I glanced at my wall clock and it's already 7:35 AM. 8AM ay kailangan nasa convenience store na kami. Nag text na ako kay Andrei kanina pero hindi naman siya nag reply.
Nasan na kaya siya?
To: Gabi 🌛
Malapit na mag 8. San kana?
To: Gabi 🌛
Mauuna nalang ako pumasok.
Pagka send ko nun ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Nag tricycle nalang ako para mabilis ako makarating sa convenience store.
Pagkarating ko doon ay may babae sa counter. Naka uniform din siya tulad ko.
"Good morning!" Bati niya nang makalapit ako sa counter.
Nginitian ko siya at bumati rin. "Good morning."
"Ikaw ba si Katie?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Ako nga pala si Mich, bago lang ako dito. Kakaalis nga lang pala ni Ma'am Alexis." Sabi niya habang nakangiti.
Nag hire pala ulit si Tita Alexis ng bago. Wait! Galing dito si Tita Alexis? Hindi kaya kasama niya si Andrei?
Nilingon ko si Mich. "Mich, nung nag punta dito si Ma'am Alexis may kasama ba siyang lalaki? Dito rin nag tatrabaho 'yon." Tanong ko.
"Wala eh. Ang nandito lang kanina ay si Ben. Halos sabay lang sila ni Ma'am Alexis na umalis." Sagot niya. Tinignan ko ang cellphone ko pero wala pa ring reply si Andrei.
Papasok kaya siya?
Dumadami na ang mga tao kaya hindi na kami masyadong nakapag-usap ni Mich.
***
Kinabukasan ay hindi pa rin nag reply si Andrei. Hindi ko rin siya nakikitang lumalabas ng bahay.
Mag-isa ulit akong pumasok at si Mich ulit ang kasama ko sa counter. Saka ko lang naisip na baka pang gabi na si Andrei.
To: Gabi 🌛
Hi. Nag palipat ka ba sa pang gabi?
Sana mag reply siya. Ngunit nabigo ako nang ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin siyang reply.
Alas sais na at nandito na ako sa bahay. Panay ang tingin ko sa phone ko habang kumakain.
Agad kong binuksan ang phone ko nang tumunog ito.
From: Gabi 🌛
Hi! Kakaalis ko lang sa tapat ng bahay mo.
Nagulat ako sa nabasa ko at tumakbo ako palabas ng bahay. Tinignan ko ang paligid para hanapin si Andrei pero wala na siya.
Akala ko ba kakaalis niya lang? Ang bilis naman niyang nawala?
Papasok na sana ulit ako nang mahagip ng mata ko yung bike na pinapagamit sakin ni Andrei. Tumunog ang phone ko at nakitang may text si Andrei.
From: Gabi 🌛
Kita tayo bukas doon sa cliff. 10 AM.
10 AM? Paano naman yung pasok namin?
Tsk! Bahala na nga. Gusto kong maka usap si Andrei at may mga itatanong ako sa kaniya.
To: Gabi 🌛
Okay.
***
9AM nang mag text si Andrei na mauna na daw akong pumunta doon sa cliff.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag-ayos ng mga gamit.
9:30 na nang umalis ako sa bahay. Sana pala kinuha ko yung number ni Mich para nasabihan ko siya na hindi ako makakapasok ngayon.
Nang makarating ako sa cliff ay nag latag ako nang sapin. Sumilong ako sa isang malaking puno para hindi masyadong mainit.
To: Gabi 🌛
Nandito na ako. San kana?
Tumunog agad ang phone ko. Buti naman at mabilis siyang mag reply ngayon.
From: Gabi 🌛
Hindi ka na malulungkot, malapit nako baby, papunta nako~
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang reply niya. Natawa nalang ako nang ma-realize na kanta pala 'yon. Imbis na 'pauwi nako' pinalitan niya ng 'papunta nako.'
Baliw talaga!
Ilang minuto lang ay nakarinig na ako ng ingay. Parang may umaakyat. Lumingon ako at nakita ko si Andrei na naka hoodie at paakyat na.
"Anong trip mo? Ang init-init tapos naka hoodie ka!" Sabi ko sa kaniya nang makalapit siya sakin. Inilapag niya ang mga dala niya sa tabi namin.
"Ang ganda kaya ng hoodie ko. Alam mo bang dalawang araw kong hinanap sa mall 'to?" Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Sa dalawang araw na wala ka, 'yan lang ang ginawa mo? Hindi ka manlang nag rereply sa text ko."
Ngumisi pa siya. "Namiss mo ako?" Tanong niya. "Ayos! Ang galing ko talaga magpa miss." Masayang sabi niya. Inirapan ko nalang siya.
"Tanggalin mo nga muna yang jacket mo. Ang init-init." Sabi ko sa kaniya. Hinubad niya naman ito at kumuha ng mga pagkain.
Kinuha niya yung isang box ng donut na dala niya at inabutan ako ng isa. Napansin ko ang mga pasa sa kamay at braso niya kaya hinawakan ko ito at tinignan ng mabuti.
"Nakuha mo ba ang mga 'to nung sumugod si tito?" Tanong ko sa kaniya.
"Siguro. Hayaan mo na. Mawawala din yan." Sabi niya at isinubo yung donut na hawak niya. Binitawan ko na ang kamay ni at kumain na rin.
"Bakit hindi ka nag rereply sa mga texts ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Naubusan ako ng load eh. Hehe." Napailing nalang ako sa sagot niya.
"May bago nga pala tayong ka-trabaho. Si Mich." Sabi ko sa kaniya.
"Ah oo. Sinabi nga sakin ni tita."
"Siguro naman papasok ka na bukas diba? Para makilala mo na rin siya." Tinignan ko siya at saglit siyang natigilan.
"Katie, baka kasi hindi pa ako makapasok bukas eh." Malungkot na sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"May pinapaasikaso kasi sakin si tita eh." Sagot niya.
"Hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik."
What?! Ibig sabihin ay matagal siyang mawawala?
Hinila niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang yakap niya.
"Mamimiss mo ba ako?" Bulong niya. Tumango naman ako.
"Don't worry, babalik din ako agad pag ayos na lahat yung pinapaasikaso sakin ni tita. Mamimiss din kita." Sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.
"Siguraduhin mo yan ah." Natatawang bulong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pag tango niya.
Niyakap ko na rin siya at ngumiti.
---