Chereads / My One Day boyfriend / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nasa loob ako ng clinic.

Bumuntong hininga ako.

Buti nalang at ayos na ako

Tingin ako ng tingin sa paligid. Inaasahan na may mga taong bubungad sa akin sa pag gising ko ngunit kahit bestfriend ko ay wala.

Tumayo ako at bumuntong hininga ulit. Nagpaikot ikot ako sa clinic, hinihintay ko yung nurse ngunit kahit anong hintay ko wala pa rin at nahilo lang ako.

Nagpasya nalang ako na lumabas ng clinic. Pagkalabas ko naman ay walang tao. Ang tahimik dito.

Bigla akong nanlamig. Ahhh nakakakilabot!!!

Kahit ayokong tumuloy sa pag lalakad, naglakad lakad pa rin ako. Sa kakalakad ko ay narating ko ang pinakagitna ng school. Wala ritong tao.

Naglakad ako papuntang mga locker at sa mga classroom. Nakahinga naman ako nang maluwag.

May klase nga pala hehe

Kumatok ako sa aming classroom. Kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.

"Yes?" sabi ni Miss.

"Babalik na po ako sa upuan ko" wala sa sariling sagot ko.

"Ikaw yung Queen? right?" tanong nito.

"Opo, maaari na po ba akong makapasok?" tanong ko rito at medyo nairita siya.

"Queen Eya? Right. Uhm- this is the college department" sabi nito.

"ah? Uhmm- hehe sorry po" saad ko at agad na umalis.

Kagat dila akong namula. NAKAKAHIYAA!!!

Naglakad lakad na ulit ako. Ngayon alam ko na kung saan ako nararapat na pumunta.

Pagkarating ko sa Highschool department. Huminga ako nang malalim. Thank God I nandito na ako!

Sa paglakad ko papuntang classroom ay biglang may tumawag sa akin. Nilingon ko naman ito ka agad.

"Eya! Pumunta ka rito sa Faculty room" sabi ni Miss Apie at naglakad siya papasok doon.

Pagkapasok ko ay kinabahan ulit ako. Hindi na ba titigil ito sa pagbilis?

"Ano po yun Miss Apie?" mahinahon kong sabi.

"I am giving you a chance na sagutan ang exam" sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ngayon lamang siya naging mabait sa akin.

"thank you po" nakangiti kong sabi.

"but" dugtong niya na nagpatanggal sa ngiti ko.

"Kapag naiperfect mo iyan ay pagbibigyan kita sa gusto mo" mariin niyang sabi.

Ano daw?

"ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Kapag naperfect mo iyan, hahayaan kitang lumandi" paliwanag niya.

"Lumandi?"

"Oo, hahayaan kitang lumandi pero isang araw lang. Kayong dalawa nung Section A na iyon, magiging kayo." sabi ulit niya.

Napangiti ako nang may halong pait. Medyo naguguluhan pa rin ako.

"pero" dugtong niya.

Napairap ako nang patago. Ano nanaman?

"Walang kahit sino ang pwedeng makaalam nito. Ikaw lamang" sabi niya habang tinuturo ako.

"ok po" *lunok*

"Sige! Magsagot ka na doon sa may bintana. Babantayan kita ha!" pagbalik niya sa dati.

Sinunod ko naman siya. Umupo ako doon sa sinabi niyang katabi ng bintana. Pagtingin ko sa test paper ay lumaglag ata ang aking panga.

"Grabe! Ang hirap naman nito" bulong ko sa sarili sabay kamot ng ulo.

Sinagutan ko muna ang sa tingin ko ay madali. Saka naman sinagutan ang mahihirap.

Nananakit ang ulo ko ditoo!!!

Lumipas siguro nang ilang oras saka ko natapos iyon.

"Tinagalan, gustong gusto talagang lumandi eh noh?" sabi ni Miss Apie.

Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang test paper. Napangiwi naman siya.

"you can go back to your room"

Sabi nito.

Lumabas na ako sa faculty room. Naglakad lakad ako papuntang classroom pero walang tao.

Lumakad ako papuntang cafeteria nang bigla kong nakasalubong si Aeyra.

"Hoy! Saan ka galing? Pinag alala mo kami" gulat na sabi ni Aeyra.

"CR lang"

"Lintek ka! Nasa cr ka lang pala halos 30 minutes ka naming hinanap nandoon ka lang pala" kwento naman nya.

Gustong gusto kong sabihin sayo Aeyra. Kung pwede lang.

"Teka? Sabi nung nurse wala ka raw pagdating niya. Tapos 2 hours ka din niyang hinahanap eh" dugtong ni Aeyra.

Shit! Anong gagawin ko?

"Ahh ano kase" sabi ko.

Hinila ko siya. Alam kong mali pero gustong gusto ko itong sabihin na agad sa kanya.

"Ano Eya? Bakit mo ko hinila?" nagtataka niyang tanong.

"Ganito kasi– teka, promise mo na hindi mo ito ipagsasabi" saad ko.

"Oo, I promise. Ano ba kasi yon?" sagot niya.

"Si Miss Apie, pinagtest nya ako kanina" paliwanag ko.

"oh bakit kailangan pa iyon ng promise?!" nagmamadali niyang tanong.

"teka lang kasi, di pa ako tapos" sabi ko rito.

Bumuntong hininga naman siya at ngumiti.

"tuloy mo" sabi nito.

"Kapag na perfect ko raw ay papayagan ako ni Miss Apie na maging boyfriend si Aeious" paliwanag ko.

"Kailangan ba talaga ng pahintulot ni Miss?" pagtataray niya.

"Malamang, siya diba ang pinakahead ng mga teachers. Siya din yung nag lagay ng rule na NO PDA. " paliwanag ko sa kanya habang nakangiti.

"Oh baka naman naghanap ka lang ng paraan upang makaamin doon sa kapatid ko at mabigyan ka ng chance" nginisian niya ako.

Lumunok muna ako bago magsalita.

"pwede na" nahihiyang sabi ko.

"Sabi na nga ba! Idinaan ang kalandian sa teacher. Nako nako Queen Eya" sabi niya habang umiiling.

"Hayaan mo na! Minsan lang" natatawang sabi ko.

"Eh bat parang ang tagal mong nag exam?" tanong niya at napanguso ako.

"syempre, ginalingan ko" proud na proud na sabi ko.

"Ginalingan? baka nahirapan!" sumabat nito.

"Ginalingan ko kaya. Lahat ng nakasulat doon ay pinagisipan ko ng mabuti. Sinigurado kong perfect yon" sabi ko.

"Perfect? Pano yung sagot, perfect din kaya?" sumbat naman nito.

"Alam mo nakakainis ka na din"

naiiritang sabi ko.

"Bakit mo pa kasi kailangan idaan dito yan? Pwede namang umamin ka na agad sa kanya." pagpilit niya sa akin.

"Oo pwede nga yon pero kilala mo naman ako. Torpe na nga marupok pa" pag amin ko.

"Sige na! Oo na hahaha. Tama na ang usapang kalandian. Tayo ay bumalik na sa classroom baka malate pa" sabi ni Aeyra.

Naglakad kami ng sabay papuntang classroom. Pagkarating namin doon ay umupo na agad kami sa upuan namin.

Si Miss Apie nanaman ang guro namin. Ngayon ay Science naman ang itinuturo niya. Wala pa siyang test ngayon dahil second day pa ng exam ang subject niya.

Medyo matagal tagal ang turo niya at hindi niya ako gaanong pinapansin. Naging magaan na rin nang kaunti ang pakiramdam ko sa kanya.

Natapos ang klase namin nang hindi ko ito namamalayan. Masyado ata akong natuwa sa pagtuturo ni Miss Apie.

Papalabas na ako ng classroom nang bigla niya akong tinawag. Kinabahan nanaman ako.

Sa tingin ko ay alam ko na ang pag uusapan namin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan. Hinintay muna naming makalabas lahat ng kaklase ko bago siya magsalita.

"Eya" bungad nito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Animo'y hinahabol ng kabayo.

Todo lunok ako at buntong hininga.

AYOKO NA PO!! NAKAKAPANGHINA ANG TITIG NIYA!!!

"po?" tanong ko.

Huminga muna siya bago ako tingnan nang deretso sa mata.

Saka naman siya ngumiti.

"Perfect ka sa test"