin.
"Eya, mahal kita. Alam mong mahal kita bilang kapatid ko. Paalam na! Mauuna na ako. Mag Ingat ka." sabi niya at umalis na.
Kapatid?! Imbes na bestfriend, kapatid pa! Mas masakit yun ah!
Hindi ko inalis ang ngiti ko kahit nakaalis na siya. Masakit man na kapatid ang turing sa akin, atleast parte pa rin ako ng buhay niya at mahal niya ako.
Tumayo na akong tuwid at naglakad na papuntang gate.
Maghihintay pa ako ng jeep o di kaya ay maglakad na ako papuntang tricyclan upang makauwi.
Nakakainis! Hindi pa ako sinabay noong paasang Aeious na iyon! Teka– ako lang ata ang nag umasa! Arghhhh! Eya! Remember that Queens Never Assume
Nagdadabog na ako dahil sa iniisip ko. Lalo akong nainis noong wala man lang jeep ang dumaan sa harap ng school.
Grrrrrrrrrr
Nagpasya na lang ako na pumunta sa may tricyclan. Medyo malayo ito ngunit walking distance lang naman.
Dumeretso ako roon nang madatnan ko na nag iisa na ang tricycle. Thank God!
Sumakay na ako rito, hindi na naghintay ang driver ng iba pang pasahero at nagmaneho na siya.
"Kuya! Soledad Subdivision po!" sigaw ko.
Wala siyang reaction. Siguro dahil napakalakas ng tunog ng motor niya. Nakakabingi! Lalo na kapag nasa bako bako ang daan.
Dumaan ang ilang minuto at nakarating na kami sa gate ng Subdivision. Kumuha naman ako sa wallet ko ng pera upang magbayad.
"Bata, huwag ka ng magbayad. Bumaba ka na lang" sabi ni manong trycicle driver.
Bumaba naman ako ng trycicle nya at wala pang ilang segundo ang pagbaba ko. Nakaalis na agad siya.
"Kuya salamat!" sigaw ko naman kahit hindi ko na ito nakita.
Nagpasalamat pa rin ako kahit gulong gulo ako kay manong.
Dumeretso na ako sa may gwardiya upang makapasok. Pinagbuksan naman niya ako ka agad.
Pagkapasok ko ay napatingin naman ako sa sign. Shemay!
"Bakit ako ibinaba dito sa Luciana Subdivision?!" naiinis na mahinang sigaw ko.
Kayna Aeyrang Subdivision toh! Yung akin sa kabila pa! Manong bumalik ka dito pleaseeee!!
Naglakad ako pabalik sa gwardiya. Nakakapagtaka at pinapasok niya ako rito ng walang tanong tanong.
"Kuya? Pwede ho bang pagbuksan niyo ako?" magalang kong sabi ngunit hindi niya ako pinansin.
Kuya?! Hello! Tama na kaka ML mo dyan? Palabasin mo na ako! Hindi ito ang subdivision koo!!!
"kuya please!" pagmamakaawa ko. Halos lumuhod na ako sa kanya.
"Eya?" sabi ng isang boses sa likod ko.
Dahan dahan naman akong tumalikod ng makita ko si Aeyra.
"Aeyra!" sabi ko habang tumakbo papalapit sa kanya.
Nakapangbahay na siya at ako naman ay naka uniform pa.
"ano ang ginagawa mo dito?" tanong naman niya.
"long story. Basta ayaw ako palabasin ni Guard" malungkot kong tugon.
"Hay! Snobber talaga yang guard na yan." sabi niya habang umiirap.
"teka? Bakit ka nga pala pumunta dito?" tanong ko.
"May nakapagsabi sa akin na nandito ang Queen kaya pumunta ako" nakangiti naman niyang sabi.
"ah ok" maikli kong sagot.
"Oy Eya! Magdidilim na. Huwag ka na munang umuwi sa bahay mo. Atsaka baka mainis ka dyan kay Guard. Snobero yan" naiiritang sabi ni Aeyra.
Nagsimula na siyang maglakad. Sumunod na lang din ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tahimik pa kaming naglalakad.
"hoy babae! Saan mo ko dadalhin?" pagbasag ko sa katahimikan.
"obvious ba Queen? Syempre sa bahay namin. Alam mo? matalino ka naman pero minsan talaga lutang ka" saad nito.
Hindi ko magawang mainis. Natawa pa nga ako. Nakakatawang isipin na sa bahay nila ako tutulog ngayon habang nakauniform ako.
No bihis bihis today!
Pagkarating namin sa bahay ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
Dumeretso naman kami sa kwarto niya at pinaheram niya ako ng damit.
Akala ko talaga nakauniform lang ako pagtulog. Hahahahha
Pagkatapos ko naman magbihis ay bumaba na ako sa kusina nila dahil sabi ni Aeyra ay kakain na raw.
Nakaramdam ako ng hiya sa kaniya. Humeram ako ng damit tapos dagdag pakainin pa ako.
Dagdag hugasin pa!
Napahampas nalang ako sa ulo ko dahil sa naiisip.
Naghain si Aeyra ng simpleng pagkain lamang. Kahit na sila ay medyo mayaman. Hindi sila laging nakain ng sosyal o kung tawagin ay Fancy Foods.
Nagsandok na ako ng kain ng biglang sumigaw si Aeyra.
"Ae! Kakain na!"
"Oo bababa na!" sigaw naman ni Aeious pabalik.
Kinabahan nanaman ako. Naalala ko ang sinabi niya kanina. Shemay! Hindi pa ako handang makita siya!
Rinig ko ang tunog ng tsinelas ni Aeious na pababa ng hagdan. Hindi ko mapigilang tumingin.
Habang pababa siya ay sinusuot niya ang pangtaas niya. Kitang kita ang katawan niya. Wala man itong abs ngunit wala rin itong taba.
Bakit ang ganda tingnan?!
Napainom naman ako bigla ng tubig, nakakauhaw naman kasi tingnan.
*cough* *cough* *cough*