Chereads / My One Day boyfriend / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Queen Eya's POV

Panibagong araw nanaman sa paaralang ito. Walang tigil na tingin at sulyap sa akin ng mga tao. Naglalakad lamang ako sa corridor at nag-iisip.

Kailangan kong ipasa ang test ngayong araw kung hindi ipapahiya nanaman ako ng teacher na iyon at baka mapagalitan ako ni Aeious.

"hey! Don't cram. Magiging proud sayo si Ae" sabi ni Aeyra.

"Cram? Ano yun?" nagtatakang tanong ko.

"Basta wag kang mag-isip, kapag bumagsak ka baka magalit iyon" paliwanag nito.

Iniisip ko palang ang maaaring reaction ni Aeious ay naiinis ako sa sarili ko.

Bakit kasi ang talino niya? Kailangan ko pa ba siya pantayan para magustuhan niya ako?!

"Hoy Eya! Anong ginagawa mo? Bakit ka parang manununtok diyan?"

bumalik ako sa katotohanan at namula sa hiya kay Aeyra. Ano nga ba kasi ang ginagawa ko?

"hah? ako manununtok? Hindi kaya" pagdeny ko.

"Tandaan mo Eya! You are the Queen of National University and you should be a role model."

sabi niya at napatango ako.

"Do you still remember the rule?

The Queen-"

"The Queen never hurt and look angry, yeah yeah tanda ko" walang ganang sabi ko.

"So ngayon huwag mo nalang isipin si Aeious kasi dapat yung test ang iniisip mo, gets?" sabi niya.

Pagpasok namin sa classroom ay agad kong kinuha ang libro ko upang mag-aral. Isang test lamang kay Miss Apie. The worst teacher in all of the teacher in thiss school!

Habang nagbabasa, hindi ko mapigilang sumulyap sa kabilang room. Wala namang ka espe-espesyal doon ngunit ang ulo ko na mismo ang gustong tumingin.

Habang dumaraan ang mga senior high school at paunti sila ng paunti. Unti unti ko namang nakikita ang kabilang room.

Mayroon na itong tao at nagtetest na rin sila.

Kailan pa nagkatao rito? At sino ang mga ito?

Lumingon ako sa likod ko. Tinapik ko ang kamay ni Aeyra.

"Pst Aeyra? Bakit may tao roon sa kabilang room?" tanong ko sa kanya.

"Section A siguro iyon. Hindi ko alam kung bakit nandyan sila, tanong mo nalang kay Aeious" mahinahon niyang sagot.

Pilit akong ngumiti at humarap na ulit sa una. Ang mukha ko ay namumula sa inis.

Aasarin nya na ako lalo araw araw. Makikita niya na mga ginagawa ko sa classroom! No way hindi ito pwede.

Sinubsob ko ang mukha ko sa libro. Para akong batang nagmumukmok. Naiinis at nang gigigil.

Huminga ako ng malalim at itinunghay ang ulo ko. Napatingin nanaman ako sa kabilang section.

Stop Eya! Stop!

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na tumingin sa classroom na iyon ngunit mata ko na mismo ang gustong sumulyap doon.

Nakatingin ako ng deretso sa katapat ko. May nakaupo roon na isang lalaki. Ang pogi niya kahit nakatalikod lamang.

Kailan pa nagkaroon si Aeious ng kaklaseng pogi?!

Napatitig ako rito. Siya na kaya ang papalit kay Aeious sa puso ko?

Nakangiti akong nakatitig dito nang dahan dahan itong humarap. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking akala ko ay ipapalit ko kay Aeious. HINDI MAAARI!!!

Kunot noo ko siyang tiningnan.

Ngiti naman ang ginanti niya.

Ramdam ko naman ang pisngi ko na mag init at mamula.

Umirap nalang ako upang hindi mahalata na kinikilig ako.

Bumuntong hininga ako. Tiningnan ko ulit si Aeious na nasa unahan ko. Mayroon siyang tinuturo. Hindi ko alam kung ano iyon. Medyo naguguluhan ako.

Binuka ko ang bibig ko at nagsalita.

"Ha? Ano?" medyo napalakas na sabi ko.

Tumuturo pa rin siya kaya inulit ko ang sinabi ko ngunit pagkatapos non ay hindi na ulit siya tumuro. Nakakainisss!!

"ehem?"

Napalingon naman ako. Laking gulat ko nang makita ko kung kanino galing ang boses na iyon.

Namula ako sa kahihiyan.

"Eya?! Mag eexam ka ba o lalandi?" mariin nitong sabi.

"Miss! That's the Queen, bigyan nyo ng respeto" singit naman ni Aeyra.

Tiningnan ko siya at binigyan ng

hayaan-mo-nalang look.

"Ako dapat ang nirerespeto rito at hindi siya!" sabi niya sa nakakatakot na tono.

"Miss Apie, mag-eexam po" mahinahon kong sabi.

Pasalamat ka Miss Apie wala ako sa mood makipagtalo sayo.

"mabuti at naisipan mong mag exam dahil ibabagsak na agad kita" sabi nito at tinalikuran ako.

"No need to answer Eya, You already got your score" mataray nitong sabi habang nakatalikod.

Naglakad na siya pabalik sa desk niya. Ako naman ay napasubsob sa libro ko.

Hindi ko namalayan na siya pala ang tinuturo ni Aeious kanina.

Hindi ko alam na nag eexam na pala sila. Napakabobo mo Eya!

Nagmukmok ako. Wala na akong gana sa lahat. Bagsak na ako sa periodical test. Wala na akong pag asa kay Aeious.

Matagal din akong nakaubob sa libro ko nang biglang may tumapik sa akin.

"Queen, halika na" sabi nito at itinunghay ko ang ulo.

Si Aeyra iyon na may halong lungkot ang mga mata.

Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Nanlalambot ang katawan ko.

Naglakad kami palabas ni Aeyra nang kami ay sinalubong ni Aeious. Lalo akong nanlumo.

"Kamusta ang test niyo Aeyra?" tanong nito kay Aeyra na may halong excitement.

"Ayos lang naman Ae. 30/40 ang score ko" sagot naman ni Aeyra.

Tumingin naman sa akin si Aeious. Alam ko ang tatanungin niya at nanghihina ako habang iniisip ito.

"Eya? Ayos ka lang ba?" tanong na ikinagulat ko.

Hindi niya pwedeng malaman na ganito ako dahil bagsak ako!!

"Ok lang naman siya Ae." pagsalo ni Aeyra sa tanong.

"Ah Ok" ngumiti naman ito sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

"Kamusta naman ang test mo?" tanong ni Aeious.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaba ang bumalot sa dibdib ko. Lalo akong nanghihina noong tinanong niya iyon.

"Ah- yung score ko? Ah hehe- ano kasi" nauutal na sabi ko.

Tiningnan niya ako na para bang nag aalala siya. Ayokong magmukhang luka sa pagsagot ng tanong niya.

"Ano kasi- yung sc-score ko ay ano? Haha" napakamot ako sa ulo ko.

"Ayos ka lang ba talaga Eya? Bakit di mo masabi yung score mo?" nagtatakang tanong ni Aeious.

"Ah ano kasi" Aeyra please sambutin mo yung tanong!

"Bagsak ka ba?" tanong nito sa akin.

Mabilis, napakabilis nang tibok ng puso ko.

"Ah Ae? Recess na muna tayo" sabi ni Aeyra.

Nanlalambot ang tuhod ko. Nahihilo ako. Nandidilim ang paningin ko.

Ano ang nangyayari sa akin?

Dahan dahan akong bumagsak sa sahig. Tuluyan nang nandilim ang paningin ko. Unti unti akong nawalan ng malay.